![]() |
||
|
The B.T.R.C. Psalter
Bersipikasyon ng mga Salmo ng Biblia sa wikang Tagalog na inaawit sa pagsamba ng Bastion of Truth Reformed Churches in the Philippines
Salmo 1A – Ang Kaligayahan ng Hinirang Salmo 1B – Ang Matuwid at Masama |
||
|
Salmo 8 – Kaluwalhatian ng Diyos sa Kanyang Gawa Salmo 22 – Ang Tagumpay ng Ebanghelyo Salmo 24 – Ang Matagumpay na Pag-akyat ni Cristo sa Langit Salmo 25 – Panalangin Upang Mapatnubayan at Maingtan Salmo 43 – Pag-asa at Pagtitiwala Salmo 46 – Ang Panginoon ng mga Hukbo Salmo 48 – Papuri at Pagtitiwala Salmo 62 – Diyos, Ating Kalakasan Salmo 67 – Masiglang Papuri ng Iglesya Salmo 68A – Panalangin at Papuri Salmo 68B – Pagpapala ng Pag-akyat sa Langit ni Cristo Salmo 72A – Si Cristong Naghahari Salmo 73 – Diyos, Ating Tanging Kabutihan Salmo 81 – Panawagan sa Masiglang Pagsamba Salmo 87 – Ang Iglesyang Laganap Salmo 99 – Ang Kabanalan ng Diyos Salmo 100 – Pasasalamat at Papuri Salmo 103 – Ang Maawaing Pag-ibig ng Diyos Salmo 104 – Ang Kadakilaan at Biyaya ng Diyos Salmo 113 – Ang Kaluwalhatian at Kapakumbabaan ng Diyos Salmo 116 – Panalanging Tinugon Salmo 138 – Kagalakan sa Diyos Salmo 139 – Lubos na Kaalaman at Paglingap ng Diyos Salmo 145 – Ang Kadakilaan at Biyaya ng Diyos Salmo 149 – Mapanagumpay na Kagalakan sa Diyos Salmo 150 – Ang Handog na Papuri
PAUNANG SALITA
Ang munting aklat na ito ay naglalaman, unang una, ng Tagalog Psalter, isang ‘metrikal’ na bersyon ng ilang mga Salmo ng Lumang Tipan ng Biblia. Kabilang din dito ang ilang talata ng Kasulatan at ilang pamantayang kumpesyon ng pananampalatayang Cristiano.
Ang unang pangkat ng mga Salmong ito ay inilathala at sinimulang gamitin noong taong 2004 ng Bastion of Truth Reformed Churches sa kanilang mga pagsamba na idinadaos sa wikang Tagalog. Ang mga Salmong Tagalog na ito ay hango at ibinatay sa mga orihinal na titik ng Bibliang Tagalog. Ang iba ay salin mula sa Psalter na ginagamit ng Protestant Reformed Churches in America at tinakdaan ng sukat (meter) upang malapatan ng mga pamilyar o tradisyonal na tono. Unti-unti pa lamang ang pag-unlad ng pagkakalahad ng mga Salmo sa aklat na ito dahil iisa pa lamang sa kasalukuyan ang tagalahad at tagapagsalin sa mga ito. Dagdag pa rito ay may katagalang maisaulo ng mga sumasamba ang mga tono ng bawat Salmo. Sa kasalukuyan ay naidagdag ang pangalawang pangkat ng mga Salmo na, kasama ng nauna’y, inaprubahan at pinagtibay sa Synod ng Bastion of Truth Reformed Churches noong Hunyo 2008.
Maliwanag na napakalayo pa ng lakbayin upang kumpletong mailahad ang 150ng Salmo ng Biblia sa wikang Tagalog. Kung loloobin ng Diyos ay maghahanda pa Siya ng mga taong magpapatuloy at ibayong magpapahusay sa nasimulang gawaing ito. Higit pa sa pagkakaroon ng isang Psalter sa wikang Filipino ay ang patotoo at kumbiksyon na sa hakbanging ito ay nagniningning ang kadakilaan ng biyaya ng Diyos na sa pamamagitan ng tunay na Ebanghelyo ni Jesu-Cristo ay hinirang ang isang bilang buhat sa wika at lahing Filipino upang ibilang sila sa dakilang koro ng mga tinubos na umaawit ng mga kapurihan ng Diyos (Apocalipsis 7:9-12)!
