" Issue
No.2
"
January - March 2005
"Ang Hindi Nagbabagong Ebanghelyo"
Thank God, We're In, Not Out!
Allan A. Faurillo
"God"s Only Gospel"
Salin ni Rey L. Alejo
Jr.
Ang Hindi Nagbabagong Ebanghelyo ng Dios
Alex M. Aquino
"Gospel"
Romel V. Espera
Ang Ebanghelyong Tinutukoy sa 1 Corinto 15:1-4
Christian Joy B. Alayon
The False Gospel of 'Universalism'
Ronald R.
Santos
'Particular Grace' A Book Review
Dario Luna
Thank God! We"re In, Not Out!
Allan A. Faurillo
"Ang sumasampalataya
sa Kanya ay hindi hinahatulan; ngunit ang hindi sumasampalataya ay hinatulan
na"" Juan 3:18
abab
Are you IN or OUT?
Ito ang popular na mga katagang binabanggit sa oras na mahatulan ang isang
contestant sa isang talent search sa telebisyon. Ang salitang
"IN" ang pinakamatamis na salitang matatanggap ng mga kalahok na mai-IN,
ngunit "OUT" naman ang pinakamapait at masaklap na salitang maririnig
mula sa mga hurado ng mga maa-OUT sa talent search na ito.
Kung ating papansinin
ang konteksto ng aklat ng Juan,
malinaw na ang layunin ng aklat ay upang ipakita sa mga mambabasa na si
Jesus ang Anak ng Diyos at walang maliligtas o magkakaroon ng buhay kung
hindi sasampalataya sa Kanya (Juan 20:31). Paulit-ulit na binanggit ang mga
salitang "believe" at "life" sa aklat na ito ng
Juan, na nakatuon sa ating
Panginoong Jesus bilang makapangyarihang Anak ng Diyos. Ano"ng ibig sabihin
nito? Simple lang: WALANG BUHAY, KUNG WALANG JESUS NA ANAK NG DIYOS! "
Walang buhay kung wala Ang Kanyang
katuwiran at kamatayang pantubos!
Ano ba ang ibig sabihin
ng sumasampalataya kay Jesus, at ano ang kahihinatnan ng mga hindi
sumasampalataya? Oo, naniniwala ang BTRC na "absolute" ang Gospel
ngunit huwag ihihiwalay ang aplikasyon nito na ang hindi maniwala sa
Ebanghelyo ay wala ding kaligtasan. Sapat ba ang maniwala lamang na si Jesus
ay Anak ng Diyos, upang maligtas ka? At sinu-sino ang "IN at OUT"?
Just Believe in
the Son of God?
Sapat ba na kung
paniwalaan lamang ng isang tao na si Jesus ay Anak ng Diyos ay maliligtas na
siya? Tama ba ito? Ito ba ay ayon sa Biblia? Basta maniwala na si Jesus ay "Son
of God" ay ligtas na ba? Siyempre
naman! Sino ang tututol dito yamang ito ang sinabi ni apostol Juan.
Ang sabi ni apostol Juan, "Ang sumampalataya sa Kaniya "" Ang tanong: sinong
"sa Kanya"? Wala ng iba kundi si Jesu-Cristong Anak ng Diyos na kanyang
ipinakilala sa buong aklat mula kapitulo 1 hanggang sa 21. Tiyak ang
tinutukoy ni Juan kung sino
ang dapat sampalatayanan. Subalit sa maraming kapanahunan lalo na sa
kasalukuyan ay nagkalat ang mga bulaang "jesus" na nagpapanggap na anak ng
Diyos. Makikilala mo lang ang tunay na Anak ng Diyos kung kikilalanin mo
Siya at pag-aaralan kung "sino" Siya at "ano" at "para kanino" ang Kanyang
ginawa ayon sa kapahayagan ng Diyos na sinulat ng mga apostol kasama na si
apostol Juan. Sinong Jesus ang iyong pinaniniwalaan?
Pansinin mong maigi!
Hindi binigyang diin ni apostol Juan ang mga "miracles" sapagkat
hindi "yon ang pinakamahalaga (Juan 20:30). Maraming nangyaring mga "tanda"
o "signs", pwedeng-pwede Niyang gawin na lahat ng laman ng buong
aklat ng Juan ay puro "miracles"
upang mamangha ang mga mambabasa kay Cristo bilang "healer" o
tagapagpalayas ng demonyo, ngunit hindi ganito ang kanyang ginawa. Para kay
apostol Juan, sapat na ipahayag lamang si Jesus bilang Anak ng Diyos, na
nabuhay nang matuwid upang ialay ang Kanyang buhay sa Kanyang mga tupa, kaya
naparito Siya upang magbigay ng buhay sa Kanyang hinirang. (Juan 14:6).
Ang buhay na ito ay
hindi ordinaryo kundi isang buhay na "eternal" hindi pisikal. Ito"y hindi
tumutukoy sa haba lamang ng buhay kundi sa uri ng buhay, ito ay buhay mismo
ng Diyos. Diyos lamang ang eternal sa Banal na Kasulatan kaya Siya lamang
ang makapagbabahagi nito. Ang buhay na ito"y ibinahagi ng Diyos sa
pamamagitan ng Kanyang Tipan sa mga hinirang na binigyang katuparan ng
Panginoong Jesus. (Juan 17:3). Kaya mapalad ang mga hinirang " sila"y IN
at hindi OUT. Na-IN sila, hindi dahil sila"y magagaling kundi
dahil ginanap ni Cristo para sa kanila ang lahat ng kundisyon upang sila ay
ma-IN.
Ano ang kahulugan na
sapat nang ikaw ay maniwalang si Jesus ang "Son of God"? Ang sabi ni
apostol Juan, kailangan mo Siyang "MAKILALA" (Juan 14:7; 12:44, 45, 49). Ano
ang bagay na dapat nating makilala o paniwalaan kay Cristo upang maligtas?
Kung inyong papansinin ang pinaka-climax o sentro ng tema ni apostol
Juan sa kanyang aklat ay ang KAMATAYANG PANTUBOS NI JESUS " "Natupad na"
(Juan 19:30). Samakatuwid ang ginawa ni Jesus sa krus, at ang Kanyang
pagka-Diyos. Ito ang "Tunay na Jesus!" Paano malalaman na tunay ang Jesus o
ang Ebanghelyo na iyong pinaniniwalaan? Ang sagot ay sinong Jesus at ano ang
Kanyang ginawa at PARA KANINO Niya ito ginawa? O para kanino SIYA namatay?
Sa lahat ba o sa mga hinirang o pinili lamang? Ayon kay Juan, ibinigay ni
Jesus ang Kanyang buhay para sa KANYANG MGA TUPA (Juan 10:15). Maaaring may
magsabi sa inyo na naniniwala naman siya na si Jesus ay "Anak ng Diyos" at
kung ano ang Kanyang ginawa ngunit hindi naman naniniwala na si Jesus ay
namatay para lamang sa Kanyang hinirang o "tupa", ang taong iyan ay OUT
din, at hindi ang tunay na Diyos ang kanyang pinaniniwalaan (Juan 12:31;
8:44).
Kung gano"n pala, hindi
talaga sapat maniwala sa "Historical Jesus" lamang o kaya
naman ay ang maniwala lamang kay Jesus bilang "Son of God" na hindi
naipakilala nang tama ay ligtas na! Paano maliligtas? Sinong Jesus? Ano ang
Kanyang ginawa at para kanino Niya ito ginawa? Ang hindi maniwala dito ay
ebidensya na siya ay hindi ligtas. OUT siya. Sinong nagsabi?
