btrc_header_4

Bastion of Truth Reformed Churches in the Philippines

Standing fast in one spirit with one mind striving together for the faith of the gospel which was once delivered unto the saints. (Phil 1:27, Jude 3)
Home About Us Beliefs and Practices Standards History Articles Publication Classis Directory Menu

Maiden Issue


November - December 2004

" Ang Ebanghelyo na Aming Sinilangan "


Isang Kislap ng 'Repormasyon!'

Alex M. Aquino

Ang Buod ng Tanging Ebanghelyo na Nagbibigkis sa mga BTRCs

Ronald R. Santos

Ang Kahulugan ng Pangalan at Sagisag ng Bastion of Truth Reformed Churches

Alex M. Aquino at Ronald R. Santos

Understanding Theological Terms: "Sovereignty of God"

Ronald R. Santos

Beware: False Gospel!

Ronald R. Santos



Isang Kislap ng "Repormasyon"!

Alex M. Aquino

Apat na simbahan mula sa NCR at Southern Tagalog ang pormal na pumasok sa isang Act of Agreement noong April 26, 2004 upang magkaisang maging isang Reformed denomination. Kasama ang ilan pang manggagawa, lumagda sa kasunduan sina Ptr. Ronald Santos ng konggregasyon ng Lucban, Quezon, Ptr. Regine Capinig ng Lipa City, Ptr. Romel Espera ng Batasan Hills, Quezon City at Ptr. Alex Aquino ng Antipolo City. Sa hangaring maipahiwatig ang paninindigan sa biyaya at katotohanan ng Diyos ang Bastion of Truth Reformed Churches in the Philippines ang pangalang napagkaisahang iwagayway ng bagong dinominasyon at ng bawat lokal nitong simbahan.


Mga Pasimula Sa Loob Ng Isang Pentecostal Denomination


Maliban sa konggregasyon sa Lucban na nagmula sa isang Baptist background, ang mga naturang simbahan ay minsang napabilang sa isang tanyag na Pentecostal church. Sa gitna ng mga speaking in tongues, miraculous healing, prophecy, contemporary worship style at talamak na allegorical interpretation ng Biblia nanungkulan si Ptr. Santos bilang Director at teacher ng isa sa mga Bible Colleges ng denomination habang nagsisilbing associate pastor ng isa sa mga pinakamalaki nitong simbahan. Ilan sa mga naging bunga ng Bible College at ng mga kumbiksyon ni Ptr. Santos ay sina Ptr. Aquino, Ptr. Capinig at Ptr. Espera at ilan pa na kasalukuyang kaisa ng BTRC. Sa mga pangkaraniwang sitwasyong ito, ay dumalaw ang mahabagin at mapagbiyayang Diyos upang sinagan ng Kanyang liwanag ang kanilang isipan.


Pagbabadya ng "Repormasyon"


Sino ang mag-aakalang ang tensyong unti-unting bumibigat noon ay badya na pala ng "Repormasyon." Suk"t ni Ptr. Santos ang kaniyang kakulangan sa kaalaman sa tapat at epektibong pangangaral ng Salita ng Diyos sa kabila na siya ang teacher sa Expository Preaching noon sa Bible College. Sinikap niyang mag-ipon ng maraming aklat tungkol sa paggawa ng sermon at matiyagang pinag-aralan ang mga ito. Samantala, natuklasan niya na hindi lamang ang "paraan" ng pangangaral ang dapat pagbuhusan ng panahon, kundi lalo"t higit ang "mensahe" ng pangangaral. Sa kanyang pagsusuri nakatagpo niya ang konseptong "Christ-centered preaching". Ito ang prinsipyo ng Biblia na sa bawat aklat nito (Genesis hanggang Revelation) ay itinuturo si Cristo bilang tanging lunas sa kasalanan at sa mga bunga nito. Salungat ito sa talamak na nakagawian ng mga "preachers" na ang solusyon sa kasalanan at mga bunga nito ay ang magagawa ng tao at ang "inspirasyon" ay hinuhugot sa ehemplo ng isang Bible character. Napakahalaga ng magkasalungat na prinsipyong ito (Christ-centered vs. moralism o legalism) sapagkat nakasalalay sa mga ito ang doktrina ng biyaya ng Diyos ukol sa kaligtasan. Mula dito ay ipinadpad ng biyaya ng Panginoon si Ptr. Santos sa pagkaunawa sa tunay na paraan ng pagliligtas ng Diyos sa makasalanan. Natuon ang kanyang atensyon at panahon sa pagsusuri sa mga aklat ng Roma at Galacia na maliwanag na itinuturo ang Ebanghelyo ng Biyaya ng Diyos. Ibinahagi niya ang kanyang mga natutunan sa mga kaibigan at ipinangaral ang aklat ng Roma sa mga estudyante ng Bible College. Sa panahong ito ng pagniningning ng katotohanan, unti-unti nang nalalantad ang kadiliman ng aral ng naturang Pentecostal church na kinabibilangan niya. Dito na nagsimula ang "krisis" para sa mga tinatawag ng Dios.