At bagamang ang hakbanging ito ay isa pa lamang munting pasimula, ito ay bunga naman ng mga naging pagsisikap ng Iglesya sa pangunguna ng mga tulad ni John Calvin noong panahon ng Repormasyon sa Europa kung saan ibinalik ng Diyos ang tunay at dalisay na pagsamba matapos itong sirain at lapastanganin ng bulaang iglesya. Kaya naman sa pamamagitan ng munting Psalter sa aklat na ito ay pinaninindigan ang tunay na Ebanghelyo at ang karangalan ng Diyos sa pamamagitan ng mga espiritwal na liriko ng mga “Awit ng Zion.” Naninindigan ang BTRC na ang tunay na pagsamba ng Iglesya ay sa pamamagitan ng pangangaral ng Salita ng Diyos; ng pananalangin ng Salita ng Diyos; at ng pag-awit ng mismo ding mga Salita ng Diyos.
Nakikiisa kami sa hangarin ng lupong pang-editoryal para sa isang edisyon ng isang Psalter na Ingles na ipinahayag sa paunang salita nito [sinalin sa Tagalog]:
“Kalakip ng maikling paunang salitang ito ay pinahahayo ang aklat na ito sa banal nitong misyon. Inilalahad nito nang panibago ang mga walang kamatayang awit ng Banal na Espiritu, ang mga hindi mapantayang himnong iyon ng Biblia na inaawit sa mga malalayong bansa at mula pa nang matatagal na siglo, na inawit [mismo] ng ating Panginoon at ng Kanyang mga alagad, at kasama ng tumpak nitong pagpapahayag tungkol sa banal na damdamin at debosyon ay mananatili ito hanggang wakas.”
Nawa’y basbasan at kasangkapanin ng Diyos ng lahat ng biyaya ang munting aklat na ito para sa ibayong ikalalaganap ng Kanyang kapurihan.
Salmo 1A – Ang Kaligayahan ng Hinirang(Meditation) John H. Gower [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
Mapalad s’ya na ‘di tahak Payo ng masama, Ni umupo sa upuan Nilang manunuya.
2 Kundi nasa Utos ng Diyos Kanyang kagalakan; Araw-gabi’y binubulay Kanyang Kautusan.
3 S’ya’y tulad ng punungkahoy Sa siping ng tubig; Nagtatagumpay tulad ng Daho’t bungang hitik.
4 Parang ipang itinaboy Sila na masama; Sa kapisanan ng mat’wid Puwang wala sila.
5 Landas ng mat’wid ay batid Ng Diyos na dakila, Ngunit mapapahamak lang Lakad ng masama.
Salmo 1B – Ang Matuwid at Masama(Redeemer) Luther O. Emerson [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
Pinagpala s’yang ‘di tahak Ang payo ng masama; Di umuupong kasama Ng mga manunuya.
2 Pinagpala s’yang sa Utos Ng Diyos ay nalulugod; Binubulay gabi’t araw Sakdal N’yang mga Utos.
3 Tulad s’ya ng punungkahoy Sa tabi n’yaong tubig Na sa dahon n’ya at bunga Ang tagumpay n’ya’y hawig.
4 Na itinaboy ng hangin Masama’y parang ipa; Ang tumindig sa hukuman Di nila magagawa.
5 Panginoo’y nalalaman Landasin ng matuwid, Ngunit sa kapahamakan Ang liko’y ibubulid.
Salmo 2 – Ang Paghahari ni Jesu-Cristo(Ninth Symphony) Beethoven [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
Bakit ang mga bansa ay Pawang nangagugulo; Sa walang kabuluhan Sila ay nagpaplano? Laban sa Panginoo’t Cristo Mapanuyang nagsasabing, “Tali ng pananakop N’ya’y Pilit nating lagutin.”
2 S’yang nakaupo sa langit Sa kan’la’y kumukutya; Tutugon sa Kanyang galit At S’ya’y magsasalita: “Hari Ko’y itinalaga Ko Sa Aking banal na bundok; Sa dako nga ng Zíon S’ya’y Aking iniluluklok.”
3 Ang pasya ng Panginoo’y Tunay kong ihahayag; Na “Sa araw na ito ay Akin Kang naging Anak; Mga baya’y ipapamana Ayon sa ‘Yong kahilingan; At sila’y ‘Yong babaliin Ng pamalo Mong bakal.”
4 Dapat magpakapantas Kayong hari sa lupa; Maglingkod sa Panginoon Nang may takot na lubha; Nang landas n’yo’y di mapahamak Kanyang Anak inyong hagkan; Mapalad ang sinumang Ang Diyos ang kanyang kanlungan.
Tune: ‘Joyful, Joyful, We Adore Thee…’
Salmo 3 – Diyos, Ating Tagapagtanggol(Dalehurst) Arthur Cottman [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
O Diyos kay daming kaaway Na laban sa aki’y Nagsasabing pagtulong Mo Sa ‘ki’y di darating.
