LESSON 2 Holy Scripture (Banal na Kasulatan) LESSON 3 God"s Essence and Names (Kalikasan at mga Pangalan ng Diyos) LESSON 4 God"s Incommunicable Attributes (Mga Hindi Naibabahaging Katangian ng Diyos) LESSON 5 God"s Communicable Attributes (Mga Naibabahaging Katangian ng Diyos) LESSON 6 The Holy Trinity (Ang Banal na Trinidad) LESSON 7 God"s Work in Eternity (Gawa ng Diyos sa Walang Hanggan) LESSON 8 God"s Work in Time (Creation) (Gawa ng Diyos sa Panahon [Paglikha]) LESSON 9 God"s Providence (Ang Probidensya ng Diyos) LESSON 10 Man in the State of Original Righteousness (Ang Tao sa Katayuan ng Orihinal na Katuwiran) LESSON 11 The Fall of Man (Ang Pagkahulog ng Tao) LESSON 12 The Mediator and His Names (Ang Tagapamagitan at ang Kanyang mga Pangalan) LESSON 13 The Natures of the Mediator (Ang mga Kalikasan ng Tagapamagitan) LESSON 14 The Offices of the Mediator (Ang mga Katungkulan ng Tagapamagitan) LESSON 15 The State of Humiliation (Ang Katayuan ng Pagkahamak) LESSON 16 The State of Humiliation (continued) (Ang Katayuan ng Pagkahamak [Pagpapatuloy]) LESSON 17 The State of Exaltation (Ang Katayuan ng Pagpaparangal) LESSON 18 The Covenant of Grace (Ang Tipan ng Biyaya) LESSON 19 Regeneration (Muling Kapanganakan) LESSON 20 The Calling (Ang Pagtawag) LESSON 21 Saving Faith (Pananampalatayang ukol sa Ikaliligtas) LESSON 22 Justification (Pag-aaring Ganap) LESSON 23 Sanctification (Pagpapabanal) LESSON 24 The Church (Ang Iglesya) LESSON 25 The Means of Grace (Ang mga Pamamaraan ng Biyaya) LESSON 26 Baptism (Bautismo) LESSON 27 The Lord"s Supper (Ang Banal na Hapunan ng Panginoon) LESSON 28 The Death of Believers (Ang Kamatayan ng mga Mananampalataya) LESSON 29 The Second Coming of Christ (Ang Ikalawang Pagparito ni Cristo) LESSON 30 The End of This Age (Ang Pagwawakas ng Panahong Ito)
Paunang Salita
Ang Essentials ay isang sistematikong kurso sa Doktrinang Reformed na sinusunod ang tradisyonal na tinaguriang limang dibisyon (Loci) ng Dogmatics (Teolohiya). Ang pag-aaral na ito ay laan para sa mga estudyanteng nasa mga huling lebel ng high school at mga unang lebel ng kolehiyo. Ginagamit din ito sa mga lugar ng pagmi-misyon sa mga bagong kaanib. Ang layunin ng pag-aaral ay ang pagtuturo mula sa Salita ng Diyos ng mga paunang aral ng tamang doktrina at ng pananampalatayang Reformed at Cristiano. Ang layunin ay malinaw na maunawaan ng isang mananampalataya ang kanyang pinaniniwalaan, bakit niya pinaniniwalaan ito, at saan sa Salita ng Diyos itinuturo ito. Hinahanapan ng mga simbahang Reformed ng malinaw na pagpapahayag ng pananampalataya (confession of faith) ang mga miyembrong nasa gulang na, na isang pagpapahayag ng "pananampalatayang Reformed" ayon sa pinanghahawakan. Dahil habang ang pananampalataya kay Cristo ay isang personal na bagay ng pag-ibig kay Cristo, ito ay pananampalataya ring kumikilala sa Kanya at ito"y ayon sa mga Kasulatan. Ang Salita ng Diyos ay salita ng Katotohanan. Sa pamamagitan ng paghahambing ng mga espiritwal na bagay sa espiritwal at Kasulatan sa Kasulatan, maaaring maunawaan ng isang tao kung ano ang itinuturo ng Salita ng Diyos. Hindi ito isang bagay na haka-haka lang ng tao. Mayroong katotohanan at kasinungalingan. Mayroong katotohanan ng Ebanghelyo at ng katotohanan ni Cristo, at mayroong mga bulaang ebanghelyo at mga bulaang Cristo. Kapag ang bayan ng Diyos ay napapahamak dahil sa kawalan ng kaalaman at ang iglesia ay nahuhulog sa kalituhan ng bawat hangin ng kakaibang doktrina na humihihip dito, napagnanakawan ang mga tunay na mananampalataya ng kanilang pag-asa, kaaliwan at kagalakan at ang espiritwal na kapayapaan ng iglesia ay nagagambala. Ang Essentials ay kabilang din sa mga pagsisikap ng iglesia upang ipasa sa susunod na henerasyon ang pamana ng Ebanghelyo. Ito ay seryosong bagay para sa mananampalatayang Reformed, dahil may kinalaman ito sa espiritwal na kapakanan ng kanyang mga anak at mga magiging apo. Kahihiyan ng kasalukuyang sitwasyon ng iglesiang Cristiano, pati na ng komunidad ng mga Reformed at Presbyterian, at kahihiyan din sa harapan ni Cristo, na ang kamangmangan sa kaalaman sa Salita at doktrina ay napakalala. Ang ipinahayag ng iglesiang Cristiano sa loob ng dalawang milenyo ay naglaho na. Ang ipinahayag ng Repormasyon nang may katiyakan at kalinawan ay binabaluktot, tinututulan at kinalimutan na. Ang dahilan kung bakit naituturo ng mga bulaang mangangaral ang kahit ano na lang sa kasalukuyan, ay bunsod ng doktrinal at espiritwal na kamangmangan ng modernong Cristiano, na mas nakatuon sa kanyang "emosyonal" na pakiramdam tungkol sa Salita imbis na sa kung ano talaga ang sinasabi ng Salita. Ang resulta ng ganitong kalakaran ay kamatayan, oo, kamatayan, lalo na sa mga henerasyon. "Ang aking bayan ay nawawasak dahil sa kakulangan ng kaalaman." Hoseas 4:6.
LESSON 1The Knowledge of God(Pagkakilala sa Diyos)
1. Ano ang pinakamahalaga sa lahat ng bagay? Ang makilala ang tunay na Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Kanyang isinugo. Jeremias 9:23, 24
2. Bakit ang pagkakilalang ito ay mahalaga? Sapagkat ang makilala ang Diyos sa pamamagitan ni Jesus-Cristo ay pagkakaroon ng buhay na walang hanggan. Juan 17:3
3. Paano natin makikilala ang Diyos? Sa pamamagitan lamang ng Kanyang sariling kapahayagan sa sangnilikha at sa Kanyang Banal na Kasulatan. Awit 19:1-3; 2Tim. 3:16; Belgic Confession, Article 2
4. Ipinakikilala ba ng Diyos ang Kanyang sarili sa mga makasalanan? Oo, ipinakikita ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang nilikha na Siya ay Diyos at dapat na paglingkuran, nang sa ganon ang mga makasalan ay walang maidadahilan. Roma 1:20
5. May mga bagay pa bang inihahayag ang Diyos sa mga makasalanan? Ang Diyos ay naghahayag sa kunsiyensiya ng bawat tao hinggil sa kung ano ang tama at mali. Roma 2:14, 15
6. Ang kapahayagan bang ito ng Diyos ay makapagdudulot ng kaligtasan? Hindi, sapagkat sa pamamagitan nito ang poot ng Diyos ay nahayag mula sa kalangitan laban sa lahat ng kalapastanganan at kasamaan ng mga tao. Roma 1:18
7. Paano ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa Kanyang hinirang? Sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan, na ipinapahayag sa atin si Cristo, na Siya lamang ang kaligtasan. 2Timoteo 3:16,17
8. Ipinapahayag din ba ng Diyos ang Kanyang sarili sa Kanyang hinirang sa pamamagitan ng sangnilikha? Oo, sapagkat ayon sa Kasulatan ay makikita natin na ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos at ang kalawakan ng gawa ng Kanyang kamay.
9. Sa papaano pang paraan ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa kapanahinan ng Kanyang hinirang? Ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng kasaysayan.
10. Makikilala ba natin ang Diyos sa sarili nating pagsisikap? Hindi, ang Banal na Espiritu lamang ang makapagbibigay sa atin ng katotohanag ito sa pamamagitan ng paggawa Niya sa ating puso. 1Corinto 2:10-12
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Tingnan ang mga sumusunod na talata at ilista kung paano nagpapahayag ang sangnilkha patungkol sa Diyos: Awit 19:1, 2; 8:1; Roma 1:20. 2. Tingnan ang mga sumusunod na talata at ipaliwanag kung paano ipinapahayag ng sangnilkha si Cristo: Isaias 53:7; Awit ni Solomon 2:1; Malakias 4:2. 3. Basahing maigi ang Belgic Confession, Article 2 at isulat kung ano ang sinasabi ng artikulong ito tungkol sa kapahayagan ng Diyos. 4. Basahaing maigi ang Roma 1:18-25 at sagutin ang mga sumusunod na tanong: a. Ipinapahayag ba ng Diyos ang Kanyang biyaya sa lahat ng tao sa pamamagitan ng Kanyang kapahayagan sa sangnilikha, tulad ng itinuturo ng mga Arminians? b. Ano ang ginagawa ng makasalanan sa kapahayagan ng Diyos sa sangnilikha? c. Paano pinarurusahan ng Diyos ang kalapastanganang ito. 5. Tingnan ang Awit 14:1. Ang talata bang ito ay nagtuturo na may mga taong "atheists"? Ipaliwanag ang iyong sagot.
LESSON 2Holy Scripture(Banal na Kasulatan)
1. Ano ang Biblia? Ang Biblia ay kinasihan ng Diyos at walang maling naisulat na Salita ng Diyos. 2Timoteo 3:16; 2Pedro 1:19-21
2. Paano natin nalalaman na ang Biblia ay Salita ng Diyos? Una, sa patunay ng Biblia mismo; pangalawa, sa patotoo ng Banal na Espiritu sa ating mga puso. 1Juan 5:6
3. Ano ang kahulugan ng kinasihan ng Diyos? Ito"y isang gawa ng Diyos kung saan Kanyang kinilos, niliwanagan at walang maling ginabayan ang Kanyang hinirang na sulatin ang Salita ng Diyos
4. Paano naman isinagawa ng Diyos ang pagkasi? "Ang mga taong inudyukan ng Espiritu Santo ay nagsalita mula sa Diyos." 2Ped. 1:21
5. Anu-ano ang mga katangian ng Banal na Kasulatan? Walang pagkakamali, may pagkaka-isa, madaling maunawaan, makapangyarihan, at sapat.
6. Ano ang kahulugan ng walang pagkakamali ang Kasulatan? Na ang bawat salita ng Kasulatan ay Salita ng Diyos, kaya nga, walang kamalian. 2Tim. 3:16; 2Ped. 1:20-21
7. Ano ang kahulugan ng may pagkaka-isa ang Kasulatan? Na ang lahat ng Kasulatan ay isang kapahayagan ng Diyos tungkol kay Jesus na Siyang Diyos ng ating kaligtasan. Juan 5:39
8. Ano ang kahulugan ng madaling maunawaan ang Kasulatan? Na sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ang Kasulatan ay madaling maunawaan ng mga hinirang ng Diyos sa kanilang ikaliligtas.
9. Ano ang kahulugan ng may kapangyarihan ang Kasulatan? Na ang Kasulatan ay siyang tanging pamantayan ng ating pananampalataya at ating buhay. 2Tim. 3:16-17
10. Ano ang kahulugan ng kasapatan ng Kasulatan? Na ang Kasulatan ay buong naglalaman ng kalooban ng Diyos para sa ating kaligtasan.. Belgic Confession, Article 7
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Tingnan ang 2Ped. 1:20-21 1t 2Tim. 3:16 at sagutin ang tanong na ito: Ang Kasulatan ba ay produkto ng Diyos at tao? Patunayan ang sa mo gamit ang mga talatang ito. 2. Basahin ang Belgic Confession, Article 5 at sagutin ang tanong na ito: Bakit natin dapat paniwalaan ang lahat ng nakasulat sa Banal na Kasulatan? 3. Ano ang layunin ng Biblia? Tingnan Juan 5:39; 2Tim 3:16, 17. 4. Kung ang Kasulatan ay madaling maunawaan, paano mo naman ipapaliwanag ang 2Ped. 3:16? 5. Mabigay ng iba pang patunay sa Biblia na ang Kasulatan ay walang kamalian.