Ako ba? Hindi, kundi ang
Biblia. Hindi ko sinasabing wala ng pag-asa, ngunit ganito ang katayuan ng
tao hangga"t hindi niya pinaniniwalaan ang Ebanghelyo ni Cristo (Marcos
16:15-16). Ang akusasyon ng iba ay "judgmental" daw ang magsalita ng
ganito ngunit ito"y tanda ng kanilang pagiging ignorante sa Salita ng Diyos.
Kailanman ang ganitong katuruan ay "OUT"
sa Diyos. Eh, paano ang mga nagtuturo nito? OUT din ba sila? Oo, "yun
kasi ang sabi ng Biblia (Mateo 7:21-23). Tunay ngang, dapat tayong
magpasalamat sapagkat ikaw at ako na iminulat (Mateo 13:11) at ngayo"y
naninindigan sa nag-iisa at tunay na Ebanghelyo ay "IN" sa kaharian
ng Diyos. Thank God we"re "IN" hindi dahil sa tayo"y magagaling tulad
ng mga questors sa telebisyon, kundi dahil sa HABAG ng Diyos. "WE
ARE IN" through the Gospel. (2 Tesalonica 2:13-14). Kaya nga
kahit usigin, okey lamang, basta IN sa Diyos. Pagsabihan man ng kung
anu-ano, okey lang. Ito"y dahil kay Cristo at sa walang hanggang biyaya ng
Diyos. Oo Maaaring "OUT" sa paningin ng tao, "IN" naman sa
paningin ng Diyos.
Salin ni Rey L. Alejo
Jr.
Translated Excerpts
from a Web Publication of
www.godsonlygospel.com
Mayroon lamang ISANG
Ebanghelyong ipinagkatiwala kay Pablo na siya lamang kanyang ipinangaral at
kung ang sinoman ay hindi sumampalataya sa ISANG Ebanghelyong ito ay
nagpapahiwatig ng kanilang espiritwal na kalagayan tungo sa kapahamakan
(Gal. 1:6-9). Idineklara ni Pablo na sa pamamagitan ng Ebanghelyong ito tayo
ay naligtas: ""ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang
evangelio"sa pamamagitan nito"y ligtas kayo"" (1 Cor. 15:1, 2) at
upang ikaw ay maligtas dapat mong marinig ang pangangaral ng Ebanghelyo.
Dapat mong paniwalaan at sampalatayanan ang Ebanghelyong ito na nagbuhat sa
Dios, at hindi ang bulaang ebanghelyo na hango sa imahinasyon ng tao na sa
tingin natin ay mabuti at tama: "May daan na tila matuwid sa isang
tao, ngunit ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan" (Kaw. 14:12).
Mapapansin natin na ang Ebanghelyo ay madalas mabanggit ng maraming
mangangaral sa kanilang mga pangangaral at sa kanilang mga aklat ngunit
bihira nilang maipaliwanag kung ano ba talaga ang Ebanghelyo. Ang sabi ng
ilan hindi mo daw ito maipapaliwanag, ngunit kung ang Ebanghelyo ay hindi
kayang ipaliwanag bakit kung gayon nagbabala si apostol Pablo laban sa mga
bulaang ebanghelyo? Kung ang Ebanghelyo ay hindi kayang maipaliwanag,
makilala, at malaman paano natin makikilala ang bulaang ebanghelyo?
Maliwanag na nangaral si Apostol Pablo sa mga taong tiyak niya na nauunawaan
kung ano ang Ebanghelyo sapagkat ito ay ipinangaral at itinuro niya sa
kanila. Upang makilala natin ang huwad, dapat munang matutunan natin ang
totoo o tunay. Ang Ebanghelyo naman sa ilan ay si Jesu-Cristo lamang, ngunit
dapat nating malaman ang higit pa dito, at tanungin ang ating mga sarili: Oo
nga, subalit sino si Jesu-Cristo? Ano ang Kanyang ginawa at para kanino Niya
ginawa ito? Dapat nating maitangi ang totoong Cristo sa huwad na "cristo".
Ang Cristo na ipinapangaral ni Pablo ay hindi ang huwad na cristo na
itinatanghal ng mga bulaang guro sa kasalukuyan, dahil kung hindi ay hindi
magbibigay babala si Pablo tungkol sa "ibang jesus". Ang Cristong
ipinapangaral niya ay ISANG tiyak at natatanging persona na naiiba sa ibang
indibidwal at may tiyak na ginawa. Hindi binigyan ng kasiguruhan ni Pablo
ang mga taong tumatawag lamang sa personalidad ng kasaysayan na
nagngangalang "Jesus". Maraming naniniwala na si Jesus ay namatay sa krus at
muling nabuhay sa ikatlong araw. Maging mga demonyo ay naniniwala dito at
mga nangangatal pa. Ngunit hindi ito ang kaalamang nakapagliligtas sapagkat
kung magkagayon lahat ay maliligtas maging si Satanas at ang kanyang mga
kampon. Ang makilala si Cristo na magdudulot ng kaligtasan ay ang
makilala kung sino Siya, kung ano ang Kanyang ginawa at para kanino ito, at
hindi lamang simpleng kung ano ang nangyari sa Kanya. Ang isang tao ay
maaaring MAKAALAM TUNGKOL sa isa pang tao nang hindi niya tunay na
nakikilala ang taong iyon.
Itinuturo ng Biblia na ""si Cristo ay namatay dahil sa ating mga
kasalanan, ayon sa mga kasulatan (1Cor. 15:3). Tinupad ng totoong
Cristo ang mga eksaktong bagay na inihula ng mga Kasulatan na Kanyang
gagawin. Ito ang Cristo na
dapat nating sampalatayanan: Siya
na ipinapahayag ng mga Kasulatan. Namatay Siya ayon sa mga Kasulatan.
Tinupad ni Cristo kung ano ang inihula tungkol sa Kanya: paano siya
namatay, bakit siya kailangang mamatay, ano ang magaganap ng Kanyang
kamatayan, at iba pa, sang-ayon sa mga Kasulatan. Samakatuwid, ang kabuoang
buhay ni Cristo, kamatayan, at muling pagkabuhay na napakahalaga upang ating
malaman at mapaniwalaan ang Tunay na Ebanghelyo, sapagkat dito nakasaad ang
lahat ukol sa Kanya - sino Siya, ano ang Kanyang ginawa at para kanino Niya
ito ginawa. Ipinapakilala ng Ebanghelyo ang totoong Cristo at itinatangi
Siya sa mga huwad na cristo. Hindi maaaring paghiwalayin ang pagkakilala
kay Cristo sa Kanyang ginawa. Hindi maaaring paniwalaan ninoman si Cristo
nang hindi niya pinaniniwalan kung ano ang Kanyang ginawa.
"Ang kaligtasan ayon sa
Banal na Kasulatan ay isang bagay na hindi maaaring makamtan ng tao sa
pamamagitan ng kanyang mga gawa o maging sa kanyang paniniwala (by one"s
faith). Ang kaligtasan ay hindi gantimpala sa ating mga gawang
pagsampalataya (Rom. 4:4, 5), kundi ito ay isang bagay na ibinigay sa tao sa
pamamagitan lamang ng biyaya (unmerited favor) ng Dios.
Ang pananampalataya ay hindi
kundisyon sa kaligtasan " ito ay ebidensya ng kaligtasan. Ang
kaunaunahang ebidensya at resulta ng kaligtasan ay pananampalataya para sa
ikaliligtas na Kaloob (Gift) ng Dios at nagmula sa
Kanya. Ito ang pananampalataya at tanging pananampalataya na maghahatid sa tao upang kanyang
paniwalaan ang nag-iisa at natatanging Ebanghelyo ng Dios, at ito"y walang
hanggan at ito ay nasa Kanyang sariling pasiya upang ipagkaloob kaninoman.