2 Ngunit Ikaw Panginoo’y Dangal ko’t kalasag; Sa bundok Mo’y tutugunin Ang aking pagtawag.
3 Natulog ako’t nagising Dahil S’ya’ng nag-ingat; Libutan man ng marami’y Hindi masisindak.
4 Bumangon Ka Panginoon, Ako’y iligtas nga; Sinampal at binungal Mo Mga masasama.
5 Sa Diyos nga ang kaligtasan Bukal ng biyaya; Sumaiyong bayan nawa Ang ‘Yong pagpapala.
Tune: ‘According to Thy Gracious Word…’
Salmo 8 – Kaluwalhatain ng Diyos sa Kanyang Gawa(Thanksgiving) Walter B. Gilbert [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
1 Diyos sa buong kalupaan Dakila ang ‘Yong Ngalan Awitin sa kalangita’y Iyong kal’walhatian. Buhat sa bibig ng sanggol Tanggula’y tinatag Mo Upang Iyong mahadlangan Lahat ng ‘Yong kalaban.
2 ‘Pag langit Mo’y aking masdan Ang gawa ng ‘Yong kamay Ang dangal Mo’y nagniningning Sa buwa’t mga bituin Sino ang tao upang s’ya’y Iyong alalahanin Pinutungan pa ng dangal Bilang hari Mong halal.
3 Tao’y tagapamahala Sa lahat ng ‘Yong gawa Hayop ma’y nasasakupan Sa lupa at dagat man Diyos sa buong kalikhaan Dakila ang ‘Yong Ngalan Ngala’y di mapapantayan Sa buong kalupaan.
Salmo 22 – Ang Tagumpay ng Ebanghelyo(Vision) William H. Doane [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
1 Lahat ng dulo ng lupa Pawang makakagunita; Sa Diyos ay manunumbalik; Sasamba sa harap N’ya na Hari.
Refrain: Sanlibuta’y magpupuri Sa Diyos na Panginoon at Hari!
2 Dahil paghahari’y sa Diyos, Sa lahat ay namumuno; Sanlibuta’y magpupuri Sa Diyos na Panginoon at Hari.
3 Ang dukha man at sagana Luluhod sa harap Niya; Ang darating na salinlahi Ihahayag dangal N’ya at puri.
Salmo 24 – Ang Matagumpay na Pag-akyat ni Cristo sa Langit(Lansing) Charles H. Gabriel [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
1 Ulo’y itaas N’yo na tarangkahan Mataas kayong matandang pintuan Upang makapasok ang Haring banal At S’ya’y maluklok sa kal’walhatian.
2 Sino ang Hari ng kal’walhatian? Ang Panginoong makapangyarihan; S’yang sa pakikipaglaba’y malakas O kayong pintuan – ulo’y itaas!
3 Karangalan sa Kan’ya’y naghihintay Sa Haring mal’walhati’y nagpupugay Sino ang Hari ng kal’walhatian? Ang Panginoong makapangyarihan!
Salmo 25 – Panalangin Upang Mapatnubayan at Maingatan(Dennis) Arr. from Hans G. Nägali [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
Kalul’wa ko’y gawad sa ‘Yo, O Diyos, tiwala ko’y tunay; Huwag nawa na ako’y mapahiya at Kaaway ko’y magtagumpay.
2 Tunay na di mapapah’ya Na sa Iyo’y naghihintay; Ngunit sila na sadyang nagkakasala’y Mangapapahiyang tunay.
3 O Diyos, ituro sa akin Daan at mga landas Mo; Ako’y patnubayan sa katotohanan Habang naghihintay sa ‘Yo.
4 Sapagkat Ika’y aking Diyos Na sa aki’y nagliligtas At kagandahang loob at kaawaa’y Sa aki’y ipinaranas.
5 Awa Mo’y alalahanin Ayon sa ‘Yong kabutihan; Iyong gunitain: Iyong kahabagang Mula pa nang kalaunan.
Tune: ‘Blest Be The Tie That Binds’
Salmo 43 – Pag-asa at Pagtitiwala(Friendship) William O. Perkins Filipino Vesion: Alex M. Aquino
1 Diyos, ako’y pawalang-sala Usapi’y ipagtanggol Laban sa aking kaaway Ako ay iligtas Mo.
Koro: Bakit ka ba nanlulumo O aking kaluluwa? Sa Diyos ika’y magtiwala Iyong papurihan S’ya.
2 Diyos, sa ‘Yo aking tiwala Bakit Mo itinakwil? Dulot sa aki’y pagtangis Kaaway kong malupit.
3 Katotohana’t liwanag Isugo Mo sa akin Sa akin ay pumatnubay Sa tahanan Mo’y dalhin.
4 Dadako sa ‘Yong dambanang Labis ang kagalakan Tinig ko’y magpapahayag Ng Iyong kapurihan.
(Tune: “What A Friend We Have In Jesus”)
Salmo 46 – Ang Panginoon ng mga Hukbo(Ein’ Fest Burg) Martin Luther [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
Diyos ay ampunan at kalakasan, Handang saklolo sa bagabag; Kaya’t hindi tayo matatakot, Bagaman ang lupa’y mabago. Bundok ma’y malipat Sa gitna ng dagat; Tubig ma’y humugong, Unos ay magtinag, Diyos natin ay matatawagan.