TAKDANG ARALIN Ano ang kahulugan ng mga sumusunod: a. Mechanical inspiration? b. Dynamic inspiration? c. Verbal Plenary inspiration?
LESSON 3God"s Essence and Names(Kalikasan at mga Pangalan ng Diyos)
1. Sa anong mga bagay makikilala natin ang Diyos? Sa Kanyang esensiya(diwa), mga pangalan, mga katangian, personalidad at sa mga gawa
2. Ano ang ipinapahayag ng Kasulatan tungkol sa esensiya o pagka-Diyos ng Diyos? Na Siya ay Espiritu na may walang hanggang katangian na nasa tatlong persona. Juan 4:24
3. Mayroon pa bang sinasabi ang Kasulatan tungkol sa esensiya ng Diyos? Mayroon, sinasabi ng Kasulatan na ang Diyos ay kapwa "immanent" at "transcedent". Jer. 23:23, 24
4. Ano ang kahulugan ng "transcendence" ng Diyos? Na ang Diyos ay kataas-taasang nakahihigit sa lahat at hiwalay sa Kanyang nilikha at walang sinuman o anuman na katulad Niya. 1Hari 8:27
5. Ano ang kahulugan ng "immanence" ng Diyos? Na ang Diyos sa Kanyang buong pagka-Diyos ay nasasalahat sa bawat bagahi ng Kanyang nilikha. Gawa 17:27, 28
6. Sinasabi ba ng Banal na Kasulatan na ang Diyos ay may mga pangalan? Oo, bagama"t ang Kanyang mga pangalan ay hindi tulad ng ating mga pangalan, sapagkat walang nilalang na katulad Niya. Isaias 40:25
7. Ano ang kahalagahan ng mga pangalan ng Diyos? Ang mga ito ay kapahayagan ng ilang katangian ng Diyos sa atin. Awit 111:9
8. Ano ang pinakamahalagang mga pangalan ng Diyos? Ang Kanyang pangalang Diyos at Yahweh (Jehovah, Panginoon). Exodo 34:6
9. Ano ang kahulugan ng Yahweh? Na ang Diyos ay walang hanggan at di-nagbabagong Diyos ng Tipan. Malakias 3:6
10. Bakit binigyan ng Diyos ang Kanyang sarili ng mga pangalan? Upang tayo"y maaring makipag-usap sa Kanya at pag-usapan Siya ng may paggalang. Awit 50:15
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Tingnan ang mga sumusunod na talata at ibigay ang mga pangalan ng Diyos na nasasaad sa mga ito: Awit 111:9; Isaias 57:15; Genesis 14:18; Awit 80:14; Isaias 40:28. 2. Tingnan ang mga sumusunod na talata at sabihin kung ano ang itinuturo ng mga ito tungkol sa Diyos: Deutoronomio 6:4; Juan 4:24; Isaias 40:18, 25; Awit 90:2. 3. Paanong masasabi na ang mga sumusunod na mga talata ay nagtuturo ng "transcedence" ng Diyos? Job 11:7; Isaias 66:1 4. Paano naman pinatutunayan ng Gawa 17:27, 28 ang "immanence" ng Diyos. 5. Ano ang itinututuro ng Exodo 3:13-15 tungkol sa pangalang "I AM" ("AKO NGA")?
LESSON 4God"s Incommunicable Attributes(Mga Hindi Naibabahaging Katangian ng Diyos)
1. Ano ang mga tinatawag na mga katangian ng Diyos? Ito ay "yung mga walang hanggang kasakdalan (infinite perfections) ng Kanyang pagkaDiyos na nagpapahayag sa atin kung sino at ano ang Diyos. 1Pedro 2:9
2. Sa anu-anong uri nakikilala ang katangian ng Diyos? Nakikilala sila sa tawag na communicable (naibabahagi at makikita rin sa iba) at incommunicable (hindi naibabahagi, sa kanya lamang) na mga katangian.
3. Ano ang kahulugan ng ganong pagkakauri? Yamang tayo ay nilalang ng Diyos sa Kanyang wangis, ang iba sa Kanyang katangian ay nasasalamin sa atin, ang tawag sa mga ito"y communicable attributes. Ang mga katangiang taglay ng Diyos lamang at hindi makikita sa iba ay tinatawag na incommunicable attributes.
4. Anu-ano ang mga incommunicable na katangian ng Diyos? Ito ay Kanyang oneness, simplicity, independency, infinity at immutability.
5. Ano ang kahulugan ng "oneness" ng Diyos? Na mayroon lamang iisang pagkaDiyos o Diyos at wala ng ibang Diyos maliban sa Kanya. Deteronomio 6:4; Awit 18:31
6. Ano ang kahulugan ng "simplicity" ng Diyos? Na ang Diyos ay di-maaaring mahati at ni hindi nalikha at ang Kanyang mga katangian ay tanging sa Kanya lamang. Marcos 12:29
7. Ano ang kahulugan ng "independency" ng Diyos? Na Siya ay malayang nabubuhay sa sarili at hindi kinakailangan ang tulong ng iba upang mabuhay. Isaias 40:13, 14; Juan 5:26
8. Ano ang kahulugan ng "infinity" ng Diyos? Na ang Diyos ay Diyos na walang hanggang kasakdalan, at Siya ay eternal at nasa-sa-lahat-ng-lugar. Awit 90:2; Jeremias 23:23, 24; 1Timoteo 1:17
9. Ano ang kahulugan ng "immutability" ng Diyos? Na ang Diyos ay hindi nagbabago sa Kanyang pagkaDiyos at sa Kanyang mga gawa at pamamaraan. Malakias 3:6
10. Bakit ipinahayag ng Diyos ang Kanyang mga incommunicable na katangian sa atin? Upang malaman natin na Siya lamang ang kataas-taasan at Siya lamang ang nararapat na pag-ukulan ng pinakamataas na papuri. Jeremias 10:6, 7
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Anong incommunicable na katangian ng Diyos ang binanggit sa Artikulo 1 ng Belgic Confession? 2. Anong katangian ng Diyos ang tinutukoy ng mga sumusunod na texto: Gawa 17:24; 1Juan 1:5; 4:8; 1Corinto 8:6; Santiago 1:17; Awit 90:4; 139:7-10; 1Hari 8:27; Job 11:7-9? 3. Sa Genesis 6:6 ay mababasang ang Diyos ay nagsisi/nalungkot na nilikha Niya ang tao. Paano mo maipapaliwanag ito kung ang Diyos ay di-nagbabago (immutable). 4. Ano ang panawagan sa atin ng Deuteronomio 6:5, 6 yamang ang Diyos ay iisa?
LESSON 5God"s Communicable Attributes(Mga Naibabahaging Katangian ng Diyos)
1. Paano ang pagkakapangkat-pangkat ng communicable na katangian ng Diyos? Ang unang pangkat ay may kinalalaman sa Karunungan ng Diyos, ang ikalawa ay hinggil sa Kanyang Kalooban at ang ikatlo"y tungkol sa Kanyang Kapangyarihan.
2. Anu-anong katangian ang kabilang sa Kanyang Karunungan? Ang Kanyang omniscience, na ang kahulugan ay ang Diyos ay perpektong at patuloy na nakakaalam ng lahat ng mga bagay; at ang Kanyang wisdom.
3. Anu-anong katangian ang kabilang sa Kanyang Kalooban? Ang Kanyang kabutihan, kabanalan, katotohanan, at katuwiran.
4. Anu-anong katangian naman ang kabilang sa Kanyang Kabutihan? Ang Kanyang pag-ibig, biyaya, habag, at pagtitiyaga.
5. Sino ang minamahal ng Diyos? Mahal ng Diyos ang Kanyang sarili bilang pinakamataas na kabutihan at ang lahat ng Kanyang nilalang para sa Kanyang sariling karangalan. 1 Juan 4:8
6. Kung ganon, paano mamahalin ng Diyos ang sinumpang makasalanan (reprobate wicked)? Hindi Niya magagawa, sapagkat itinuturo ng Biblia na ang sumpa ng Diyos ay nasa bahay ng masama. Kawikaan 3:33
7. Kung ganon, paano mamahalin ng Diyos ang Kanyang mga hinirang na makasalanan din naman? Sila"y minamahal ng Diyos hindi bilang makasalanan, kundi bilang mga hinirang kay Cristo at pinawalang-sala"t inaring ganap sa pamamagitan Niya. Efeso 1:4
8. Ano ang kahulugan ng Biyaya ng Diyos? Ito"y pagbibigay ng Diyos ng pabor na di naman nararapat sa mga hinirang kay Cristo at pagbibigay ng kapangyarihan para sa kanilang kaligtasan. Roma 11:6
9. Ano ang kahulugan ng Habag ng Diyos? Ito"y paggagawad ng awa sa Kanyang mga hinirang sa kanilang kapighatian at paghango sa kanila sa ganong kalagayan.. Malakias 3:6
10. Ano ang kahulugan ng Kapangyarihan ng Diyos? Ito"y ang Kanyang di-mapapantayang kapangyarihan (omnipotence), kung saan Kanyang nagagawa ang lahat ng Kanyang itinalagang mangyayari ayon sa kanyang panukala. Genesis 17:1; 18:14; Luke 1:37
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Ang Diyos ba ay nagbibigay ng Kanyang biyaya sa lahat ng tao (common grace) o ang Kanyang biyaya ay para lamang sa Kanyang hinirang (particular grace)? 2. Patunayan na ang common grace ay mali sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng mga sumusunod na talata: Awit 5:4, 5; Kawikaaan 3:33; Roma 1:18. (Gamitin ang ABAB/AB) 3. Ano ang itinuturo ng Roma 9:15 hinggil sa Habag ng Diyos? 4. Ano ang itinuturo ng 2Pedro 3:9 hinggil sa Pagtitiyaga ng Diyos? 5. Tingnan ang mga sumusunod na mga talata at ipaliwanag kung bakit maling ituro na "mahal ng Diyos ang lahat ng mga tao": Awit 73:1; Jeremias 31:3; Roma 8:38, 39; Juan 3:16; 1Juan 4:9. 6. Anu-anong mga katangian ng Diyos ang tinutukoy ng mga sumusunod na talata: Exodo 34:6, 7; Isaias 6:3; Deuteronomio 32:4; Awit 119:68; 1Pedro 1:16?
LESSON 6The Holy Trinity(Ang Banal na Trinidad)
1. Ano ang kahulugan ng katotohanan ng Trinity? Na ang Diyos ay iisa sa Kanyang kalikasan at nahayag naman sa tatlong Persona.1Juan 5:7
2. Paanong ang Diyos ay iisa sa Kanyang kalikasan at tatlo naman ang Persona? Mayroon tatlong magkakaibang persona na nahahayag sa Kani-kaniyang katangian sa iisang Pagka-Diyos.
3. Sinu-sino ang mga tatlong Personang ito? Ang Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo. Mateo 28:19
4. Saan sa Banal na Kasulatan makikita ang katuruang may tatlong Persona? Maraming talata sa Biblia ang nagpapakita ng may higit sa isang persona sa Pagka-Diyos, tulad ng Genesis 1:26; 3:22; 19:24; Awit 110:1. Ang bilang na Tatlong Persona ay malinaw na binanggit naman sa Bagong Tipan, tulad ng sa pormula sa Bautismo (Mateo 28:19) at sa basbas ng apostol (2 Corinto 13:14).
5. Itinuturo din ba ng Banal na Kasulatan na ang tatlong Personang ito ay iisang Diyos? Oo, buong Kasulatan ay nagpapatotoo na ang Diyos ay iisa, at meron mga talatang direktang sinasaad ito, tulad ng Deuteronomio 6:4; 1Juan 5:7.
6. Bakit ang mga Personang ito ay tinatawag na Ama, Anak, at Espiritu Santo? Sapagkat sa mga katawagang ito ay nahahayag ang Kani-kaniyang sariling mga katangian.