Between "Comfort" and "Conscience"


Pinatuloy ng naturang dinominasyong Pentecostal sa kanyang mga pintuan ang mga bagong agos ng panahon sa larangan ng Pentecostalism at Charismaticism. Pumasok ang "Power Encounter Retreat" na isang anyo ng "deliverance" ministry, na seryosong banta sa katotohanang sapat na ang minsang handog ni Cristo para sa pagpapawalangsala sa makasalanan. Pumasok din nang halos hindi namamalayan ang "holy laughter" mula sa mapaminsalang "Toronto blessing". Wala na ring naging pakialam ang dinominasyon kung ano ang tamang paraan ng pag-unawa at pagpapaliwanag sa Biblia (Halimbawa: "allegorical" o "literal"; "eisegesis" o "exegesis"?). Ipinahintulot nilang makapasok sa kanilang mga pintuan ang samu"t saring aral maliban sa katotohanan. Kanilang pinagsarhan at mariing ipininid ang pintuan para sa katotohanan.


Hindi na ito malulunok pa ng mga nangagsisikapit sa katotohanan sa loob ng nasabing Pentecostal denomination. Di naglaon ang kanilang di-pagsang-ayon sa mga kalakarang ito ay nakatawag na ng pansin ng pamunuan. Minarkahan ang mga pastor, graduates at kasalukuyan noong estudyante ng college at tinagurian silang "Baptists," kung hindi man ay "hypercalvinists" o "extreme". Unang kinumpronta si Ptr. Santos ng nakatataas at mariing pinagsabihan na dapat niyang yakapin at ituro lamang "lahat" ng doktrina ng denomination, at huwag na huwag ituro ang Christ-centered preaching at ang kasapatan ng doktrina ng biyaya ng kaligtasan na nakay Cristo lamang. Sa wari niya"y kalabisan na ito at pagyurak sa katotohanan kaya"t kaagad niyang ipinasyang magbitiw sa kanyang tungkulin kaysa maging kasangkapan ng kadiliman. Katumbas ito ng pagpili sa pagitan ng komportableng buhay at sa tapat na dikta ng kanyang "kunsyensya." Siya"y nagbitiw alang-alang sa katotohanan kapalit ng matiwasay at maginhawang buhay sa pananatili sa denomination. Hindi malilimutan ng kanyang mga kaibigan at kaisa noon ang minsan niyang sinabi na nakapagpalakas ng kanilang loob, "Bihirang dumating sa buhay natin ang pagkakataong makapanindigan tayo sa katotohanan. Ito na iyon"Ngayon na iyon!" Pagkatapos niya, ay isa-isa nang kinumpronta ang kanyang mga kaibigan na minarkahan sa parehong dahilan. Kaysa naman makiisa sa gawain ng kasinungalingan at kadiliman ay isa-isa silang nagsipagbitiw, palibhasa"y iisa lamang ang kilos sa kanila ng Diyos. Nagsipagbitiw ang mga pastor na may hinahawakang konggregasyon at ang iba nama"y mga estudyante pa na sa paninindigan sa katotohanan ay hindi inalintana na malapit na silang maka-graduate, tumigil sa kanilang pag-aaral sa dahilang lason lamang ang kanilang matututunan. Nilisan nila ang buhay at sistema ng paniniwala na ayaw pabihag sa tunay na pagkakilala kay Cristo. Ang noo"y badya pa lamang ng repormasyon, ngayon ay isa ng umuusad na kilusan sa isang maliit na samahan at kapatiran na walang makakanlungan kundi ang biyaya at katotohanan lamang ng Diyos.