Sinabi ng Panginoong Jesus, Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman
ay walang anomang pinakikinabang...dahil dito"y sinasabi ko sa inyo na
walang taong makakalapit sa akin, maliban na ipagkaloob sa kaniya ng Ama
(Juan 6:63, 65). Ang paglapit sa Dios sa paraang katanggaptanggap ay resulta
lamang ng Kanyang biyaya sa mga makasalanan at hindi ito resulta ng
pagsusumikap ng tao. Ang paglapit sa Dios sa pamamaraan at pag-iisip ng tao
ay laging naghahatid sa kamatayan (Bilang. 3:4).
Ang pananampalataya na
kaloob ng Dios ang siyang maghahatid sa Kanyang mga hinirang upang kanilang
paniwalaan at manatili sila sa Dios magpakailanman " Ang doktrina ng
Panginoong Jesu-Cristo " ang pinakamahalagang bagay na magbibigay ng
karunungan ng kaligtasan patungkol sa Kanya: kung sino Siya, ano ang
kanyang ginawa at para kanino ang mga ito.
Ang
Hindi Nagbabagong Ebanghelyo ng Biyaya ng Dios
Alex M. Aquino
Sadyang mapanganib ang
ating panahon at masasama ang mga araw. Naliligaw tayo sa ilang ng
kawalang-katiyakan kung saan ang katotohanan ay alipin ng kanikanyang
pananaw ng mga tao. Hindi nakatakas sa panganib na ito ang Ebanghelyo ng
Dios. Sa mga nangingilag sa kumplikadong pag-iisip bukambibig nila na "Iisa
lang naman ang Dios, kanikanya lang tayo ng paniniwala". Para nilang sinabi
tungkol sa isang kwadrado, "Kani-kanya tayo ng tingin dyan. Ikaw tingin mo
bilog. Ako tingin ko triangle." Ang lahat ay naging relative
at inabanduna na ang absolute o "hindi nagbabagong" katotohanan ng
Ebanghelyo. Katwiran din ng mga taong ito, "No one has the monopoly of
the truth." Nakakalungkot na maging sa mga seminaryo na nag-aangking
nakapagpapatapos sila ng mga pantas sa Biblia ay tumitiklop at nangapapahiya
sa kahangalang ito ng relativism. Sa larangang ito marahil ay
maitatangi ang mga Bastion of Truth Reformed Churches na naninindigan
na ang Ebanghelyo ng biyaya ng Dios ay absolute o hindi kailan man
nagbabago, ni hindi naihuhubog sa sariling pilosopiya o hakahaka ng mga tao.
Ano nga ba talaga ang
Ebanghelyo? Diretsahang tanong na humihingi ng diretsahang sagot. Sa sampung
kakapanayamin mo (karaniwang Kristiyano man o pastor pa man din) ay
makakarinig ka rin ng sampung magkakaiba at malamang ay magkakasalungat na
kasagutan. Ang ilan sa mga isasagot nila ay "Ang ebanghelyo ay Salita ng
Dios" (ngunit gaano karami ng Salita ng Dios ang dapat mong malaman
upang makapanalig ka ukol sa kaligtasan?), "Ang ebanghelyo ay ang mga
aklat ng Mateo, Marcos, Lucas at Juan" (hindi makatarungan ito sa Dios
at kay Pablo sapagka"t sinabi niya sa Roma 1:1 na "ebanghelyo" rin ang
kanyang isinulat), "Namatay si Cristo para sa mga makasalanan" (hindi
ba"t ito rin ang paniniwala ng mga Katoliko, Iglesia ni Cristo, Saksi ni
Jehova, Trinitarian o Oneness Pentecostal Churches, atbp?). Ang iba
naman na waring hindi malayo sa kaharian ng Dios ay tutugong, "mensahe
ito ng habag ng Dios sa mga makasalanan na tutubusin Niya sila Kay Cristo sa
pamamagitan ng pananampalataya lamang". Ngunit kung gigipitin pa ang mga
taong ito upang linawin ang kanilang pananaw ay malalantad na hindi talaga
nila nauunawaan ang Ebanghelyo. Hindi nga sila malayo subalit hindi rin
naman sila kabilang sa kaharian ng Dios.
Bakit napakahalaga na
maunawaan nang malinaw ng tao ang Ebanghelyo? Bakit dapat nating maunawaan
na ito ay absolute? Unang-una, iniutos ng Panginoong Jesus sa Kanyang
mga alagad na ""ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal. Ang
sumampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa"t ang hindi
sumampalataya ay parurusahan" (Marcos 16:15, 16
ab). Ngayon, maaari bang
"sampalatayanan" ng isang tao para sa kanyang ikaliligtas ang Ebanghelyo na
hindi niya alam at hindi niya natitiyak? Sinabi ni Pablo, "hindi ko
ikinahihiya ang evangelio: sapagka"t siyang kapangyarihan ng Dios sa
ikaliligtas ng bawat sumasampalataya" (Roma 1:16). Maaari bang maging
"kapangyarihan sa ikaliligtas" ng bawat sumasampalataya ang mensaheng hindi
nila tiyak at unawa? Mahigpit na babala din ng apostol na "Datapuwa"t
kahima"t kami, o isang anghel mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng
anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo ay matakwil
(anathema o "pakasumpain")" (Galacia 1:8). Muli, matitiyak mo ba na
hindi ka ngayon itinatakwil o sinusumpa ng Dios dahil sa kasalukuyang
"ebanghelyong" pinaniniwalaan mo? Tiniyak din ni Pablo na ang Panginoon ay
""maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi
nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesucristo" (2
Tesalonica 1:8). Maaari bang tumalima o sumunod ang isang tao sa
ebanghelyong hindi niya tiyak kung tama? Walang puwang dito ang
pagsasawalang bahala at mapangahas na pag-aakala (presumption). Hindi
tayo dapat magkamali kung buhay at kamatayan; langit at impiyerno ang dito"y
nakataya!
Subalit ang
Kristiyanismo ng kasalukuyang panahon ay naanod na ng dilubyong masahol pa
sa kahindikhindik na sinapit ng Timog Asia nitong kalilipas na taon lamang.
Ang lahat ng ito ay dapat isumbat sa mga bulaang tagapangaral ng Biblia na
nagpapahayag ng kanikanilang "bersyon" ng Ebanghelyo. Ang ebanghelyo nila ay
ipinanday sa kanilang mga karnal na pilosopiya at pagnanasa ng laman (tulad
halimbawa ng "poligamia" ng ebanghelyo ng Mormonism, ang Health,
Wealth at Success Gospel nina Copeland, Hagin at Benny
Hinn, at ang Social Gospel ng isang liberation theologian
tulad ni Eddie Villanueva). Ang Pentecostal/Charismatic Movement
naman ay binibigyan ng maling pakahulugan ang inaangkin nilang Full
Gospel umano. Sapagkat Full o kumpleto lamang ang ebanghelyo kung
mayroon umanong mga himala at pagpapagaling. Ang iba naman ay kumatha ng
ebanghelyo na maiuugnay nila sa kanilang religious heritage at
denominational pride kaya gumagamit sila ng pangalan sa kanilang
simbahan tulad ng International Church of the "So and So" Gospel na
para bagang may sarili silang "brand" ng gospel. Ngunit ang
isa sa pinakatuso at mapanganib na pagbabaluktot ng hindi nagbabagong
katotohanan ng Ebanghelyo ay yaong mga nasa kampo ng mga nag-aangking
Reformed o Calvinist na nagsasabing ang Reformed Faith ay
ang pinakamahusay at pinakamagaling na sistema ng "totoong" relihiyong
Kristiyano. Samantalang ang ibang teyolohiya umano tulad ng Arminianism
ay "totoong" Kristiyano din na mga mababa lamang ang kaalaman sa teyolohiya,
nagkakamali at nalilito daw lamang. Obviously, ito ay kahambugan.