7. Ano ang naiibang katangian ng bawat isang Persona? Ang Ama ang Siyang pinagmumulan ng buhay ng Anak; ang Anak naman ay nagmumula sa Ama; ang Espiritu Santo ay nagbubuhat sa Ama at sa Anak. Juan 14:26; 15:26; Galacia 4:6; Juan 1:14; Awit 2:7
8. Ano ang kahalagahan ng doktrinang ito ng Trinity? Na ang Diyos na Trinidad ay may perpektong tipan ng pagkakaisa sa Kanyang sarili at Siya ay nagtatag ng tipan ng buhay sa atin. Genesis 17:1, 7
9. Bawat isang Persona ba ay may Kani-kaniyang gawa sa paglikha at pagliligtas? Hindi, ang Diyos na Trinidad ang Siyang lumilikha, tumutubos, at nagpapabanal. Jonas 2:
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Patunayan ang pagka-Diyos ni Cristo sa mga sumusunod na talata: Juan 1:1; 10:30; Apocalipsis 1:17 2. Patunayan ang personalidad ng Espiritu Santo sa mga sumusunod na talata: Juan 15:26; 1Corinto 2:10; 12:11 3. Patunayan sa Juan 15:26 na ang Espirtu Santo ay nagbubuhat sa Ama at sa Anak. 4. Basahin ang "Lord"s Day 8, Question and Answer # 24 ng Katesismong Heidelberg, at ipaliwanag ito ayon sa tanong #9 sa itaas ng lesong ito. 5. Paano naituturo ng doktrinang Trinity na ang Diyos ay Diyos ng Tipan?
LESSON 7God"s Work in Eternity(Gawa ng Diyos sa Walang Hanggan)
1. Paano napapangkat ang mga ginawa ng Diyos? Sa dalawa, una ang mga gawa Niya sa eternity at mga gawa Niya sa kasalukuyang panahon. Gawa 15:18
2. Ano ang Kanyang mga gawa sa eternity? Ang Kanyang eternal na mga Itinakda (eternal decrees). Efeso 1:3, 4
3. Anu-ano ang mga Itinakda ng Diyos? Ang Kanyang eternal na panukala, na kung saan nakabatay ang lahat ng Kanyang mga gawa. Efeso 1:11
4. Mayroon pa bang ginagamit ang Biblia na ibang tawag sa Itinakda ng Diyos? Mayroon, Kanyang panukala, Kalooban, Pakay, at Mabuting Layunin. Efeso 1:9, 11
5. Anu-anong katangian ang binabanggit ng Biblia hinggil sa Panukala ng Diyos? Itinuturo ng Biblia na ang Panukala ng Diyos ay eternal, malayang-malaya, walang kinusulta, hindi nagbabago, mabisa, "all-comprehensive", mabuti. Roma 11:33-36; Hebreo 6:17
6. Ano ang kahulugan ng ang Panukala ng Diyos ay eternal? Na itinakda ang lahat ng mga bagay ayon sa Kanyang Panukala bago pa magsimula ang sanlibutan. Awit 33:11; Isaias 46:10
7. Ano ang kahulugan ng ang Panukala ng Diyos ay "all-comprehensive"? Na ayon sa Panukala ay itinalaga na ng Diyos ang lahat ng bagay na mangyayari. Gawa 15:18; 1Samuel 23:11, 12
8. Ano ang Panukalang "Predestination"? Ito"y ang eternal na Panukala ng Diyos hinggil sa eternal na kalalagyan ng mga nilalang, kabilang na rin ang "election" at "reprobation". Roma 9:11-13
9. Ano ang Panukalang "Election"? Ito"y ang eternal, di-mapapantayang-karapatan, at mabuting layunin ng Diyos na iligtas para sa eternal na kaluwalhatian ang mga hinirang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. Efeso 1:5, 6; 2Tesalonica 2:13; Roma 8:29
10. Ano ang Panukalang "Reprobation"? Ito"y ang eternal, di-mapapantayang-karapatan, makatarungan at mabuting layunin ng Diyos na sumpain ang iba sa eternal na kaparusahan dahil sa kanilang mga kasalanan. 1Pedro 2:8; Roma 9:17, 18; Kawikaan 16:4.
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Basahin ang Roma 9:11-18 at Efeso 1:4, 5 at sagutin ang mga sumusunod na mga tanong: a. Ang Diyos ba ay humirang ng mga tao dahil sa sila ay sumampalataya sa Kanya? b. Ang Diyos ba ay nag-reprobate ng mga tao dahil sa sila"y ayaw sumampalataya? 2. Ano ang itinuturo ng Juan 10:25, 26 hinggil sa kaugnayan ng reprobation at di-pananampalataya? 3. Ano ang itinuturo ng Canons 1:6; Juan 6:40; at Gawa 13:48 hinggil sa kaugnayan ng pananampalataya at panukalang "election"? 4. Tingnan ang 2Pedro 1:10 at ipaliwanag kung paano natin mapapatatag ang pagkakahirang sa atin? 5. Tingnan ang Roma 9:22,23 at ipaliwanag kung ano ang Panukalang Election at Reprobation ayon sa mga talata.
LESSON 8God"s Work in Time (Creation)(Gawa ng Diyos sa Panahon [Paglikha])
1. Ano ang unang ginawa ng Diyos sa kapanahunan? Ang paglikha/paglalang ng langit at lupa. Genesis 15:18
2. Ano ang kahulugan ng paglikha o paglalang? Ang paglikha ay ang gawa ng Diyos kung saan sa pamamagitan ng Kanyang makapangyarihang Salita ay tinawag mula sa kawalan upang magka-anyo ang mga bagay na wala pa nang una. Hebreo 11:3; Jeremias 10:12; Juan 1:1-3; Awit 33:6
3. Ano ang nilikha ng Diyos? Ang lahat ng mga bagay: ang langit, ang kalawakan, ang dagat, ang lupa, at lahat ng nilalang na may buhay sa langit at sa lupa at sa dagat.. Genesis 1
4. Gaano katagal nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay? Sa loob ng anim na araw; araw na binubuo ng gabi at umaga. Efeso 1:9, 11
5. Ano ang nilikha ng Diyos sa unang tatlong araw? Ang liwanag, ang kalawakan, ang mga dagat, ang tuyong lupa, at ang buong halamanan pati na ang mga punong-kahoy. Genesis 1:1-13
6. Ano ang nilikha ng Diyos sa huling tatlong araw? Ang mga tanglaw sa kalawakan, mga isda at mga ibon, mga hayop at ang tao. Genesis 1:14-31
7. Ano ang kahulugan ng ang Diyos ay nagpahinga sa ika-pitong araw? Una, na Siya"y tumigil na sa paglikha; at pangalawa, na Siya"y nagalak sa lahat ng Kanyang mga nilikha. Genesis 2:1-3
8. Ano ang kahulugan ng nakita ng Diyos ang lahat ng Kanyang nilikha at ito ay napakabuti? Na ang Kanyang nilikha ay tamang-tamang umaayon sa Kanyang layunin, na ito naman talaga ang layunin kung bakit nilikha ang lahat. Apocalipsis 4:11(kjv)
9. Ano ang layunin ng Diyos sa paglikha? Ang kaluwalhatian ng Kanyang pangalan sa pamamagitan ng kapahayagan ng Kanyang mga kapuri-puring katangian. Kawikaan 16:4; Awit 8:1; Apocalipsis 4:11(kjv)
10. Paano natin mauunawaan ang gawang paglikha ng Diyos? Sa pamamagitan ng pananampalataya, sapagkat "sa pananampalataya ay nauunawaan natin na ang mga sanlibutan ay nilikha sa pamamagitan ng salita ng Diyos, anupa"t ang mga bagay na nakikita ay nagmula sa mga bagay ba hindi nakikita. Hebreo 11:3
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Ano ang itinuturo ng tinatawag na "theory of evolution"? 2. Patunayan sa Biblia na ang "theory" na ito ay mali. Tingnan ang Genesis 1; Exodo 20:11; Hebreo 11:3; Roma 4:17. 3. Ano ang ibig ipakahulugan ng Hebreo 11:3 nang sabihin nito na nauunawaan natin na ang mga sanlibutan ay nilikha sa pamamagitan ng salita ng Diyos? 4. Paano mo ipapaliwanag ang salitang "araw" sa mga sumusunod na talata: Genesis 1:14-19; 5:4; 2Pedro 3:8?
LESSON 9God"s Providence(Ang Probidensya ng Diyos)
1. Ang sangnilikha (creation) ba"y nananatili dahil sa kanyang sariling lakas? Hindi kailanman, sapagkat ang lahat ng mga bagay ay nananatili lamang sa pamamagitan ng pangangalaga (providence) ng Diyos. Juan 5:17; Gawa 17:28
2. Ano ang kahulugan ng Pangangalaga (providence) ng Diyos? Ang pinakamalakas at nasasalahat ng dakong kapangyarihan ng Diyos kung saan sa pamamagitan nito"y pinangangalagaan at pinangangasiwaan Niya ang lahat ng mga bagay ayon sa Kanyang panukala.. Hebreo 1:3
3. Ano ang nasasakop ng Pangangalaga ng Diyos? Ang lahat ng mga bagay, dakila man o maliit, mabuti man o masama; lahat ng mga bagay sa langit, sa lupa, sa impiyerno; lahat ng mga gawa ng mga tao at mga anghel. Mateo 10:20, 29; Awit 103:19; Kawikaan 21:1; 16:1, 9
4. Ano ang dalawang uri ng Pangangalaga ng Diyos? Pagpapanatili (preservation) at pangangasiwa (government).
5. Ano ang kahulugan ng Pagpapanatili (preservation)? Ito"y gawa ng Diyos kung saan patuloy Niyang pinanatili ang lahat ng mga nilalang na Kanyang nilikha. Daniel 4:34, 35; Gawa 17:25-28
6. Ano ang kahulugan ng Pangangasiwa (government) ng Diyos? Ito"y gawa ng Diyos kung saan ina-akay Niya ang lahat ng mga bagay sa kaganapan ng layuning itinakda sa mga ito. Gawa 15:18
7. Kung ang Diyos ang nangangasiwa sa mga gawa ng tao, nangangahulugan bang sila"y mga "robot" sa Kanyang mga kamay? Hindi, ang tao ay nananatiling may pag-iisip, nagpapasiya, aktibo at responsable sa lahat ng kanyang mga gawa. Gawa 2:23, Filipos 2:12-13
8. Ano ang kabutihang idinudulot sa mga mananampalataya ng katotohang Pangangalaga ng Diyos? Na ang lahat ng mga bagay na nangyayari sa atin ay dahil sa pangangalaga ng Diyos Ama at Kanyang ina-ayos ang lahat ng mga bagay para sa ating kaligtasan. Amos 9:8, 9; Roma 8:28.
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Ang mga "miracles" ba ay "violations" ("suspension") ng batas ng kalikasan? Ipaliwanag ang iyong sagot. 2. Tinatawag ng Biblia ang "miracles" bilang mga tanda (signs). [Tingnan Juan 20:30; Isaias 7:14]. Ano ang "tanda" (sign)? Ano ang mga malahimalang tanda? 3. Ano ang itinuturo ng Awit 73 hinggil sa pagyaman ng mga masasama at pagdurusa ng mga matutuwid? 4. Ipaliwanag kung paano ang mga sumusunod na talata ay nagtuturo ng ang Diyos ang kumokontrol pati na sa kasalanan: 2Samuel 16:10; 24:23; Kawikaan 21:1; Gawa 2:23; 4:26-28. 5. Ipaliwanag kung paano ang mga sumusunod na talata ay nagtuturo na ang Pangangalaga ng Diyos ay napakahalagang katotohanan sa mga hinirang ng Diyos: Hebreo 13:5, 6; Roma 8:28; 8:35-39; Mateo 10:30 6. Ang katotohanan ng Pangangalaga ng Diyos ba ay nangangahulugan na ang Diyos ang may "akda" ng kasalanan (author of sin)?
LESSON 10Man in the State of Original Righteousness(Ang Tao sa Katayuan ng Orihinal na Katuwiran)
1. Ano ang itinuturo ng Biblia hinggil sa pagkalikha sa tao? a. Na nilalang ng Diyos si Adan mula sa alabok ng lupa, at hiningahan ang mga butas ng kanyang ilong ng hininga ng buhay. b. Na nilalang siya ng Diyos na katawan at kaluluwa. c. Na nilalang siya ng Diyos ayon sa Kanyang larawan.
2. Ano ang kahulugan ng larawan ng Diyos sa tao? Na mayroong perpektong katangian ang Diyos na masasalamin sa tao, kaya nga sa mga nilalang siya ang makakatulad ng Diyos. Genesis 1:26-27
3. Ano ang mga elementong kabilang sa larawan ng Diyos sa tao? Tunay na kaalaman hinggil sa Diyos, katuwiran, at kabanalan. Col. 3:10; Efes. 4:24
4. Maaari bang patunayan sa Biblia na ang mga elementong ito"y kabilang sa larawan ng Diyos sa tao? Oo, itinuturo sa Efeso 4:23, 24 na ""at magbago sa espiritu ng pag-iisip, at kayo"y magbihis ng bagong pagkatao, na nilalang ayon sa wangis ng Diyos, sa katuwiran at kabanalan ng katotohanan."
