October - December 2005
"Christmas"--Balat-kayo ng Bulaang Ebanghelyo"
Mabuting Balita ng Malaking Kagalakan
Christian Joy B. Alayon
Ang Tunay na Kasaysayan ng Pasko
Alex M. Aquino
Romel V. Espera
Erwin Lagasca
Ang 'Di-halatang' Pandaraya ng Pasko
Christian Joy B. Alayon
Ang Kahulugan ng Kanyang Kapanganakan
Jereson A. Vino
Ang Bulaang Cristo ng "Christmas"
Ronald R. Santos
Posisyon ng BTRC Hinggil sa "Christmas"
Ronald R. Santos
"Mabuting Balita ng Malaking Kagalakan"
Christian Joy B. Alayon
"Kaya"t sinabi sa kanila ng anghel, "Huwag kayong matakot, sapagkat narito, dala ko sa inyo ang magandang balita ng malaking kagalakan para sa buong bayan. Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon."" (Lucas 2:10, 11)
Gusto mo bang ikaw ay kinikiliti? Bagamang maaaring magustuhan mo sa simula, hindi ba"t naaasar ka rin kinalaunan? Ito"y dahil ang kiliti, bagamang lumilikha ng pagtawa, ay sapilitan at panandaliang pagpapatawa. Bilang simpleng pagsasalarawan, nais kong tawaging kiliti ang ligayang dulot ng Pasko. Totoong ang Pasko ay nag-aalok ng ligaya. Ang mga awiting pamasko, Christmas bonus, at regalo, ay inaabangan lalo na ng mga bata at talaga namang nakakikiliti maging sa matatanda. Subalit ang lahat ng ito ay kiliti" panandaliang ligaya. May mga nalulungkot din kapag Pasko"sila na ang tinanggap bilang exchange gift ay sabong panlaba, silang hindi nabigyan ng Christmas bonus, silang lubog sa problema ng datnan ng Pasko, at maaaring SILANG MGA HINDI NAKIKIISA SA PAGDIRIWANG NG PASKO. Marami ang nanghihinayang, lalo na ang mga bata, kapag hindi nag-enjoy sa Pasko. Subalit ang lahat ng ito ay kiliti"panandaliang ligaya! Kung nais ninuman na makasumpong ng tunay na kagalakan, pag-isipan niya ang bagay na ito: ang tunay na kagalakan ay hindi masusumpungan sa kahit ano pang paraan na ang Pasko ay ipagdiwang!
Nasaan ang Tunay na Kagalakan?
Tayong hindi nagdiriwang ng Christmas ay huwag malungkot dahil nangako ang Diyos ng tunay na kagalakan. "Huwag kayong matakot" (v. 10), ang pagbati ng anghel sa mga pastol. Kasunod nito ang pahayag ng "mabuting balita ng malaking kagalakan." Hindi ito galing sa tao kundi pangako ng purong BIYAYA ng Diyos. Bago ilagay ng Diyos sa ating mga puso ang kagalakan, alalahaning tayo ay nasa ilalim ng poot ng Diyos at nasa ilalim ng panunumbat ng Kanyang katarungan. Araw-araw tayong pinahihirapan ng bigat ng ating mga kasalanang hindi malunasan ng panandaliang aliw ng sanlibutan. Ito ay pinatunayan sa karanasan ng mga pastol. Madalas, kapag nagpakita ang anghel sa isang tao, paghatol ang hatid nito. Hindi nakapagtatakang natakot ang mga pastol ng magpakita sa kanila ang anghel. Inakala nilang hahatulan sila ng poot ng Diyos. Sa kalalagayang ito ipinahayag sa kanila ang Mabuting Balita ng malaking kagalakan. Pinakitunguhan tayo ng Diyos sa pamamagitan ng biyaya at inaalis ang kalungkutang patuloy na nadaragdagan dahil sa ating mga kasalanan. Siya ang nag-aalis ng lungkot sa ating mga kaluluwa. Lahat ng ito ay nagpapatunay na hindi sa atin kundi sa Diyos matatagpuan ang tunay na kagalakan. Ito ang Mabuting Balita ng malaking kagalakan.
Para Kanino ang Kagalakang Ito?
Ang galak na ito ay hindi para sa lahat ng tao kundi sa mga hinirang lamang. Ang katagang "para sa buong bayan" (v.11) ay hindi tumutukoy sa lahat ng tao sa mundo kundi silang mga hinirang lamang na nangagkalat sa buong sanlibutan. Si Herodes, na nagtamo ng pansamantalang ligaya sa kanyang karangyaan, ay walang pakikibahagi sa eternal na kagalakan kay Cristo. Ang mga punong pari at mga eskriba, na pansamantalang nagpakaligaya sa kanilang katanyagan bilang mga bihasa sa Kautusan, ay nanatiling mangmang sa kaligayahan ng Mabuting Balita (Mateo 2:3, 4). Hindi ito para sa lahat ng tao kundi inilaan lamang sa lahat ng Kanyang mga hinirang. Sa tala ni Lucas, ang mga pastol ang unang pinahayagan ng mabuting balita ng malaking kagalakan nang araw na ipanganak si Cristo. Patunay ito na humirang ang Diyos hindi ayon sa katangian ng tao. Kung katangian ng tao ang basehan ng Diyos, walang sinuman, maging ang mga hamak na pastol, ang karapatdapat sa tunay na kaligayahan. Ang mabuting pakikitungo ng Diyos ay hindi ayon sa katangian ng tao. Ang kagalakang ito ay matagal nang inilaan ng Diyos para sa mga hinirang, at nagagalak sila sa tamang panahong maipahayag ito sa kanila. Ang mabuting balita ang nagbigay sa mga pastol ng tunay na kagalakan. Ang kagalakan nila ay nag-uumapaw dahil sa Ebanghelyo at hindi sa anumang makamundong dahilan. Katulad nila, tayo man ngayon ay nakasusumpong ng kaligayahan sapagkat nakarating sa atin ang Mensaheng ito. Nagbubunsod ito sa atin na buong galak na maglingkod sa Diyos yamang minabuti Niyang ipagkatiwala ito sa tulad din nating mga makasalanan (v. 8, 15-20). Ito ang Mabuting Balita ng malaking kagalakan.
Hanggang Kailan Tatagal ang Kagalakan?
Ang mensahe ng Diyos ay, "Huwag kayong matakot, sapagkat narito, dala ko sa inyo ang magandang balita ng malaking kagalakan para sa buong sanlibutan" (v. 10). Ang pangako ay hindi maliit kundi malaking kagalakan. Sapat ito upang higitan ang pasakit, pagdurusa, at kabiguan sa buhay natin dito sa lupa. Hindi ito maitutumbas sa kiliti ng Pasko dahil hindi ito nakukuha sa mga bagay na panlupa. Isa pa, hindi tayo pinangakuan ng ligayang pansamantala, kundi eternal! Ito ang dapat pakaasamin ng mga hinirang ng Diyos. Ngayon pa lang ay natatanggap na ng mga hinirang ang pangakong kagalakan, at hindi na ito babawiin ng Diyos sa kanila. Ito ang Mabuting Balita ng malaking kagalakan.
Kanino Nakasalalay ang Tunay na Kagalakan?
Ang pagsilang kay Cristo ay katuparan ng panukalang pagliligtas ng Diyos. Siya ang ""Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon" (v. 11). Ang Mabuting Balita ng malaking kagalakan ay hindi hiwalay kay Cristo. Batay sa mensahe ng anghel, ang kapanganakan ni Jesus ay hindi maipapaliwanag ng hiwalay sa Kanyang kamatayan. Ang Kanyang kapanganakan ay bahagi ng paghahanda sa nalalapit na napakapait at nakahihiyang kamatayan sa krus. Isinilang Siya upang mamatay at ito ang magbibigay ng eternal na kagalakan. Ito ang dahilan kung bakit maging sa kapanganakan ay kakikitaan na Siya ng pagdurusa. Nasumpungan Siya ng mga pastol sa kalagayang kasalungat sa inaasahan ng marami. Natagpuan nila ang bugtong na Anak ng Diyos na "balot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban" (v. 12). Bakit Siya ipinanganak na mahirap? Bakit hindi sa palasyo? Ito ay sa kadahilanang ang paraan ng Kanyang pagliligtas ay hindi maaaring gawin sa karangyaan kundi sa Kanyang kahirapan. Ang paghihirap na nagsimula na sa kapanganakan ay magtatapos sa mapait na kamatayan. Inako Niya ang hirap ng impyerno bilang kapalit sa katubusan ng mga hinirang. Dahil dito, ang kagalakan ay itinatag, hindi sa karangyaan o masasayang party, kundi sa Kanyang pagkahamak at karukhaan. Sa bagay na ito masisiguro nating hindi Siya nabigo kahit kaunti. Siya ang kumpletong Tagapagligtas, kaya hindi kalahati lamang kundi kumpleto at eternal din ang kagalakang ibinigay Niya. Ito ang mabuting balita ng malaking kagalakan.
Ano ang Dapat Ikagalak?
Wala pa akong narinig sa panahon ng Pasko na nagsabing masaya siya dahil sa Ebanghelyo ni Cristo. Ito"y dahil ang Pasko ay hindi batay sa Ebanghelyo. Ang galak nito ay bunsod ng mga materyal na bagay, o ganda ng programa sa Christmas party, o regalong natanggap, o pagsasamasama ng mga mahal sa buhay. Bagaman totoong nakapagpapasaya ang mga ito, hindi ito ang ipinangakong kagalakan ng Diyos.
Ang awit ng kagalakan ay "Luwalhati sa Diyos sa kataastaasan, at sa lupa"y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya" (v. 14). Dalawang bagay ang batayan ng tunay na kagalakan. Una, ang kagalakan ng hinirang ay hindi hiwalay kundi nakaugnay sa kaluwalhatian ng Diyos. Ikinagagalak natin ang pagkakatawang-tao ni Cristo dahil kapahayagan ito ng kaluwalhatian ng Diyos. Ang tunay na kagalakan ay hindi pansariling kapakanan kundi para sa kapurihan ng Diyos. Huwag nating pahintulutang agawin ng Pasko ang kaluwalhatian Niya. Huwag tayong manghawakan sa kiliting bigay ng Pasko dahil ito ay walang kinalalaman sa kaluwalhatian ng Diyos. Inilalayo nito ang ating isip sa kaluwalhatian Niya at ibinabaling sa kung ano ang makapagbibigay-hilig sa nasa ng tao. Ang sentro nito ay ang pita at hilig ng tao; hindi ang kapurihan ng Diyos. Ingatan natin na huwag malabag ang Kanyang kaluwalhatian. Hilingin natin sa Kanya na ang kaluwalhatian Niya ang pumawi sa ating mga kalungkutan at hindi ang mga bagay na panglupa. Pangalawa, hindi lamang sa kaluwalhatian ng Diyos nakabatay ang ating kagalakan kundi kaugnay rin ito sa "kapayapaang" kaloob ng Diyos. Ang kapayapaang tinutukoy dito ay ang pakikipagkasundo ng mga makasalanang hinirang sa banal at maluwalhating Diyos. Hindi siya nagkatawang tao upang lunasan ang lahat ng pangangailangan natin sa buhay dito sa lupa kundi iligtas tayo sa galit at hatol ng Diyos. Ang kaluwalhatian ng Diyos at pakikipagkasundo sa mga hinirang sa Diyos ang tanging mahalagang biyaya na hindi maibibigay ng Pasko. Nang ipahayag ito ng anghel, nangangahulugan itong wala nang ibang karapatdapat tumupad ng pakikipagkasundo ng tao sa Diyos kundi si Cristo lang. Kaya nga wala nang ibang makapagbibigay ng kagalakan kundi Siya lamang. Siya ang Prinsipe ng Kapayapaan (Isaias 9:6), ang Prinsipe ng pakikipagkasundo ng makasalanan sa Diyos. Binili Niya ang eternal na pakikipagkasundo para sa mga hinirang. Ito ang Mabuting Balita ng Malaking Kagalakan.
Ang Tunay na Kasaysayan ng Pasko
Alex M. Aquino
Ang Christmas o Pasko marahil ang pagdiriwang na pinagkakaisahang ipinagbubunyi ng halos lahat ng nagpapahayag ng pagka-Cristiano. Ito ang pinakasasabikang araw sa buong sangtaon ng maraming tao kung saan nagtatanggapan ng bonus, nagbibigayan ng regalo, nagpa-party o nagka-caroling. Ito rin ang pinaka-emosyonal na bahagi ng taon kung kailan nagkakatipon ang mag-anak, mga kaibigan at nagpapatawaran ang mga magkakaaway. Ngunit saan nagmula ang Pasko? Saan nagmula ang mga kaugalian at kaisipang kaugnay nito? Bilang Cristiano na nananalig sa tunay at tanging Ebanghelyo, hinahangad mo na sambahin ang iyong Panginoon sa Espiritu at katotohanan. Hindi ka papayag na ikaw ay madiktahan at malinlang ng kamalian. Mahirap mang tanggapin, ang Pasko, kalakip ng mga kaugalian nito, ay napasimulan na ng iba bago pa man isilang ang Panginoong Jesu-Cristo at ito ay pawang pinaghaluhalong mga tradisyon at kaugalian ng kultura ng iba"t ibang mga bansa at hindi ng Biblia.