2 Ilog na agos ay nagdudulot: Kasiyahan sa bayan ng Diyos; Tutulungan s’ya’t di makikilos Dahil nasa gitna n’ya ang Diyos. Sa Kan’yang paghiyaw Lupa ay natunaw; Diyos ng mga hukbo’y Kasamang palagian; Diyos ni Jacob; ating kanlungan.
3 Parito’t masdan mga gawa N’ya; Mga kagibaan sa lupa, Pinaglilikat mga digmaan, Pinaghari’y kapayapaan. Kayo’y magsitining, At S’ya’y kilalanin: Diyos at Panginoong Ipinagbubunyi; Diyos ni Jacob; ating tanggulan.
Tune: ‘A Mighty Fortress Is Our God’
Salmo 48 – Papuri at Pagtitiwala(Diademata) George J. Elvey [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
Sa templo Mo O Diyos, Sa dako Mong banal; Pag-ibig at kabutihan Mo Ay naitatanghal; Magpupuri sa ‘Yo Sa lahat ng dako; Sa kalahatan Mong gawa Mat’wid ang puso Mo.
2 Magdiwang ang Zíon! Binhi n’ya’y umawit; Ihayag ang pasasalamat At hatol N’yang Hari; Masdan mga muog Sa ligid ng Zíon Na laban sa kaaway n’ya’y Ito’ng magtatanggol.
3 Mga bahay-hari’t Tanggula’y pagmasdan Upang ito’y inyong isaysay Sa lahing dadatal; Dahil ang ating Diyos Laging sasaatin; Hanggang sa ating pagpanaw S’ya ang gabay natin.
Tune: ‘Crown Him With Many Crowns’
Salmo 51 – Awit ng Pagsisisi(Toplady) Thomas Hastings [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
Maawa Ka sa akin, O Diyos na mahabagin; Sa awa Mong sagana, Pawiin aking sala; Hugasan Mong lubusan, Ang aking kasalanan.
2 Sala’y kinikilala, Kalul’wa’y nagdurusa; Laban sa iyo lamang Nagawang pagsalangsang; Hatol Mo’y nararapat Kanlunga’y awa Mo lang.
3 Sa sala’y inanyuan, Ako’y pinaghanapan; Sa aking kalooban Ituro’y karunungan; Sa biyaya Mong angkin Puso ko’y dalisayin.
4 Aking diwa’y nadurog Sa mat’wid Mong paghatol; Sa pusong nagsisisi, Galak ay iparinig; Ikubli Iyong mukha O Diyos sa aking sala.
Tune: ‘Rock Of Ages’
Salmo 62 – Diyos, Ating Kalakasan(Fountain) Lowell Mason [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
Sa Diyos, kalul’wa’y maghihintay Na hatid sa ‘ki’y kaligtasan; S’yang tanggulan ko’t aking muog, Di ako matitinag; Nasa Diyos aking karangalan At tunay na kaligtasan; S’yang batong aking kalakasan, Diyos na aking kanlungan.
2 Tunay na walang kabuluhan Ang mababa ma’t ang mayaman; Na magkasamang sa timbangan Sa hinga’y mas magaan. H’wag umasa sa kayamanang Nagbuhat sa kasamaan; Kung yaman mo man ay lumago H’wag ilagak ang puso.
3 Ang Diyos ay minsang nagsalita Dalawang ulit kong narinig; Na kapangyariha’y ukol lang, Sa Kan’ya’y natatangi; Panginoon, sa Iyo’y ukol Kalooban na kayganda; Sa bawat tao’y iginawad Ayon sa gawa niya.
Tune: ‘There Is A Fountain Filled With Blood’
Salmo 67 – Masiglang Papuri ng Iglesya(Aurelia) Samuel Wesley [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
Diyos sa ami’y maawa Kami’y pagpalain; Mukha Mong maliwanag Isinag sa amin; Nang ang ‘Yong kabanalan Sa lupa’y mahayag, Sa taong karamihan Ganap Kang magligtas.
2 Taong madla’y aawit, Ika’y pupurihin, Lahat ng mga bayan Sa ‘Yo’y magbubunyi; Dahil sa ‘Yong paghatol Na makatarungan, Ika’y kikilalaning Hari nilang tanan.
3 Hayaan Mong magpuri: Buong sanglibutan, Lupa ay magbubunga Ng kasaganaan, Ang Diyos ang magpapala, Sa hirang N’yang bayan, At S’ya’y katatakutan Hanggang kaduluhan.