5. Ano ang kaugnayan/relasyon ni Adan sa Diyos? Si Adan ay nabuhay na nakaugnay sa Tipan ng Diyos kung saan siya ay kaibigang-lingkod (friend-servant) ng Diyos. Hosea 6:7
6. Ano ang kahulugan nito? Na si Adan ay parehong kaibigan at lingkod ng Diyos sa Kanyang sangnilikha.
7. Ano ang kaugnayan/relasyon ni Adan sa sangnilikha? Si Adan ang namamahala sa lahat ng nilalang sa lupa bilang kanilang hari. Gen. 1:28
8. Ano ang kaugnayan/relasyon ni Adan sa sangkatauhan? Si Adan ang kanilang unang ama at punong kumakatawan sa kanila. 1Corinto 15:21
9. Si Adan ba ay may kakayahang magpasiya (free-will)? Oo, si Adan ay nilalang na mabuti, upang ganap na mapaglingkuran niya ang Diyos; ngunit maaari rin naman siyang tumalikod at magkasala sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang sariling pasiya. Eclesiastes 7:29
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Ilarawan mula sa Genesis 2:4-15 ang hardin na pinaglagyan ng Diyos kay Adan. 2. Basahin ang Genesis 2:9, 16, 17 at sagutin ang mga sumusunod na tanong: a. Anu-ano ang dalawang punong-kahoy na inilagay ng Diyos sa hardin? b. Ano namang utos ng Diyos hinggil sa mga punong-kahoy na ito? c. Bakit inilagay ng Diyos ang mga punong-kahoy na ito sa hardin at nagbigay ng utos hinggil sa mga ito? 3. Sabihin mula sa Genesis 1:28-30 at Genesis 2:15, 19, 20 kung anong kahulugan ng pamamahala ni Adan sa lahat ng sangnilkha dito sa lupa? 4. Ipaliwanag mula sa Genesis 2:18, 21-25 kung paano nilalang ng Diyos si Eba at ano ang kahulugan nito para kay Adan? 5. Ano ang kahalagahan ng punong-kahoy ng buhay na binanggit sa Apocalipsis 22:2 6. Kung si Adan ay hindi nagkasala at nanatiling tapat, siya kaya at ang buong sangkatauhan ay mapupunta sa eternal na kaluwalhatian ng kalangitan? Cf. 1Cor. 15:50
LESSON 11The Fall of Man(Ang Pagkahulog ng Tao)
1. Nanatili ba ang tao na kaibigang-lingkod (friend-servant) ng Diyos? Hindi, nilabag niya ang Tipan ng Diyos nang kainin niya ang bunga ng punong-kahoy na ipinagbabawal. Genesis 2:17; Deuteronomio 4:23
2. Napakalaki bang kasalanan ang paglabag na ito? Oo, sapagkat: a. Ito"y paglabag sa Kautusan ng Diyos. Genesis 3:11 b. Sa kanyang paglabag, pinili ni Adan si Satanas kaysa sa Diyos. Genesis 3:14 c. Si Adan ay nagkasala bilang puno at unang ama ng buong sangkatuhan. 1Corinto 15:21, 22
3. Ano ang kaparusahan sa kasalanan? Kamatayan: "sapagkat sa araw na ikaw ay kumain niyon ay tiyak na mamamatay ka." Genesis 2:17; Romans 6:23
4. Namatay ba agad si Adan tulad ng sinabi ng Diyos? Oo, Si Adan ay nahiwalay sa Diyos at inalis sa presensya ng Diyos sa hardin, at naging patay ang katutubong-kalikasan sa kasalanan at nasa ilalim ng poot ng Diyos. Efeso 2:1; Roma 5:12
5. Tayo rin ba, ayon sa ating katutubong-kalikasan ay nasa ilalim ng kaparusahan ng kasalanan ni Adan? Oo, sapagkat tayo rin ay ipinanganak na patay sa kasamaan at kasalanan. Roma 5:12; Jeremias 17:9; 1Corinto 15:21, 22.
6. Ano ang "Orihinal na Kasalanan"? Ang Orihinal na Kasalanan ay pagbibilang ng kasalanan ni Adan sa buong lahi ng sangkatauhan. Roma 5:12
7. Ano ang Orihinal na Kasamaan o Karumihan? Ito"y ang kabulukan ng katutubong-kalikasan ni Adan na naipasa sa buong lahi ng sangkatauhan. Genesis 2:17; Job 15:14; Awit 51:5
8. Ang tao ba ay kayang gumawa ng anumang mabuti? Hindi, ang kanyang katutubong-kalikasan ay naka-ayon sa lahat ng kasamaan, at lahat ng kanyang mga gawa ay bulok at may bahid palagi ng kasalanan. Awit 51:5
9. Paano ipinahayag ng Diyos ang Kanyang biyaya matapos ang pagbagsak sa kasalanan ni Adan? Kanyang ipinagako si Cristo na mula sa binhi ng babae na dudurog sa ulo ng ahas. Genesis 3:15
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Basahin ang Genesis 3:1-6 at sagutin ang mga sumusunod na katanungan: a. Sino ang tunay na tumukso kay Eba? b. Anong kasinungalingan ang sinabi ni Satanas kay Eba? c. Bakit nahikayat si Eba na kumain ng bunga ng ipagbabawal na punong-kahoy? 2. Paanong si Adan ay larawan ni Cristo? Roma 5:12-19; 1Corinto 15:22; Lesson 10-Q#8 3. Ano ang kahulugan ng "Tunay na Makasalanan" (Total Depravity)? Patunayan ang katotohanan nito ayon sa Efeso 2:1; Roma 3:10-19; Canons III/IV, Article 4. 4. Balik-aralan ang "Common Grace" at bakit ito"y sumasalungat sa "Tunay na Maksalanan"?
LESSON 12The Mediator and His Names(Ang Tagapamagitan at ang Kanyang mga Pangalan)
1. Paano inililigtas ng Diyos ang Kanyang mga hinirang? Sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya sa Tagapamagitan ng Tipan ng Biyaya, ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Hebreo 8:6
2. Hindi ba kayang iligtas ng Kanyang hinirang ang kanilang mga sarili? Hinding-hindi, sapagkat hindi kailanman nila mabibigyan ng kaganapan ang katarungan ng Diyos at hindi nila kayang tubusin ang sarili nilang kasalanan. Roma 4:5
3. Dapat bang talagang bigyan ng kaganapan ang Kanyang katarungan? Walang alinlangan, sapagkat hindi maaring ikaila ng Diyos ang Kanyang sarili, samakatuwid, matatanggap lamang tayo ng Diyos sa Kanyang tipan ng buhay kung ang Kanyang katarungan ay mabibigyan ng kaganapan. Isaias 53:11
4. Ngunit bakit hindi kayang bigyan ng makasalanang tao ng kaganapan ang katarungan ng Diyos? Sapagkat ang tao ay patay sa kasalanan at patuloy na nadagdagan ang kanyang kasalanan sa araw-araw. Roma 6:23
5. Sino ang nagbigay sa atin ng Tagapamagitan? Siya ay mula sa Diyos, itinalaga Niya at Siyang ibinigay sa atin. 1 Corinto 1:30. Kaya nga, Siya ay tinawag ding Kordero ng Diyos.
6. Anu-ano ang mga pangunahing pangalan ng Tagapamagitan? Ang mga pangalang Jesus, Cristo, at Panginoon. Gawa 2:36
7. Nagbigay ba ang Biblia ng iba pang mga pangalan ng Tagapamagitan? Oo, maraming pangalan ang tinawag sa Kanya, tulad ng: Anak ng Diyos, Anak ng Tao, Immanuel, Kordero ng Diyos, Leon ng angkan ni Judah, Anak ni David. Mateo 27:43
8. Bakit ang Tagapamagitan ay tinawag na Jesus? Sapagkat iniligtas Niya tayo mula sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan at ginawa Niya tayong kabahagi ng walang hanggang kaluwalhatian. Gawa 4:12
9. Ano naman ang nais ipakahulugan ng pangalang Cristo? Ang kahulugan ng pangalang Cristo ay "pinahiran ng langis ng Diyos": na Siya ang itinalaga ng Diyos Ama at ginawang angkop na angkop ng Espiritu Santo upang ating maging Tagapamagitan. Juan 1:41
10. Bakit Siya ay tinawag na Panginoon? Sapagkat tinubos at iniligtas Niya tayo mula sa kapangyarihan ng diyablo at inari Niya tayong Kanyang sarili. 1 Corinto 6:19-20
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Sino ang nagbigay ng pangalang Jesus sa ating Tagapamagitan? Ibigay ang kahulugan nito. Mateo 1:21; Lucas 1:31 2. Ano ang kahulugan ng pangalang Immanuel? Mateo 1:23. Bakit Siya tinawag sa ganitong pangalan? 3. Magsabi ng mga talata kung saan si Jesus ay tinawag na: Salita, Anak ng Tao, Kordero ng Diyos, Leon ng angkan ni Judah. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga pangalan. 4. Maghanap sa Biblia ng iba pang pangalan ni Cristo. 5. Basahin ang Gawa 11:26 at ipaliwanag: Kailan unang tinawag ang mga mananampalataya na Cristiano? Bakit sila tinawag sa ganitong pangalan? (L.D 12)
LESSON 13The Natures of the Mediator(Ang mga Kalikasan ng Tagapamagitan)
1. Ilang kalikasan mayroon si Cristo? Dalawa, si Cristo ay may kalikasang pagka-Diyos at kalikasang pagka-tao. Roma 1:3,4 9:5
2. Paanong ang dalawang kalikasang ito ay napagsama? Napagsama ang mga ito sa isang Persona ng Anak ng Diyos. Marcos 15:39
3. Kung magkaganon, si Cristo ba ay tunay na Diyos? Oo, sapagkat ang Salita ay Diyos at nagkatawang tao. Juan 1:1, 14; 1Juan 5:20; 1Timoteo 3:16
4. Bakit kinakailangang si Cristo ay tunay na Diyos? Sapagkat Siya lamang na tunay na Diyos ang maaaring makadala ng bigat ng ating mga kasalanan at iligtas tayo sa mga ito. Galacia 1:3, 4
5. Si Cristo ba ay tunay ring tao? Oo, sapagkat isinugo ng Diyos ang Kanyang Anak sa anyo ng makasalanang tao. Roma 8:3
6. Ano ang patunay na si Cristo ay talagang may kalikasang pagka-tao? Si Cristo ay may tunay na katawan ng tao, Lucas 24:39, at may tunay na kaluluwa ng tao, Mateo 26:38. Siya ay nagutom at nauhaw at nakadama ng kapighatian at kagalakan. Juan 19:28; Juan 11:35
7. Ano pa ang masasabi mo sa Kalikasang pagka-tao ni Cristo? a. Ito ay kumpletong kalikasang pagka-tao. Hebreo 2:14-17 b. Ito ay mahina at pinababang kalikasang pagka-tao. Hebreo 4:15 c. Ito ay kalikasang pagka-tao na walang kasalanan, banal at hindi marumi. Hebreo 7:26ff.
8. Paano si Cristo naging tao? Nakuha ni Cristo ang kalikasang pagka-tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo at mula kay birheng Maria. Lucas 1:35
9. Bakit kinakailangang si Cristo ay maging tunay na tao? Sapagkat ang tao lamang ang maaaring magdusa sa mga kasalanang nagawa ng tao. Exodo 21:23
10. Ano ang masasabi mo sa pagsasama ng dalawang kalikasan kay Cristo? Ang dalawang kalikasan ni Cristo ay umiiral ng may pagkakaisa sa isang Persona nang walang pagtatalu-talo pagbagu-bago, paghalu-halo, o paghihiwa-hiwalay. Juan 7:26ff.
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Basahin ang LD 5 at LD 6 ng Katesismo at sabihin kung bakit si Cristo ay kailangang parehong tunay na Diyos at tunay na tao. 2. Noong si Cristo ay ipananganak, mayroon ba Siyang" a. Orihinal na karumihan (Original pollution)? Ipaliwanag. b. Orihinal na kasalanan (Original guilt)? Ipaliwanag. 3. Basahin ang Mateo 4:1-11 at Hebreo 4:14-15. Posible ba kay Cristo na magkasala? Kung ganon bakit Siya tinukso? 4. Ano ang itinuturo ng Filipos 2:5-8, tungkol sa kalikasang pagka-tao ni Cristo?