Ayon din sa kanila mayroon ding kaunting mga "piraso" ng katotohanan sa mga
maling paniniwala ng mga taong ito na sapat upang maligtas sila. Katuwiran
nila, "They are saved not "because" of error but "inspite" of error".
Ang ebanghelyo ay pinagkasya sa pinakakaunting mensahe tungkol sa habag at
biyaya ng Dios sa kaligtasan (preferably and "arbitrarily," justification
by faith alone") at magagawang maihalo sa mga mapamusong na kaisipan ng
tao na ang kaligtasan niya ay nakasalalay sa kanyang sariling desisyon at
gawa. Lumalabas na habang naniniwala ang isang tao na habag lamang ng Dios
kaya siya naligtas, posible din niyang panghawakan ang salungat na kaisipang
nasasakanya pa rin ang desisyon kung tatanggapin niya ang alok ng Dios o
hindi! Hindi ito ang Ebanghelyo!
Ang Ebanghelyo sa Biblia
ay tinatawag sa iba"t ibang pagkakakilanlan nito* tulad ng
"ebanghelyo ng kaharian", "ebanghelyo ni Jesucristo", "ebanghelyo ng Dios",
"ebanghelyo ng kapayapaan", "salita ng katotohanan ng ebanghelyo", "mabuting
balita na walang hanggan" at ang pinakamayaman ay ang katagang "ebanghelyo
ng biyaya ng Dios" (Gawa 20:24). Ang hindi nagbabagong (absolute)
Ebanghelyo ng Dios ay ang hindi nagbabagong mensahe ng Kanyang "biyaya".
Kapag winika ng Biblia na "biyaya" hinding-hindi ito maaaring hilutin upang
mahaluan ng gawa. Ipinaliwanag ito ni Pablo sa paraang antithetical o
"ganap na pagsasalungatan" sa Roma 11:6: "Ngunit kung ito"y sa
pamamagitan ng biyaya, ay hindi na sa mga gawa: sa ibang paraan (kung
hindi ganito) ang biyaya ay hindi biyaya." Kung paanong hindi
maaaring maghalo ang langis at tubig ay hindi maaaring maghalo sa isip ng
isang tao na siya ay naligtas dahil sa biyaya at dahil din sa kanyang gawa.
Hindi maaaring umiral sa kamalayan ng isang tao na niligtas siya ng Dios
dahil sa biyaya lamang samantalang naniniwala siyang nakamit niya ito dahil
sa kanyang free will. Hindi niya maaaring paniwalaan ang biyaya ng
Dios samantalang tinututulan niya ang doktrina ng unconditional election
(na mensahe din ng Ebanghelyo ng "biyaya" ng Dios) noong ito"y
maipaliwanag sa kanya. Ito ang tinutukoy nating pagiging absolute na
prinsipyo ng Ebanghelyo. Ang Ebanghelyo ay mensahe ng "puro" at "dalisay" na
biyaya ng Dios. Ang pagiging absolute nito ay hindi tumutukoy sa dami
o kaganapan (perfection) ng kaalaman tungkol dito. Sapagka"t ang isa
sa dalawang kriminal na nabayubay sa krus kasama ng Panginoong Jesus ay
maaaring walang alam tungkol sa unconditional election, limited atonement
o irresistible grace subalit naroon siyang tanggap ang nararapat na
parusa sa kanyang kasalanan. Batid niyang wala siyang maihaharap na kahit
gatuldok na kabutihan at kakayanan sa harap ng Dios upang siya"y patawarin.
Kanya nang iniwan ang sarili at itinagubilin ang kaluluwa sa lalaking walang
sala at puspos ng biyaya na nasa kanyang tabi. Limitado lamang ang alam ng
abang lalaking ito tungkol sa biyaya ng Dios at sandali lamang niyang
narinig ang mga salita ng kanyang Manunubos
[1] sapagkat malapit na ang kanyang tiyak na kamatayan. Subalit
ang kaunting kaalaman niyang iyon ay "purong" biyaya at nilusaw nito ang
lahat ng kaisipang bumabatay sa gawa at karapatan niya bilang tao. Wala
itong halong pagtitiwala sa sarili o sa sarili niyang pagsampalataya. Kung
bibigyan siya ng pagkakataong mabuhay pa ng matagal paniniwalaan niya gaano
man karaming aral tungkol sa biyaya ng Dios ang ihaharap sa kanya. Ito ay
dahil hindi niya tinatanggap ang mga ito dahil sa kanyang "intelektwal na
kapasidad" kundi sa pamamagitan ng mahimala at espiritwal na
pananampalatayang kaloob lamang sa kanya ng Dios. Ang Ebanghelyo niya ay
absolute grace. Dumating man ang mga sandali na dahil sa kahinaang dulot
ng pananatili pa ng kanyang pagkamakasalanan ay matukso siyang manangan sa
kanyang mga gawa at hindi na sa biyaya (fallen from grace ika nga),
sasawayin siya at itutuwid ng ministerio ng Salita ng Dios upang manatiling
kumakapit sa habag lamang Niya. Ganito ang ginawa ng Espiritu Santo sa
pamamagitan ng panulat ni Pablo sa mga taga Galacia.
Ito ang mahigpit na
pinanghahawakan ng mga Bastion of Truth Reformed Churches dito sa Pilipinas.
Kung paanong maingat na ipinakilala ng buhay na Dios ang Kanyang sarili sa
Biblia sa pagbabawal sa tao na lumikha at mag-anyo ng anomang wangis para
sa Kanya; kung paanong detalyadong ibinigay ng Dios ang sukat ng daong para
kay Noe at ng tabernakulo para sa bayang Israel (at hindi ipinaubaya sa
kanilang pagkukusa at husay); kung paanong maliwanag na pinropesiya ng mga
propeta ang pagdating ng Mesias; gayon ang pag-iingat ng Dios sa paghahayag
ng mensahe ng Kanyang Ebanghelyo. Dahil dito, labis naming ikinababahala at
mariing tinututulan ang paglaganap ng "relatibismong" ito sa larangan ng
pagpapahayag ng Ebanghelyo. Positibo naming pinangangatawanan ang kawalang
pagbabago ng Ebanghelyo ng Biyaya ng Dios kahit na ang kalalabasan nito ay
ang ibayo pang pagkitid ng tunay na Iglesia ng Panginoong Jesus kahit na sa
loob pa ng pananampalatayang Reformed. "No one has the monopoly of the
truth," ang sabi nila. Ang tugon namin, "Neither has anyone the right
of preference to believe only a fraction of it." Ang katotohanan ay
katotohanan " isang organisado, sistematiko at magkakaugnay na kabuoan.
______________
1
Ngunit malaki rin ang posibilidad na ang kriminal na nagsisi ay nakarinig ng
kabuoan ng Ebanghelyo ng biyaya ng Dios yamang siya ay kasama ng Panginoon
sa loob ng mahabang oras. Mahirap paniwalaan na ang Panginoon na nangaral sa
loob ng higit-kumulang tatlong taon ng Ebanghelyo ay tatahimik na lamang sa
sandaling ito na katabi na niya ang isa sa dahilan kung bakit Siya
nagpapakasakit. Kaya mas madaling tanggapin na nang ibahagi ng Panginoon ang
Ebanghelyo sa kanila habang nakabayubay sa krus, ang bunga sa isa ay
kaligtasan, habang ang dulot naman sa isa ay kapahamakan. Isa pang
posibilidad ay dahil sa ang Panginoon naman ay hayagang nangangaral ng
Ebanghelyo sa lahat ng dako, posibleng ang kriminal na ito ay nakarinig na
ng kabuoan ng Ebanghelyo at nang sandaling nakabayubay siya sa krus katabi
ang Panginoon ay tinawag na Niya ang kriminal na ito ng Kanyang tinig sa
pamamagitan ng Ebanghelyong kanya nang narinig noon pa mang una.