Tune: ‘The Church’s One Foundation’
Salmo 68A – Panalangin at Papuri(Alstone) Christopher E. Willing [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
1 Diyos ay bumangon nga nawa, Kaaway N’ya’y mangagkalat, Ngunit matuwa ang mat’wid; Awit sa Kan’ya’y ihatid.
2 Diyos ay inyong papurihan, Umawit ng kagalakan; Bayan N’ya na nasa ilang Pinasagana sa ulan.
3 Ama ng mga ulila, Sa balo’y kumakalinga; Sa kabutiha’y kay yaman Laan sa ngangailangan.
4 Mga bilanggo’y inakay Tungong masaganang buhay, Ngunit mapanghimagsik ay Mangahihirapang tunay.
Salmo 68B – Pagpapala ng Pag-akyat sa Langit ni Cristo(Duffield) Lowell Mason [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
1 O Diyos Ika’y sumampa Sa kaitaasan; Iyong pinangunahan Lahat ng ‘Yong bihag; Kahit mga kalaban Sa ‘Yo’y nag-aalay Upang sa ‘Yo aming Diyos Sila’y makatahan.
2 Ang Diyos ay papurihan Na S’yang pumapasan Sa amin ngang pasani’t Bigat araw-araw; S’ya’y makapangyarihan Na tayo’y iligtas; Sa Kanya ang pagtakas Mula kamatayan.
3 Kayo’y mangagsiawit Kayong mga bansa; Diyos na walang katulad Ating idakila Na sa kal’walhatia’y Langit sinasakyan; Tinig N’ya’y tinitinag Mga kabundukan.
4 Dangal at kalakasan Sa Diyos ay iukol; Bayan na umaasa Ay ipagtatanggol; Mula sa ‘Yong sant’waryo Dangal Mo’y nahayag; Laa’y kapangyarihan Sa bayan Mong hirang.
(Tune: “Stand Up, Stand Up For Jesus”)
Salmo 72A – Si Cristong Naghahari(St. Gertrude) Arthur S. Sullivan [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
Si Cristo’y naghahari Sa kalupaan; Hanggang kaduluhan Ang kaharian; Ang lahat ng dako Ay magpupugay; Hari sa bawat bayan ay Sasambang tunay,
Si Cristo’y naghahari Sa kalupaan; Hanggang kaduluhan Ang kaharian.
2 Ang mapagkailanga’y Kaaawaan; Ang api at dukha’y Kahahabagan; Laban sa mang-aapi’y Ipaglalaban: Kalul’wa nila’t buhay na Sa Kanya’y mahal.
3 Magpakailan pa ma’y Ngalan N’ya’y lagi; Habang mayro’ng araw Mananatili; S’ya ang magpapala Sa taong madla; Lahat ay magpapahayag S’ya’y Hari nila.
4 Sa Diyos na dakila’y Awit ng bayan; S’ya na kamahalan Ay hahangaan; Magpakailan pa man S’ya ay purihin; Karangalang di maparam Laging sambitin.
Tune: ‘Onward Christian Soldiers’
Salmo 72B – Ang Doksolohiya(Coronation) Oliver Holden [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
Purihin ang Panginoon, Ang Diyos ng Israel Na S’ya lamang ang gumagawa Mga dakilang bagay, Na S’ya lamang ang gumagawa Ng mga dakilang bagay.
2 At purihin Kan’yang ngalan Magpakailan pa man; Mal’walhati S’ya sa kalupaan ‘Amen’ at siya nawa, Mal’walhati S’ya sa kalupaan ‘Amen’ at siya nga nawa.
Tune: ‘All Hail The Pow’r Of Jesus’ Name’
Salmo 73 – Diyos, Ating Tanging Kabutihan(Olivet) Lowell Mason [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
O Diyos, kaybuti Mo Sa mat’wid ang puso; Buhay ko ma’y Dalamhati’t dilim Aking nasilayan Sa Iyong tahanan Ang liwanag.
2 O Diyos, sa piling Mo Papanatag ako; Iingatan; Iyong gagabayan Ng payo Mong sakdal Hanggang masapit ko’y Karangalan.
3 Sa lupa’t langit man Mayro’n bang tatapat Sa aking Diyos? Puso ma’y manlumo S’ya’y kalakasan ko; Magpakailan pa ma’y S’yang yaman ko.
4 Tunay na kay-inam Na S’ya ay lapitan; S’yang lagi nang Sa ‘ki’y nagpapala; Bahay kong kanlungan, S’yang pupurihin ko Habang buhay.