Ikalawang "Exodo


Sa pag-alpas ng samahang ito mula sa Pentecostalism, ilang Calvinistic Baptists ang nag-alok ng tulong lalung-lalo na sa larangan ng edukasyon sa Reformed theology. Noong una"y ikinagalak ito ng grupo sa pag-aakalang nasa loob na sila ng "bakuran" ng mga tunay na Kristiyanong Reformed. Subalit hindi ito nagtagal. Sa tulong ng iba pang mga lathalain nagpatuloy sila sa pagsusuri at pag-aaral ng pananampalatayang Reformed.


Natuklasan nila na may iba"t ibang uri pa ng mga Kristiyanong Reformed. Mayroong mga "tolerant Calvinists" at mga tunay na Calvinists (o "Reformed"). Ang kanilang natuklasan ay nagbunsod sa kanila na ihambing ang aral ng Calvinistic Baptists na ito sa paninindigan ng makasaysayang Reformed faith. Ang naging pangunahing kontrobersiya ay ang pagturing ng mga nagsasabing "Reformed" na ito na ang mga "Arminian Christians" ay ligtas sa kabila ng paniniwala nila sa mga kamalian na tahasang umaatake sa katotohanan ng Ebanghelyo. Samantalang ang grupong nanggaling sa kamalian ng Pentecostalism ay nanindigan na anomang sistema ng paniniwala na ang tao ay may kahit gatuldok na bahagi sa kanyang kaligtasan ay "ibang ebanghelyo" (Galacia 1:6-9) na kasuklamsuklam sa Diyos at hindi nakapagliligtas. Dahil dito ay pinaratangan ang grupo na mga "arogante," "mapanghusga," hypercalvinists, rigid-Calvinists, extreme at "salat (umano) ang puso sa biyaya ng Diyos". Ito ang naging hudyat sa grupo, sang-ayon sa pasiya ng kanilang budhi, na gawin ang isang makatuwiran at panibagong "exodo".


Bigkis ng Tunay na Ebanghelyo


Lalong naging malinaw para sa maliit na kilusang ito na iisa lamang ang pinatatahak na landasin ng Panginoon sa kanila. Sandaling nagkaibaiba ng sitwasyon ang bawat isa subalit iisang Ebanghelyo lamang ang nagbibigkis sa kanila. Bago tuluyang nilagdaan ang kasunduan, naging malinaw muna sa bawat isa na ang pagkakaisa nila ay batay lamang sa nag-iisa at totoong Ebanghelyo kalakip ang tatlong aspetong kaugnay nito sa buhay ng bawat simbahan. Susundin ng bawat kaisang simbahan ang Reformed Church Government, Reformed Worship at Reformed Doctrine na ipinapahayag sa mga makasaysayang pananampalatayang ekumeniko, sa Belgic Confession, Heidelberg Catechism at Canons of Dordt.


Ang pangyayaring ito ay hindi ngayon makatawag-pansin sa lipunan, ni sa pagkilala ng "kristiyanismo" sa Pilipinas, subalit ito"y isang malaking hakbang alang-alang sa adhikain ng Repormasyon ng 16th Century na sinikap na panumbalikin sa tunay na Ebanghelyo ang mga iglesia at indibidwal na nagsitalikod dito. Isa itong maliit na kislap na magpapatuloy sa maliyab na pakikipagtunggali ng Banal na binhi laban sa mabangis na binhi ng diablo (Genesis 3), sa matuwid na daan ni Abel laban sa marahas na landas ni Cain, sa maluwalhating kaliwanagan laban sa pusikit na kadiliman, sa katotohanan laban sa kabulaanan, sa hindi mapipigil na pananagumpay ng Diyos laban sa hangal at bigong pagmamataas ng tao! Ito nga ang aming layunin habang hinihintay namin ang maluwalhating araw na ganap na papagtagumpayin at pararangalan ng Diyos ang Kanyang katotohanan sa pamamagitan ng Kanyang iglesiang hirang.