LESSON 14The Offices of the Mediator(Ang mga Katungkulan ng Tagapamagitan)
1. Sa anong gawain si Cristo ay itinalaga o pinahiran ng langis? Sa tatlong gawain ng pagka Propeta, Pari at Hari. Isaias 61:1
2. Ano ang gawain ni Cristo bilang ating Propeta? Ipinapahayag Niya sa atin ang buong kalooban ng Diyos na may kinalalaman sa ating kaligtasan. Mateo 11:25-27
3. Si Cristo ba ay atin ng Propeta habang Siya"y nasa lupa? Oo, sa Kanyang sariling Persona at sa Kanyang mga gawa ay ipinahayag Niya ang layunin ng Diyos sa kaligtasan. Juan 15:15
4. Ano ang gawain ni Cristo bilang ating Propeta sa langit? Patuloy Siyang nagtuturo sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Salita at Espiritu. Juan 14:26
5. Ano ang gawain ni Cristo bilang ating Pari habang Siya"y nasa lupa? Inialay Niya ang Kanyang sarili sa krus para sa kapatawaran ng kasalanan ng Kanyang mga hinirang. Hebreo 9:14, 28
6. Ano ang kapangyarihan at halaga ng Kanyang sakripisyo? Iyon ay sakripisyong ipinalit sa atin, kung saan binayaran Niya ang lahat ng mga kasalanan ng Kanyang hinirang at tiniyak ang ating kaligtasan. Heb. 10:14; Ef. 5:2
7. Ano naman ang gawain ni Cristo bilang ating Pari sa langit? Siya"y namamagitan para sa atin sa Ama, at nagkakaloob ng bawat espirituwal na pagpapala. Heb. 2:17
8. Ano ang gawain ni Cristo bilang ating Hari habang Siya"y nasa lupa? Winasak Niya ang lahat ng kapangyarihan ng diyablo at impiyerno, ng kasalanan at kamatayan, sa pamamagitan ng Kanyang perpektong ginawa sa krus. Colosas 2:15
9. Ano naman ang ginagawa Niya ngayon bilang ating Hari? Si Cristo ay namamalakad sa Kanyang Iglesya sa pamamagitan ng Kanyang Salita at Espiritu. Efeso 1:22, 23
10. Mayroon pa ba Siyang ginagawang dagdag pa rito? Mayroon, pinangangalagaan Niya ang Kanyang Iglesya laban sa mga salakay ng mga kapangyarihan ng kadiliman at dinadala ang Kanyang Kaharian tungo sa ganap na kaluwalhatian.
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Basahin ang Isaias 61:1, 2 at ipaliwanag kung paano ito nagtuturo ng gawain ni Cristo? Basahin din ang Lucas 4:16-30. 2. Sa mga sumusunod na talata ipaliwanag kung paano si Melkisedek ay larawan ni Cristo: Genesis 14:18-24; Hebreo 6:20; 7:1-17 3. Magbigay ng mga propeta, pari at hari sa OT at ipaliwanag kung paano nila inilarawan si Cristo. 4. Basahin ang Mateo 11:25-27 at ipakita kung paano ang talatang ito"y nagtuturo na si Cristo ay Propeta? 5. Paanong ang pagpapalayas ng dimonyo ni Cristo ay nagpapakita na Siya"y Hari? 6. Ipaliwanag kung paano ang 1 Pedro 2:9 ay nagtuturo na ang mga mananampalataya ay mga propeta, mga pari at mga hari?
LESSON 15The State of Humiliation(Ang Katayuan ng Pagkahamak)
1. Ilang kalagayan ng Tagapamagitan ang ating makikita sa Biblia? Dalawa: Ang kalagayan ng kababaan at kalagayan ng karangalan. (State of humiliation and State of exaltation)
2. Anong talata sa Biblia ang maliwanag na nagsasaad ng dalawang kalagayang ito? Filipos 2:7-9. Itinuturo dito na si Cristo"y binigyan ng mataas na karangalan sapagkat siya"y nagpakababa hanggang sa kamatayan sa krus.
3. Ano ang kalagayang kababaan? Ito"y kalagayan kung saan ibinaba ni Cristo ang Kanyang sarili na tulad ng ating katawan hanggang sa kamatayan upang matamo ang kaligtasan para sa atin.
4. Ilang baitang mayroon sa Kanyang pagpapakababa? Lima: 1) Ang Kanyang hamak na kapanganakan, 2) Ang Kanyang pagdurusa, 3) Ang Kanyang kamatayan, 4) Ang Kanyang libing, 5) Ang Kanyang pagbaba sa impiyerno
5. Paano nangyari na ang kapanganakan ni Cristo ay bahagi ng Kanyang pagpapakababa? Siya"y ipinanganak sa karukhaan at hindi tinanggap ng mga tao. Isaias 53:2,3
6. Paano pa, na ang Kanyang pagkakatawang-tao ay isang pagpapakababa? Bagama"t Siya"y nanatiling Diyos, si Cristo"y naparito sa anyo ng makasalanang laman. Juan 17:5; Roma 8:3
7. Ang Anak ba ng Diyos ay nagdusa? Ang persona ng Anak ng Diyos ay nagdusa sa Kanyang kalikasang-tao, sa katawan at sa kaluluwa. 1 Pedro 2:24; Mateo 26:37, 38
8. Bakit kinakailangang si Cristo ay magdusa? Kailangang bigyan Niya ng kaganapan ang katarungan ng Diyos at tubusin ang ating mga kasalanan. Roma 5:8-11
9. Paano si Cristo nagdusa? Siya"y nagdusa sa kamay ng mga masasama, at higit pa rito ay pinagdusaan Niya ang bigat ng poot ng Diyos. Mateo 20:28; Roma 5:6; Isaias 53:4, 5
10. Para kanino ang pagdurusa ni Cristo? Nagdusa Siya para sa mga hinirang na ibinigay sa Kanya ng Kanyang Ama. Juan 6:39; Juan 10:15; Mateo 1:21
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Ipaliwanag kung paano si Cristo ay nagdusa sa buong buhay Niya. Magbigay ng talata mula sa Biblia para patunayan ito. 2. Patunayan sa Juan 6:39 at Juan 10:15 na si Cristo ay nagdusa para lamang sa mga hinirang. 3. Ano ang itinuturo ng 2Corinto 8:9 hinggil sa pagpapakababa ni Cristo sa Kanyang pakakatawang-tao? 4. Anong mga samahan ang nagtuturo na si Cristo ay namatay para sa lahat ng tao? Patunayan na mali ang katuruang ito. 5. Kung si Cristo ay namatay lamang para sa hinirang, bakit nais Niyang ipangaral ang Ebanghelyo sa lahat?
LESSON 16The State of Humiliation (continued)(Ang Katayuan ng Pagkahamak [Pagpapatuloy])
1. Ano ang pangatlong hakbang sa pagpapakababa ni Cristo? Ang kamatayan ni Cristo sa krus. Lucas 23:46
2. Anong uri ng kamatayan ang ikinamatay ni Cristo? Ang kamatayan sa krus na itinuturing na isang sumpang kamatayan. Deut. 21:23
3. Bakit kinailangan pang mamatay si Cristo ng isang isinumpang kamatayan? Kailangan Niyang mabata ang sumpa ng Diyos na nasa atin dahil sa ating mga kasalanan. Galacia 3:13
4. Ang kamatayan ba ni Jesu-Cristo ay tulad ng kamatayan natin? Hindi. Ibinigay ni Cristo ang Kanyang buhay dahil sa pagsunod sa kalooban ng Ama.
5. Bakit kailangan ang kamatayan ni Cristo ay Kanyang sariling gawa? Sapagkat sa pamamagitan lamang ng pagsunod ni Cristo sa Ama, na matutupad Niya ang kaligtasan para sa Kanyang mga hinirang.
6. Bakit naman inilibing si Cristo? Pinasok Niya ang ating libingan upang ipakita na napagtagumpayan na Niya ang kapangyarihan ng kamatayan at winasak ang kabulukan ng libingan para sa atin. Awit 16:9, 10
7. Kung ganon, bakit kinakailangan pang mamatay ang mga mananampalataya? Ang kamatayan ng mga mananampalataya ay pagpasok lamang sa buhay at kaluwalhatian. II Corinto 5:1
8. Bakit naman ang mga katawan ng mga mananampalataya ay kailangan mahimlay sa kaukulang panahon? Ang kaligtasan at kaluwalhatian ay magiging ganap na ganap lamang sa muling pagbabalik ni Cristo pati na ang paglalang sa bagong langit at lupa.
9. Si Cristo ba ay bumaba sa impiyerno mismo? Hindi. Natiis Niya ang parusa ng impiyerno habang Siya"y nagdusa lalung-lalo na Kanyang pagdurusa sa krus.
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Ano ang kahulugan ng "substitutionary atonement" ni Cristo? Mapapatunayan mo ba ang katotohanang ito sa 2Corinto 5:21? Magbigay pa ng ibang talata na nagtuturo ng katotohanang ito. 2. Tingnan ang kahulugan ng "vicarious" sa diksiyunaryo at ipaliwanag ang kaugnayan nito sa kamatayan ni Cristo. 3. Tingnan ang Gawa 2:23 at Gawa 4:27, 28 at ipaliwanag kung ano ang itinuturo ng mga talatang ito hinggil sa kaugnayan ng kamatayan ni Cristo sa panukala ng Diyos. 4. Ang Romano Catoliko at mga iba pa, ay nagtuturo na si Cristo ay mismong bumaba sa impiyerno matapos Siyang mamatay at habang ang Kanyang katawan ay nakalibing. Tingnan ang Katesismo Lord"s Day 16, Q&A 44, at 1Pedro 3:18-20 at ipaliwanag kung ano ang itinuturo ng mga ito. Tingnan din ang Lucas 23:46 5. Ano ang itinuturo ng Isaias 53:9 hinggil sa libing ni Cristo?
LESSON 17The State of Exaltation(Ang Katayuan ng Pagpaparangal)
1. Ano ang kahulugan ng kalagayang pagpaparangal (state of exaltation)? Ito ay ang kalagayan kung saan si Cristo ay pinarangalan ng pinakamataas na kaluwalhatian sa kalangitan. Roma 5:10
2. Ilan ang bahagdan na makikita natin sa kalagayang pagpaparangal na ito? Apat: ang Pagkabuhay muli, ang Pag-akyat sa langit, ang Pagluklok sa kanang kamay ng Diyos, at ang muling Pagbabalik upang humatol.
3. Si Cristo ba"y nabuhay muli sa parehong katawan na nailibing? Oo, ngunit ito"y binago sa kaluwalhatian at makalangit na katawan.
4. Kanino bang kapangyarihan ang bumuhay kay Cristo? Sa Kanyang sariling kapangyarihan bilang walang hanggang Anak ng Diyos, ngunit binuhay rin Siya ng Kanyang Ama. Juan 2:19, Roma 8:11
5. Ano ang kahalagahan ng Pagkabuhay muli ni Cristo? Ito"y (1)katibayan na tayo"y pinawalang-sala"t inaring-ganap, (2)kapangyarihan ng ating espirituwal na pagkabuhay, at (3)garantiya ng ating kaluwalhatian sa hinaharap. Roma 4:25; 6:4, 5; 1Tesalonica 4:14
6. Paano umakyat si Cristo sa langit? Umakyat Siya sa paningin ng Kanyang mga alagad na nasa anyong katawan at sa isang lugar. Gawa 1:9; Lucas 24:51
7. Ano ang kahulugan na si Cristo ay nakaluklok sa kanang kamay ng Diyos? Sa kalangitan, Siya ay pinarangalan ng pinakamataas na kaluwalahatian at kapangyarihan at bingyan ng pangalan na pikamataas sa lahat ng mga pangalan. Hebreo 1:3; Efeso 1:20-22
8. Ano ang ginagawa ni Cristo sa kalangitan? Siya"y naghahanda ng lugar para sa lahat ng Kanyang mga hinirang, namamagitan para sa kanila at mula sa kalangitan ay pinagpapapala sila ng lahat ng pagpapala ng kaligtasan. Efeso 1:3; Juan 14:2; 1 Corinto 15:24-28
9. Ano pa ang ginagawa ni Cristo sa kalangitan? Siya"y namamalakad sa lahat, upang sa muling pagbalik Niya ay itatatag Niya magpakailanman ang kaharian ng Diyos. 1 Corinto 15: 24-28
10. Kailan muling babalik si Cristo? Kapag ang lahat ay naganap na ayon sa panukala ng Diyos.
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Magbigay ng mga talata ng iba"t-ibang pagpapakita ni Cristo matapos mabuhay na muli. 2. Tingnan ang mga talata sa Tanong at Sagot # 5 at ipakita kung paano ang mga ito"y nagpapatunay sa sagot. 3. Ano ang itinuturo ng Filipos 2:9-11 hinggil sa pagpaparangal kay Cristo? 4. Tingnan ang mga talata sa Tanong at Sagot # 8 at ipaliwanag kung paano ang mga ito"y nagpapatunay sa sagot.