Tune: ‘My Faith Looks Up To Thee’ Salmo 81 – Panawagan sa Masiglang PagsambaFilipino Vesion: Alex M. Aquino [ Listen Audio Tune ]
1 Diyos na ating kalakasa’y Masiglang papurihan Tugtuga’y ating ialay Sa Diyos ng ating angkan.
2 Hipan ninyo ang trumpeta Sa takdang pagdiriwang Alaala ng paglaya Nitong hirang na bayan.
3 Pinawi Ko ang pasanin Tawag mo’y pinakinggan Sa kulog Ako’y nangusap Sinubok ka sa ilang.
4 O bayan Ko iyong dinggin Aking paala-ala Sa Diyos maliban sa Aki’y H’wag na h’wag kang sasamba.
5 Diyos Akong sa ‘yo’y naghango Mula Ehiptong bayan Bibig na nangangailangan Buksan mo’t mapupunan.
6 Ngunit s’ya’y di tumalima Bayan Ko’y di nakinig Kaya’t hinayaan s’ya sa Kabulaga’t paglihis.
7 Kung Ako sana’y pakingga’t Tahakin Aking daan Bayan Ko’y ipaglalaban Sa kanilang kaaway.
8 Ang napopoot kay Yahweh Sa Kanya’y pasasakop Kan’lang buhay ay hahaba Magpahabang-panahon.
9 Pinakamabuting trigo Ipapakain sa ‘yo Sa pulot ay sasagana Na nagbuhat sa bato.
(Tune: “God My King Thy Might Confessing…”)
Salmo 87 – Ang Iglesyang Laganap(Regent Square) Henry Smart [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
Sa bundok ang patibayan: Bayang inibig ng Diyos; Kinalugdan N’ya’t hinirang Sa kan’ya’y nanahang lubos; Bayan ng Diyos! Bayan ng Diyos! Sa karangala’y puspos.
2 Taong taga ibang bayan Di lao’y kikilala; Sa Zíon ay isisilang Biyaya’y sasakanila; Diyos na Makapangyarihan Sa lakas Mo’y aasa.
3 ‘Pag mga baya’y binilang Diyos ay makakasumpong; Ng anak na iniligtas Na may awit na tutugon: “Pinagpalang bayan ng Diyos Bukal nami’y naroon.”
Tune: ‘Glory Be To God the Father’
Salmo 99 – Ang Kabanalan ng Diyos(Nicea) John B. Dykes [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
Diyos ang naghahari: Manginig mga lahi; Trono N’ya’y sa kerubin, Lupa’y nagpupuri; Dakila sa Zíon, At lahat ng bayan; S’ya’y katakutan, Dahil S’ya’y banal.
2 Makapangyarihan, At makatarungan, Paghahari’y matuwid At may karampatan; Tayo ay sumamba, Yumukod sa Kan’ya, Sakdal S’yang Hari; Tunay na banal.
3 Tao pa nang una Tiwala’y sa Kan’ya; Sala ay pinatawad, Kahit pinagdusa; Sa banal N’yang dako Sambahi’t hangaan Ang Panginoong Diyos na marangal.
Tune: ‘Holy, Holy, Holy’
Salmo 100 – Pasasalamat at Papuri(Old Hundredth) Genevan Psalter [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
Kayong lahat na lupain Magdiwang sa Panginoon; Mangaglingkod kayong tanan, Lapitan S’yang may awitan.
2 Kilalanin n’yong S’ya ay Diyos S’ya ang sa ati’y lumalang; Bayan tayong Kan’yang hirang Tupa ng Kan’yang pastulan.
3 Dumako kayong may galak Sa looban N’ya’y magpuri; S’ya’y inyong pasalamatan Ngalan N’ya’y sambahing lagi.
4 Dahil ang Diyos ay mabuti Biyaya’y mananatili; Katapatan N’ya’y sa lahat Ng salin at saling lahi.
Tune: ‘Doxology’ (‘Praise God from Whom…’)
Salmo 103 – Ang Maawaing Pag-ibig ng Diyos(Nettleton) [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
1 Panginoo’y ‘yong purihin O buo kong kalul’wa, At huwag mong lilimutin Lahat ng biyaya N’ya Na sa sala’y nagpatawad; Sakit mo’y nilunasan Tinubos N’ya ang ‘yong buhay Gawad N’ya’y kabutihan.
2 Pinutungan ka ng awa Binusog sa pag-ibig Nang sa agila’y matulad Sigla mo’y manumbalik Ang Diyos ay makatarungan Sa api’y nahahabag S’yang tapat sa Kanyang bayan Kabutihan N’ya’y hayag.
3 Panginoo’y mahabagin At puno ng biyaya Sa galit S’ya ay banayad Pag-ibig N’ya’y sagana Di N’ya pananatilihin Galit magpakailan man Ayon sa ‘ting kasalanan Di tayo ginantihan.
4 ‘Singtaas ng kalangitan Dakila N’yang pag-ibig Layo’y Silanga’t Kanluran Salang sa ‘ki’y inalis Tulad nga ng mahabaging Ama sa kanyang anak Gayon din ang Panginoon Sa may takot sa Kanya.