"Hindi ako pahihintulutan ng panahon upang mabanggit ang lahat ng iba"t ibang utos na inilalapat ng tinig ni Cristo sa budhi, subalit mayroong isang namumukod-tanging utos na palaging nangungusap, sa madali"t maglaon, sa bawat isang may takot sa Dios at hindi ko ito maaaring palampasing banggitin, at ito ay, "Magsialis kayo sa kanila at magsihiwalay kayo" (2 Cor. 6:17)."


~ J.C. Philpot


Mula sa kanyang mensahe: "The Heir of Heaven Walking in Darkness and the Heir of Hell Walking in Light"


Ang Buod ng Tanging Ebanghelyo na Nagbibigkis sa mga BTRC's

Ronald R. Santos

Ipinapahayag ng Ebanghelyo na ang lahat ng tao ay Tunay na makasalanan; lahat ay nagkasala at nawalan ng kabanalan sa paningin ng Diyos. Dahil patay sa kasalanan, wala siyang kakayahang iligtas ang kanyang sarili sa poot ng Diyos. Kung dito natapos ang kapahayagan ay lubhang nakakatakot sapagkat sa ganitong kalagayan tiyak na ang lahat ay mapapahamak, ngunit salamat sa Diyos at ipinahayag Niya ang Mabuting Balita ng kaligtasan. Ang Diyos lamang, wala ng iba pa, ang may "Ultimong" Karapatang Pumili ng Kanyang ililigtas, hindi tao ang pumipili sa Diyos kundi Diyos ang pumipili sa taong maibigan Niya upang iligtas. Bago pa lalangin ang lahat, ang Diyos ay pumili na ng Kanyang ililigtas at itong pamimili ay nakabatay lamang sa Kanyang kagandahang-loob at hindi sa gawa ng tao. Humirang Siya ng mga tao na babahagian Niya ng buhay. Ang mga hinirang ng Diyos ay pawang mga makasalan at lumapastangan sa kautusan at sa kabanalan ng Diyos. Kaya nga hinihingi ng kautusan na sila"y parusahan, subalit napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa Kanyang hinirang kaya kasama sa panukala Niya ang "Limitadong" Pagtutubos ukol sa mga hinirang. Sinugo ng Diyos Ama ang Kanyang Anak (si Cristo Jesus) upang sa Kanyang kabanalan at kamatayan ay tubusin Niya sa kasalanan ang Kanyang mga hinirang. Siya na banal ay itinuring na makasalanan at ang mga hinirang na makasalanan ay itinuring na matuwid batay sa katuwiran ni Cristo. Kasama sa pagtubos ang malayang pagkilos ng Banal na Espiritu sa kanila. Ang Kanyang pagtutubos ay para lamang sa hinirang at hindi para sa lahat ng tao. Ngunit paano nga ba na ang isang makasalanan ay makasasampalataya kay Cristo gayong patay siya sa kasalanan? Ang kasagutan ay nakasaad sa Ebanghelyo: bubuhayin siya ng Imposibleng Matanggihang Pagkilos ng Banal na Espiritu. Ang Diyos lamang ang makapagbibigay ng buhay sa patay sa kasalanan, at kapag buhay na, ay bibigyan Niya naman ng kakayahang makapagsisi sa lahat ng kasalanang nagawa pati na ang paniniwala sa bulaang ebanghelyo at pagsamba sa "diyos" na di-nakapagliligtas. Pagkatapos ay pagkakalooban siya ng Banal na Espiritu ng kakayahang sumampalataya sa Tunay na Ebanghelyo. At lahat ng hinirang na tinubos ng dugo ni Cristo at binuhay ng Banal na Espiritu ay tiyak sa Pagpapatuloy sa Kaligtasan, sapagkat Diyos mismo ang nangako na kung ano ang sinimulan Niya ay Kanya rin namang tatapusin. Walang sinomang makakaagaw sa mga hinirang mula sa kamay ng Diyos. Sa katapusan ay tiyak na luluwalhatiin ng Diyos ang Kanyang Anak kasama ang mga hinirang na tinubos Niya ng Kanyang dugo. Ito ang Ebanghelyo! Ang kaligtasan ay nasa Diyos lamang! Wala sa tao! Purihin ang Diyos!