LESSON 18The Covenant of Grace(Ang Tipan ng Biyaya)
1. Paano inililigtas ng Diyos ang Kanyang mga hinirang? Sa pamamagitan ng buhay na pananampalaya sa Tagapamagitan ng Tipan, sa ating Panginoong Jesu-Cristo.
2. Ano ang bunga ng ginawa ni Cristo? Na pinangangalagaan, pinatatag, at pineperpekto ng Diyos ang Tipan sa pamamagitan Niya. Jeremias 31:33
3. Ano ang Tipan? Ito ay isang buhay na relasyong batay sa biyaya sa pagitan ng Diyos at sa Kanyang mga hinirang kay Cristo, kung saan Siya ang kanilang Diyos at sila naman ang Kanyang bayan. Genesis 17:7; Awit 16:5; 33:22
4. Mayroon ilang Tipan? Mayroon lamang iisang Tipan sa Matanda at Bagong Tipan na itinatag para sa mga hinirang sa lahat ng kapanahunan.
5. Hindi ba si Adan ay nasasakupan rin ng Tipan? Oo, ngunit sinuway niya ang Tipan sa pamamagitan ng kanyang kasalanan, kaya nga kailangang maitatag muli ang Tipan sa pamamagitan ni Cristo.
6. Paano itinatatag ng Diyos ang Kanyang Tipan? Itinatatag Niya ang Kanyang Tipan sa pamamagitan ng Kanyang kagandahang-loob (grace) kung saan isinasama Niya ang Kanyang mga hinirang sa Kanyang sariling Tipan ng pakikisama (covenant of fellowship). Efeso 2:8
7. Ang Diyos ba ay nakikipagtipan sa lahat ng tao? Hindi, Siya"y nakikipagtipan lamang sa Kanyang mga hinirang sa lahi ng nagpapatuloy na henerasyon. Galacia 3:16, 29
8. Ano ang ginagawa ng Diyos para sa Kanyang hinirang sa ilalim ng Tipan? Itinatatag Niya sila bilang Kanyang bayan, at ginagawa silang kabahagi ng lahat ng pagpapala na nakay Cristo, at inaakay sila patungo sa walang hanggang kaluwalhatian. Efeso 1:23
9. Sa pamamagitan nino, tayo ay ginagawa ng Diyos na kabahagi sa lahat ng pagpapala na nakay Cristo? Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, na nananahan kay Cristo bilang Pangulo at nananahan rin sa Kanyang mga hinirang bilang mga bahagi ng Kanyang katawan. Efeso 1:23
KARAGDAGANG GAWAIN
1. May mga nagtuturo na ang Tipan ay isang kasunduan sa pagitan ng Diyos at tao. Ano ang pagkakaiba ng isang kasunduan, sa tipan ng pakikisama (covenant of fellowship). 2. May mga nagtuturo rin, na yamang ang tipan ay kasunduan, ito"y bi-lateral (two-sided). Patunayan sa Genesis 15:7-18 na ang tipan ay uni-lateral (one-sided). 3. Patunayan sa Awit 89:28-34 na hindi lamang itinatatag ng Diyos ang Kanyang Tipan kundi pinangangalagaan rin Niya ito sa pamamagitan ng Kanyang sariling gawa. 4. Ipaliwanag kung paano ang Genesis 3:15 ay isang pangako ng pagdating ng Cristo bilang Pangulo ng Tipan.
LESSON 19Regeneration(Muling Kapanganakan)
1. Anu-ano ang ang pagkakasunod-sunod na hakbang sa kaligtasan (order of salvation) ? Pagbibigay ng buhay (regeneration), pagtawag (calling), pananampalataya (faith), pagpapawalang-sala"t pag-aaring ganap (justification), pagpapabanal (sanctification), pangangalaga (preservation), at pagluluwalhati (glorification).
2. Paanong ang kaligtasang ito ay nagaganap sa mga makasalanang hinirang? Si Cristo na siyang kabuoan ng ating kaligtasan, ang siyang epektibong gumagawa nito sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Tito 3:4-5
3. Ano ang unang gawa ng Espiritu Santo sa puso ng makasalanang hinirang? Ang gawang pagbibigay-buhay, Juan 3:3 "Malibang ang isang tao"y ipanganak na muli ay hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos."
4. Ano ang pagbibigay-buhay (regeneration)? Ito"y gawa ng Espiritu Santo kung saan naglalagay Siya ng bagong buhay ni Cristo sa puso ng isang makasalanan. Efeso 2:1; Ezekiel 36:26,27; Juan 3:8
5. Mayroong bang ibang kahulugan kapag binanggit ng Banal na Kasulatan ang pagbibigay-buhay? Mayroon, sapagkat itinuturo ng Banal na Kasulatan ang dalawang kahulugan ng pagbibigay-buhay.
6. Ano ang unang kahulugan? Ang una"y pagtatanim o paglalagay ng buhay ni Cristo sa puso ng isang tunay na makasalanan. 1 Pedro 1:23
7. Ano ang ikalawang kahulugan? Ito"y katumbas ng pagbabagong-loob (conversion) na siyang gawa ng Diyos na kung saan binibigyan ng kaunawaan ang kaisipan, pinalalambot ang kalooban, at binibigyan ng kakayahang magsisi ang makasalanan. 1 Pedro 1:3
8. Ano ang pagbabagong-loob (conversion)? Ito"y hindi pagbibigay sa hilig ng lumang pagkatao na nasa kasalanan ngunit panibagong buhay sa bagong pagkatao kay Cristo, kung saan ang makasalanan ay tumatalikod sa lahat ng kanyang kasamaan at tumatalima sa Diyos. Colosas 3:5
9. Ano ang bunga ng pagbabagong-loob (conversion)? Isang buhay na sumusunod ng may papasalamat sa Diyos dahil sa kaligtasang ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo.
10. Ang makasalanan ba ay may bahagi sa pagbibigay-buhay na ito? Walang-wala; ito"y gawa lamang ng Espiritu Santo. Gawa 16:14
KARAGDAGANG GAWAIN
1. May instrumento bang ginagamit ang Diyos sa pagbibigay-buhay o wala? 2. Ano ang itinuturo ng Tito 3:5 tungkol sa pagbibigay-buhay?
LESSON 20The Calling(Ang Pagtawag)
1. Ano ang kahulugan ng pagtawag (the calling)? Ito ay gawa ng biyaya ng Diyos kung saan ang isang makasalanan ay tinawag mula sa kadiliman patungo sa kamangha-manghang liwanag ng Diyos. 1 Pedro 2:9
2. Paano tinatawag ng Diyos ang Kanyang mga hinirang? Sa panlabas, ito"y sa pamamagitan ng pangangaral ng Ebanghelyo at sa panloob, ito"y sa pamamagitan ng pagkilos ng Espiritu Santo sa kanilang mga puso. 2 Timoteo 1:9,10
3. Ano ang panlabas na pagtawag sa pamamagitan ng Ebanghelyo? Ito"y walang itinatanging pagpapahayag ng Ebanghelyo ng iglesya sa pamamagitan ng mga tinawag at inordenang mangangaral. Roma 10:13,14
4. Ano ang panloob na pagtawag ng Espiritu Santo? Ito ay ang mabisang gawa ng Espiritu Santo kung saan ang katotohanan ng Ebanghelyo ay nagkabisa sa mga puso ng mga tinawag. 1 Corinto 2:10,12; Efeso 1:18
5. Sinu-sino ang mga mabisang tinatawag ng Diyos? Ang mga hinirang lamang. Roma 8:30, ""at yaong mga itinalaga niya ay kanya namang tinawag""
6. Subalit, hindi ba ang pagtawag sa pamamagitan ng Ebanghelyo ay nakaka-abot din kahit hindi sa mga hinirang? Oo, "sapagkat marami ang tinawag, ngunit kakaunti naman ang pinili." Mateo 22:14
7. Saan-saan ipinapangaral ang Ebanghelyo? Kung kanino naisin ng Diyos ayon sa Kanyang sariling kagustuhan.
8. Ano ang kahalagahan ng pagtawag sa pamamagitan ng Ebanghelyo sa mga hinirang? Ito"y pamamaraan ng Diyos upang tipunin ang Kanyang iglesya mula sa lahat ng bansa.
9. Ano ang kahalagahan ng pagtawag sa pamamagitan ng Ebanghelyo sa mga hindi hinirang na makasalanan? Inihahantad nito ang kasamaan ng kanilang mga puso sa kanilang pagtanggi sa Ebanghelyo, at ito"y lalong magpapabigat sa kanilang hatol na tatanggapin. Mateo 11:24; Juan 8:24
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Tingnan ang 2 Corinto 2:15-17 at sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan: a. Ano ang ibig sabihin ni Pablo nang kanyang sabihin na "kami ang mabangong samyo ni Cristo sa Diyos sa mga iniligtas at sa mga napapahamak"? b. Ano ang kahulugan ng "samyo mula sa kamatayan tungo sa kamatayan" c. Ano ang kahulugan ng "samyong mula sa buhay tungo sa buhay" 2. Basahin ang parabola hinggil sa 4 na uri ng lupa sa Mateo 13:3-8, 18-23 at ipaliwanag ang iba"t ibang reaksiyon sa Ebanghelyo ayon kay Cristo. 3. Basahin ang Lord"s Day 31 ng Katesismong Heidelberg at sagutin ang tanong kung ang tawag sa pamamagitan ng Ebanghelyo ay katumbas din ng tawag para magsisi at sumampalataya.
LESSON 21Saving Faith(Pananampalatayang ukol sa Ikaliligtas)
1. Ano ang unang bunga ng pagtawag ng Diyos sa puso ng mga makasalanan? Ang paggawa sa kanyang kalooban ng pananampalatayang nakapagliligtas.
2. Ano ang pananampalatayang nakapagliligtas? Ito ay ang tiyak na espirituwal na kaalaman at taos-pusong pagtitiwala sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo bilang Diyos ng ating kaligtasan. 1 Pedro 1:21
3. Mayroon pa bang ibang halaga ang pananampalataya maliban dito? Mayroon, ito rin ang paraan kung saan tayo"y pinag-isa kay Cristo at ang matanggap ang lahat ng Kanyang pagpapala. Juan 15:1-7
4. Ano ang "espirituwal na kaalaman" ng pananamplataya? Ito ay ang kaalaman na ang lahat ng ipinahayag ng Diyos sa Kanyang Salita ay totoo at ang kaligtasan kay Cristo ay para sa atin. Lord"s Day 7
5. Ano ang "taos-pusong pagtititwala" ng pananampalataya? Ito ay ganap na pagtitiwala at pananalig kay Cristo bilang kaganapan ng ating kaligtasan. Lord"s Day 7
6. Sino ang gumagawa ng pananampalatayang ito sa atin? Ang Espiritu Santo bilang Espiritu ni Cristo. Efeso 2:8-10
7. Sino naman ang binibigyan ng Diyos ng pananampalatayang ito? Ang mga hinirang lamang ng Diyos. Roma 8:29, 30
8. Mayroon bang ibang pananampalatayang matatawag maliban sa tunay na pananampalataya? Mayroon, tulad ng pananampalatayang nakagagawa ng himala (miraculous faith), pananampalataya sa kasaysayan (historical faith), at pansamantalang pananampalataya (temporary faith).
9. Ang mga ito ba ay makapagliligtas? Hindi kailanman, ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng tunay na pananampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo.
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Ipaliwanag kung ano itinuturo ng mga sumusunod na talala tugkol sa pananampalataya: a. Juan 3:16 b. 2 Corinto 5:7 c. Hebreo 11:1 d. Efeso 2:8 2. Ano naman ang sinasabi ng Santiago 2:14-26 tungkol sa kaugnayan ng pananampalataya at mabubuting gawa? 3. Ano ang itinuturo ng mga Arminians tungkol sa pananampalataya? Patunayan sa Biblia na mali ang kanilang katuruan. 4. Posible ba sa isang makasalanan na tanggapin si Cristo bilang kanyang tagapagligtas?
LESSON 22Justification(Pag-aaring Ganap)
1. Ano ang unang bunga ng pananampatayang nakapagliligtas? Na ang mananampalataya ay pinawalang-sala"t inaring ganap ng Diyos.
2. Ano ang kahulugan ng pinawalang-sala"t inaring ganap (justification)? Ang Justification ay isang mapagbiyayang hatol ng Diyos kung saan idinideklara Niya na ang hinirang na makasalanan ay matuwid sa harapan Niya. Roma 8:33, 34
3. Ano ang kaibahan ng justification sa sanctification (pagpapabanal)? Ang Justification ay hatol ng Diyos na nagapapawalang-sala sa atin; ang Sanctification ay nagpapatuloy na espirituwal na pagkilos ng Diyos na nag-aalis ng karumihan ng ating kasalanan.