(Tune: “Come Thou Fount of Every Blessing…”)
Salmo 104 – Ang Kadakilaan at Biyaya ng Diyos(Lyons) Arranged from Michael Haydn [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
Purihin ang Diyos! O kalul’wa ko; S’yang kamahalan Na bihis ay dangal; Nababalot S’ya ng Kaliwanagan, Langit N’ya’y tabing; Silid N’ya’y karagatan.
2 Karwahe’y ulap, Sasakya’y hangin, Unos at apoy Utos N’ya’y susundin; Sandigan ng lupa’y Kan’yang tinatag, Dinamtan ng tubig At di mabubuwag.
3 Daloy ng tubig Sa mga parang, Libis at bundok - S’ya nga ang humadlang; Hanggana’y takda Mo Nang di balikan Ng tubig ang lupa Upang di matakpan.
4 Ipinadaloy Bukal ng tubig Mula sa bundok Hanggang mga libis; Pinawi uhaw ng Hayop sa parang; Ibong umaawit Doon ang tahanan.
Tune: ‘Oh Worship the King’
Salmo 113 – Ang Kaluwalhatian at Kapakumbabaan ng Diyos(Andre) William B. Bradbury [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
1 Purihin n’yo ang Panginoon Purihin n’yong Kanyang mga lingkod Purihin ang Ngalan ng Diyos Ngayon at habang panahon Ngayon at habang panahon.
2 Mula sa pagsikat at paglitaw Hanggang sa paglubog nitong araw Kapurihan N’ya’y isigaw S’ya’y tanging nangingibabaw S’ya’y tanging nangingibabaw.
3 Sino ang gaya ng Panginoon? Diyos sa itaas na nakaluklok Nagpakababa’t nilingon Bagay sa langit at mundo Bagay sa langit at mundo.
4 Ibinangon N’ya ang mga dukha Silang salat ay pinadakila Awa’t lakas N’ya’y ihayag Purihin ang Pangalan N’ya Purihin ang Pangalan N’ya.
Salmo 116 – Panalanging Tinugon(Azmon) Arr. from Carl G. Gläser [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
Aking iniibig ang Diyos Na tinig ko’y pansin; Dalangin ko’y pinakinggan, Tatawagan kong lagi
2 Kung kamataya’y magbanta’t Puso’y mabagabag; Sa Panginoon sasamo Nang ako’y mapanatag.
3 Mapagbiyaya’t matuwid, Diyos ay maawain; Niligtas sa aking hirap Nang akin S’yang tawagin.
4 Sa pahinga mo’y magbalik O aking kalul’wa; Diyos sa iyo’y nagpamalas Angking kabutihan N’ya.
5 Lalakad sa harap ng Diyos Na Tagapagligtas; Sa pagluha’t pagkabuwal S’ya ang sa aki’y lakas.
6 Sa dalamhati ko’y sambit, “Tao ay bulaan” Diyos lamang aking pag-asa’t Pinagtitiwalaan.
Tune: ‘Oh For A Thousand Tongues’
Salmo 138 – Kagalakan sa Diyos(The Solid Rock) William Bradbury [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
Puso’y nagpapasalamat, Pinupuri Ka sa lahat; Sasamba sa dakong banal, Sa buti Mo’t katapatan; Katotohana’t biyaya Sa Salita Mo’y nahayag, Sa Salita Mo’y nahayag.
2 Panawagan ko’y dininig, Tapang sa puso’y nasandig; Tinig Mo sa mga hari, Kanilang ipagbubunyi; Mag-aawitan ang madla, Dahil landas Mo’y dakila, Dahil landas Mo’y dakila.
3 Diyos na Kataastaasan, Lukluka’y kal’walhatian; Mababa ma’y di N’ya limot, Mukha’y kubli sa palalo; Bagabag man aking landas, Ikaw ang buhay ko’t lakas, Ikaw ang buhay ko’t lakas.
4 Iuunat ang ‘Yong kamay Laban sa aking kaaway; Ang sa aki’y sinimulan Tiyakan ang katuparan; Habag Mo’y mananatili; Isipin Mo akong lagi, Isipin Mo akong lagi.
Tune: ‘The Solid Rock’
Salmo 139 – Lubos na Kaalaman at Paglingap ng Diyos(Woodworth) William B. Bradbury [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
Nakilala Mo’t nasiyasat ako O Diyos, tumindig ma’t umupo; Isip ko’y Iyong alam sa malayo Landasin ko’y naunawa Mo.