Mga Ugat sa Paganong Relihiyong Romano
Ang pagdiriwang sa petsang Disyembre 25 ay nagbuhat sa Roma na siyang araw ng pagdiriwang ng Italicong dios na si Saturn at ng muling kapanganakan ng "dios-araw." Malaon na nila itong ginagawa bago pa man isilang ang Panginoong Jesus. Karamihan ng mga iskolar ay naniniwalang ang Pasko na ayon sa nakagisnan ng marami ngayon ay nagsimula noong ika-apat na siglo bilang Cristianong panghalili o pampalit sa mga pagdiriwang ng Pagano sa panahon ng winter solstice. Bago pa pinairal ang Pasko, tuwing Disyembre 17 ng bawat taon ay pinararangalan na ng mga Romano si Saturn, ang dios ng agrikultura, sa pamamagitan ng isang pista na tinatawag na Saturnalia. Si Saturn ang katumbas na dios sa Romano ni Cronus na dios ng mga Griego. Kung tutunghayan natin ang kasaysayan matutuklasan natin na kinopya ng mga Romano ang mga diosdiosan ng mga Griego at binigyan ang mga ito ng kani-kaniyang pangalang Romano. Pinaniniwalaan ng mga Romano na matapos mapatalsik si Cronus sa kanyang trono ng kanyang anak na si Zeus (Jupiter sa mga Romano), tumakas siya tungong Italia kung saan pinagharian niya ang isang Ginintuang Panahon kung saan umiral ang ganap na kapayapaan at kasiyahan. Pinanumbalik ng mga Romano ang Ginintuang Panahong ito sa pista ng Saturnalia na nagsisimula ng Disyembre 17 bawat taon. Sa pista ng Saturnalia ay nagdiriwang ang mga Romano, pinatitigil nila ang pagtatrabaho at mga pakikidigma, nagpapalitan sila ng regalo at pansamantalang pinalalaya ang mga alipin. Ito at ang iba pang mga pista sa taglamig ay nagpapatuloy hanggang Enero 1 na hudyat naman para sa mga Romano bilang araw ng bagong buwan at unang araw ng unang buwan ng taon.
Mga Ugat sa Kultong Mithraism
Maraming Romano ang ipinagdiriwang ang paghaba ng araw kaysa gabi pagkalipas ng winter solstice sa pamamagitan ng paglahok sa mga ritwal kung saan sinasamba ang dios na si Mithra, ang sinaunang dios ng liwanag at karunungan ng mga Persio. Si Mithra ay dios ng matandang relihiyon ng Persia na Zoroastrianism. Batay sa Avesta, ang biblia ng Zoroastrianism, lumalabas na si Mithra ay ang pinunong yazata o ang mabuting espiritu at hari ng sanlibutan. Siya umano ang pumaslang sa isang torong-dios kung saan mula sa katawan nito ay umusbong ang maraming hayop at halaman na kapakipakinabang sa sangkatauhan. Matapos masakop ang Emperyong Assyria noong 7th Century B.C. at ang Emperyong Babilonia noong 6th Century B.C. si Mithra ay naging "Dios ng Araw." Ang mga Griego sa Asia Minor ay ipinalaganap ang pagsamba kay Mithra (na naging isang kulto) na pinalitan nila ng pangalan at naging si Helios ang "Dios ng Araw" ng mga Griego. Dinala ang kultong ito at ipinalaganap sa Roma noong 68 B.C. ng mga piratang Ciliciano na nabihag ni General Pompey the Great. Ang kulto ng Mithraism ay may pagkakatulad sa pangkaraniwang Cristianismo sa maraming bagay tulad ng pagsamba ng mga pastol sa kapanganakan ni Mithra, ang pagtatakda ng araw ng Linggo (SUN-day), at ang kapanganakan ni Mithra sa petsang Disyembre 25 na itinakda ring kapanganakan ni Jesus ng simbahang Catoliko. Ang petsang ito ay tinatawag ng kultong ito na Natalis Solis Invicti o "Kapanganakan ng Hindi Nalulupig na Araw." Unang ipinagdiwang ng Roma ang pista ng "Hindi Nalulupig na Araw" noong 274 AD sa ilalim ni Emperador Aurelian. Mapapansin na itinaon ito sa winter solstice kung kailan mas mahaba ang mga araw kaysa sa mga gabi. Ang solstice ay nangangahulugang "sun stands still" kung saan waring bahagyang nakahilig ang araw dahil sa pagbabago ng distansya ng mundo dito at sa wari ng mga nasa dakong Hilaga o Timog ay nanatili ang araw sa isang direksyon lamang. Para nga namang napagtatagumpayan ng araw ang dilim.
"Syncretism" ng Simbahang Catoliko
Bagamang inilalarawan para sa atin ng Ebanghelyo nina Mateo at Lucas ang kapanganakan ni Jesus, hindi nila binanggit ang eksaktong petsa na nangyari ito kaya hindi rin batid ng mga historians ang petsa nito. Kaunaunahang ipinagdiwang ng simbahang Catoliko ang Christmas o Pasko, na noon ay tinatawag na Feast of the Nativity, noong 336 AD. Ang salitang Christmas ay pumasok sa wikang Ingles noong 1050 AD sa katagang Old English na Christes maesse na ang kahulugan ay "pista ni Cristo." Ilang iskolar ang naniniwala na ang karaniwang pinaiksing salita ng Christmas na Xmas ay ginamit noong 13th century. Ang "X" ay ang titik chi sa Griego na abbreviation ng Khristos (Christ), at kumakatawan din sa krus ni Cristo. Pinili ng simbahang Romano Catoliko ang Disyembre 25 bilang araw ng Pista ng Natividad o Kapanganakan upang bigyan ng Cristianong kahulugan ang mga ritwal na Pagano. Isang halimbawa ay ang pagpapalit nila sa mga pistahang nagpaparangal sa kapanganakan ni Mithra, dios ng liwanag, ng mga pista na nagpapaalala sa kapanganakan ni Jesus, na tinatawag ng Biblia na "ilaw ng sanglibutan." Umasa kasi ang simbahang Catoliko na maaakay ang mga Pagano sa pananampalatayang Cristiano sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa kanila na magpatuloy sa kanilang walang taros na pagsasaya habang sabay nilang inaalala ang kapanganakan ni Jesus. Sa sumunod na 1,000ng taon, ang pagdiriwanng ng Pasko ay sumabay sa paglaganap ng Cristianismo sa iba pang bahagi ng Europa at sa Ehipto. Samantala, ang mga paniniwalang Cristiano ay pinagsanib sa mga pista at mga ritwal sa panahon ng taglamig at naitatag ang mga nananatiling tradisyon ng kapaskuhan (Tingnan ang mga Christmas Icons).
Pagtutol at Paglaganap
Sa panahon ng Reformation ng 16th century sinalungat ng mga Protestante ang kapangyarihan ng simbahang Catoliko, kabilang na ang pangungunsinti nito sa mga tradisyong Pagano na nananatili sa kanilang mga pagdiriwang ng Pasko. Sa sandaling panahon nagawa ng mga Puritans (English Protestants) na ipagbawal ang Pasko sa England at sa mga kolonya nito sa Hilagang America dahil napansin nilang panahon ito na kilala sa talamak na pagsusugal, hayagang walang pagpipigil na pamumuhay, at pagkasugapa sa pagkain at alak. Ang mga Europeo naman na nanirahan sa Hilagang America ay napilitang baguhin ang kanilang pagdiriwang ng kapaskuhan dahil hindi nila magawang kopyahin ang mga tradisyon ng kanilang lupang tinubuan. Ang mga Kolonista mula sa England, France, Holland, Spain at iba pang bansa ay unti-unting binago ang kanilang mga seremonya habang kinakaharap ang mga bagong kultura at tradisyon sa Bagong Daigdig. Halimbawa, sa mga malalaking bayan, kung saan mahigpit ang pagsasamahan ng marami at magkakaibang grupo, ang napagkakaisahan sa pagdiriwang ng Pasko ay karaniwang binubuo ng mga pampubliko at sekular na pagdiriwang, imbis na mga seremonyang pangrelihiyon na kadalasang nagdudulot ng pagtatalo at pag-aaway lamang. Sa huling bahagi ng 19th century nanumbalik ang malawakang pagdiriwang ng Pasko. Ang mga makabagong elemento ng Pasko ay sumibol sa panahong ito. Sa mabilis na paglago ng ekonomiyang pang-industriya sa America at Canada naging "komersyal" at "sekular" ang diwa ng kanilang kapaskuhan. Ang mga pamilihan ay lumikha ng mga produkto at pinag-ibayo ang advertising bunsod ng makabagong bersyon ng kaugalian ng pagpapalitan ng regalo. Dahil dito ang mga konsertabo, bagamang nahuhumaling pa rin sa pandaraya ng Pasko, ay nagreklamong naging commercialized na lamang ang Pasko.
Pasko sa Pilipinas
Dito sa Pilipinas napamahal sa puso ng mga Pilipino ang mga tradisyonal na kaugalian sa panahon ng Pasko. Bahagi ng bawat Pilipino ang matamis na alaala ng kabataan na sandaling pinasaya ng Pasko. Kahit isang tunay na mananampalataya ay dumaraan sa masakit at pikit-matang pagtalikod sa kaugaliang ito alang-alang sa katotohanan ng Ebanghelyo ni Cristo. Maraming sektang evangelical ang nag-aakalang sila"y lubos nang nakawala sa kuko ng maimpluwensyang simbahang Catoliko subalit hindi umaamin na nakakabit pa rin sa kanila at sa kanilang mga miyembro ang tanikala ng mapamusong na Pasko. Ilang simbahan (sa paghahangad na dumami agad ang miyembro) ang nagdaraos ng Cristianong Simbang Gabi"nakikisabay sa tradisyonal na simbang-gabi ng mga Catoliko. Sila rin ay nagka-caroling at umaawit ng mga "Cristianong" awitin para sa kanilang fund-raising project. At siyempre hindi pa rin talaga mawawala sa kanila ang exchange gifts, Christmas parties, at Christmas Eve service sa kanilang mga simbahan.
Napakasimple lamang ng aral ng kasaysayan"ang Pasko ay mali. Mali ito dahil wala itong Biblikal na utos at batayan. Mali ito dahil itinakda ito batay sa maling motibo kung saan ikinokompromiso ang dalisay na Ebanghelyo. Mali ito dahil nag-ugat ito sa mga paniniwala ng mga relihiyong ipinunla ng diyablo sa sangkatauhan. Higit sa lahat, mali ito dahil nilalapastangan nito ang Dios kung saan iniuugnay sa Kanyang Banal na Pangalan ang mga kaugalian at kaisipan na nanggagaling sa Kanyang mga kaaway na ang tanging layunin at kaabalahan ay ang kalabanin Siya. Magwawakas ang kasaysayan ng daigdig na ito at magwawakas din ang pamumusong ng Pasko. Sa dulo nga niyon ay ang makatarungang paghuhukom ng Dios sa pagsusulit ng bawat isa sa atin"walang hanggang parusa at pighati sa mga duwag"sa mga takot manindigan"sa mga atubiling isuko ang pansamantala at karnal na kasiyahang dulot ng Pasko at ipinipikit ang mata sa katotohanan ng Ebanghelyo. Samantalang kaluwalhatian at buhay na walang hanggan naman para sa mga hindi ikinompromiso ang Ebanghelyo ng biyaya ni Cristo at tiniis ang lahat ng pang-aalipusta dahil sa kanilang paninindigan.
"Christmas"
Romel V. Espera
Sa terminolohiya pa lamang ay matutukoy na natin ang tunay na diwa ng tradisyon at pagdiriwang ng Pasko. Ang salitang Christmas ay nagmula sa lumang wikang Ingles na Christes Maesse na ang kahulugan ay Mass of Christ"pagsasama ng titulong Christ at ng salitang Mass"CHRIST-MASS. Samakatuwid, ito ay pagsasanib ng diwa ng titulong "Cristo" at ng karumaldumal na katuruan ng iglesiang Romano Catoliko"ang "Misa."
Ang salitang Christ ay salitang Griego na ang kahulugan ay "Anointed." Ang katumbas nito sa wikang Hebreo ay Messiah. Madalas nating basahin, dinggin at gamitin ang katagang Jesus Christ sa pag-aakalang ang Christ ay pangalawang pangalan ni Jesus. Ang Christ ay hindi pangalan kundi isang titulo, pagsasalarawan, office o katungkulan tulad ng "Presidente" o Congressman. Ang pandiwang "anoint" ay may mga kahulugan katulad ng sumusunod: to apply oil, ointment, or a similar substance to; to put oil on during a religious ceremony as a sign of sanctification or consecration; to choose by or as if by divine intervention.