(Note: Sa mga susunod na isyu ng The Bastion of Truth ay detalyadong tatalakayin ang bawat bahagi ng Tanging Ebanghelyo)


Ang Kahulugan ng Pangalan at Sagisag ng Bastion of Truth Reformed Churches

Ronald R. Santos at Alex M. Aquino

Bas"tion (bas"ch"n, bas"ti-"n) [Filipino: tanggulan, mu"g]


Ang katumbas ng Bastion sa wikang Filipino ay Tanggulan o Moog, at sa pangalang Bastion of Truth Reformed Church ito"y tumutukoy sa Tunay at Tanging Dios sapagkat sa Biblia"y iisa lamang ang tinatawag na "Tanggulan" o "Kanlungan," walang iba kundi ang Dios, "Ang Panginoon ang aking malaking bato, at aking muog, at tagapagligtas ko, aking Diyos, aking malaking bato na sa kanya"y nanganganlong ako; aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, matibay na kuta ko." (Awit 18:2; tignan din sa Awit 31:3; 71:3; 91:2; 144:2; 2Samuel 22:2; Jeremias 16:19).


Truth (trōōth) [Filipino: katotohanan]


Ang Truth sa Bastion of Truth Reformed Church ay katumbas ng Katotohanan sa wikang Filipino. Ang Katotohanan ayon sa pakahulugan ng Biblia ay mismong Pangi-noong Jesus at lahat ng gawa ng Diyos sa pamamagitan Niya. Sa madaling salita, ang Katotohanan ay tinatawag ding Ebanghelyo ng Biyaya ng Diyos hinggil sa Panginoong Jesu-Cristo. Ang Ebanghelyo o Katotohanan ay nagmula sa Diyos at sa Panginoong Jesu-Cristo, hindi ito galing sa kaisipan o imbensiyon ng tao. Ito ay Ebanghelyo ng Biyaya ng Diyos sapagkat ito ay batay lamang sa kagandahang loob ng Diyos at hindi dahil sa gawa ng tao. Samakatwid, lahat ng katuruan sa Biblia na naghahayag ng biyaya ng Diyos ay bahagi ng Ebanghelyo o ng Katotohanan, kabilang na dito ang Pagplano, Paghirang, Pagtutubos at Pagpapabanal na gawa lahat ng biyaya ng Diyos. Ito ay Ebanghelyo hinggil sa Anak ng Diyos na si Jesu-Cristo sapagkat ang kaligtasan ng mga hinirang ayon sa panukala ay batay lamang sa Katuwiran (kabanalan at kamatayang nagtutubos) ng Panginoong Jesu-Cristo. Ito lamang ang ginagamit ng Diyos upang iligtas ang Kanyang hinirang at kailanma"y hindi Siya gagamit ng kasinungalingan sa pagliligtas.


Reformed ( ri-f"rmd΄ )


Ang ugat sa wikang Filipino ng salitang Reformed ay ang "Pagbabago," subalit ang salitang "Reformed" ay mas nakilala simula noong ika-16 na siglo nang ang mga naliwanagang Cristiano noon ay nagtangkang baguhin ang bulok na katuruan at ipinagtanggol naman ang katotohanan laban sa mga patutot na iglesia na yumakap sa katuruang Arminianism. Kaya naman ang katagang "Reformed" sa Bastion of Truth Reformed Church ay nag-uugnay sa mga ninunong Cristiano na nagtaguyod ng mga Doktrina ng Biyaya ng Diyos na kanilang pinagtibay noong 1618-1619 sa Synod of Dordt. Ang Reformed sa Bastion of Truth Reformed Church ay nagpapahiwatig na ang katulad na katotohanan ng mga Banal na Kasulatan na ipinagtanggol ng tunay na mga anak ng Diyos sa lahat ng kapanahunan ay patuloy na itataguyod ng mga taga Bastion of Truth Reformed Church.