"Gospel"
Romel V. Espera
Ang salitang Ingles na
Gospel ay galing sa dalawang salitang Griego: Eu "
"good"; mabuti, at Aggelion " "message"; mensahe o balita. Sa Latin
ito"y evangelium na ang kahulugan ay "good news" o mabuting balita.
Ang Gospel ay maaring isalin sa wikang Tagalog sa iba"t ibang paraan
tulad ng Mabuting Balita (TPV), Magandang Balita (SD), Evangelio (AB) o
Ebanghelyo (ABAB).
Ang Gamit ng
Ebanghelyo sa Matandang Tipan:
A.
Ito"y ginamit muna sa sekular na pagbabalita na walang kaugnayan sa aspetong
espirituwal. Halimbawa nito ay sa 2 Samuel 18:19 na noong si Joab na isang
heneral ng mga kawal ni David ay nagnais na magpahatid ng pabalita ng
katagumpayan kay David, sinabi ni Ahimaaz na anak ni Zadok,
"patakbuhin mo ako ngayon upang magdala ng
magandang balita sa hari na
iniligtas siya ng Panginoon sa
kamay ng kanyang mga kaaway."
B.
Ngunit ang salitang Ebanghelyo ay lalong naging mas makahulugan nang
simulang gamitin ito ng mga propeta upang tukuyin ang darating na
Tagapagligtas (Mesias) ng bayang Israel. Tulad ng nasaad sa Isaias 40:9
"Umakyat ka sa mataas na bundok, O Zion, tagapagdala ng MABUTING BALITA;
itaas mo ang iyong tinig na may kalakasan, O Jerusalem, tagapagdala ng
MABUTING BALITA, itaas mo huwag kang matakot; sabihin mo sa mga lunsod ng
Juda, "Tignan ang iyong Diyos. Narito ang Panginoong DIYOS ay darating na
may kapangyarihan""" Na ang Mesias na tinukoy dito ay pagdating mismo ng
Diyos.
Ang Gamit ng
Ebanghelyo sa Bagong Tipan:
A.
Ang mga Judio ay matiyagang naghintay sa katuparan ng Ebanghelyong
ipinahayag ng mga propeta " ang pagdating ng Mesias. Kaya noong magsimula
ang Panginoong Jesu-Cristo ng Kanyang pangangaral ay Kanyang ipinahayag ang
katuparan ng mga ipinangaral ng mga propeta nang Kanyang sabihin na
"Naganap na ang panahon at malapit na ang paghahari ng Diyos; kayo"y magsisi
at manampalataya sa Ebanghelyo." (Marcos 1:14-15). Ang kahulugan ng
Ebanghelyo sa gamit ng Panginoong Jesus ay pareho lamang sa gamit ng mga
propeta. Ang sa mga propeta ay pangakong pagdating ng Mesias, ang sa
Panginoong Jesus naman ay katuparan sa Kanyang sarili ng pangakong iyon.
B.
Gayun din naman noong umakyat na sa kalangitan ang Panginoong Jesus ay
Kanyang itinagubilin sa iglesya sa pamumuno ng mga apostol na ipangaral ang
nasabing Ebanghelyo (Marcos 16:15, 16, Mateo 28:18-20). At ang naging diin
ng mga apostol sa kanilang mensahe ng Ebanghelyo ay ang ginawang pagliligtas
ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Anak na isinugo na nag-alay ng Kanyang
buhay sa krus ngunit nabuhay muli, na ang Kanyang buhay na inihandog ay
naging katanggaptanggap sa Diyos at nagdulot ng kapatawaran sa kasalanan ng
Kanyang mga hinirang (elect) at nagbunga ng pagkupkop sa kanila ng
Diyos.
Kaya kung susuriing maiigi ang Biblia hinggil
sa gamit ng salitang Ebanghelyo, isang mabigat na konklusyon ang hindi
maiiwasan: itong Ebanghelyo ng Diyos ay iisa at hindi nagbago at ni hindi
nagbabago. Pinatunayan ito ni apostol Pablo nang kanyang sabihin na
""kahit kami, o isang anghel mula sa langit ang mangaral sa inyo ng
ebanghelyo na IBA kaysa sa aming ipinangaral sa inyo, ay hayaan siyang
sumpain! Gaya ng aming sinabi noong una, at muli kong sinasabi ngayon, kung
sinuman ay mangaral sa inyo ng ebanghelyo na IBA kaysa inyong tinanggap na
ay hayaan siyang sumpain!" (Galacia 1:8-9). Maraming taguri ang Biblia
sa Ebanghelyo tulad ng: "Ebanghelyo ni Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos"
(Marcos 1:1), "Ebanghelyo ng Kanyang Anak" (Roma 1:9),
"Ebanghelyo ni Cristo" (Roma 15:19, 2 Corinto 2:12), "Ebanghelyo ng
ating Panginoong Jesus" (2 Tesalonica 1:8), "Ebanghelyo ng Kaharian"
(Mateo 4:23, 9:35), "Ebanghelyo ng Diyos" (Marcos 1:14, Roma 1:1;
15:16), "Ebanghelyo ng kapayapaan" (Efeso 6:15), "Ebanghelyo para
sa mga hindi tuli" (Galacia 2:7), "Ebanghelyo ng inyong kaligtasan"
(Efeso 1:13), "Maluwalhating Ebanghelyo ng mapagpalang Diyos" (1
Timoteo 1:11), "Ebanghelyo ng kaluwalhatian ni Cristo" (2 Corinto
4:4), "Walang hanggang Ebanghelyo" (Apocalipsis 14:6) at ang lahat ng
mga taguring ito sa Ebanghelyo ay isinuma ni Apostol Pablo sa isang
pangalan" "Ebanghelyo ng biyaya ng Diyos"! (Gawa 20:24).
Sapagkat ang mga pangalang ito ay tumutukoy lamang sa Nag-iisa at Tunay na
Ebanghelyo ng biyaya ng Diyos.
Christian Joy B. Alayon
Ang turo ng mga kulto ay
napakadaling mahalata. Mga turong "wirdo" ika nga; gaya ng pagtanggi sa
pagka-Diyos ni Cristo (hal. INC), hindi naniniwala sa "Trinidad" (hal.
Oneness), si Cristo daw ay kapatid ni Lucifer (Mormons), o kaya
naman ay naniniwalang hindi lang isa ang Diyos, at ang mas masahol, ay mga
Satanista. Pero ang mas makamandag na lason ay ang mga nagtatago sa Pangalan
ng Panginoong Jesus, naniniwala sa Kanyang pagka-Diyos, nangangaral ng
Trinidad, gumagamit ng salitang "Ebanghelyo" at iba pang mga salitang
makikita sa Biblia, subalit pinipilipit ito at nagtuturo ng ibang "jesus" na
hindi kilala ng Biblia. Ang talatang ito (1 Cor. 15:1-4) ay isa sa maraming
talatang ginagamit nila upang patunayang sila ay tama at kinikilala din nila
ang iba pang bulaang relihiyon na kapatid sa pananampalataya kahit na
napakalayo ng katuruan ng mga ito sa aral ng Biblia.
Minimum or Absolute?