Bakit tinatawag si Jesus na "Siyang pinahiran ng langis" (the Anointed One)? Nangangahulugan ito na si Cristo ay itinalaga ng Dios upang gampanan ang gawain patungkol sa Kanyang kaharian. Siya ay hayagang "pinahiran" (anointed with) ng Espiritu Santo noong Siya ay nabautismuhan (Mat. 3:16) ayon sa hula ng Isaias 61:1-3 (cf. Gawa 10:36-38). Ano ba ang Kanyang posisyon o gawain sa kaharian ng Dios? Ito ay ang pagiging Propeta, Saserdote at Hari. Sa Lumang Tipan ang kumpas at seremonya ng pagtatalaga sa isang propeta, saserdote at hari ay ang pagpapahid ng langis (1 Hari 19:16; Exo. 28:41; 1 Sam. 9:16). Ang Heidelberg Catechism, isa sa mga dakilang kredo ng makasaysayang pananampalatayang Reformed, ay nagtatanong, "Bakit Siya tinatawag na Cristo, na ang kahulugan ay pinahiran ng langis?" Ito ang kasagutan, "Sapagkat Siya ay itinalaga ng Dios Ama, at pinahiran ng langis sa Espiritu Santo, upang maging kataastaasang Propeta at Guro natin, na Siyang ganap na magpapahayag sa atin ng lihim na panukala at kalooban ng Dios tungkol sa ating katubusan, at upang maging ating Punong Saserdote, na Siyang sa minsang paghahandog ng Kaniyang katawan ay tinubos tayo, at patuloy na namamagitan sa Dios at sa atin; at gayon din upang maging ating walang hanggang Hari, na Siyang namamahala sa atin sa pamamagitan ng Kaniyang Salita at Espiritu, at Siyang nagtatanggol at nag-iingat sa atin habang ikinagagalak natin ang kaligtasang binili Niya para sa atin" (Lord"s Day 12, Q & A 31).
Ang pangalang Christ ay ang pundasyon ng iglesia (Mat. 16:18), sapagkat hindi mabubuhay ang iglesia kung wala ang Kanyang katungkulan bilang propeta, saserdote at hari. Ang ipahayag na si Jesus ang Cristo ay hindi lamang pagbabanggit ng Kanyang pangalan, kundi ang pagpapahayag na Siya ang ating punong Propeta at Guro, ang ating punong Saserdote at ang ating walang hanggang Hari. Ito ay pagkilala na Siya lamang ang nagtuturo sa atin, Siya lamang ang naghahari sa atin at Siya lamang ang nagpapala sa atin. Sa pagpapahayag natin na si Jesus ang Christ sa Kanya lamang natin makakamtan ang kaligtasan.
Christ"isang napakagandang salita; marangal at napakadakilang pangalan. Subalit wala na sigurong mas sasahol pa sa kalapastanganan na idugtong ang dalisay at banal na pangalang ito sa kasumpasumpang salitang Mass"ang Misa ng simbahang Romano Catoliko! Napakaraming sekta na tumututol sa Misa ng simbahang Catoliko ang naglalantad ng sarili nilang kahipokrituhan dahil sa pagtanggap at paggamit nila ng salitang Christmas.
Ang Mass ay ang pampublikong pagdiriwang ng Eucharist (Holy Communion o ang mga elementong ginagamit tulad ng hostia) sa iglesia Romano Catoliko. Ang salitang Mass mismo ay hindi malinaw ang pinag-ugatan. May mga nagsasabing nagmula ito sa salitang Hebreo na masah na nangangahulugang tribute o voluntary offering (Deut. 16:10). Kung hindi naman ay nagmula daw ito sa salitang Chaldeo na missah na gayon din ang kahulugan. Ngunit tumututol ang ilan dahil hindi umano ginamit ng mga sinaunang iglesiang Griego at Latin ang mga salitang Hebreo at Chaldeo na ito patungkol sa Misa. May nagsasabing ang Mass ay purong nag-ugat sa wikang Latin at ang salitang pinanggalingan nito ay ang missa mula sa remissa at remissio o "kapatawaran ng mga kasalanan" (nabanggit kina Tertullian at Cyprian). Ngunit may tumututol pa rin at nagsasabing ang salitang Mass ay nagmula sa salitang missio na ang ugat ay mittendo na ang kahulugan ay ang sinaunang kaugalian sa simbahan na pagpapalayas (missio = "sending away") sa mga itiniwalag, mga nasapian ng demonyo at mga catechumen pagkatapos ng semon. Ang ilan naman ay iniuugnay ang missa sa dismissa o dismissio na isang paraan ng pagtatapos sa panambahan at pagpapahayo sa mga sumasamba. Subalit ano pa man ang tiyak na pinagmulan ng salitang Mass ang diwa nito ay "kamatayang handog." Nakasulat sa Catholic Encyclopedia (p. 537), "Sa batas ng Cristiano, ang kataastaasang pag-aalay ay ang Misa"Ang kataastaasang gawang pagsamba ay binubuo ng paghahandog sa karapatdapat na biktima sa Dios, siyang paghahandog na ginagawa ng karapatdapat na tao, bilang isang pari, sa pagpaslang sa biktima." Ang salitang "biktima" ay ang salitang Hostia sa Latin. Kaugnay ito sa sakramento ng komunyon ng simbahang Catoliko kung saan paulit-ulit na inihahandog si Cristo para umano sa kapatawaran ng mga kasalanan. Kinukundina ng Biblia ang ganitong katuruan sapagkat ipinapahayag ng Ebanghelyo tungkol kay Cristo: "Na hindi nangangailangan araw-araw na maghandog ng hain, na gaya niyaong mga dakilang saserdote una-una'y patungkol sa kaniyang sariling mga kasalanan at saka patungkol sa mga kasalanan ng bayan: sapagka't ito'y ginawa niyang minsan magpakailan man, nang kaniyang ihandog ang kaniyang sarili" (Heb. 7:27).
Muli ay makakatulong sa puntong ito ang Biblikal na itinuturo ng Heidelberg Catechism na nagtatanong din, "Ano ang kaibahan ng Banal na Hapunan ng Panginoon sa Misa na kinikilala ng Papa sa Roma?" At sinasagot nito: "Ang Banal na Hapunan ay nagpapatotoo sa atin na mayroon tayong lubos na kapatawaran sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng tanging paghahandog ni Jesu-Cristo, na Siya sa Kaniyang sarili ay minsan itong ginanap sa krus; at tayo sa pamamagitan ng Espiritu Santo ay pinag-isa kay Cristo, na ayon sa Kaniyang kalikasang tao ay wala ngayon sa sanglibutan, kundi nasa langit sa kanan ng Dios na Kaniyang Ama, at doon ay sasambahin natin Siya " ngunit ang misa ay nagtuturo na ang buhay at ang patay ay walang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng mga pagdurusa ni Cristo, malibang si Cristo ay ihandog araw-araw para sa kanila ng mga pari; at bukod dito, na ang katawan nga ni Cristo ay nasa anyo ng tinapay at alak, at dahil dito, ay dapat na sambahin Siya sa mga ito; nang sa gayon ang misa, sa tunay nitong kahulugan, ay walang iba kundi ang pagtanggi sa minsanang paghahandog at pagdurusa ni Jesu-Cristo, at isang kasumpa-sumpang pagsamba sa diyus-diyosan" (LD 30, Q & A 80).
Ang Mass kung gayon ay walang iba kundi isang kasumpa-sumpang pagsamba sa diyus-diyosan. Kung gayon ano ang ginagawa ng salitang ito na nakaugnay sa maluwalhating pangalan ni Cristo sa salitang Christmas? Hindi kaya"t ang sinuman na tumatanggap ng pagsasanib ng mga salitang ito na bumubuo sa Christmas ay lumalapastangan kay Cristo mismo na tinatawag niyang kanyang Panginoon? Paano naman ang okasyon o pagdiriwang na tinutukoy nito? Hindi ba"t ang nasa likod ng mga kasiyahan, kumukutitap na mga ilaw, parol, belen, Santa Claus, Christmas tree, exchange gifts, at Christmas parties ay ang pamumusong (blasphemy), paglapastangan at pagtalikod sa tunay na Cristo ng Ebanghelyo!
Hindi tayo binigyan ng karapatan na magsaya batay sa okasyong ito. Ngunit isa lamang ang makatuwiran nating dapat ipagbunyi"si Cristo na Propeta, Saserdote at Hari na Siyang tanging sanhi ng tunay na kasiyahan at kapayapaan"si Cristo na Siyang lahat-lahat para sa atin. Siya ang Cristo ng tunay at nag-iisang Ebanghelyo ng Dios.
Erwin Lagasca
Santa Claus
Ang alamat ni Santa Claus, ay nagbuhat sa Europa at dinala ng mga imigranteng Dutch sa New York noong 18th century. Sa lumang tradisyon si Santa Claus"mula sa Dutch na Sinter Klaas"ay inilalarawan bilang isang matangkad, marangal at isang relihiyosong personalidad na nakasakay sa puting kabayong lumilipad. Kilala bilang Saint Nicholas sa Germany, pangkaraniwan siyang sinasamahan ni Black Peter, isang duwende na nagpaparusa sa mga batang masuwayin. Sa Hilagang America, siya ay nabago at naging isang mataba, masayahin at matandang maginoo na hindi kakikitaan ng mga katangiang pangrelihiyon ni Saint Nicholas o ng pagiging disciplinarian ni Black Peter.
Ang pagbabago ni Santa ay nangyari noong 1823 nang ilathala ng isang diyaryo sa New York ang tulang "A Visit from Saint Nicholas," na kinatha ni Clement Clarke Moore upang aliwin ang kanyang anak. Ipinakilala ng tula sa maraming Amerikano ang kuwento ng isang mabait na santo na lumilipad sa ibabaw ng mga bubong sakay ng sleigh na hila-hila ng reindeers. Ang mga larawan at guhit na ginawa ni Thomas Nast ang lalo pang nagpatingkad sa alamat sa huling bahagi ng 19th century. Nakatira sa North Pole at tinutulungan ng mga duwende, ang makabagong Santa ay gumagawa at naghahatid ng mga laruan sa mga mababait na bata.
Bukod sa pagiging isang kathang isip lamang at walang kaugnayan kay Cristo, nilalason ng alamat ni Santa Claus ang isip ng tao sa pamamagitan ng "moralismo" na ipinapahiwatig ng kanyang pagbibigay ng regalo sa mga mababait na bata lamang"na para bagang may likas na kakayanan ang bata o ang tao na gumawa ng kabutihan habang hiwalay sa biyaya ni Cristo.
Christmas Tree
Ang paggagayak ng "Christmas tree" ay nagsimula noon pang pagdiriwang ng pista ng Saturnalia ng mga Paganong Romano. Ginayakan ng mga Romano ang kanilang mga templo ng mga berdeng punong-kahoy (Paganong simbulo ng fertility) at luntiang dahon na may kasamang sinding kandila. Natuklasan ng mga sundalong Romano noon, matapos na masakop nila ang Britanya na ang mga Druids ay sumasamba sa "mistletoe" at pati na ang mga Saxons ay gumagamit ng "holly" at "ivy" sa pagdiriwang ng kanilang Paganong relihiyon. Noong 1841 niregaluhan ni Prince Albert ng Germany ang kanyang asawang si Queen Victoria ng England ng Christmas tree. Ito ang pinaniniwalaang kaunaunahang Christmas tree sa England, ngunit mabilis namang kumalat ang kaugaliang ito. Dinala ng mga imigranteng Aleman ang Christmas tree sa iba pang dako ng Europa at sa Estados Unidos at Canada kung saan agad itong naging isang popular na tradisyon. (Natala sa Biblia na ang mga lumalaban sa tunay na Diyos at sumasamba sa mga diyus-diyosan ay ginagawa ang kanilang kasumpasumpang ritwal sa ilalim ng luntiang punong-kahoy, 2 Hari 17:10, Isaias 57:5, Jeremias 3:6, 13, Ezek. 6:13.).
Christmas Cards
Ang kaugalian ng pagpapadala o pagpapalitan ng Christmas cards ay unang lumaganap noong 19th century. Ang mga Europeo ay namigay na ng mga mensaheng pamasko sa mga inukit na kahoy noon pang Middle Ages (5th century hanggang 15th century). Noong 1843 nilikha ng mangguguhit na Ingles na si John Callcott Horsley ang unang modernong Christmas card. Nakaguhit sa card ang isang pamilyang nagdiriwang at nakasulat ang "A Merry Christmas and a Happy New Year to You." Sa Estados Unidos ang katutubong Alemang manglilimbag na si Louis Prang ay nakalinang ng sistema ng pag-iimprenta na may kulay at nagawa niyang makapagkopya ng maramihan ng isang makulay na Christmas card noong 1875. Naging mabenta ang card at di naglaon ang kaugalian ng pagpapalitan ng Christmas cards ay lumaganap sa buong bansa.
Paano naman ang Christmas cards na may talata ng Biblia na nakasulat sa kanila. Ito rin ay karumaldumal sa paningin ng Dios. Bakit? Dahil ipinagbabawal ng Kanyang Salita ang "masamang paghahalo" (Deut. 22:10, 11). Ang pag-uugnay na ito ng dalisay na Salita ng Dios sa Christ-mass ng Roma ay masamang paghahalo. Ano ang mararamdaman mo kapag nakita mo sa ibaba ng pangalan ng isang "kabaret" o night club ang verse na John 3:16? Hindi baga nakakasuka! Ngunit wala pa nga ito kung ikukumpara sa karumaldumal na pagdiriwang ng Christmas.
Holly at Mistletoe
Ang pulang dahon ng holly ay itinuturing ng mga Pagano at mangkukulam na simbulo ng dugo ng "buwanang dalaw" ng Reyna ng Langit na kilala ring ang diosang si Diana. Ang mga sanga ng holly ("holly wood") ay ginagamit ng mga mangkukulam noon bilang magic wand. Ang puting berries ng mistletoe naman ay pinaniniwalaan ng mga Pagano na patak ng semilya ng dios ng araw. Ang dahon ng holly at mistletoe ay magkasamang isinasabit sa mga pintuan ng mga templo at bahay upang magtawag ng mga kapangyarihan ng fertility (kakayanang magkaanak o sumagana) doon sa mga tumatayo at naghahalikan sa ilalim ng mga ito na nagbubunsod upang pumasok sa kanila ang mga dios at diosa.