Church (chũrch)


Ang Church sa Bastion of Truth Reformed Church ay katumbas ng "Iglesia" sa wikang Filipino. Sa Banal na Kasulatan ito"y tumutukoy sa kalipunan ng mga tinawag mismo ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Ebanghelyo at Banal na Espiritu. Bagama"t nagkasala ay tinubos naman ng dugo ni Cristo at inaring ganap ng Diyos. Kaya sa Bastion of Truth Reformed Church ang salitang "Church" ay nagpapaalala sa bawat isa na siya"y tinawag, iniligtas at itinuring na matuwid batay lamang sa katuwiran ng Panginoong Jesu-Cristo upang mapabilang sa iglesia na Kanyang tinubos ng Kanyang sariling dugo. Ang Bastion of Truth Reformed Church ay kumikilala lamang sa mga iglesiang kapwa sumasampalataya sa Tanging Ebanghelyo ng Biyaya ng Diyos. Ang kalipunang gumagamit ng salitang Church sa pangalan ngunit ibang ebanghelyo naman ang pinaniniwalaan ay hindi itinuturing ng Biblia na tunay na iglesia ng Diyos.


Ang Sagisag ng Bastion of Truth Reformed Churches in the Philippines

btrc_seal

Ang sagisag ng BTRC ay kumakatawan sa aming pag-asa at paninindigan bilang isang samahan ng mga lokal na simbahang tinatawag na Reformed. Sa simula pa lamang, ang tanging batayan ng aming pagkakaisa ay ang tunay at tanging Ebanghelyo ng biyaya ng Dios. Mahalaga sa amin ito sapagkat ang Ebanghelyong ito ang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng sinomang sumasampalataya (Roma 1:16; 1 Corinto 15:1, 2). Ito rin ang mensaheng nagpapakilala at nagtatangi sa "tunay na Cristo" ng Biblia sa panahong ito na laganap ang pangangaral ng mga "huwad" na "cristo" (Mateo 24:4, 5; Roma 1:2-4; 2 Corinto 11:4). Ang Ebanghelyo ding ito ang nagpapatunay kung sino ang totoong mensahero o mangangaral nito at naglalantad kung sino ang huwad at kasumpasumpa (Galacia 1:6-9).


Ang "Tore", Moog o Tanggulan (Bastion) ay sumasagisag sa katotohanan ng Dios bilang "kanlungan" namin na walang pag-asa sa aming sariling karunungan at katuwiran upang panghawakan ang kaligtasan mula sa aming mga kasalanan (Filipos 3:8, 9). Ang katotohanan ding ito ay "tanggulan" at "katatagan" namin (Awit 46:1; Juan 17:11, 12, 17) laban sa mga pananalakay ng diablo sa pamamamagitan ng mga huwad at mapanlinlang na aral na inihahasik ng mga mangangaral ng relihiyon na naitakda na nang una pa sa kapahamakan (2 Pedro 2:3; Jude 3). Mula dito ay sumisibol ang aming pananagutan na ingatan at ipagtanggol ang katotohanang ito hanggang kamatayan (Filipos 1:7).


Ang limang mistulang "ngipin" sa tuktok ng "tore" ay sagisag ng pagtatanggol ng Dios sa Kanyang katotohanan sa kasaysayan ng Kanyang iglesia laban sa "limang" maling aral na iginiit ng hidwang pananampalatayang Arminianism. Ito ay ang (1) Free Will (may malayang pagpili ang tao sa kabila ng pagiging patay niya dahil sa kasalanan), (2) Foreseen Faith in Election (ang paghirang ng Dios ay nakabatay sa nakita Niyang pananampalataya sa tao), (3) For All (ang kamatayan ni Cristo ay para sa lahat), (4) Final Decision with Man (nasa tao ang "huling pasiya" ng pagtanggap o pagtanggi sa pagliligtas ng Dios) at (5) Falling Away (nawawala ang kaligtasan). Ang lahat ng ito ay magiting na nilabanan at kinundina ng aming mga Cristianong magulang sa Synod of Dordt ng Netherlands noong mga taong 1618-1619.