May mga nadadaya sa
paniniwalang ang mga talatang ito daw ang minimum ng
Ebanghelyo. "Ano man ang paniniwala mo", ika nila, "basta"t tapat
kang naniniwala na namatay si Jesus sa krus para sa mga kasalanan, at muli
siyang nabuhay, at maniwala ka na iyon ay para sa iyo, ay tiyak na ligtas ka
na." Ginagamit nila ang talatang ito na parang hiwalay sa ibang katuruan
tungkol sa kaligtasan. Dapat nating suriin ang paniniwalang ito, sapagkat
napakalinaw ng babala sa Biblia na sinuman ang mangaral ng ibang ebanghelyo
ay susumpain, at sino man ang maniwala sa kabulaanan ay parurusahan (2 Tes.
2:9-12).
Nagliligtas ang Diyos sa
pamamagitan ng Ebanghelyong ipinahayag Niya. Walang sinuman ang may
karapatan at kakayahang maka-imbento ng ebanghelyong makakapagligtas kundi
ang naipahayag lang sa Biblia. Perpekto na ito at hindi nangangailangan pa
ng improvement, at lalong hindi ito ipinahayag sa Biblia para piliin
mo kung papaano ito imi-minimize, dahil kung hindi, magtataglay ka ng
ebanghelyong walang kahulugan o iba ang kahulugan at kasumpasumpang
ebanghelyo. Ang mga gumagawa nito ay hindi napapabuti kundi lalong nadudulas
tungong impiyerno. Kung ano ang eksaktong ipinahayag na katotohanan, iyon
lang ang dapat na paniwalaan, dahil kung hindi, ikaw ay "sumampalataya ng
walang kabulhan". Kapag dinagdagan mo o binawasan ang kapahayagang ito,
hindi na ito ang Salita ng Diyos, at hindi na maituturing na
"kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas" (Rom. 1:16)! Sinabi ni Pablo na
tinanggap niya ito at ito ay "ayon sa Banal na Kasulatan",
nangangahulugang hindi ayon sa kanyang kuwento at sariling interpretasyon.
Galing ito sa Diyos at hindi dapat ituro ayon sa ating palapalagay at karnal
na interpretasyon. Ang Ebanghelyo ay mayroon lamang isang kahulugan: ang
pakahulugan ng Diyos. Ipinangaral ni Pablo kung ano lamang ang kanyang
tinanggap, hindi niya dinagdagan para lalong mapaghusay, at lalong hindi rin
niya binawasan. Hindi niya inisip na baka hindi maging komportable sa ibang
katuruan ang mga tagapakinig at hindi ito matanggap. Kung maliligtas ang
isang tao, ang dapat niyang paniwalaan ay ang eksaktong kapahayagan!
What You Think or What
Is Written?
Paano ba mauunawaan ang
pakahulugan ng Diyos sa Ebanghelyo? Lahat ba ng ating palagay at pagkaunawa
ay masasabing iyon na nga? Ayon sa talata, ang mensahe ng Ebanghelyo na
patungkol sa gawang pagliligtas ni Cristo ay "ayon sa Banal na
Kasulatan". Ito ay malinaw na ipinahayag, malinaw na itinuturo,
ipinaliwanag, at pinakahulugan ng Kasulatan, kung kaya dapat mong malaman
ang eksaktong sinasabi nito para maging tiyak na ligtas ka.
Napaka-partikular ng Ebanghelyong tinutukoy ni Pablo at kailangan mong
manahan dito gaano man karami ang mga sumasalungat.
Nang ipahayag ng Diyos
ang Ebanghelyo, hindi Siya nagbigay ng maraming pagpipilian kung alin ang
tingin mo"y komportable sa iyo, at hindi niya ipinaubaya sa sarili mong
pang-unawa kung ano ang tingin mong mas magandang kahulugan nito! Ang
Ebanghelyo ay kapahayagan ng walang hanggang kalooban ng Diyos. Kung mali
ang pang-unawa ng isang tao sa Ebanghelyo, paano sasabihing kapahayagan pa
iyon ng kalooban ng Diyos? Hindi maaaring baliin ng Diyos ang Kanyang
kalooban para lamang maipareho sa bulaang paniniwala ng isang tao. Hindi rin
maaaring sabihing tama lahat ng paliwanag ng iba"t ibang katuruan. Papaano
magiging tama lahat kung iba"t iba ang kahulugang binibigay ng tao, at
madalas ay magkakasalungat pa! Higit sa lahat, papaano sasabihing tama kung
ang sinasalungat ay ang Kasulatan mismo!
Maliwanag na ang mga
taga-Corinto ay mayroong pinaniniwalaan, at iyon ay nanganganib dahil sa
impluwensya ng mga bulaang tagapangaral, na mayroon din namang
pinaniniwalaang iba. Kung kaya ang tanong ay hindi kung "ikaw ba ay
mayroong pananampalataya?" Walang taong itatanggi ito. Sinulat ni Pablo
ang kapitulo 15, sa kadahilanang ang pinananampalatayanan ng mga
taga-Corinto (resurrection in relation to the whole of the Gospel) ay
nanganganib sa impluwensya ng mga bulaan. Ang pinakamahalaga ay hindi lamang
kung ikaw ba ay naniniwala, kundi kung ano ang pinaniniwalaan mo! Ang tanong
ay hindi kung gaano ka katapat sa Ebanghelyo, kundi ANO ang
Ebanghelyong ito na dapat
paglaanan ng katapatan mo. Kung itatanong mo ang sinabi sa verse 2
papaano ako sasampalataya "ng walang kabuluhan?" ang sagot ay hindi
dahil sa ang pananampalataya ay hindi tapat o peke (although that may
also be the case), ang tamang sagot ay kung ang pinananampalatayanan ay
mali. Ayon sa 2 Cor. 13:5, "siyasatin niyo ang inyong sarili kung kayo ay
nasa pananampalataya" at hindi kung kayo ay may pananampalataya.
"The Truth of the
Facts"
Alam kong maraming
sasang-ayon sa akin sa una kong mga sinabi, kaya dapat itanong ngayon kung
ano ba talaga ang Ebanghelyong ipinahayag kay Pablo, at bakit ang
paniniwalang si Jesus ay namatay at muling nabuhay nang walang paliwanag
mula sa kabuoang aral ng Kasulatan ay hindi pa rin garantiya na ang isang
tao ay ligtas!
Ang ipinapaliwanag ni
Pablo sa verses 3 at 4 ay pawang "historical facts" lamang.
Ito"y historical facts na "kabilang" sa pakahulugan ng Ebanghelyo,
pero kung ito lang, hindi nito tinuturo kung PAPAANO nagliligtas ang Diyos
sa PAMAMAGITAN ng mga pangyayaring ito. Walang paliwanag na ibinigay si
Pablo sa mga talatang ito, subalit dapat tandaan na ang Ebanghelyong
tinutukoy ni Pablo dito ay walang pinagkaiba sa Ebanghelyong kanyang
ipinaglalaban, at ipinaliwanag sa ibang bahagi ng Kasulatan.
Marami ang nagtuturong
ang historical facts na ito ay sapat na sa kaligtasan; hindi alintana
na ang napakaraming naniniwala dito ay may iba"t ibang pagkaunawa na
salungat sa Biblia. Para sa kanila, ligtas ang isang taong taos pusong
naniniwala dito kahit na nilalapastangan niya ang Panginoong Jesus. Sina
Hymenaeus at Philetus ay halimbawa ng mga taong naniniwala sa historical
facts. Naniniwala sila sa historical fact ng muling pagkabuhay,
subalit, iyon daw ay lumipas na (2 Tim. 2:17, 18). Ligtas ba sila? Dapat
malaman kung ano ang pakahulugan ng Kasulatan sa mga facts na
ito at iyon ang dapat na paniwalaan. Dapat malaman ng isang tao ang
katotohanan upang siya ay maligtas, at kung mali siya dito, mali na ang
lahat sa kanya.