Christmas Wreath
Ayon sa tradisyon, at hindi sa Biblia, ang Christmas Wreath ay simbolo ng lakas ng buhay na tumatalo sa lakas ng tag-lamig (forces of winter). Ang mga tao ng matandang Roma ay naglagay ng mga palamuting wreath bilang sagisag ng tagumpay at pagbubunyi. Hinango mula sa kaugaliang ito ang paglalagay naman ng Christmas Wreath sa mga pintuan ng bahay.
Christmas Drama
Ang kaugaliang pagsasadula (dramatization) ng kapanganakan ni Jesu-Cristo ay pinasimulan, hindi ng mga apostol at ng mga church fathers, kundi ng isang paring nagtatag ng "Franciscan Order" na si Francis de Assisi (1182-1226) noong ika-13 siglo.
"Tatlong Haring" Nagsidalaw?
Ang mga Pantas o Mago mula sa Silangan ang isa pa sa mga nabanggit sa Biblia na binaluktot ang kasaysayan. Unang una walang binanggit ang Biblia na sila ay tatlo. Ang binanggit lamang ay mayroon silang tatlong uri ng handog. Inaangkin ng simbahang Catoliko na ang pangalan nila ay sina Gaspar, Melchor at Baltazar na ang mga bungo ay nadiskubre umano noong ika-12ng siglo ni Bishop Reinald ng Cologne, Germany. Ngunit ito ay hindi mapapatunayan. Pangalawa, hindi sila hari, kundi mga pantas, astrologo o di kaya"y mga salamangkero. Ang ating salitang magic ay hango sa salitang Magi.
Exchange Gifts
Ang exchange gifts ay hindi tinuturo ng Biblia. Hindi rin ito minumungkahi o ipinapahintulot ng Salita ng Dios. Ang kaugalian ng pagpapalitan ng regalo ay hindi nagmula sa Cristianismo. Ito ay kaugalian na ng mga Paganong Romano sa pagdiriwang nila ng Paganong pista ng Saturnalia tuwing taglamig. Gayon pa man, mayroong binanggit ang Biblia tungkol sa pagpapalitan ng regalo. Sa Apocalipsis 11:10 nagdiwang ang mga bansang sumasamba sa Anticristo ("halimaw") dahil sa pagkakapatay nito sa dalawang propeta ng Dios na nangaral laban sa kanilang kasamaan. Nag-exchange gifts ang mga bansang ito bunsod ng inakala nilang tagumpay.
Ninong at Ninang
Ang mga Ninong at Ninang ay kaugaliang pinapairal ng mga Catoliko sa kanilang pagbibinyag at tinularan naman ito ng mga Evangelical at Born-Again sa kanilang Dedication (na hindi inuutos ng Biblia). Tuwing Pasko obligasyon nila na bigyan ng aginaldo ang kanilang mga inaanak. Ito ay imbensyon ng simbahang Romano Catoliko. Batay ito sa mali nilang aral na ang mga magulang ay hindi karapatdapat na iprisinta ang kanilang sanggol sa binyag dahil sila ay makasalanan bunga ng kanilang sekswal na ugnayan bilang mag-asawa. Naniniwala ang simbahang Catoliko na ang kaloob ng Dios na likas na ugnayang sekswal ng mag-asawa ay masama. Sa seremonya ng pagbibinyag kailangang naroon ang presensya ng mga banal at makadiyos na tao upang sila ang karapatdapat na magkalong sa sanggol. Ang mga ito ay ang mga tinatawag na "Ninong" o "Ninang."
Angheles na Nag-awitan?
Ipinapalagay ng ilan na ang Christmas caroling ay batay sa paniniwalang nag-awitan ang mga anghel noong isilang si Jesus. Ang pamaskong awit na Hark the Herald Angel Sing, na batay din sa paniniwalang ito, ay kinatha noong 1739 ni Charles Wesley, kapatid at kamanggagawa ni John Wesley sa pagpapalaganap ng hidwang pananampalatayang Arminianism. Batay sa Lucas 2:8-15 ang mga anghel na nagpakita sa mga pastol ay nagsalita (o nagpuri) at hindi "umawit." May dalawang pagkakataon lang sa Biblia kung saan nabanggit na umawit ang mga anghel. Ang isa ay sa Job 38:7 kung saan nag-awitan ang mga anghel sa paglalang ng Dios at ito ay bago ang pagkahulog ng tao at ng sangkalikhaan. Ang pangalawa ay sa Apocalipsis 5:8-10 kung saan ang apat na nilalang"na mga anghel"kasama ang 24 na matatanda ay umaawit ng bagong awit kay Cristo at ito ay pagkatapos na matubos ang mga hinirang at ang sangkalikhaan. Sa kasalukuyan habang ang sangkalikhaan ay nasa ilalim ng sumpa naglilingkod ang mga anghel nang hindi nagsisiawit.
Ang "Di-halatang" Pandaraya ng Pasko!
Christian Joy B. Alayon
Madaling mahalata ang pag-atake kapag ito ay masyadong malupit. Ngunit hindi ito kapansinpansin kapag ang atake ay inilulunsad ng may kasiyahan, tawanan, at pagdiriwang. Iyan ang sitwasyong kinapapalooban ng libu-libong mga simbahan sa buong daigdig sa ilalim ng malaking relihiyong Cristianismo. Lahat ng nagdiriwang ng Pasko ay nag-aakalang napapahalagahan at nasusunod nila ang dakilang kalooban ng Diyos. Halos walang nakakaalam na ito ay napakaseryosong banta sa Ebanghelyo ng Biblia. Paano nga naman iisiping ito"y banta samantalang ang sentro ng pagdiriwang ay sinasabing ang kapanganakan ng Panginoong Jesus; "ang tagapagligtas ng sangkatauhan." Bawat isang naniniwala at nakikiisa sa pagdiriwang na ito ay may sariling paraan ng pagdedepensa. Karamihan ay mula sa sariling pananaw, ang iba naman ay gamit ang iba"t ibang dokumento, at ang iba ay sinusubukang gamitin ang Biblia. Sa napakaraming paraang naiisip ng tao, wala isa man ang makapagpapatunay na ang Pasko ay mula sa Banal na Kasulatan. Ang Pasko ay hindi kilala ng Biblia. Ang layunin ng lathalaing ito ay hindi upang hatulan o hamakin ang sinumang nakikiisa sa pagdiriwang na ito. Ang layunin nito ay mapanatili ang kadalisayan ng Ebanghelyo laban sa banta ng Pasko, at maingatan ang mga mananampalataya laban sa "di-halatang" pag-atake sa Ebanghelyo. Ano mang paraan ng pagdedepensa sa Pasko na hindi naisama sa lathalaing ito, matiyak nawa na ito ay mapapatunayan mula sa Banal na Kasulatan, hindi sa kinalakhang tradisyon ng simbahan, o sariling pananaw. Kung hindi ito mapapatunayan sa Biblia, wala nang dapat pag-usapan.
Iba"t Ibang Pangangatwiran
Una. Isa sa pagtatanggol ng Romano Catoliko ang nasasaad sa kanilang Katesismo: "The Catholic Church has received from Jesus Christ the power to make laws for its members" (Baltimore Catechism). Kailangan nila ang mga pananalitang ito upang ipagtanggol ang napakarami nilang katuruang hindi makikita sa Biblia. Ang mga Holy days, kabilang ang Pasko, ay ilan sa mga "laws" na ginawa nila.
Ang prinsipyong batayan sa pagsamba ng simbahang Romano Catoliko ay hindi galing, ni maipagkakasundo sa Biblia. Ang sinasaad ng kanilang Katesismo ay pagsuway sa dakilang tagubilin ng Panginoong Jesus sa tunay na iglesia ng Diyos. Ang dakilang tagubilin ng Panginoon sa mga apostol ay "turuan silang sundin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo"" (Mateo 28:20). Ang tanging pamantayan na susundin ng iglesia ay manggagaling lamang sa itinuro ng Panginoong Jesus. Ang prinsipyo ng Ebanghelyo na natala sa Banal na Kasulatan ang tanging pamantayang itinuro ni Jesus sa kanila. Mula sa prinsipyong ito iaayon ng iglesia ang kanyang buhay at paraan ng pagsamba. Hindi nila itinuro ang petsa ng kapanganakan ni Jesus, o pagdiriwang ng kapaskuhan. Bukod dito, ang kapaskuhan ay salungat sa prinsipyo ng Ebanghelyo.
Hindi itinatanggi ng Romano Catoliko na ang puno"t dulo ng pagdiriwang ng kapaskuhan ay hindi galing sa Biblia kundi sa "Paganismo." Ang tanging paliwanag nila ay ang pagdiriwang ng Pagano ay kinuha ng Romano Catoliko upang iayon sa kapakinabangan nila. Sa halip na panatilihin itong pagdiriwang na Pagano, iniugnay nila ito sa kapanganakan ni Cristo. Ito ang sistema ng mga misyonerong Catoliko upang makaakit sila ng mas maraming Pagano. Ayon sa instruksyon sa mga misyonero ni Pope Gregory I noong A.D. 601: "Because they [the pagans] were wont to sacrifice oxen to devils, some celebration should be given in exchange for this. . . they should celebrate a religious feast and worship God by their feasting, so that still keeping outward pleasures, they may more readily receive spiritual joys." Pinaghalo nila ang mga praktises ng Paganismo at Cristianismo.
Nahulog ang Romano Catoliko sa maling prinsipyo ng syncretism. Ang masamang paghahalong ito ng relihiyon ang maliwanag na dahilan kung bakit ang Pasko ay Pagano mula balat hanggang buto. Gaano man katapat ang hangarin ng mga pananalitang ito, salungat ito sa Salita ng Diyos sa Deuteronomio 12: "Wasakin ninyo ang lahat ng mga dako kung saan naglilingkod sa kanilang diyos ang mga bansang inyong aagawan, sa ibabaw ng matataas na bundok, at sa ibabaw ng mga burol, at sa lilim ng bawat luntiang punungkahoy. Wawasakin ninyo ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputul-putulin ang kanilang mga haligi, at susunugin sa apoy ang kanilang mga sagradong poste; at inyong ibubuwal ang mga larawang inanyuan na kanilang mga diyos; at inyong papawiin ang kanilang pangalan sa dakong iyon. Huwag kayong gagawa ng ganito sa Panginoon ninyong Diyos" mag-ingat ka na huwag kang mabitag na sumunod sa kanila" Huwag kang mag-usisa ng tungkol sa kanilang mga diyos, na magsabi, "Paanong naglingkod ang mga bansang ito sa kanilang mga Diyos? Gayundin ang gagawin ko." Huwag mong gagawin ang gayon sa Panginoon mong Diyos, sapagkat bawat karumaldumal sa Panginoon na kanyang kinapopootan ay kanilang ginagawa sa kanilang mga diyos" Anumang bagay na ipinag-uutos ko sa iyo ay siya mong gagawin; huwag mong daragdagan, ni babawasan" (Deut. 12:2-4, 30-32). Ang sistema ng Roma ay paghaluin ang Paganismo at Cristianismo na pinalitan lamang ng pangalan ng Diyos ang orihinal na pangalan ng mga diyus-diyosan ng Paganismo. Ang pangalan at kaarawan ng mga diyus-diyosan ay pinalitan ng pangalan at kaarawan ni Jesus. Dahil sa pagpapalit ng pangalan, marami ang nahuhumaling sa Pasko sa pag-aakalang ito"y wala nang koneksyon sa Paganismo. Sa ganitong paraan ""si Satanas man ay nagpapanggap na anghel ng liwanag" (2 Cor. 11:14). Kinukuha ang ano mang magustuhan sa Paganismo, pagkatapos hahanapan ng talata sa Biblia, o gagamitin ang banal na pangalan ng Diyos upang makunsinte. Ito ang ilan sa mga kabulukang matatagpuan sa Romano Catoliko.
Ano kaya ang mararamdaman mo kung ang iyong asawa, ay nahuhumaling pa sa dati niyang kasintahan? Ano kaya kung kinikilig pa siya sa singsing, love letters, at mga regalo sa kanya ng dati niyang kasintahan? Ano kaya kung ang anibersaryo nila ng dati niyang kasintahan tuwing Disyembre ay ipinagdiriwang niya, at sinasabing kaarawan mo iyon gayong hindi naman Disyembre ang kaarawan mo? Kung kaya mo itong kunsintihin, ibahin mo ang Diyos! Karumaldumal sa Panginoon at Kanyang kinapopootan na sambahin mo Siya sa pagsamba ng mga Diyos-diyosan. Huwag kang mag-usisa ng tungkol sa kanilang mga diyos, na magsabi, "Paanong naglingkod ang mga bansang ito sa kanilang mga diyos? Gayundin ang gagawin ko" (Deut. 12:31). Ang talatang ito ay pagkundina sa "sinkretismo."