Ang bulaklak na "Tulip" para sa amin ay sagisag ng biyaya (grace) ng Dios sa kaligtasan. Nagkataon namang ito ang pambansang bulaklak ng Netherlands na bansang pinagdausan ng Synod ng mga Cristianong Reformed noong 1618-1619. Ang bawat titik ng salitang "TULIP" ay siyang unang titik sa bawat "doktrina ng biyaya" na positibong sumalungat sa limang kasumpasumpang aral ng Arminianism. Ang mga doktrinang ito ng biyaya ng Dios ay ang (1) Total Depravity (Ganap na pagiging makasalanan ng tao), (2) Unconditional Election (Walang kundisyong pagpili ng Dios ng Kanyang ililigtas), (3) Limited Atonement (Ang kamatayan ni Cristo ay mabisa at laan lamang para sa Kanyang mga hinirang), (4) Irresistible Grace (Hindi matatanggihan ang kapangyarihan ng Dios sa pagliligtas sa makasalanan) at (5) Preservation of the Saints (Pagpapatuloy ng mga hinirang sa kaligtasan hanggang wakas). Ipinaglalaban ng mga doktrinang ito na ang Ebanghelyo ay Ebanghelyo ng "Biyaya" ng Dios sa kaligtasan na sinasaad ng "buong kapasiyahan ng Dios" (Gawa 20:24-27). Ito ay hindi kailanman batay sa gawa, kabutihan, kakayanan o karapatan ng tao na siya namang iginigiit ng mga hidwang pananampalatayang Pelagian, Semi-Pelagian, Arminian at mga mapagkompromisong Calvinists, na ang mga ito ang elemento at sangkap ng lahat ng huwad na relihiyon, "cristiano" man o Pagano, na nakabatay sa tao ang kaligtasan at hindi sa walang kundisyong biyaya ng Dios. Ito rin ang tanda ng aming paninindigan na sinomang tumanggi at kumalaban sa lahat o alin man sa mga doktrinang ito ay sila ring tumatanggi at kumakalaban sa "Biyaya" ng Dios bilang tanging batayan ng Kanyang pagliligtas na tanda ng kanilang tiyak na kapahamakan (Galacia 5:4; 2 Tesalonica 2:9-12).


Ang "Bandila" (Standard) naman ay sumasagisag sa presensya ng aming Hari at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo na pinangungunahan kami sa pagtatagumpay sa pakikibaka namin alang-alang sa Kanyang Ebanghelyo sa kapangyarihan at gabay ng Espiritu Santo. Ang tagumpay naming ito ay hindi nasusukat sa panlabas at makasanlibutang bunga, "resulta" o sa "dami" ng naniniwala sa aming mensahe, kundi sa katapatan ng aming pagpapahayag ng Ebanghelyo ng Biyaya ng Dios na ikaliligtas ng Kanyang mga hinirang at ikapapahamak ng mga tao na nang una pa ay itinakwil na: Datapuwa"t salamat sa Dios, na laging pinagtatagumapay tayo kay Cristo, at sa pamamagitan natin ay ipinapahayag ang samyo ng pagkakilala sa kaniya sa bawat dako. Sapagka"t sa mga inililigtas, at sa mga napapahamak ay masarap tayong samyo ni Cristo sa Dios; sa isa ay samyo mula sa kamatayan sa ikamamatay; at sa iba ay samyong mula sa kabuhayan sa ikabubuhay. At sino ang sapat sa mga bagay na ito? Sapagka"t hindi kami gaya ng karamihan na kinakalakal ang salita ng Dios: kundi sa pagtatapat at gaya ng mula sa Dios, sa harapan ng Dios ay nagsasalita kami para kay Cristo (2 Corinto 2:14-17).


The latter parts of each of the morning and afternoon sessions were allotted for questions, discussions and suggestions. A notable proposal is the convening of a Classis sometime in the near future (the Lord willing) to establish the denomination’s official position on the validity of Roman Catholic baptism, dismembering a person from the church registry and decisions on the bounds of a minister’s social involvements.


The conference concluded at three in the afternoon and was followed by snacks and fellowship. The BTRCs are truly grateful to God that by this humble exercise His church will be cared for, upheld and defended in the midst of a society and a false religion that dares call itself evangelical and Christian and yet is offended by the Gospel.