Ang paniniwala sa
historical facts lamang ay hindi tanda ng kaligtasan. Alam din ito ng
diyablo at aktibo siya sa pagbabaluktot ng tunay na kahulugan nito. Wala
pang tao ang naligtas sa paniniwala lamang sa historical facts na
hindi alam ang kahulugan nito. Ang kaalaman ng katotohanan, na tanging
nagliligtas ay ipinahayag sa Ebanghelyo (interpreted facts). Sinumang
sumalungat sa katotohanan ay itinuturing na sa diyablo at sinumpa (2 Cor.
10:5). Ang Ebanghelyo ay "ayon sa Kasulatan" (interpreted) at
hindi natatapos sa kasaysayan!
Who He Is "What He Came
to Do"
Ang banal na Kasulatan
ang nagbigay ng pakahulugan sa Ebanghelyo ng Diyos. Ayon sa Roma 1:16, 17
ang Ebanghelyong kapangyarihan ng Diyos sa pagliligtas ay nagpapahayag ng
katuwiran ng Diyos at hindi ng sa tao. Ipinahayag Niya iyon sa pamamagitan
ni Cristo na nagtatag ng perpektong kabanalan para sa mga tinubos niya.
Ipinapakita nito kung sino si Cristo at ano ang Kanyang tinupad nang mamatay
Siya sa Krus. Malibang malaman mo kung sino Siya at ano ang Kanyang
eksaktong tinupad, hindi mo pa rin Siya kilala. Ang tunay na Jesus na ito ay
hindi maihihiwalay sa Kanyang ginawa. Imposibleng ipangaral ang Ebanghelyo
at imposibleng makilala ang tunay na Jesus kung hindi alam ang Kanyang
ginawa. Ang langit ay walang puwang sa isang taong ignorante sa ginawa ni
Jesus.
Maliwanag na ang tunay
na Jesus ay namatay para lamang sa mga "pinili". Ayon sa verses 3 at
4 (1 Cor. 15) si Jesus ay namatay at muling nabuhay "para sa
ating mga kasalanan." Dapat nating malaman kung sino ang
tinutukoy na "ATIN" ni Pablo sa mga talata dahil sila lamang ang Kanyang
tinubos. Sila ang limitadong bilang na pinatutukuyan ng Kanyang kamatayan at
muling pagkabuhay. Sa mga susunod na talata ay ipinakita ni Pablo ang epekto
ng Kanyang muling pagkabuhay sa LAHAT ng nasa Kanya, silang mga tinubos
lamang. Kung hindi Siya muling nabuhay, hindi rin muling mabubuhay ang mga
tinubos Niya. At kung ang mga tinubos ay walang pagkabuhay na muli, hindi
rin totoong si Cristo ay muling nabuhay (vs. 12-23). Ngayon,
nalalaman natin na hindi lahat ay muling mabubuhay tungo sa buhay na walang
hanggan. Nangangahulugan ba na ang muling pagkabuhay ni Cristo ay hindi rin
kumpleto! Nang magkasala si Adan, lahat ng nirerepresenta niya ay tumanggap
sa kanilang sarili ng lahat ng bunga at konsekwensya ng kasalanan. Ang
kawalan ng pananampalataya lamang ang tatanggi na ang tao ay nakis"lo sa
pagkakasala ni Adan. Si Cristo, ang ikalawa at huling Adan, ay mayroon ding
nirerepresenta sa Kanyang kamatayan, at lahat sila ay tumanggap ng LAHAT ng
benepisyo ng Kanyang gawa (vs. 21f). Ang mga mabubuhay na
mag-uli tungo sa buhay na walang hanggan, ay iyon lamang mga tinubos (those
He represented) (v. 23), at lahat ng nasa Kanya. Sila ang
tinutukoy ni Pablo na "our" sa verse 3 (see also Jn.
17:2, 6, 9, 12, 24).
Ang bulaang "jesus" na
ipinapangaral ng mga kaaway ni Pablo ay mayroon ding ginawa, subalit iba sa
ginawa ng tunay na Jesus. Ang tunay na Jesus ay tumupad sa lahat ng
eksaktong sinasabi ng Kasulatan. Ang bulaang relihiyon na nagtatago
lamang sa pangalang "Jesus" ay nagtuturo ng jesus na walang natupad.
Naniniwala silang ang jesus na ito ay namatay, inilibing, at muling nabuhay
ayon sa kasulatan, subalit ang totoo, ang kinikilalang jesus na ito ay
kasumpasumpa sa Kasulatan (2 Cor. 11:1-4). Namatay siya para sa kasalanan ng
lahat ng tao para gawing "posible" lamang ang kanilang kaligtasan pero wala
talagang natupad ito dahil marami sa kanyang tinubos ang napapahamak. Ang
jesus na ito ay mahina at nangangailangan ng tulong. Sa totoo niyan, hindi
kaligtasan ang inaalok niya! Humihingi lang naman siya ng tulong sa iyo;
tulungan mo siya na iligtas ka! At para tulungan mo siya, yuyuko siya at
magpapasakop sa makasalanan at napakasama mong "free
will"!
Hindi iyan ang
Ebanghelyo ng Panginoon, mapapahamak ka kung ito ang iyong pinaniniwalaan.
Paniwalaan mo lamang ang Ebanghelyong ipinangaral ni Jesus at ng mga
apostol. Huwag dapat lagyan ng tuldok ang hindi nilagyan ng tuldok ni
apostol Pablo, "na si Cristo ay namatay para sa ating kasalanan (huwag
tapusin dito), -- AYON SA MGA KASULATAN, at siya"y inilibing; at muling
nabuhay nang ikatlong araw (huwag putulin dito), -- AYON SA MGA KASULATAN."
Sumampalataya ka sa Ebanghelyo na ayon sa katuruan ng MGA KASULATAN -- ikaw
ay maliligtas."
The False Gospel of "Universalism"
Ronald R. Santos
Maraming mukha ang
bulaang ebanghelyo na nagtataglay ng bulaang "cristo". Karamihan sa biktima
nito ay walang kamalaymalay na ang kanilang taos-pusong sinasampalatayanan
ay doktrina ni Satanas. Kaya ang layunin ng paghahantad ng mga hidwang
katuruan ay upang "turuan ng may kaamuan ang mga sumasalungat,
baka sakaling pagkalooban ng Diyos ng pagsisisi tungo sa pagkakilala sa
katotohanan, at sila"y matauhan at makawala sa bitag ng diyablo na bumihag
sa kanila upang gawin ang kanyang kalooban." 2 Timoteo 2:25
Huwag kalilimutan na ang
Ebanghelyong ibinigay ng Diyos ay iisa lamang hindi dalawa o marami. At
ito"y hindi nagbabago, ni hindi naluluma. Kapag isasaisip lamang ng
mambabasa ang katotohanang iisa lamang ang Ebanghelyo ay magbubunsod ito sa
kanya na suriin ang ebanghelyong kanyang pinaniniwalaan kung ito ay "yung
iisang Ebanghelyo o baka naman bulaang ebanghelyo.
Isang anyo ng bulaang
ebanghelyo ay nagtuturo na tinubos ni "cristo" ang lahat ng mga kasalanan ng
lahat ng mga tao, kaya ang lahat ng mga tao ay maliligtas kahit na ano ang
kanilang pinaniniwalaan; basta ang tao ay magsisi ng kanilang kasalanan.
Karaniwan na sa mga Romano Katoliko ang ganito ang paniniwala, kilala rin
ito sa tawag na "universalism". Ngunit mayroon pang mas makamandag
kaysa dito. Makamandag sapagkat marami na ang nabibiktima nito ng walang
kamalay-malay. Ito"y ang ebanghelyong ikinakalat ngayon ng mga nag-aangking
sila raw ang "Evangelical" o "Born Again" (?). Ang kanilang
ebanghelyo ay nagpapahayag na ang kamatayan ni "cristo" sa krus ay nagbigay
daan sa kaligtasan ng lahat ng tao kung sila lamang ay mananampalataya. Sa
kanilang katuruan bagama"t si "cristo" ay namatay para sa lahat ng tao,
nagkakabisa lamang ang kanyang kamatayan doon sa mga "tumanggap" sa kanya.