Pangalawa. Ang mga itinuturing na "evangelical churches," ay may sari-saring dahilan din ng pakikiisa o pakikisabay sa pandaigdigang pagdiriwang ng Romano Catoliko. Ayon sa ilan, ito ay nakapaloob sa "Christian Liberty." Hindi naman daw direktang ipinagbawal ang Pasko sa Biblia kaya maaari itong ipagdiwang. Ginagamit ng iba ang Roma 14: 5-6 "May mga taong nagpapahalaga sa isang araw nang higit kaysa iba, ngunit may iba namang nagpapahalaga sa bawat araw. Hayaang mapanatag ang bawat tao sa kanyang sariling pag-iisip. Ang nagpapahalaga sa araw ay nagpapahalaga nito sa Panginoon"" Ayon sa kanila, kasama sa araw na ito ang pagdiriwang ng kapanganakan ni Cristo sa araw ng Pasko.
Ang Pasko ay hindi nakikilala ng Biblia. Una, ang hindi direktang pagbabawal nito ay patunay na hindi nila ito ipinagdiwang noon. Ikalawa, ang "araw" na tinutukoy ni Pablo sa talata ay "araw" na ipinag-utos ng Diyos sa Lumang Tipan. Pinatutungkulan ng talata ang mga Hudyong itinuturing ang ilang araw ng mga seremonya na may bisa pa. Nang mamatay si Cristo sa krus, ang seremonyal na aspeto ng Kautusan, kabilang ang mga banal na araw ng mga Hudyo, ay natapos na. May pagkakataong pansamantalang pinahintulutan ito sa panahon nila. Sa Gawa 21:26, pumasok si Pablo sa templo ""upang ipahayag kung kailan magaganap ang mga araw ng paglilinis, at ang pag-aalay ng handog para sa bawat isa sa kanila." Kakaiba ang sitwasyon nila kaysa sa Pasko. Hindi maaaring gamiting suporta ang talatang ito sapagkat ang Pasko ay Paganong pagdiriwang. Kung ang "araw" na tinutukoy ng talata ay ipinag-utos sa Lumang Tipan, ang Paganong pagdiriwang tulad ng Pasko ay ipinagbabawal naman (Deut. 12:2-4, 30-32).
Mayroon ding nagdadahilang ang pagdiriwang na ito ay ginagawa ngayon sa pangalan ni Cristo. Ayon sa kanila, ang sinasamba nila sa Pasko ay ang "Cristo ng Pasko." Kung mali man ito, nakadepende na lang daw iyon sa paraan ng pagdiriwang ng bawat tao. "Basta ginagawa ko ito para sa Panginoon," ika nila. Ayon pa sa isang pastor, "Kung si Cristo ang totoong sentro ng pagdiriwang, wala akong nakikitang dahilan sa Biblia kung bakit hindi dapat ito ipagdiwang." Ayon pa sa isa, "If the celebration of our Lord"s birth on December 25th brings to the hearts of men, women, and children that the Messiah has come and this recognition causes people to consider who Jesus truly is; then I am ok with that." Napakagandang pagkakataon daw ito para sa evangelism. Itinuturing itong oportunidad sa pagsamba at pagpapakilala kay "cristo" sa mga hindi mananampalataya. Hindi naman daw nila inaalis ang kanilang damdamin kay Cristo""We celebrate the Christ of Christmas"""He is the reason for the season""ang tanyag na slogan.
Bagamang magandang pakinggan ang mga linya sa itaas, dapat nating panatilihin sa ating isip, na ang isang Paganong pagdiriwang ay hindi maaaring gawin sa pangalan ng tunay na Diyos. Hindi maaaring maging sentro ang tunay na Cristo kung ang pagdiriwang ay kaaway ng Ebanghelyo. Bakit natin gagawin sa Panginoon ang bagay na nakasusuklam sa Kanya? Ang utos ng Diyos ay "huwag mong gagawin ang gayon sa Panginoon mong Diyos"" (Deut. 12:31). Ang tinutukoy ng Panginoon ay ang paraan ng pagsamba, o gawaing pangrelihiyon ng mga Pagano. Hindi natin maipakikilala ang tunay na Cristo sa sistemang ito. Ang "totoo" ay hindi maipakikila sa pamamagitan ng "bulaan." Ang "Katotohanan" ay hindi maipakikilala sa pamamagitan ng "kasinungalingan." Ang tunay na Jesus ay hindi magiging sentro ng pagsamba ng mga Pagano. Kung pagsamba ito sa Diyos, bakit hindi ito ginawa o ipinag-utos sa Biblia? Paano ipakikilala ang tunay na Cristo habang ang iyong kamay ay nakaturo sa isang huwad na "cristo." Paano mo mahihikayat ang isang hindi mananampalataya na talikdan ang bulaang "cristo" kung ikaw mismo ay nakikisabay sa pagdiriwang ng kanilang bulaang "cristo." Ang pakikisabay sa pagtatanghal sa bulaang "jesus" ay hindi makapag-aakay sa kanila sa tunay na Jesus. Papaano mo sasabihing ang isang tao ay nasa ilalim ng poot ng Diyos habang kayo ay nasa gitna ng pandaigdigang Paganong pagdiriwang.
Pangatlo. Nakakabigla, na mayroon ding nag-sasabing ang mga praktises ng Cristianismo ay galing sa mga Pagano subalit pinahintulutang ipagamit ng Diyos tulad ng templo, mga pari, imno, at bautismo. Ang mga nagsasabi nito ay ang mga nakakaalam na ang ugat ng pagdiriwang ay purong Paganismo, subalit hindi naman nababahala sa paniniwalang may pahintulot ng Diyos ang ibang paraan ng Paganismo. Binigyan na tayo ng babala ng Kasulatan sa maling kaisipang ito. "Mayroong daan na tila matuwid sa isang tao, ngunit daang tungo sa kamatayan ang dulo nito" (Kawikaan 14:12; 16:25). Hindi totoong ang mga praktises ng Cristianismo ay galing sa Pagano at pinahihintulutan ng Diyos! Kung ang tinutukoy dito ay Romano Catoliko, tama sila! Ang turo at praktises nila ay karamihan galing sa Pagano nang walang pahintulot ng Diyos. Subalit hindi ito ang prinsipyo ng Ebanghelyo ng Cristianismo. Bago pa likhain ang sanlibutan, itinatag na at inihanda na ng Diyos ang mga paraan ng pagsamba sa Kanya. Kung ang ilan dito ay nakarating man sa mga Pagano, sila ang sumira dito. Tulad na lang ng paraan ng paghahandog na itinuro ng Diyos kina Adan (Gen. 3:21, 4:4) na binaluktot naman ng sangkatauhan. Sa paglipas ng panahon, dahil sa kasalanan ng tao, binaluktot ng tao ang paraan ng paghahadog na ito. Maliban sa sumasamba sila sa ibang diyos, "pati ang kanilang mga anak na lalaki at babae ay kanilang sinusunog sa apoy para sa kanilang mga diyos" (Deut. 12:31). Ang paghahandog sa Diyos na nagtuturo sa kamatayan ng darating na Tagapagligtas, ay dinungisan ng tao. Hindi nakapagtatakang ang templo, pari, at pag-awit ng himno ay makikita rin sa ibang relihiyon. Bukod dito, nag-isip pa sila ng ibang paraang hindi naman iniutos ng Diyos. Ayon sa 2 Corinto 6:14-17 ""Anong pagsasama mayroon ang liwanag sa kadiliman? At anong pagkakasundo mayroon si Cristo kay Belial? ...Anong pakikipagisa mayroon ang templo ng Diyos sa mga diyus-diyosan?...Kaya nga lumabas kayo sa kanila, at humiwalay kayo, sabi ng Panginoon, at huwag kayong humipo ng anumang bagay na marumi, at kayo"y aking tatanggapin"" Sino ang makapagsasabi, sa harap ng mga talatang ito, na may pahintulot ang Diyos sa pagsasama ng Cristianismo at Paganismo?
Pang-apat. Sa puntong ito, dapat nating malaman na marami na ring simbahan at mga tagapagturo ng Biblia ang sumasalungat sa Pasko. Pero dapat din nating malaman na hindi lahat ng sumasalungat sa Pasko ay nasa katotohanan. Kabilang dito ang mga kilalang kulto (Iglesia ni Cristo, "Dating Daan," Jehovah"s Witnesses, etc.) na hindi nakikiisa sa pagdiriwang subalit sinasawata naman ito nang hiwalay at hindi batay sa tunay na Ebanghelyo. Maaaring tama sila sa mga dokumentadong ebidensya hinggil sa Paganong pinagmulan ng Pasko, subalit nagkakamali sila sapagkat tinatanaw nila ito nang hiwalay sa Ebanghelyo. Wala rin silang mapapala sa pagsasawata sa Pasko sapagkat nananatili rin sila sa bulaang ebanghelyo. Ang "cristo" na kanilang kinikilala ay wala ring pinag-iba sa cristo ng kapaskuhan. Ang bagay tungkol sa kung "sino ang cristo ng Pasko," "ano ang ginawa ng cristo ng Pasko," at "para kanino iyon ginawa ng cristo ng kapaskuhan," ay pareho din ng cristo ng mga kultong tumutuligsa sa Pasko. Itanong mo iyan sa mga nagdiriwang ng Pasko, at sa mga kulto o ibang grupong tumutuligsa ng Pasko, at makatatanggap ka ng magkakatulad na kasagutan. Ang dahilan"tinutuligsa nila ang Pasko nang hiwalay sa Ebanghelyo. Sa totoo niyan, parehong huwad na "cristo" ang kanilang pinaniniwalaan. Sa huli, tanging ang purong Ebanghelyo ng biyaya ng Diyos lamang ang makapagsisiwalat ng "di-halatang" pandaraya ng Pasko.
Ang Diwa ng Pasko ang Kaaway ng Ebanghelyo
Lahat ng simbahan sa ilalim ng relihiyong Cristianismo na nakikiisa sa pagdiriwang na ito, ay nagkakasundo sa katwirang ito"y pagdiriwang at pagpapahalaga sa kapanganakan ni Cristo. May mga naiiba mang paraan at dahilan ng pagtatanggol, pero halos lahat ay nagkakasundo sa kaisipang ang Pasko ay kapanganakan ni Cristo. Ang panawagan ng iba ay "ibalik natin ang tunay na kahulugan ng Pasko." Para sa kanila, mas makabuluhan ang pagdiriwang kung "isasapuso" ang tunay na diwa nito. Hindi raw regalo, masasayang party, o ano pa man ang tunay na diwa ng Pasko. Maaari ngang tama sila! Subalit huwag iisipin na kaya hindi tayo nakikiisa sa kanila ay dahil sa malayo na ang pagdiriwang ngayon sa tunay na diwa ng Pasko. Ang kamunduhan, pagka-materialistic ng Pasko, at maling asal ng mga nagdiriwang nito, ay ilan lamang sa masamang dulot ng Pasko. Ang mismong diwa ng Pasko ang dahilan kung bakit wala tayong pakikibahagi sa Pasko. Ang diwa ng Pasko, ay salungat sa Ebanghelyo. Ang kahulugan mismo ng Pasko ang banta sa kaluwalhatian ng Diyos. Kaya nga, habang pinaghuhusayan ng mga tao na ibalik ang tunay na diwa ng Pasko, lalo silang aktibo sa pagsawata sa katotohanan. Ang puso ng Pasko ang kaaway ng Ebanghelyo. Ayon kay Cristo, "Huwag kayong humatol batay sa anyo, kundi humatol kayo ng matuwid na paghatol" (John 7:24). Hindi natin tinitingnan ang Pasko o ang mga nagdiriwang nito sa panlabas. Hindi lamang dahil sa ang entertainments, pageantry, songs, flying angels, at iba"t-ibang senaryo ay naglalayo sa isip natin kay Jesus. Ang tinitingnan natin ay ang katuruan na nagbubunsod sa marami sa pagdiriwang na ito. Ang Pasko, lalo na ang diwa nito, ang naglalayo sa atin sa tunay na Jesus. Pinaaalala sa atin ng Pasko ang bulaang diyos at huwad na "jesus."
Una, ang orihinal na diwa ng Pasko ay Paganismo (tingnan ang artikulo ni Alex M. Aquino). Wala pang panahon, mula ng itatag ang Pasko, na naipagdiwang ito nang hiwalay sa Paganismo. Lahat ng napapaloob sa tradisyon, ang petsa ang pagdiriwang, mga "icons," at ang pinagmulan nito, ay isandaang porsyentong Pagano. Ang diwa ng Paganismo at ang diwa ng Pasko ay iisa. Ang pinanggalingan mismo nito ay hindi sa Banal na Kasulatan; isang bagay na hindi maitatanggi ng mga Romano Catoliko. Sa bagay na ito, hindi lang ako ang pakikinggan ninyo. Kailangan mo lang basahin ang iyong dictionary, encyclopedia, o ibang aklat tungkol sa kasaysayan at mga holidays. Ikalawa, ang puso ng Pasko ay huwad na "cristo." Mula sa Paganismo, inihalo ng simbahang Catoliko ang sarili nilang katuruan tungkol sa huwad na cristo. Nagkakasundo ang marami sa dahilang ito ay pagdiriwang ng kapanganakan ni jesus, gayunman, hindi nila nalalamang ito ay ang bulaang jesus. Mula sa Paganismo, ginawa nila itong kapanganakan ng jesus na dumaya at patuloy na dumaraya sa sanlibutan. Bagaman nasa isip nila ang historical events ng kapanganakan ni Jesus, aktibo naman sila sa pagbabaluktot ng kahulugan nito. Ito ang dahilan kung bakit ito"y kaaway ng Ebanghelyo. Ang Pasko ay walang kinalalaman sa Ebanghelyo. Ang tanging cristong makikilala mo dito ay isa sa napakaraming bulaan. Sa ating panahon, at kultura, hindi ang regalo, tradisyon, o Santa Claus, ang pangunahing polusyong nakalalason sa Pasko, kundi ang presensya ng bulaang cristo. Inaangkin nila na ang ipinagdiriwang ay ang pag-ibig ng Diyos at ang pagliligtas ni Cristo, subalit ang pakahulugan nila ay salungat sa ipinahayag sa Biblia. Tulad na lamang ng paghamak nila sa kamatayan ni Cristo para sa mga hinirang. Itinuturo ng Pasko ang cristong namatay at tagapagligtas ng lahat ng tao kabilang ang mga tao sa impyerno"isang cristong hindi lahat ng kanyang tinubos ay maliligtas, at cristong kahati ang tao sa gawang pagliligtas. Ang paniniwalang ito ay hindi nakapagliligtas. Hindi ito ang Ebanghelyo! Banta ito sa Ebanghelyo!