Understanding Theological Terms

Ronald R. Santos

"Sovereignty of God"


Ang Sovereignty ng Diyos ay ang Kanyang "ganap" o absolute na karapatan at pamamalakad sa lahat ng mga bagay. Ang pagsasabing ang Diyos ay sovereign ay pagsasabi ring ang "Diyos ay Diyos." Dahil sa Siya ay Diyos, magagawa Niya lahat na Kanyang naisin at ibigin, iyon LAMANG Kanyang naisin at ibigin at PALAGING iyon lamang Kanyang naisin at ibigin. Walang bagay na nangyayari na lingid sa Kanyang kalooban. Lahat ay nangyayari ayon sa Kanyang kapasyahan at pagtatakda. Ang kahulugan ng Sovereignty ay ang Diyos ang may karapatan sa lahat ng mga bagay at sa lahat ng mga nilalang. Walang bagay o sinoman ang hindi nasasakop ng Kanyang pamamalakad. Ang Diyos ang namamalakad sa mga tao at mga anghel, sa panahon at kasaysayan, sa sanlibutan at sa iglesia. Ang pamamalakad ng Diyos ay hindi lamang sa mga bagay na itinuturing nating "mabuti" kundi pati na sa mga bagay na "masasama" tulad ng sakit, taggutom, baha, bagyo, ipo-ipo, lindol o anomang uri ng kalamidad. Siya ay Sovereign din sa mga makasalanan, sa Diablo at sa mga dimonyo. Siya ay Sovereign din sa pagliligtas. Inililigtas Niya yaon lamang nais Niyang iligtas at walang sinoman at anomang kapangyarihan ang makapipigil sa Kanyang kapangyarihang magligtas, kahit na ang katigasan ng puso ng makasalanan o kaya"y ang paghadlang ng Diablo pati na ang paglaban ng makasalanang sanlibutan. Lahat ng mga ito ay tiklop sa Sovereignty ng Diyos!



(Note: Ang salitang Sovereignty ay isa sa maraming "theological words" na walang "eksaktong" katumbas sa wikang Tagalog, kaya sa mga ganitong pagkakataon ay mas mabuti pang gamitin ang katagang nakasanayan sa wikang Ingles.)


Beware: False Gospel!

Ronald R. Santos

Tandaan na iisa lamang ang Ebanghelyo na ipinagkaloob ng Diyos sa ikaliligtas ng mga sumasampalataya at anomang katuruan na nag-aangkin sa tawag na ebanghelyo ngunit sumasalungat naman sa kahit isang maliit na katotohanan sa tunay na Ebanghelyo ng Biyaya ng Diyos ay tinatawag ng mga apostol na bulaang ebanghelyo at itinuturo ng mga bulaang mangangaral! Buong kaseryosohang sinabi ni apostol Pablo, "Subalit kahit kami, o isang anghel mula sa langit ang mangaral sa inyo ng ebanghelyo na iba sa aming ipinangaral sa inyo, ay hayaan siyang sumpain! Gaya ng aming sinabi noong una, at muli kong sinasabi ngayon, kung ang sinoman ay mangaral sa inyo ng ebanghelyo na iba kaysa inyong tinanggap na ay hayaan siyang sumpain!" (Galacia 1:8-9). Nagbigay siya ng babala sa mga namumuno sa iglesia sa Efeso na "Ingatan ninyo ang inyong sarili at buong kawan "alam ko na sa pag-alis ko ay papasok sa kalagitnaan ninyo ang mababangis na asong-gubat na walang patawad sa kawan; at lilitaw mula sa inyo na ring kasamahan ang mga taong magsasalita ng mga bagay na lihis (lihis sa ebanghelyo ng biyaya ng Diyos v.24), upang akitin ang mga alagad na sumunod sa kanila." (Gawa 20:29-30), at sinabi niya sa mga taga-Corinto na ang bulaang guro ay mangangaral sa kanila ng ibang jesus, ibang espiritu at ibang ebanghelyo (2Corinto 11:4)!


Kaya sa bawat isyu ng The Bastion of Truth ay ihahantad namin sa mga mambabasa ang mga "aral ng mga demonyo" na bumibihag sa napakaraming mga tao. Ang layunin ng lathalain ay maingatan ang iglesia ng Diyos na binili niya ng kanyang sariling dugo.