Maliwanag pa sa sikat ng araw na ito ay "ibang" ebanghelyo kaysa sa
Ebanghelyong itinuro ni Cristo at ng mga apostol.
Particular Grace
Book Review ni
Dario Luna
A Defense of God"s
Sovereignty in Salvation,
By Abraham Kuyper
Reformed Free
Publishing Association, " 2001 Grandville, Michigan
Isinalin mula sa wikang
Dutch ni Marvin Kamps
Buod ng Aklat
Ito ay aklat tungkol sa
pagtatanggol sa limitadong pagtutubos ni Cristo at ng sovereignty ng
Dios. Ang aklat na ito na pinamagatang "Particular Grace" ni Abraham
Kuyper ay tungkol sa pagtatanggol sa Particular Grace o ang biyaya
ng Dios na hindi para sa lahat ng tao kundi nakalaan lamang para sa Kanyang
mga hinirang. Sa buong aklat ay ipinakita niya na ang "general grace"
o ang biyaya ng Diyos na para sa lahat ay hindi itinuturo ng Biblia kundi
katha lamang ng malikot na kaisipan ng tao. Ang aklat ay may apat na bahagi
na may tig-sasampung kabanata. Sa unang bahagi ay ipinakita ng awtor na
walang Cristo para sa lahat kundi Cristo para sa hinirang lamang. Sa
ikalawang bahagi naman ay pinatunayan niya na ang doktrinang ito ay
mapapatunayan sa Kasulatan, maging sa ating karansan at pati sa kasaysayan.
Sa ikatlong bahagi naman ay ipinakita ni Kuyper na ang kaligtasan ay mula sa
Dios at para sa Kanyang kaluwalhatian lamang. Ang tao nama"y sa halip na
tanggapin ang biyaya ng Dios ay mariing tatanggihan ito kaya dahil sa
"partikular" na pagkilos ng Dios ay saka lamang maliligtas ang tao. Sa
ika-apat na bahagi ay maingat na pag-aaral ng mga talata sa Biblia na wari"y
may contradiction o conflict. Ginamit niya ang pamantayan ng
mga Reformers na "Scripture must be interpreted by Scripture"
at muli niyang ipinakita na ang mga talatang wari"y may contradiction
kapag pinag-aralan sa liwanag ng buong Biblia ay nagtuturo ng particular
grace at hindi ng general grace.
Dapat ding pansinin ng
mga mambabasa ang footnotes ng nagsalin sa wikang ingles sapagkat ang
mga kontrobersiyal na pahayag ni Kuyper ay binigyang linaw sa mga
footnotes.
Mga Pagsusuri at Puna
Kapuna-puna na ang mga
naniniwalang hangad ng Dios na iligtas ang lahat (generalists) ay
naliligaw sa mga salitang "Lahat", "Sanglibutan" at Sinoman", na binabanggit
sa Biblia. Binibigyan nila ng pakahulugan ang maraming talata (na inaakala
nilang nagpapatunay na tama sila) na wala naman sa tama nilang konteksto.
Kaya sa aklat na ito ay maingat na sinuri ni Kuyper ang tatlong pangunahing
talata sa Biblia na nabibigyan ng maling pakahulugan. Ang mga talatang ito"y
ang 1 Juan 2:2, 1 Timoteo 2:4, 2 Peter 3:9. Sa kanyang masusing pag-aaral ay
ipinakita niya na ang mga salitang "Lahat", "Sanglibutan" at "Sinoman" ay
hindi tumutukoy sa lahat ng tao kundi ayon sa konteksto ay tumutukoy sa
lahat ng mga hinirang ng Diyos.
Sinulat din ni Kuyper
ang tungkol sa Profound (Total) Depravity ng tao, unconditional
election, limited atonement, irresisitble grace at preservation of
God " bagamang hindi ayon sa ganitong pagkakasunud-sunod kundi ikinalat
niya sa iba"t ibang bahagi ng 40ng kabanata ng aklat.
Bunga ng kanyang
pagtatanggol sa limited atonement nagawa ni Kuyper na akayin ang
daandaang mangangaral upang yakapin ang Three Forms of Unity, ang
Reformation at ang kanyang "peryodiko" na tinangkilik ng maraming
mambabasa sa kanyang bansa.
Ang pagnanasang maligtas
at ang katiyakan ng kaligtasan ay palaging magkaakibat. "Kung hindi", wika
ni Kuyper, " ay walang paghirang (election)." Ang paliwanag sa
doktrina ng hindi maipahayag na biyaya ng Dios ay nag-uugat sa hindi malirip
na awa ng Dios at ang lahat ng ito ay alang-alang sa kaluwalhatian ng Dios.
Ang kasalanan ni Adan ay nagbunga ng pagkahulog ng buong kalawakan at ng
kabuoang sistema ng mga bagay kabilang na ang sanlibutan mula sa
kaluwalhatian nito.
Ayon kay Kuyper mayroong
isa lamang biyaya sa panukala ng Diyos at ito"y "partikular" na biyaya na
nakatuon lamang sa ikaliligtas ng mga hinirang. At ang isang biyayang ito ay
may dalawang gawa: ang una ay bagamang ito"y ipinapahayag sa lahat ng tao,
ito naman ay sa ikapapahamak ng mga hindi hinirang. Ang ikalawang gawa ng
biyaya ay ang pagkakaloob ng kakayahan at pananampalataya kaya nga ito"y
matatawag ding ikalawang kapanganakan. Kaya nga ayon kay Kuyper ang lahat ng
tao ay talagang naapektuhan ni Cristo at ng Kanyang kamatayan, ngunit huwag
mo namang sasabihin na "Sa mga tao mayroon talagang napakasama at
tatanggihan nila si Cristo, ngunit ang iba naman ay hindi naman gaanong
masama kaya tinatanggap nila si Cristo." Ayon kay Kuyper, ang dapat nating
sabihin ay "lahat ay lubos na napakasama at lahat ay tinatanggihan si
Cristo, at iyon lamang binuksan ng Dios ang puso ang mga tumanggap kay
Cristo sa pamamagitan ng "patikular" na biyaya."(page 224). Matapos
ang kanyang pagtatanggol sa nagtatanging biyaya (o particular grace),
inamin ni Kuyper, ""hindi natin kailan man itinatago ang katotohanan na sa
Banal na Kasulatan ang dalawang kaisipang ito ay naipapakita." "Nananatili
ang wari"y kontradiksyon, na hindi natin pinangangahasang solusyonan,
sapagkat ang solusyong iyon ay nasa labas ng hangganan ng proseso ng ating
pag-iisip sa mas dakilang pagkakatalaga ng kaluluwa sa kamalayan nito sa
pakikipagkasundo sa Dios."
Recommendation:
Sa pangkalahatan, ang aklat na ito ay matibay
na nagtatanggol sa napakahalagang bahagi ng Ebanghelyo na ang biyaya ng
Dios sa kaligtasan ay nakalaan lamang sa mga hinirang kaya nga aming
inirerekomenda ang partikular na aklat na ito ni Abraham Kuyper na basahin
ng mga naghahangad na tumibay sila sa kaalaman
ng Ebanghelyo laban sa kabulaanan ng
"Arminianism", "Amyraldianism" at ng iba pang nagtuturo ng iba"t
ibang anyo ng "universalism"
_______________________________________________________________