4. Ano ang pinaka-dahilan ng ating justification? Ito"y ang walang hanggang panukala ng Diyos, at ayon dito"y hinirang Niya kay Cristo ang Kanyang bayan at pinag-isa Niya sila kay Cristo. Efeso 1:4
5. Ano naman ang batayan ng ating justification? Ito"y ang perpektong katuwiran lamang ni Cristo bilang Pangulo ng Kanyang bayan. Roma 5:19
6. Ano ang pinaka-patunay o katibayan ng ating justification? Ang Pagkabuhay muli ni Cristo, sapagkat ito"y tatak ng Diyos sa perpektong katuwiran ni Cristo na ginawa sa krus. Roma 4:25
7. Bakit natin sinasabing tayo"y pinawalang-sala"t inaring ganap sa pamamagitan ng pananampalataya? Sapagkat ang pananampalataya ang nag-uugnay sa atin at kay Cristo, at sa pamamagitan ng pananampalataya ay nalalaman natin na tayo"y tunay na pinawalang-sala"t inaring ganap.
8. Tayo ba ay pinawalang-sala"t inaring ganap dahil sa ating mga gawa? Hindi, sapagkat lahat ng ating mga mabubuting gawa ay bunga ng pagkilos ng Diyos sa atin. Tito 3:5; 2 Timoteo 1:9; Filipos 2:13; 2Tesalonica 2:13
9. Ano ang mga pagpapalang kalakip ng justification? Kapatawaran ng kasalanan, perpektong katuwiran, kayapaan sa Diyos, pagiging anak ng Diyos, at karapatan sa buhay na walang hanggan. Awit 32:1; Roma 5:1; 8:15-17
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Ipaliwanag kung bakit si Cristo ay ang pangalawang Adan? Roma 5:12-15 at 1Cor. 15:22 2. Itinuturo ba ni Santiago ang "justification by works" sa Santiago 2:14-16? 3. Tingnan ang mga talata sa Tanong #9 at ipaliwanag kung paanong ang mga talatang ito ay nagpapatunay ng pagpapala ng justification. 4. Paano itinuturo ng Genesis 15:6 na si Abraham ay pinawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo?
LESSON 23Sanctification(Pagpapabanal)
1. Ano ang sanctification o pinagiging banal? Ito"y gawa ng Diyos kung saan tayo"y hinango mula sa kapamahalaan at karumihan ng kasalanan at binabago ayon sa larawan ni Cristo. 1Tesalonica 5:23
2. Ano ang kaugnayan ng justification sa sanctification? Ang justification ay ang batayan ng ating sanctification, kaya nga hindi maaaring maging totoo ang isa kung wala ang isa. Tito 2:14
3. Ano ang kaibahan ng justification sa sanctification (pagpapabanal)? Ang Justification ay hatol ng Diyos na nagapapawalang-sala sa atin; ang Sanctification ay nagpapatuloy na espirituwal na pagkilos ng Diyos na nag-aalis ng karumihan ng ating kasalanan.
4. Paano ginaganap ng Diyos ang sanctification sa mananampalataya? Sa pamamagitan ng Espiritu ng niluwalhating si Cristo, na Siyang naglilinis sa atin ng lahat ng ating mga kasalanan. 2Tesalonica 2:13
5. Ang mananampalataya ba ay ginawang ganap na banal sa buhay na ito? Hindi, kahit na ang pinakabanal na anak ng Diyos ay mayroon lamang maliit na panimula ng bagong pagsunod. Isaias 64:6; Filipos 3:12; Roma 7:18
6. Paano ang sanctification ay nahahayag sa buhay ng isang mananampalataya? Ang mananampalataya ay patuloy na kinamumuhian at tinatalikuran ang kasalanan, at nagsisimulang mamuhay ng naaayon sa kalooban ng Diyos sa lahat ng mabubuting gawa. Lord"s Day 33
7. Ano ang maituturing na mabubuting gawa? "Yun lamang gawang bunsod ng tunay na pananampalataya, ginawa ayon sa Kautusan ng Diyos, at para sa Kanyang kaluwalahatian. Roma 14:23
8. Kailangan ba na ang Cristiano"y gumawa ng mabuti? Dapat, sapagkat ang mabubuting gawa ang layunin ng kanyang kaligtasan, upang ang Diyos ay maluwlahati sa kanya; at kapag walang kabanalan ay imposibleng makita ang Panginoon. Mateo 5:16; Hebreo 12:14
9. Ano ang kaugnayan ng sanctification sa preservation? Ang lahat ng binanal ng Panginoon ay Kanya rin namang iniingatan sa patuloy na kabanalan hanggang matamo nila ang ganap na kaligtasan. Juan 10:27-29; 1Pedro 1:5
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Ang sanctification ba ay may kinalalaman sa orihinal na kasalanan o kaya"y sa orihinal na kasamaan? Awit 51:5 2. Sa Santiago 2:14-16, ano ang sinasabi hinggil sa relasyon ng pananampalataya at mabubuting gawa? Posible ba na mayroon pananampalataya na walang mabubuting gawa? 3. Basahin ang Roma 6 at sagutin ang mga sumusunod na katanungan: a) Anong katanungan o reklamo ang sinasagot ni Pablo? (v.1) b) Anong ang kanyang sagot sa reklamong ito? (v.2) c) Ano ang ibig sabihin ng ang kasalanan ay hindi na naghahari sa atin? (vv.17,22) d) Ano ang ibig sabihin ng "alipin ng kasalanan"? At ano ang kahulugan ng "alipin ng Diyos? (vv.17,22) 4. Tingnan ang Hebreo 11:6; Mateo 15:19; at 1Corinto 10:31 at ipaliwanag kung paano ang mga talatang ito ay nagpapatunay sa sagot sa tanong 8 sa itaas?
LESSON 24The Church(Ang Iglesya)
1. Ano ang iglesya (church)? Ang iglesya ay ang hinirang na katawan ni Cristo na nahayag sa lupa bilang mga kinalap na hinirang na mananampalataya pati na ang kanilang mga anak. Efeso 1:23; 1Pedro 2:9
2. Paano ang igleya ay kinakalap? Kinakalap ni Cristo ang Kanyang iglesya sa pamamagitan ng Kanyang Salita at Espiritu. Efeso 5:26, 27; feso 2:13-17
3. Anu-ano ang pagkakakilala sa iglesya? Ang iglesya ay kilala bilang "church militant" dito sa lupa, "church triumphant" naman sa langit at "church latent" na ipapanganak pa lang sa hinaharap.
4. Anu-ano ang pagkakilala sa "church militant" dito sa lupa? Kilala siya bilang "church visible" at "church invisible"
5. Ang kahulugan ng "church visible"? Ang iglesya na nahayag sa sanlibutan sa pamamagitan ng pagtupad ng Salita at ng mga Sakramento at sa pamamagitan ng pagpapahayag at pamumuhay ng kanyang mga miyembro.
6. Ano ang kahulugan ng "church invisible"? Ito ay ang iglesya kung ang titingnan ay ang kanyang panloob na espirituwal na buhay na kinabibilangan ng kapanganakang-muli, pananampalataya at iba pang mga pagpapala ng kaligtasan.
7. Ano ang mga tanda ng tunay na iglesya? Ang tapat na pangangaral ng Salita ng Diyos, ang tamang pamamalakad ng mga sakramento, at pagpapatupad ng disiplinang Cristiano. Juan 8:31, 47
8. Anu-ano ang mga lider ang itinalaga ni Cristo sa Kanyang iglesya dito sa lupa? Ang mga ito ay: Minister, elder at deacon. Gawa 6; Efeso 4:11, 12
9. Anu-ano ang mga susi ng kaharian? Ang pangangaral ng Salita at pagpapatupad ng disiplinang Cristiano kung saan sa pamamagitan ng mga ito ang pintuan ng kaharian ay bumubukas o sumasara para sa mananampalataya o di-mananampalataya. Juan 20:23
10. Sinu-sino ang kabilang sa "church visible" dito sa lupa? Lahat ng nagpapahayag ng kanilang pananampalataya na namumuhay ng ayon sa kanilang kapahayagan kabilang rin pati ang kanilang mga anak. Gawa 2:39; Gen.17:7
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Basahin ang 1Corinto 12:12-27 at ipaliwanag kung paano ang mga talatang ito ay inihambing ang iglesya sa katawan ng tao. 2. Bakit kailangang maging miyembro ng church visible dito sa lupa? 3. Basahin ang 1 Timoteo 3:2-12 at ilista ang ilang katangian ng elders at deacons?
LESSON 25The Means of Grace(Ang mga Pamamaraan ng Biyaya)
1. Ano ang kahulugan ng "means of grace" o pamamaraan ng biyaya? Ito"y ang mga pamamaraan ng Espiritu Santo na Kanyang ginagamit upang ibahagi sa atin ang kaligtasan na inihanda ng Diyos na nakay Cristo.
2. Anu-ano ang mga pamamaraan ng biyaya? Ang Pangangaral ng Salita at Pagpapatupad ng mga Sakramento.
3. Paano ang Pangangaral ng Salita ay isang pamamaraan ng biyaya? Sa pamamagitan ng Pangangaral, ang mga hinirang ay tinatawag sa pananampalataya at napapangalagaan sa espirituwal, upang sila"y lumago sa biyaya ng Diyos. Roma 10:17; 1Pedro 2:2
4. Anu-ano ang mga Sakramento? Ito"y ang mga nakikitang tanda at tatak ng Tipan ng Biyaya na itinatag ng Diyos para sa Iglesya, kung saan ang pananampalataya ng mga hinirang ay napapalakas. Genesis 17:7; Colosas 2:11,12
5. Paano ang mga Sakramento ay pamamaraan ng biyaya? Ipinapakilala at pinapagtibay nito ang Katuwiran na nakay Cristo.
6. Ilang Sakramento ang itinatag ng Diyos para sa Iglesya ng bagong tipan? Dalawa: Ang Banal na Bautismo at Banal na Hapunan ng Panginoon.
7. Paano ang Banal na Bautismo ay isang tanda? Ang pagwiwisik ng tubig ay sumasagisag sa paglilinis sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng ating Tagapagligtas. 1Pedro 3:21
8. Paano ang Banal na Hapunan ng Panginoon ay isang tanda? Ang pinagputol-putol na tinapay at binuhos na alak ay sumasagisag sa binugbog na katawan at sa dugong ibinuhos ni Cristo, na sa pamamagitan nito, tayo"y napapangalagaan at napapakain sa espirituwal. 1Corinto 11:26
9. Ano ang pinagtitibay ng mga Sakramento? Na ang mga mananampalataya ay matuwid sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo.
10. Ang mga Sakramento ba"y biyaya para sa lahat ng mga tumatanggap nito? Hindi, ito"y biyaya lamang para sa mga tumanggap nito ng may tunay at buhay na pananampalataya.
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Anu-ano ang dalawang sakramento sa Matandang Tipan? 2. Basahin ang 1Corinto 5:7 at Colosas 2:11 at ipaliwanag kung paano napalitan ng mga Sakramento sa Bagong Tipan ang sakramento sa Matandang Tipan? 3. Ilan ang mga sakramentong itinuturo ng Romano Catoliko, bakit hindi maituturing na sakramento ang mga ito kung Biblia ang babatayan?
LESSON 26Baptism(Bautismo)
1. Ano ang inilalarawan ng bautismo bilang tanda at tatak? Ang paglilinis ng mga kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng Panginoong Jesu-Cristo. Gawa 2:38
2. Sino ang dapat na tumanggap ng bautismo? Lahat ng mga nasa hustong gulang na mananampalataya na nagsisi sa kanilang mga kasalanan at nagpahayag ng kanilang pananampalataya kay Cristo, pati rin ang kanilang mga anak.
