(Mohammed and Islam)
Ang mga Arabong naninirahan sa Arabia ay lahi mula sa angkan ni Ismael, anak ni Abraham at ni Hagar, ang alipin ng kanyang asawa (Gen. 16). Samakatuwid si Ismael ay kapatid sa ama ni Isaac na ang ina ay si Sarah. Sa paglipas ng panahon, marami sa mga Arabo ang tinalikuran ang pagsamba sa Diyos ni Abraham, Isaac at Jacob upang paglingkuran ang maraming diyos. Sa mapanamba sa mga diyus-diyosang bansang ito ng Arabia, may isang lalaking isinilang na nagngangalang Mahomet noong taong A.D. 570, na maglao’y naging tanyag bilang Mohammed.
Si Mohammed ay masasakitin noong siya’y musmos pa bunsod ng kanyang epilepsya o pagiging himatayin. Matapos maulila nang napakabata, siya’y pinalaki ng kanyang tiyuhin na si Abu Talib. Sa gulang na 25 nagtrabaho siya sa mayamang balong si Kajijah. Ipinagpatuloy niya ang pangangalakal ng asawa nito at yumaman. Napangasawa rin niya si Kajijah na mas matanda sa kanya ng 14 na taon.
Palibhasa’y isang mangangalakal, kadalasang naglalakbay si Mohammed kasama ang kanyang maraming kamelyo, tinatahak ang mga tradisyonal na ruta ng kalakalan sa Gitnang Silangan. Bunsod ng kanyang mga paglalakbay nakatagpo niya ang maraming mga Judio at Cristiano. Matapos pag-aralan ang kanilang mga katuruan at kaugalian, tinanggihan niya itong pareho bilang batayan ng katotohanang pangrelihiyon. Sa pagsapit ng kanyang ika-40 taong gulang, pansamantalang lumayo si Mohammed sa lipunan upang magnilay-nilay sa Kuweba ng Hira sa isang bundok sa Mecca. Sa kanyang pagbabalik sa kanyang pamilya at mga kaibigan ipinahayag niya na nakatanggap siya ng ‘rebelasyon’ mula sa isang anghel na nagsabi sa kanya, “Mohammed, katotohanang ikaw ang propeta ng Diyos; huwag kang matakot, ako ang kanyang anghel, si Gabriel.”
Ito ang una sa marami pang mga rebelasyon na di-umano’y ibinigay ni Gabriel, na nagpakita upang turuan si Mohammed ng landas ng katotohanan. Nang maglaon, ang mga katuruan ng ‘propeta’ ay tinipon at isinulat sa isang sagradong aklat na tinawag na Koran o Qur’an, na nangangahulugang “Mga Pagbasa”. Marami sa mga sinabi ni Mohammed ay naisulat noong una sa mga buto o dahon ng palma. Bagamang hindi marunong bumasa o magsulat ang ‘propeta’, inangkin ni Mohammed na ang iba’t ibang bahagi ng Koran ay inihayag sa kanya mula sa langit sa loob ng 23 taon. Pinangangatawanan ng Koran na kapag ito ay maglaman ng mga kamalian kahit saan ito ay hindi nagbuhat sa Diyos (Sura 1, “Kababaihan” bersikulo 82). At ito ang katotohanan. Nasagap ni Mohammed ang turo ng mga heretikong Cristiano na pinalayas matapos na mapagtibay ng tunay na iglesyang Cristiano ang katotohanan ng Trinidad at pagkadiyos ni Cristo. Nasagap ni Mohammed ang bulaang Cristianismo ni Arius na tinanggihan ang pagkadiyos ni Cristo na siya namang ipinagtanggol ni Athanasius. Nasagap ni Mohammed ang aral ng mga sektang sumasamba kay Maria at napagkamalang ang Trinitaryo ay binubuo ng Ama, ni Jesus at ni Maria na ina ng Anak. Sa Sura 5, “Ang Hapag,” bersikulo 73, tinuturo ni Mohammed: “Ang mga hindi mananampalataya ay sila na nagsasabing: ‘Ang Diyos [Allah] ay isa sa tatlo.’ Mayroon lamang iisang Diyos” at laban sa mga Cristiano na itinuturing nilang "hindi mananampalataya" ay tungkulin nilang makipagdigma. Maling-mali ang impormasyong nailahad sa Koran tungkol sa doktrinang Cristiano kaya ayon din sa pamantayan nito hindi ito nagbuhat sa Diyos at hindi maaaring pagbatayan ng katotohanan. Dalawa lamang ito sa napakaraming kamaliang nakapaloob sa Koran.
Tinuturo ng Koran na ginamit ng Diyos ang mga propeta upang magdala ng pagbabago sa mga tao. Ilan sa mga propetang iyon umano ay sina Moises at Jesus, subalit si Mohammed ang pinakadakila sa kanilang lahat at dapat na sundin nang higit sa lahat (basahin: Juan 16:23; Gawa 10:43). Bunsod nito, itinatanggi ng mga Muslim na si Jesus ay Anak ng Diyos (Juan 5:19-23). Itinatanggi rin nila ang Kanyang pagkadiyos (Juan 5:17, 18) at ang Kanyang pagkabuhay na muli mula sa mga patay (1 Corinto 15:1-3). Nilalapastangan nila ang kamatayang pangtubos ni Cristo, habang pinanghahawakan ang isang sistema ng kaligtasan sa pamamagitan ng gawa (Efeso 2:8, 9). Ang mga pangunahing aral ng pananampalatayang Islam ay:
Sa pagtungo niya sa Mecca, ipinalaganap ni Mohammed ang kanyang mga paniniwala, na naging banta sa maraming mga mangangalakal doon na nagtitinda ng mga diyus-diyosan. Habang naka-akay ng ilang tagasunod ang ‘propeta’, gayon kalakas ang pagsawata ng mga tao sa kanyang mga katuruan na nagtulak sa kanya at sa kanyang mga tagasunod na tumakas patungong Medina noong taong A.D. 622 kung saan mas madaling natanggap ang kanyang mga aral. Ang pagtakas na ito na nagsimula noong Hulyo 16 ng taong iyon ay tinawag na Hegira.