Ang mga mananampalataya ay nanghahawakan at ipinaglalaban ang katotohanan. Iyan ang ating pagsamba. Ano mang katuruang lumilihis sa katotohanan ay dapat kasuklaman. Ang Pasko ay kasinungalingan. Itinuturong kaarawan ito ni Cristo gayong kaarawan ito ng diyus-diyosan ng mga Pagano. Nagsisinungaling ito sa kanilang mga alamat, Christmas tree, mistletoe, regalo, gayong wala ito sa Biblia kundi galing sa Paganismo. Nagsisinungaling sila, higit sa lahat, sa "bulaang cristo" ng Pasko. Sino ang makasasamba sa Diyos sa pamamagitan ng kasinungalingan? Inililigaw ng Pasko ang napakaraming tao. Hindi nakapagtatakang may mga taong naniniwalang ang Cristianismo ay galing sa ibang relihiyon. Kagagawan ito ng simbahang Romano Catoliko.
Bago magtapos ang taon, nilalapastangan ng Pasko ang Ebanghelyo ni Cristo. Ang Pasko ang pinakamasayang paraan ng paglapastangan. Ang ating pagtanggi ay hindi lang dahil sa commercialism, o Paganong pinagmulan nito, kundi dahil sa presensya ng bulaang cristo sa mismong diwa nito. Ang kahulugan ay hindi Cristianong kahulugan. Kung itatanong natin, "Nasaan ang Ebanghelyo sa Pasko?" Ang sagot ay "wala!" Ang tunay na Cristo ay hindi maaaring maging sentro ng pagdiriwang na ito. Hindi ito makapag-aakay ng kahit isang kaluluwa sa tunay na Cristo. Ang tunay na Cristo ay hindi maaaring maging "reason for the season." Kaya nga, kung sasabihin ninuman na ibalik natin ang tunay na diwa ng Pasko, dalawang bagay ang maaaring mangyari: (1) ibalik ang kumpletong Paganismong pagdiriwang, (2) o itanghal ang bulaang cristo. Dito napapaloob ang napakaraming bulaang katuruan sa kaligtasan na ibinabantayog ng Romano Catoliko. Habang pilit ibinabalik at ipinaaalala ang tunay na diwa ng Pasko, mas nagiging malayo ito sa katotohanan. Kahit anong pagsisikap nila na gawing sentro ang tunay na Jesus sa Pasko, imposible ito. Nakapanlulumo ang mga taong ipinagpipilitan ang tunay na diwa ng Pasko subalit kapag tinanong mo kung ano ito, sasagutin ka ng bulaang ebanghelyo.
Ang Tunay na Ebanghelyo sa Kapanganakan ni Cristo
Ang Pasko ay hindi nagtuturo ng tunay Ebanghelyo, at ang tunay na Ebanghelyo ay hindi rin nagtuturo ng Pasko. Sa halip, ang Pasko ay banta sa kinang ng Ebanghelyo, at ang Ebanghelyo ay laban sa Pasko. Gayunman, halos lahat ay sumusubok gamitin ang Banal na Kasulatan at ang iba"t ibang talata tungkol sa kapanganakan at propesiya ng kapanganakan ni Jesus. Ilan sa mga ito ang Isaias 7:14; 9:6; Mateo 1-2, at Lucas 2. Ang mga talatang ito ay mahahalagang kapahayagan sa Biblia sapagkat pinatutukuyan nito ang kapanganakan ni Jesus bilang unang antas ng pagpapakababa ng Ikalawang Persona ng Banal na Trinidad. Dapat nating ipakita nang may pag-iingat, paggalang, at buong pagpapakumbabang pagsunod ang pag-aalaala sa Kanyang kapanganakan. Hindi tayo gagawa ng anumang bagay na makasisira dito. Sa mga nagdiriwang ng Pasko, ang mga talatang ito ay itinuturing na matibay na patunay na walang problema sa pagdiriwang ng Pasko. Gayunman, sa kahit anong paraan ng pagpapaliwanag dito, ay hindi ito kakikitaan ng utos, o hamon, na ito ay ipagdiwang. Ito ay tala ng Kanyang kapanganakan hindi kapaskuhan.
Una, ang iglesia ay itinatag "sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok" (Efeso 2:20). Ang mga propeta, mula pa sa Lumang Tipan, at ang mga apostol, ay may iisang mensahe, bilang haligi ng iglesia. Itinuro nilang lahat ang Ebanghelyo ni Cristo. Ang lahat ng kanilang mga itinuro ay natala sa Banal na Kasulutan. Ang Pasko, kailanman, ay hindi makikita sa kanila. Sa Lumang Tipan, ay ipinauna nang ipahayag ang pagdating ng dakilang Tagapagligtas"Isaias 7:14, ""Narito, isang birhen ang maglilihi, at manganganak ng isang lalaki, at tatawagin ang kanyang pangalan na Emmanuel;" "Sapagkat sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalaki"" (9:6). Ang katuparan nito kay Jesus ay naitala sa Mateo 1, 2, at Lucas 2. Siya ang katuparan ng panukalang pagliligtas ng Diyos. Siya lamang, na wala ang ambag ng tao, ang tutupad sa dakilang panukala ng kaligtasan. Ayon sa tala ni Mateo, ang kapanganakan Niya ay upang "iligtas ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan." (1:21). Salungat sa itinuturo ng Pasko, ang pagliligtas ni Cristo ay para lamang sa mga hinirang at hindi para sa lahat ng tao. Tutupdin Niya ang panukala ng Diyos para sa kaligtasan ng hinirang sa kanilang mga kasalanan. Ang Kanyang gagawin ay hindi pagpapakabayani na ating tutularan kundi pagliligtas na hindi natin magagaya at maaambagan. Ang kaligtasan Niya ay para sa kasalanan, at hindi para sa magandang buhay na puno ng layaw ng kapaskuhan.
Ayon naman sa Lucas 2:10, ang kapanganakan ni Cristo ay ""mabuting balita ng malaking kagalakan para sa buong bayan." Nangangahulugan ito na ang Ebanghelyo ay makikita rin sa kapanganakan ni Cristo. Tayong mga nagsisiibig sa Ebanghelyo ay pinahahalagahan ang kapanganakan ni Cristo sapagkat ito ay kapahayagan ng Ebanghelyo. Iniingatan natin ang mensahe ng Kanyang kapanganakan laban sa mga sumisira sa kinang nito tulad ng Paganong kapaskuhan. Iniingatan din natin ito laban sa mga bumabaluktot sa mensahe ng Kanyang kapanganakan sa pangunguna ng kapaskuhan. Dahil sa Kanyang kumpletong pagliligtas, ang pananatili at pagtatanggol sa Ebanghelyo ay nagbibigay din sa atin ng kagalakan. Isang dating kaibigan ang umakusa sa aking kill-joy daw ako dahil ayaw kong makiisa sa pagdiriwang ng Pasko. Bagaman hindi lahat, marami pa rin ang tulad niya na hindi nalalaman ang tunay na kagalakang ipinangako ng Diyos sa tunay na Ebanghelyo. Ang kagalakang tinutukoy ng kapanganakan ni Cristo sa Lucas 2:10 ay hindi nakukuha sa pagdiriwang ng Pasko (tingnan ang aking artikulo: "Mabuting Balita ng Malaking Kagalakan").
Ngayon maaaring itanong" "Mali ba kung ipagdiwang ang kapanganakan ni Jesus? Mali ba na pahalagahan ang Kanyang kapanganakan at alalahanin ang Kanyang pagliligtas?" Kung ang tinutukoy mo ay ang pagdiriwang na ginagawa tuwing Disyembre, ang sagot ko ay "Oo, mali ito, at hindi ito bunsod ng Ebanghelyo." Hindi maaaring ipagdiwang ang kapanganakan ng Banal na Tagapagligtas na si Jesus sa paraan ng mundo, lalo na sa sistema ng Paganismo. Bakit hahayaan nating dungisan ng Pasko ang kinang ng Ebanghelyo sa kapanganakan ng Tunay na Jesus? Ang kapanganakan Niya ay ating pinahahalagahan ayon sa nais ng Diyos sa naipahayag ng Biblia. Aalalahanin at pahahalagahan sa BTRC ang kapanganakan at pagkakatawang-tao ni Cristo sa pamamagitan ng pananatili sa tunay na Ebanghelyo, at pagsawata sa mga katuruang lumalapastangan dito. Ipapangaral namin ang kagandahan ng Ebanghelyo at hindi ang karnal na pagdiriwang ng Pasko. Ibang iba ang Ebanghelyo sa Christmas. Salungat na salungat ang prinsipyo nito sa Pasko. Hindi namin ito tatawaging Pasko dahil hindi naman talaga ito Pasko. Kung tatanungin mo ako "Mayroon bang posibilidad na ipagdiwang ang Pasko sa prinsipyo ng Ebanghelyo?" Ang sagot ko ay WALA! Walang "truly Christian observance" ang Pasko sapagkat ito"y kaaway mismo ng Ebanghelyo. Ang kapanganakan ng tunay na Jesus ay maaari namang ipagdiwang (sa paraan ng Biblia). Ang pagdiriwang na ito ay hindi katulad ng ginagawa tuwing Disyembre kundi ayon sa kalooban ng Diyos na natala sa Biblia. Gagawin namin ito sa pamamagitan ng purong pangangaral at pagtatanggol sa Ebanghelyo. Sa paraang ito, napapangalagaan ang katuruan ng kapanganakan ni Jesus laban sa bulaang Pasko.
Nawa"y maging malinaw na ang Jesus ng Biblia ay iba sa ipinakikila ng Pasko. Ang itinuturo ng Pasko ay bulaan at hindi kilala ng Biblia. Ang itinuturo naman ng Banal na Kasulatan ay Jesus na ipinanganak bilang katuparan sa panukala ng Diyos, at pangako sa Lumang Tipan na Tagapagligtas ng Kanyang bayan. Ang Pasko ay seryosong banta sa Ebanghelyo ni Cristo. Ang pinagmulan, at mga tradisyong kasama nito, at ang sistema ng pagdiriwang ay nagbabantang sirain ang katuruan ng Ebanghelyo. Ang pagdiriwang ngayon ay hindi pagluwalhati kay Cristo. Ito ay pagsasamasamang pagyurak sa tunay na Cristo habang nagdiriwang. Nakalulungkot na hindi ito alam ng karamihan. Ang kawalan ng kaalaman sa banta ng kapaskuhan laban sa Ebanghelyo ay hindi dapat ipagwalang-bahala. Kaya nga habang ang marami ay nagdiriwang, kami sa BTRC ay hindi nakikiisa, hindi dahil sa malayo na sa tunay na diwa ng Pasko ang pagdiriwang nito, kundi dahil mismo sa ipinagmamalaking diwa ng Pasko. Kasabay ng hindi namin pakikiisa, nanawagan kami sa lahat ng nagmamahal sa Ebanghelyo ni Cristo na ipagtanggol at pangalagaan ang kadalisayan ng katotohanang ipinahayag ng Diyos, laban sa ano mang banta ng dyablo kahit sa larawan ng masayang pagdiriwang. Ipagtanggol natin ang Ebanghelyo sa kapanganakan ni Cristo. Manatili tayo sa kapahayagan ng Banal na Kasulatan at sa hinihingi ng Ebanghelyo.
Ang Kahulugan ng Kanyang Kapanganakan
Jereson A. Vino
Ibig kong magtanong, totoo nga bang may "Pasko?" Ano ang ipinapahiwatig ng belen sa mga tahanan, mga parol, mga ilaw na kumukutitap sa mga lansangan at bahay, mga batang nagsisipag-awitan, mga ninong na nagbibigay ng aginaldo, at noche buena? Alam kong batid mo ang kahulugan ng mga bagay na ito? At kung iyong mamarapatin pa, makatuwiran bang ipagdiwang ang "Pasko?" Kinakatawan nga ba nito ang pagdiriwang ng kapanganakan ni Jesus na Tagapagligtas o ito"y isang kasumpasumpang kaugalian gaya ng nauulinigan mong tinuturo sa ibang relihiyon?