2 Salita’y wala pa sa aking dila O Diyos, natatalastas Mo na; Kapangyarihan Mo at kaalaman Tunay kong ikinamamangha.
3 Saan paroroon mula sa Iyo? O sa harap Mo’y makatakas? Sumampa man sa langit ay naro’n Ka Sa himlayan pa ng pumanaw.
4 Kung aking kunin pakpak ng umaga At tumahan sa kaduluhan; Kanan Mong kamay hahawak sa akin, Doon man Ika’y papatnubay.
5 Kadiliman ma’y bumalot sa akin At liwanag ay maging dilim; Ilaw at gabi sa Iyo’y liwanag Parang araw gabi’y sisinag.
Tune: ‘Just As I Am’
Salmo 145 – Ang Kadakilaan at Biyaya ng Diyos(Duke Street) John Hatton [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
Ibubunyi Kita, Diyos ko’t Hari, Sa ngalan Mo’y magpupuri; Araw-araw Ika’y aking itatanghal, Ihahayag ang ‘Yong dangal.
2 Dakila Ka at dapat purihin, Di sayod—dangal Mong angkin; Bawat lahi gawa Mo ay pupurihin Ihahayag ang ‘Yong galing.
3 Ang mal’walhati Mong kamahalan, Akin ngang pagbubulayan, Taong madla nga ay manganggigilalas, Ngalan Mo ay itataas.
4 Aalalahanin ng ‘Yong bayan, Dakila Mong kabutihan, Aawitin nila ang Iyong kat’wiran Na aking ipagdiriwang.
5 Ang Diyos natin ay mapagbiyaya, At puspos ng kahabagan; S’ya ay banayad sa Kan’yang pagkagalit, Kalooban ay kaybuti.
6 Diyos ay kaybuti sa kalahatan, Nilalang N’ya’y nalalaman; Kaawaan ay nasa lahat N’yang gawa, Sa tanang tao’y biyaya.
7 Iyong gawa’y magpapasalamat, Magpupuri silang banal, Ihahayag dangal ng ‘Yong kaharian At Iyong kapangyarihan.
8 Ang paghahari Mo’y walang hanggan, Tiyakan ang katatagan, Sa lahat man ng sali’t saling lahi, Hari Kang mananatili.
Tune: ‘Jesus Shall Reign Where’re the Sun’
Salmo 149 – Mapanagumpay na Kagalakan sa Diyos(Italian Hymn) Felice Giardini [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
1 Panginoo’y purihin, Awitan ng bagong awit; Ang Israel ay magalak nawa Sa kanyang Lumikha; Sa Hari n’ya nawa S’ya’y matuwa.
2 Purihin ang Ngalan N’ya Ng awit at pagsasaya; Ipahayag Kanyang pagmamahal Sa bayan N’yang hirang; Na sa aba’y gawad Kaligtasan
3 O kayong mga banal Magbunyi sa Kanyang Ngalan; Sa ating Diyos ay magsipagdiwang Hanggang sa higaan Kanyang pag-ibig ay Itatanghal
(Tune: “Come Thou Almighty King”)
Salmo 150 – Ang Handog na Papuri(Sabbath Evening) Theodore E. Perkins [ Listen Audio Tune ] Filipino Vesion: Alex M. Aquino
1 Purihin n’yo ang Panginoon, O hukbo ng kalangitan! At purihin S’ya n’yong mga binanal Buhat sa kalupaan.
2 Buong sangkalikhaan ay sumamba; Ngalan N’ya ay parangalan, At lahat ng may hinga’y magkaisa Na Diyos ay papurihan!
Mga Doksolohiya
1. (Tune: ‘Praise God from Whom…’) Ang Diyos Ama’y papurihan— Anak, Espiritung banal — Ng mga taong nilalang At ng buong kalangitan. Amen.
Thomas Ken Salin: Max D. Atienza
2. (Tune: ‘Praise God from Whom…’) Ang lahat sa sansinukob, At nasa langit na hukbo Papurihan natin ang Diyos; Ama, Anak, Espiritu. Amen.
Thomas Ken Salin: Di kilala
3. (Tune: ‘Praise God from Whom…’) Diyos ng biyaya’y purihin N’yong sa langit at daigdig Ang Diyos Ama’y papurihan Anak, Espiritung Banal. Amen.
Thomas Ken Salin: Alex Aquino
4. (Coronation/’All Hail the Pow’r…) Ama, Anak, Espiritu— Diyos na sinisinta Noon, ngayon at magpakailan man L’walhati’y sumakanya.
Filipino Vesion: Alex M. Aquino
5. (Tune: ‘What a Friend We Have in Jesus…’) Biyaya nawa ni Cristo, At pag-ibig ng Ama, At pagpisan ng Espiritu’y Sumaatin ngang lahat.
Pagkakaisa’y makamtan Sa Diyos at bawat isa; Taglayi’y kaligayahang Sa mundong ito’y salat.
Filipino Vesion: Alex M. Aquino
Return to Top _______________________________________________________________ |
||
|
About the BTRC | What We Believe | Local Churches | Discussion Group | Articles | Links | Contact Info Bastion of Truth Reformed Churches in the Philippines Mail comments or questions to admin@bastionoftruth.org
|
||