Sa Medina, binuo ni Mohammed ang kanyang mga tapat na tagasunod upang maging isang makinarya ng pagpatay, at humayo upang manakop sa pamamagitan ng tabak. Noong 630 nagbalik si Mohammed sa Mecca kasama ng kanyang nagtatagumpay na mandirigma at winasak ang 360 na diyus-diyosan ng lunsod. Dahil nadaig ng kanyang pananakop, isinagaw ng mga mamamayan ng Mecca, “Iisa lamang ang diyos, si Allah, at si Mohammed ang kanyang propeta!” Nagbunsod ito sa karamihan na yakapin ang Islam na nangangahulugang “Pagsunod” o “Pagpapasakop.”
Noong A.D. 632 pumanaw si Mohammed sa gulang na 63 na walang iniwang anak maliban sa isang babae, si Fatima. Inilibing ang kanyang bangkay sa ilalim ng mismong higaan kung saan siya pumanaw. Bagamang patay na si Mohammed, nagpatuloy ang kanyang impluwensya. Tinuruan niya ang kanyang mga tagasunod na huwag makipagtalo o makipagtalakayan sa iba’t ibang mga relihiyon, kundi patayin ng tabak ang lahat ng tumatangging magpasakop sa batas ng Koran (Sura 66, “Pagbabawal,” bersikulo 9; tingnan din ang Sura 8, “Samsam ng Digmaan,” bersikulo 13-17; Sura 9 [pagdedeklara ng pakikidigma sa mga di-mananampalataya]). Sa kadahilanang ito, nagsisinungaling ang mga Muslim na nagsasabi sa ating panahon na ang Islam ay relihiyon ng “Kapayapaan.” Sila na namatay sa digmaan ay pinangakuan ng maluwalhating gantimpala sa paraiso. Habang ang pagdalangin ay maghahatid sa isang Muslim hanggang kalahati lamang ng daan patungo sa diyos, at ang pag-aayuno ay maghahatid sa kanya sa pintuan ng langit at ang pagbibigay-limos ang magbubukas nito, ang Jihad (‘banal na pakikidigma’) lamang ang talagang magbibigay daan upang makapasok siya sa langit. Itinanong sa Al Bukhari (kalipunan ng mga salita ni Mohammed, vol. 1:25), “Ano ang pinakamabuting gawa ng isang Muslim kasunod ng pananalig kay Allah at sa kanyang apostol?” Sagot: “Ang makilahok sa Jihad alang-alang kay Allah.” Tinuturo ng Islam na sa Paraiso kahit na ang pinakamababang Muslim ay tatamasahin ang 72 kadalagahan (houris) na nilalang para sa kanyang sekswal na kasiyahan, sa sandaling pahabain pa ng makalibong taon at palawigin doon nang daan-daang ulit ang kanyang kakayahan sa sekswal na kasiyahan.
Sa mga sumunod na 100 taon ang mga pinuno na sumunod kay Mohammed ay nakilala bilang mga Caliph. Apat sa kanila ang nagtatag ng Emperyong Mohammedano o Muslim. Hawak ang kanilang mga madugong tabak pumatay sila sa kanilang landas patungo sa disyerto ng Arabia upang sakupin ang Persia (Iran), malagusan ang India, at gapiin ang emperyong probinsya ng Asia Minor (Turkey). Dalawang ulit na sinalakay ang Constantinople (Istanbul). Bagamang nagawang ipagtanggol ng lunsod ang sarili nito, ang ibang pook tulad ng Syria, Palestina, Ehipto at Hilagang Africa ay bumagsak sa pananakop ng Islam.
Noong taong 637 nasakop ni Caliph Omar ang Jerusalem at itinayo sa mismong tinayuan ng lumang templong Judio ang moske na nagtataglay ng kanyang pangalan hanggang ngayon. Si Omar din ang nagwasak ng tanyag na aklatan sa Alexendria, Ehipto. Naniniwala siyang walang ibang aklat ang kailangan maliban sa Koran, kaya winasak niya ang ilan sa pinakamahahalagang piraso ng panitikan ng matandang sanlibutan.
Ang Hilagang Africa kung saan minsang nagsikap alang-alang sa Ebangehelyo ni Cristo sina Augustine at Cyprian ay bumagsak din sa mga Arabo. Noong 711 tinawid ng mga Muslim ang makitid na karagatan sa Gibraltar upang sakupin ang España. Pagkatapos ng España ay tinawid nila ang mga bundok ng Pyrenees upang mapasok ang Romanong probinsya ng Gaul (Francia). Sa loob ng maraming taong ito ng madugong karahasan libu-libong mga Cristianong simbahan ang winasak o di kaya’y binago at ginawang moske.
Isa lamang ang pangunahing hangarin ng Islam sa likod ng nagmamaamong maskara nito sa gitna ng mga Cristianong bansang tinitirhan ng mga kaanib nito: ang wasakin at lipulin ang sangka-Cristianuhan sa sanlibutan.
A newsletter/journal published in Filipino (Tagalog dialect) as a ministry of the denomination of Bastion of Truth Reformed Churches in the Philippines. It is primarily a means of instruction as well as a medium to proclaim and explain the convictions of the BTRC concerning the Gospel of God's sovereign particular grace in salvation.