Una sa lahat, makakatiyak ka sa isang bagay"si Jesus ay hindi isinilang ng Disyembre 25. Ang lahat ng mga ebidensyang nasa Biblia ay sumasalungat sa petsang ito. Subalit tiyak nga na Siya ay isinilang"Siya na walang pasimulang Anak ng Dios ay nagkatawang tao. At ilan sa mga pagsasalarawan ng okasyong tinatawag na "Pasko" tungkol sa Kanyang kapanganakan ay may ilang piraso ng katotohanan: ang sanggol sa sabsaban, ang mga sumambang pastol at ang pagpapatuloy ng Kanyang kasaysayan sa landas ng kapakumbabaan. Ngunit, ang "Pasko" nga ba ang naging bunga ng kapanganakan Niyang iyon? Hindi. Ang pagsilang ng Hari at Tagapagligtas ay hindi ang Pasko. Kaya"t ang layunin ng munting artikulong ito ay hindi ang ipaliwanag kung ano ang kahulugan ng Pasko, sapagkat mali iyon, kundi kung ano ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ng Anak ng Dios"ang Panginoong Jesu-Cristo.
Katuparan ng Itinakda
Simula"t sapol, tinitiyak sa atin na hindi nagbabago ang kapahayagan ng banal na Salita ng Diyos. Kung ano ang natala doon ay tiyak na matutupad at hindi bunga ng mga hindi sinasadyang pagkakataon (coincidence), lalung lalo na hinggil sa kasaysayan ng pagsilang ni Cristo. Ito ay kasaysayan na di-maikakaila ninuman sa bawat kapanahunan at kaganapang hindi mapapasubalian"mayroong Cristong isinilang. Isang di-pangkaraniwang sanggol ang umiyak sa kalaliman ng gabi upang basagin ang katahimikan at hawiin ang pusikit na karimlan (Mat.1:21-23)"isang sanggol na tatawaging JESUS, sapagkat ililigtas Niya ang Kanyang bayan sa kanilang kasalanan. Ang sanggol na ito ay hinanap at hinandugan ng mga pantas buhat sa silangan sa gabay ng Kanyang tala upang kilalaning tagapagligtas (Mat. 2:1-2, 11). Ito at ang iba pang mga tagpo ay pasimula ng pagsasakatuparan ng panukala ng Dios mula ng panahong walang hanggan ukol sa Kanyang bayang hinirang at HINDI ang pasimula ng isang mapandayang tradisyon na magpapahamak sa maraming henerasyon.
Ang pangyayaring ito ay hindi bunga ng pagkakataon lamang o katha ng isang matalinong tao. Naganap ang pagsilang ng isang sanggol na inilulan sa isang lumang sabsaban hindi dahil ito ay nagkataon o dahil biktima siya ng karukhaan. Kundi ito"y maingat na pagsasaayos ng Dios sa lahat ng bagay upang isakatuparan ang Kanyang dakilang kalooban. Maging ang babaeng magsisilang sa sanggol, o ang pook kung saan Siya ipapadpad ay hindi mga sangkap ng isang kuwento upang antigin ang ating pusong dinadaya ng kasalanan, kundi isang pagtatakda ng Dios upang ipahayag ang Kanyang kaluwalhatian. Mapapansing higit-kumulang anim na daang taon bago pa sumapit ang mga pangyayaring ito, isang propeta mula sa Dios ang nangaral na hinggil sa darating na Mesias. Ipinahayag ni propeta Isaias, "Kaya"t ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda, narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang Kanyang pangalang Emmanuel" (Isa. 7:14 at 9:6-7). Maging si propeta Mikas ay nagpatotoo tungkol sa bagay na darating: "Ngunit ikaw Bethlehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo"y lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan."(5:2)"isang propesiyang walang alinlangang natupad sa pagkasilang ni Cristo (Mat. 1:18-21; Luk. 1:34-35). Hindi lamang ito basta katuparan ng propesiya kundi kaganapan ng Kanyang pangako na Siya"y sasaatin o maninirahang kasama natin. Ito ang kahulugan ng Kanyang pangalan ayon sa pahayag ng anghel, "Ang Kanyang pangalan ay tatawaging Emmanuel, ibig sabihin, ang Dios ay sumasa atin." Sa kabila ng kabuktutan ng tao, nahayag ang kapatawaran at kaligtasang batay lamang sa gagawin ng isisilang na Cristo. Ito"y patunay na hindi kailan man kinalimutan ng Dios ang Kanyang una nang ipinangako. Isa lamang ang mensahe ng takdang araw na ito. Ito"y ang katuparan ng mahabaging pagliligtas ng Dios sa pamamagitan ng pagsilang ng "binhing" ipinangako mismo ng Dios kina Adan at Eva sa Eden (Gen. 3:15). At kung mayroong papapasukin sa kaharian ng langit, ito"y tanging sa pamamagitan ng banal na binhing ito, samakatuwid ay si Jesu-Cristo.
Dios na Sumasa Atin
Ang buhay ng isang tao ay nagpapasimula matapos na Siya ay isilang, ngunit ang JESUS na ito ay naroon na bago pa ang pasimula ng sanlibutan (Juan 1:1). Siya na nabubuhay na mula pa sa walang pasimula ay pumasok sa mundo ng tumatakbong panahon at nagkatawang tao (Juan 1:14). Kinailangan Siyang isilang sa anyo ng ating makasalanang laman upang hatulan sa laman ding iyon ang ginawa nating kasalanan. Sa ating makasalanang laman ay hindi natin matutupad ang banal na utos ng Dios kaya walang sinomang tao ang maliligtas sa pamamagitan ng paggawa: "Sapagka't ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan" (Rom. 8:3). Kinailangan Niyang magkatawang-tao upang sa kalikasang iyon ay maibuhos ng Diyos ang Kanyang walang hanggang poot laban sa kasalanan. Higit na nakamamangha ay sa katawan ding iyon nagkamit ang mga makasalanang "hinirang" ng katuwiran"hindi kanilang sariling katuwiran, kundi katuwiran ni Cristo: "Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu" (Rom. 8:4). Nakakagulat mang isipin, si Cristo ay isinilang upang ihandog sa pamamagitan ng kamatayan. Maraming tao ang ibinubuhos ang kanilang saya sa panahon ng Pasko (na inaakala nilang kapanganakan ni Cristo) na hindi napagtatanto na hindi natatapos sa kapanganakan Niya ang "istorya." Isinilang Siya bilang unang hakbang tungo sa landas ng hapis at pighati na ang dulo niyaon ay ang malagim na krus sa Kalbaryo. Ang mga nagsasaya sa tinatawag nilang Pasko ay sila ring naglulukot ng mukha kapag Biernes Santo, samantalang ang gawang pagtutubos ni Jesus sa krus ang batayan ng kasiyahan ng mabuting balita ng kapanganakan ni Cristo. Ililigtas nga Niya ang Kanyang bayan subalit ito"y sa pamamagitan ng paghahandog Niya sa krus (Mat. 1:21)! Sa puntong ito ay mapupuna na sa mga aklat ng Mateo, Marcos, Lucas at Juan kung saan nakatala ang buhay ng Panginoong Jesus ay gumgugol ng mas mahabang pagtatala tungkol sa kamatayan Niya kaysa sa Kanyang kapanganakan. Ni hindi nga binanggit ni Marcos at ni Juan ang tungkol sa Kanyang pagsilang. Noong itinatag ng Panginoon ang Banal na Hapunan iniutos Niya kung paano Siya "aalalahanin." Ito ay hindi sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Pasko kundi sa pamamagitan ng pakikibahagi ng mga miyembro ng iglesia sa sakramento ng Banal na Hapunan (1 Cor. 11:23-26).
At hindi pa natatapos doon"nang ikatlong araw ay bumangon Siyang muli mula sa mga patay na siyang hudyat na sila na pinaglaanan Niya ng Kanyang pagtutubos ay magtataglay din ng katawan na katulad ng Kanyang maluwalhating katawan at hindi na kailan man mararanasan ang kamatayan. Samantala, ang buhay na iyon ng muling pagbangon ng Panginoong Jesus ay ibinabahagi Niya sa mga itinakda ng Ama na maligtas upang ipanganak silang muli sa Espiritu (Juan 3:3; Rom. 6:4, 5). Noong Siya ay umakyat at naluklok sa kanan ng Diyos sa kalangitan, inihatid Niya ang kalikasan ng tao doon at palaging namamagitan sa Dios at sa Kanyang mga hinirang upang sila ay biyayaan. Nakakalula mang isipin, ang kalikasan ng Diyos at ang kalikasan ng tao ay habang panahong naikasal sa katauhan ng Panginoong Jesus at hindi na ito mababago pa. Ganito kasagana ang kagandang-loob ng Dios sa Kanyang mga hinirang!
Bakit Siya tinawag na Emmanuel? Dahil bilang Tagapamagitan ay malulubos ang kaganapan ng walang hanggang Tipan ng Dios na pinagtibay Niya simula pa kay Adan at sa Kanyang Iglesiang hirang sa buong kasaysayan. Ang Tipang ito ay malulubos sa pagbabalik ng Panginoong Jesus kasama ang Kanyang hukbo upang hatulan at wasakin ang Kanyang mga kaaway at ihahatid ang Bagong Langit at Bagong Lupa na magiging tahanan ng Kanyang bayan. Ang kaganapan ng Tipang ito ay ang pagsasakatuparan ng pangako ng Dios sa Kanyang mga hinirang na: "ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan" (Jer. 31:33). Sa dulo ng kasalukuyang kapanahunan ay magaganap nga ito: "At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila" (Apoc. 21:3). Magaganap ang lahat ng mga dakilang bagay na ito dahil "nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan" (Juan 1:14). Ito ang kahulugan ng kapanganakan ni Jesus. Napakalayo sa pakahulugang tinatangka ng Paskong ipainom sa sangka-Cristianuhan bilang lason.
Ang taong sineseryoso ang pagdiriwang ng Pasko ay nagiging mapag-akala. Ipinapalagay niyang may isang araw sa buong sangtaon na nginingitian siya ng Dios sa kabila ng sangtaon din niyang paglapastangan sa Dios. Ngunit nagkakamali siya dahil wala siyang batayan at mahahantong lamang siya sa kabiguan. Sa kabilang dako, iingatan ng Dios ang Kanyang mga hinirang. Hindi Niya hahayaang mapahamak sila ng lasong ikinakalat ng tradisyon ng Pasko. Palagi silang aakayin sa pagkilala sa tunay na kahulugan ng pagkakatawang-tao ni Jesu-Cristo"hindi tuwing Disyembre, kundi sa alin mang buwan o araw ng sangtaon sa tuwing ipinapangaral sa kanila ang Ebanghelyo ng Biyaya ng Dios. Hindi sila mag-aakala ni magtitiwala sa sarili nilang gawang kabutihan dahil ang Anak ng Dios na nagkatawang-tao lamang ang kanilang pag-asa at kaligtasan"Ang Diyos na sumasakanila.