3. Bakit kailangang bautismuhan rin ang mga bata ng mananampalataya? Sapagkat sila"y kabilang rin sa Tipan ng Biyaya gaya ng mga mananampalatayang nasa hustong gulang. Genesis 17:7; Gawa 2:39
4. Paano sila napasama sa Tipan? Sapagkat ang Diyos ay nakikipagtipan sa nagpapatuloy na generasyon. Genesis 3:15; 17:7; Gawa 2:39
5. Patunayan sa Biblia na ang Diyos ay nakikipagtipan sa lahi ng nagpapatuloy na generasyon. "Aking itatatag ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi kahit sa iyong pagkamatay sa buong lahi nila, isang tipang walang hanggan, upang maging Diyos mo at ng iyong binhi." Genesis 17:7
6. Sino ang binhi ni Abraham? Lahat ng mananampalataya, sapagkat si Abraham ay tinawag na ama ng lahat ng sumasampalataya. Roma 4:12,16; Galacia 3:9
7. Ang lahat bang batang nabautismuhan ay hinirang? Hindi, sapagkat hindi lahat ng buhat sa Israel ay kabilang sa Israel. Roma 9:6
8. Kung gayon, hindi ipinagkakaloob ng Diyos ang Kanyang ipinagtitibay sa bautismo? Mali, sapagkat ang bautismo gaya ng tuli ay nagpapatibay ng katuwiran na natatamo sa pamamagitan ng pananampalataya. Roma 4:11
9. Ano ang pananagutan pagkatapos na mabautismuhan? Mahalin natin ang Diyos ng buong puso at mamuhay ng ayon sa bago at banal na pamumuhay.
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Sa Galacia 3:16, sino ang tinutukoy ni Pablo na binhi ni Abraham? 2. Sa Galacia 3:29, sino ang tinutukoy ni Pablo na binhi ni Abraham? 3. Tingnan ang Katesismo Lord"s Day 27, Q&A 74, at sabihin kung ano ang mga batayan ng bautismo sa bata? 4. Tingnan ang 1Corinto 10:1,2; 1Pedro 3:20,21 at ipaliwanag kung paano ang Baha at Pagtawid sa Pulang Dagat ay larawan ng bautismo.
LESSON 27The Lord"s Supper(Ang Banal na Hapunan ng Panginoon)
1. Ano ang isa pang sakramento? Ang Banal na Komunyon o ang Banal na Hapunan ng Panginoon.
2. Kailan itinatag ng Panginoong Jesu-Cristo ang sakramentong ito? Noong kumain Siya ng huling Paskuwa kasama ang Kanyang mga alagad nang gabi na Siya"y ipagkanulo. 1Corinto 11:23
3. Anu-ano ang mga sagisag ng Banal na Hapunan ng Panginoon? Ang pinagpira-pirasong tinapay at alak na ibinuhos. 1Corinto 11:24,25
4. Ano ang mga sinasagisag ng tinapay at alak? Ito"y sumasagisag sa katawang winasak at dugong ibinuhos ni Cristo, na siyang pinantubos ni Cristo para sa ating mga kasalanan. 1Corinto 11:26
5. Paanong ang presensya ni Cristo ay nasa tinapay at alak ng Banal na Hapunan? Siya ay espirituwal na naroroon sa pamamagitan ng Kanyang biyaya at Espiritu sapagkat ang tinapay at alak ay lumalarawan at nagtatatak sa Kanyang katawan at dugo. 1Corinto 10:16
6. Paano nakakain at naiinom si Cristo sa Banal na Hapunan? Sa espiritwal na paraan at sa pamamagitan lamang ng tunay at buhay na pananampalataya.
7. Sinu-sino ang dapat na makibahagi ng Banal na Hapunan? Lahat ng mga nabautismuhang Cristiano na nagpahayag ng kanilang pananampalataya at namumuhay bilang mga tunay na mananampalataya.
8. Ano ang dapat munang gawin bago makibahagi ng Banal na Hapunan? Dapat munang tamang saliksikin natin ang ating mga sarili kung tayo ay nararapat na makibahagi sa Banal na Hapunan. 2Corinto 11:28
9. Ano ang dapat na saliksikin natin sa ating mga sarili? Tatlong bagay: kung tayo"y tunay na nagsisisi sa ating mga kasalanan; kung tayo"y tunay na sumasampalataya na ang ating mga kasalanan ay pinatawad na sa pamamagitan ni Cristo; at kung tayo"y tunay na lumalakad sa banal na pamumuhay. 2Corinto 13:5
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Ano kaibahan ng Banal na Hapunan sa Misa ng Romano Catoliko? 2. Patunayan sa 1Corinto 11:24,25 na ang tinapay at alak sa Banal na Hapunan ay mga sagisag ng katawan at dugo ni Cristo. 3. Ano ang sinasabi ng 1Corinto 11:27 hinggil sa mga nakikibahagi ng Banal na Hapunan na hindi karapat-dapat?
LESSON 28The Death of Believers(Ang Kamatayan ng mga Mananampalataya)
1. Ang lahat ba ng tao ay mamamatay? Oo, maliban sa mga mananampalataya na nabubuhay sa panahon ng pagbabalik muli ng Panginoong Jesu-Cristo. Awit 89:48; 1Tesalonica 4:17; Hebreo 9:27
2. Ano ang mangyayari sa mga makasalanang namatay? Sila ay mahihiwalay sa lahat ng mga bagay dito sa lupa at mapaparoon sa walang hanggang impiyerno. Lucas 16:22,23
3. Subalit bakit kailangan ang mga mananampalataya ay mamatay din? Ang huling bagay na nag-uugnay sa kanila sa mga bagay na makasalanan at nabubulok ay dapat na maputol.
4. Hindi ba maaari silang pumaroon kaagad sa kaluwalhatian ng nasa katawan at kaluluwa? Hindi, sapagkat kailangang hintayin ang muling pagbabalik ni Cristo upang baguhin ang kanilang katawan at gumawa ng bagong langit at bagong lupa.
5. Sa ano nahihiwalay ang mga mananampalataya kapag sila ay namatay? Ang kanilang bagong pagkatao kay Cristo ay nahiwalay sa makalupang katawan at sa lumang pagkatao na makasalanan. 2Corinto 5:1
6. Saan patutungo ang mananampalataya kapag sila ay namatay? Kaagad-agad silang paroroon sa kaluwalhatian kasama si Cristo sa kalangitan.
7. Anong patunay sa Bibla na ito"y totoo? Sinabi ni Jesus sa nagsising magnanakaw sa krus, "Katotohanang sinasabi ko sa iyo, ngayon ikaw ay makakasama ko sa Paraiso." Lucas 23:43
8. Mayroon pa bang iba pang mga patunay? Mayroon, si Asaf ay umasam na siya"y patutungo sa kaluwalhatian sa kanyang pagkamatay, Awit 73:24,26; at alam ni Pablo na siya makakasama ni Cristo sa kanyang pagkamatay, Filipos 1:23
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Ipaliwanag ang teorya ng "soul sleep" paano kinondena ng Heidelberg Lord"s Day 22 ang teoryang ito? 2. Patunayan sa Apocalipsis 6:9,10 na ang mananampalataya"y tutungo sa langit kapag siya ay namatay. 3. Ano ang doktrinang "purgatoryo" na itinuturo ng Romano Catoliko? Bakit mali ito 4. Paano itinuturo ng 1Corinto 15:51 na ang mga mananampalataya na buhay sa pagbabalik ng Panginoon ay hindi mamamatay?
LESSON 29The Second Coming of Christ(Ang Ikalawang Pagparito ni Cristo)
1. Paano magwawakas ang kasalukuyang daigdig? Sa pamamagitan ng pangalawang pagbabalik ng Panginoong Jesu-Cristo. Apoc. 1:7
2. Kailan muling babalik ang Panginoon? Ang araw at oras ay hindi natin alam, subalit ang lahat ng bagay na inihayag ay dapat munang matupad alinsunod sa itinakda ng Diyos. Mateo 24:36; Marcos 13:32
3. Malalaman ba natin ang lahat ng bagay na dapat munang matupad bago dumating ang Panginoon? Mga bagay na pangkalahatan lamang (general) hindi ang detalye, sapagkat inihayag ng Diyos ang mga ito sa atin upang tayo ay makapag-ingat at makapanalangin.
4. Paano ipinahayag ng Diyos ang mga bagay na ito? Ipinihayag Niya sa atin sa Banal na Kasulatan ang mga tanda ng muling pagbabalik ni Cristo.
5. Magbigay ng ilang mga tanda na makikita sa sangnilikha. Taggutom, salot, at mga lindol sa maraming lugar. Mateo 24:7
6. Magbigay ng ilang mga tanda na makikita sa Iglesya. Ang Ebanghelyo ay dapat na maipangaral sa sanlibutan; magkakaroon ng matinding pagtalikod sa pananampalataya; at ang Iglesya ay uusigin. Mateo 24:9-14, 16-23
7. Magbigay ng ilang mga tanda na makikita sa kasaysayan ng daigdig. Magkakaroon ng matinding kasamaan, at ang Anticristo ay maghahari sa buong sanlibutan. 2Tesalonica 2:7; Apocalipsis 13
8. Paano muling babalik si Cristo? Siya mismo ang muling babalik sa katawan, na makikita ng lahat, at taglay ang dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian. Mateo 24:30; 1Tesalonica 4:16
9. Ano ang atas sa Iglesya habang hinihintay niya ang muling pagbabalik ni Cristo? Mag-ingat at manalangin at mamuhay na taglay ang pag-asa ng kanyang ganap na kaligtasan sa muling pagbabalik ni Cristo. 2Pedro 3:13,14
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Basahin ang 2Pedro 3:7,10-12 at ipaliwanag kung ano ang sinasabi hinggil sa kung paano mawawasak ang sanlibutang ito. 2. Ano ang sinasabi ng 2Tesalonica 2:8-12 hinggil sa Tampalasan o taong masama? Sino siya? 3. Ano ang sinasabi ng Mateo 24:29-31 hinggil sa mga tanda na makikita bago dumating si Cristo? 4. Anu-ano ang itinuturo ng mga sumusunod na talata hinggil sa ating pamumuhay habang hinihintay natin ang muling pagbabalik ni Cristo? a. Mateo 25:13 b. 2Pedro 1:13 c. 2Pedro 3:11,12,14,15 5. (TAKDANG ARALIN Ipaliwanag sa susunod na meeting) Magsaliksik hinggil sa mga sumusunod: Pre-millennialism; Post-millennialism, and A-millennialism.
LESSON 30The End of This Age(Ang Pagwawakas ng Panahong Ito)
1. Ano ang mangyayari sa pagbabalik muli ng Panginoon? Ang pagbabangon ng mga namatay, ang huling paghuhukom, at ang pagbabago sa lahat ng mga bagay.
2. Sinu-sino ang mga ibabangon muli mula sa mga patay? Lahat ng mga namatay, ang maka-Diyos para sa pagbangon sa buhay na walang hanggan, at ang di-maka-Diyos para sa pagbangon sa walang hanggang impiyerno. Juan 5:28,29
3. Sinu-sino ang haharap sa paghahatol o paghuhukom? Lahat ng may kakayahang mag-isip at moral na mga nilalang: mga tao, mga anghel, at mga dimonyo. Mateo 25:32; 2Corinto 5:10; 6:2,3; Apocalipsis 20:12-15
4. Ano ang kaparusahan para sa mga makasalanan? Walang hanggang pagdurusa ng katawan at kaluluwa sa impiyerno. Mateo 25:41,46.
5. Sa anong katawan tayo ibabangon muli? Sa katawang espirituwal na taglay ang walang-kabulukan, kaluwalhatian, at kapangyarihan. 1Corinto 15:42,43
6. Ano ang kaloob para sa mga hinirang ng Diyos? Buhay na walang hanggan at kaluwalhatian sa presensya ng Diyos sa kalangitan. Apocalipsis 21:3
7. Mayroon bang iba-ibang antas ng pagpaparusa at pagkakaloob? Mayroon, sapagkat ang lahat ay hahatulan ayon sa kanyang mga ginawa. Lucas 19:17; 1Corinto 3:8
8. Ang kasalukuyan bang daigdig ay wawasakin? Oo, sapagkat inaasahan natin ang bagong langit at bagong lupa kung saan ang katuwiran ay mananaig. 2Pedro 3:10-13
9. Anong pagpapala ang dulot ng bagong langit at bagong lupa? Makapamuhay ng walang kasalanan na nakapaloob sa pagpapala ng walang hanggang Tipan ng Biyaya ng Diyos. Apocalipsis 21
KARAGDAGANG GAWAIN
1. Patunayan mula sa Juan 5:28,29 na ang lahat ng mga tao ay ibabangong muli mula sa kamatayan. 2. Ano ang sinsabi ng Juan 5:28,29 hinggil sa kaibahan ng pagbangon ng matuwid at ng makasalanan? 3. Tingnan ang mga talata sa Nos.3 at 4 sa itaas at patunayan mula sa mga talata na lahat ng mga tao, mga anghel, mga dimonyo ay hahatulan. 4. Paano pinapatunayan ng Lucas 19:17-19 na mayroong antas ng pagkakaloob at pagpaparusa? 5. Ano ang sinasabi ng Apocalipsis 21:3,4 hinggil sa kaluwalhatian ng bagong langit at bagong lupa?
_______________________________________________________________ |