Ang Bulaang Cristo ng 'Christmas'
Ronald R. Santos
Ang layunin ng lathalaing Beware: False Gospels ay mahubad ang balat-kayong maskara ng mga bulaang ebanghelyo at maihantad ang kamandag ng mga ito, sapagkat mas mapanganib ang bulaang ebanghelyo kapag ito"y nag-aanyong katotohanan. Hindi masukat ang pinsalang dulot ng bulaang ebanghelyo. Marami ng kaluluwa ang inihatid at patuloy na ibinubulid nito sa impiyerno at hindi na mabilang ang mga iglesyang winasak nito. Walang pinipiling biktima ito"maging matalino man o mahina ang ulo, matanda o bata, lalaki o babae, may pinag-aralan o wala, nag-seminaryo man o hindi, relihiyoso o di-relihiyoso. Halos lahat ay binibiktima nito at ang masama pa rito"ni hindi alam ng biktima na siya nga"y biktima ng bulaang ebanghelyo sapagkat, tulad ng isang nagayuma ng salamangka, ang biktima pa ang unang-unang magtatanggol sa bulaang ebanghelyo; na ang kanyang pinaniniwalaan ay tunay kahit itaya niya ang lahat basta maipagtanggol lamang niya ang bulaang ebanghelyo na akala niya"y tama. Bakit nga ba madaling makabiktima itong bulaang ebanghelyo? Ang sagot dito ay simple lang: sapagkat ang awtor nito na si Satanas ay lubhang tuso. Batid niya ang "kiliti" ng tao. Alam na alam niya ang pagnanasa ng makasalanang katutubong-kalikasan ng tao. Hindi niya inihahain sa tao ang bulaang ebanghelyo na kasuklamsuklam sapagkat magkagayon ay kaagad-agad na tatanggihan ito ng tao, kundi mamaskarahan niya ang kabulukan nito upang maging kaakit-akit sa mga tao. Ang bulaang ebanghelyo ng diyablo na nakabatay sa desisyon ng tao ay dinadamitan ng mga sugo ng diyablo upang sa pandinig ay maging "parang" tunay na Ebanghelyo ng Biyaya ng Diyos. Isa sa paraan nila ay ituro na ang "cristo" ng bulaang ebanghelyo ay parehong Cristo ng tunay na Ebanghelyo ng Biyaya ng Diyos. Gamit ang Biblia ay sisitas sila ng mga talatang binaliko ang paliwanag upang ipakita na ang "cristo" ng bulaang ebanghelyo ay siyang itinuturo ng Biblia. Lubhang epektibo ang panlalansing ito sapagkat kahit yaong mga pastor na buong giting na ibinabandera ang kanilang master"s o doctor"s degree ay maririnig mong buong pagmamalaking nangangaral na "hindi mahalaga kung iba-iba man ang doktrina ng iba"t ibang denominasyon. Ang mahalaga ay ang ipinapangaral ay si "cristo. "" Hindi na inalintana ang babala ng Panginoong Jesu-Cristo mismo na hindi lahat ng "cristo" ay tunay na Cristo: "Mag-ingat kayo na huwag kayong mailigaw ng sinuman. Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan, na nagsasabi, "Ako ang cristo" at ililigaw nila ang marami," Mateo 24:4-5. "At kung sinumang magsabi sa inyo, "Masdan ninyo, narito ang cristo!" o, "Nariyan siya!" huwag ninyong paniwalaan. Sapagkat lilitaw ang mga bulaang cristo at ang mga bulaang propeta, at magpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan, anupa"t ililigaw kung maaari, pati ang mga hinirang," Mateo 24:23-24. Maging si Apostol Pablo ay nagbabala na hindi lahat ng "jesus" ay si Jesu-Cristo, "Ngunit ako"y natatakot na kung paanong si Eva ay dinaya ng ahas sa pamamagitan ng kanyang katusuhan, ang inyong pag-iisip ay mailigaw mula sa katapatan at kadalisayan kay Cristo. Sapagkat kung may dumating na mangangaral ng ibang jesus na hindi namin ipinangaral, o kung kayo"y tumanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap noon o ibang ebanghelyo na hindi ninyo tinanggap, kayo kaagad na napapasakop doon," 2 Corinto 11:3-4. Kung ang mga pastor na "aral" sa Biblia ay nalilinlang ng "mandarayang espiritu" (2 Timoteo 4:1), paano pa kaya ang mga pangkarinawang tao na salat ang kaalaman sa Biblia? Katulong ng "mandarayang espiritu" ang mga bulag na pastor sa pagpapalaganap ng bulaang "cristo" ng bulaang ebanghelyo. At sa nakalipas na panahon ay naka-imbento sila ng isang kapistahan o okasyon kung saan taun-taon ay epektibung-epektibong naaakay nila ang mga tao sa paniniwala sa bulaang "cristo." Ang tinutukoy ko ay ang "kapaskuhan" o christmas season. Ang okasyong ito ang nagsusulong sa pagpapalaganap ng bulaang "cristo." Napaka-epektibo nito sapagkat sino sa kasalukuyan ang tututol sa christmas? At sino ang magsasabing ang "cristo" ng christmas ay hindi tunay na "cristo?" Halos wala. Kung mayroon man (tulad ng Iglesia ni Cristo, Saksi ni Jehova at iba pang gaya nila) ay tututol sa maling mga praktises o kaugalian o tradisyon na dulot ng pagdiriwang ng kapaskuhan, ngunit hindi tumututol dahil sa batayang ito"y laban sa tunay na Ebanghelyo ng Biyaya ng Diyos. Subalit halos lahat ng mga nagsasabing sila"y "christian church" ay instrumento ng pagpapalaganap ng bulaang "cristo" ng kapaskuhan. Tingnan mo na lamang ang kanilang mga simbahan. Halos mapagkamalan mo nga ang mga ito na beer-house o department store sa dami ng christmas lights at mga christmas decorations na nakasabit sa loob at sa labas ng kanilang simbahan. Mayroon namang simbahan na nag-aastang mas matalino (mas biblikal daw) sila kaysa sa iba. Kanilang ipinagmamalaki na walang santa claus at snow man sa kanilang belen kaysa sa belen ng iba na parang peryang pinaghaluhalo ang mga karakter na ito kasama ang three kings, si "Jose"t si Maria" at ang baby jesus. Subukan mong bumisita sa bahay ng isang "born-again" na pastor sa kapaskuhan. Anong bubulaga sa iyo sa pagpasok mo sa bahay? Ano pa kundi isang pagkalaking christmas tree na nasasabitan ng kung anu-anong simbolo ng mga pagano gaya ng christmas balls. At heto pa"subukan mong dumalo sa kanilang Christmas service sa gabi ng December 24, anong mararanasan mo? Para kang dumalo sa isang birthday party; ang iba"y may pa-raffle pa; ang iba naman ay may kutakut-takot na palaro. Subalit para lamang masabing inaalala si "cristo," siyempre, may pangangaral hinggil sa "cristo" ng kapaskuhan na gamit ang sitas sa Biblia. Maaaring marinig mo ang panawagan ng pastor na "sa gitna ng kasiyahan, pagkain, palaro at regalo ay "don"t forget the christ of christmas"" o kaya"y ""jesus is the reason for the season."" Kaya hindi katakataka kung bakit laksa laksa pa ring mga tao ang nabibiktima ng bulaang ebanghelyo sa pamamagitan ng kapaskuhan.
Ang ipinagpipilitan ng mga sugo ng "mandarayang espiritu" ay ang "cristo" ng christmas ay siya ring tunay na Cristo ng Biblia. Teka muna, liwanagin natin"ang "cristo" ba ng christmas ay siya ring tunay na Cristo? Alalahanin natin ang babala ng Panginoong Jesus at ni Apostol Pablo na "may ibang cristo o ibang jesus" ng "ibang ebanghelyo" na dulot ng "ibang espiritu." Kaya dapat na suriin ang "cristo" ng christmas kung siya ay impostor o hindi. Magagawa lamang natin ang pagsusuring ito kung maliwanag sa atin kung sino ang Cristo ng Tunay at Nag-iisang Ebanghelyo ng Biyaya ng Diyos. Sa mga nakalipas na isyu ng The Bastion of Truth ay buong ingat na inilahad mula sa Banal na Kasulatan ang tunay na Cristo ng Tunay na Ebanghelyo, at isa sa pagpapakilala ni Cristo ay Kanyang inialay ang buhay Niya para sa Kanyang mga tupa lamang! Ang Kanyang pangalang "JESUS" ay nangangahulugang ililigtas Niya ang "KANYANG BAYAN" sa kanilang kasalanan! Samakatuwid, ang pasakit ni Cristo ay may tiyak na pinag-uukulan. Sila nga"y ang mga hinirang na ibinigay sa Kanya ng Ama bago pa man lalangin ang sanlibutan (Juan 17). Ngayon tingnan mo ang "cristo" ng kapaskuhan. Siya ay ipinangangaral na "cristo" na magdudulot ng kaligtasan para sa lahat ng tao at matatamo lamang ng tao ang kaligtasan at kapayapaang ito kung dedesisyonang tanggapin si "cristo." Ang kaligtasang inaalok ng "cristong" ito ay nakadepende sa tao. Sa suma-total ang "cristong" ito ay siya mismong "cristo" ng napatunayang nang bulaang ebanghelyo ng Arminianism at HINDI ANG TUNAY NA CRISTO ng tunay na Ebanghelyo ng Biyaya ng Diyos. Tanggalin mo ang maskara ng "cristong" ito at bubulaga sa iyo ang bulaang "cristo" na itinakwil na ni Cristo mismo, pati ng mga apostol at ng ating mga ninuno sa pananampalataya!
Kaya huwag sanang balewalain ng mga mambabasa ang panawagang ito, suriin mo kung sinong "Cristo" ang pinaniniwalaan mo! Siya ba ang "cristo" ng christmas na ang tanging maibibigay sa iyo ay pansamantalang emosyonal na kasiyahan ngunit tungo naman sa kapahamakan ng iyong kaluluwa o ang tunay na Cristo ng tunay na Ebanghelyo ng Biyaya ng Diyos na tanging makapagbibigay sa iyo ng tunay na buhay? Nawa"y buksan ng makapangyarihang Diyos ang iyong kaisipan at ipakilala sa iyo ang tunay na Cristo!
Ronald R. Santos
Isa sa mga layunin ng Bastion of Truth Reformed Churches (BTRC) ay nasasalamin sa mismong pangalan nito""Bastion of Truth""na ipagtanggol at itaguyod nito ang katotohanang minsanang ipinagkaloob ng Diyos sa mga binanal (Jude 3). Na ito ay isa sa pinakamahalagang layunin ng tunay na iglesia ay maliwanag na isinaad ni apostol Pablo nang kanyang sabihin na ang iglesia ay "haligi at suhay ng katotohanan" (1 Timoteo 3:15).
Dahil dito anumang katuruan, kaugalian o "praktises" na direktang laban o kung hindi man direkta ay nakapagpapalabo sa katotohanan ng Ebanghelyo ng Biyaya ng Diyos ay aming itinatakwil at kinukundina bilang mga kasinungalingang mula sa diyablo. Bunga nito ay aming responsibilidad na babalaan at papag-ingatin ang mga kapatid sa BTRC at iba pang mga hinirang ng Panginoon laban sa mga mapanlinlang na mga katuruan at praktises.
Masakit mang marinig, kasama rito ang kinasasabikan ng halos lahat, na tinatawag na christmas o pasko. Sa maingat na pagsusuri ng mga tapat sa pananampalataya, gamit ang tanging pamantayang Banal na Kasulatan ay napatunayan na ang christmas, ang diwa nito, pati na ang pilosopiya, at mga kaugalian at praktises kaugnay nito ay hindi mula sa katuruan ng Panginoong Jesu-Cristo at ng mga apostol. Samakatuwid, hindi ito katuruan ng Biblia, kundi pawang hango sa katuruan ng mga pagano at pinilit lamang na magkaroon ng anyo ng "cristianismo." Magkagayon, ang katuruan at praktises ng christmas ay laban sa katotohanan ng tunay na Ebanghelyo. Dahil dito ay hindi ipinagdiriwang ng BTRC ang kinikilalang christmas ng sanlibutan. Ang kinikilala ng BTRC ay ang kapanganakan ng Panginoong Jesu-Cristo ayon sa katuruan ng Biblia, at ang tanging pagdiriwang na kaugnay nito ay alalahanin ang Kanyang pagkakatawang-tao sa pamamagitan ng pangangaral ng Ebanghelyo na ang diin ay sa aspetong ito. At ang ganitong pag-alaala ay maaaring gawin hindi lamang tuwing Disyembre kundi sa anumang Linggo ng anumang buwan sa buong taon at gagawin lamang sa konteksto ng pagsamba sa araw ng Linggo. Ang BTRC ay hindi nagdaraos ng espesyal na worship service sa araw ng pasko at kung mapatapat ang pasko sa mismong araw ng Linggo ang worship service ay ukol sa Lord"s Day at hindi ukol sa pasko. Kung may mangatwiran na tama lang na magkaraon ng worship service sa araw ng pasko basta regulative principle of worship* ang paiiralin, ito ang tugon ng BTRC: Una, kinikilala ng BTRC ang kamandag ng bulaang katuruan at ng mga praktises tulad ng christmas kung saan sa konteksto ng Pilipinas na 85 porsiyento ng populasyon ay Romano Catoliko na nagdiriwang ng pasko, ang pakikiayon kahit sa maliit na bagay tulad ng pagsang-ayon sa petsa ay para na ring pagkunsinti sa ganitong maling katuruan. Ang anumang maliit na butas na pagsang-ayong ito ngayon ay magiging isang malaking butas sa hinaharap kung saan aagos ang kutakut-takot na maling praktises sa iglesya. Kahit sa isang butas ay hindi dapat pagbigyan ang kamandag ng bulaang katuruan at praktises. Pangalawa, ang pangangatwirang ito ay maaaring manayo sa mga bansang ang kultura ay hindi nadodominahan o pinamamayanihan ng simbahang Romano Catoliko. Kaya nga minarapat ng BTRC na sundin ang katuruan ng Banal na Kasulatan kaysa sumunod sa mga logic ng mga tao hinggil sa isyu ng christmas.
Posisyon ng BTRC Hinggil sa Ibang Iglesia na Nagdiriwang ng Christmas
Ang BTRC ay walang pakikipag-isa sa anumang iglesia na kumikilala at ipinagdiriwang ang christmas yamang sa una pa man ay ang kanilang pinaniniwalaan ay ebanghelyong "laban" sa Tunay na Ebanghelyo.
Ang BTRC ay hindi rin nakikiisa sa mga iglesiang bagaman hindi kumikilala sa christmas ay iba naman ang ebanghelyong ipinapangral.
Ang BTRC ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga iglesiang Reformed na magdaos ng worship service tuwing araw ng pasko. Ito ay kung ang kanilang worship service ay naka-ayon sa prinsipyong regulative worship na ang ibig sabihin ay ang worship service na gaganapin ay tulad sa isang service sa Lord"s Day (Linggo), at hindi isang "espesyal na service" na nilalahukan ng mga drama, carolling, palaro, dance, concert at iba pang mga praktises na hindi naman ipinag-uutos ng Biblia.
Ang BTRC ay nakikiisa sa mga iglesyang naninindigan sa tunay na Ebanghelyo ng Biyaya ng Diyos at lumalaban sa anumang katuruan at praktises na laban sa Ebanghelyong ito.
__________________
* Ang Regulative Principle of Worship ay ang Biblikal at "Reformed" na prinsipyo at pamantayan ng pagsamba kung saan ang lahat ng mga elemento o sangkap ng panambahan ay iyon lamang iniutos sa Salita ng Diyos at hindi dapat lahukan ng mga imbensyon ng tao at ng mga pamamaraan ng sanlibutan, lalo pa"t dinisenyo ang mga ito upang magbigay-aliw (entertainment) sa mga dumadalo, na siyang kasuklamsuklam sa Diyos.
_______________________________________________________________