(Ang Katesismong Heidelberg, 1563)
(Salin sa Wikang Tagalog ni Ptr. Ronald R. Santos)
Kumpesyong Belgico (1651)
Mga Kanon ng Dordt (1618-1619)
(Ang Katesismo ay isang maliit na aklat na naglalaman ng mga tanong at sagot tungkol sa katuruan ng Cristianismo na hango sa Banal na Kasulatan.)
Ang KATESISMO NG HEIDELBERG, ang pangalawa sa tinatawag na ‘THREE FORMS OF UNITY, ay pinangalanan ayon sa lugar kung saan ito nasulat, sa Heidelberg, (kabisera ng German Electorate of the Palatinate). Doon sa lugar na iyon iniutos ni Elector Frederick III kina Zacharias Ursinus, isang propesor sa Heidelberg University at Caspar Olevianus, isang mangangaral sa nasasakupan ng mga maharlika na mag-akda ng isang aklat na naglalaman ng katuruan ng Cristianismo, ang layunin ay mapanatili ang Pananampalatayang Repormista (Reformed) sa kanilang lugar. Sa simulaing ito ay isinilang ang Katesismo na inaprobahan mismo ni Elector Frederick III at ng Synod ng Heidelberg na unang nalimbag noong 1563. Dahil sa laman nito na nakapagbibigay ng kaaliwan at personal na istilo ng pagkakasulat, ito ay napalapit at napamahal sa mga hinirang ng Diyos kaya ito ay maraming beses na nalimbag noong taon ding yaon. Ang unang edisyon ay naglalaman ng 128 na mga tanong at sagot, sa pangalawa at pangatlong edisyon sa kahilingan ng Elector, ang ika-walumpung tanong at sagot ay idinagdag, ito ay tumutukoy sa ‘misa’ (na itinuro ng papa sa Roma) na isang isinumpang pagsamba sa diyus-diyosan. Sa ikatlong edisyon ang 129 na tanong at sagot ay hinati sa 52ng ‘Araw ng Panginoon’ (Lord's Days) na ang hangarin ay maipaliwanag ang Katesismo sa bawat araw ng pagsamba. Ang kaugaliang iyon ay nagpapatuloy hanggang sa ngayon sa mga Iglesyang Repormista (Reformed). Sa Netherlands, ang Katesismo ng Heidelberg ay isinalin sa salitang Dutch noong 1566 at mula noon ay ginamit ng lahat ng mga Iglesyang Repormista roon. Pinagtibay din ito ng ibat-ibang pambansang konseho noong ika-16 na siglo at isinama noong 1618-1619 sa Synod ng Dordrecht bilang bahagi ng THREE FORMS OF UNITY.
Sagot: Na ako na may katawan at kaluluwa,1 dito sa buhay o kamatayan ay hindi nabubuhay para sa aking sarili,2 kundi ako ay para sa aking tapat na Tagapagligtas na si Jesus-Cristo:3 Siya, sampu ng kanyang banal na dugo,4 ay ganap na nagtubos sa lahat ng aking mga kasalanan,5 at iniligtas ako mula sa lahat ng kapangyarihan ng Diablo;6 at ngayon ako’y Kanyang iniingatan7 na kung hindi ipahihintulot ng Amang nasa langit ay walang hiblang buhok na malalagas sa aking ulo;8 totoo, na lahat ng mga bagay ay umaayon sa aking kaligtasan,9 kaya nga, sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu, ay tinitiyak Niya sa akin ang buhay na walang hanggan,10 at ginagawang tapat at handa na mabuhay para sa Kanya.11
T2. Ilang bagay ang kinakailangan mong malaman, upang matamo ang kaaliwang ito at ng magkagayun ay mabuhay at mamatay ng may kasiyahan?S: Tatlo:12 ang una ay, kung gaano kalaki ang aking mga kasalanan at kapighatian;13 ang pangalawa ay, kung paano ako naligtas sa lahat ng aking mga kasalanan at kapighatian;14 ang pangatlo ay, kung paano ko ipapahayag ang aking pasasalamat sa Diyos sa paliligtas sa akin.15
Sagot: Mula sa Kautusan ng Diyos.1
T.4. Ano ba ang pinag-uutos o hinihingi ng Kautusan ng Diyos sa atin?Sagot: Itinuturo ni Cristo sa atin sa Mateo 22:37-40 na, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan at ang turo ng mga propeta.”2
T.5 Masusunod mo ba ang lahat ng ito ng ganap na ganap?Sagot: Hinding-hindi;3 sapagkat sa aking makasalanang kalikasan ako ay palaging laban sa Diyos at sa aking kapwa.4
Sagot: Hindi; ngunit nilikha ng Diyos ang tao na matuwid,1 at ayon sa Kanyang wangis,2 sa tunay na katuwiran at kabanalan, upang maaring niyang makilala ang Diyos na lumikha sa kanya, mahalin niya ng buong puso at mabuhay na kasama Siya sa walang hanggang kaligayahan para luwalhatiin at purihin Siya.3
T.7. Kung gayon saan galing itong kasamaan ng kalikasan ng tao?Sagot: Mula sa pagkakasala at pagsuway ng una nating magulang, si Adan at si Eva, sa Eden;4 dahil dito ang ating kalikasan ay naging napakasama, kaya tayong lahat ay ipinaglihi at ipinanganak sa kasalanan.5
T.7. T.8.Talaga ba tayong napakasama at hindi kayang gumawa ng anumang mabuti at pawang kamalian lamang ang magagawa?Sagot: Totoong ganun nga,6 maliban na lang kung tayo ay baguhin ng Espiritu ng Diyos.7
Sagot: Hindi kailanman;1 sapagkat nilikha ng Diyos ang tao na may kakayahan2 sa pagsunod; ngunit dahil sa panunukso3 ng diyablo at ng kanyang sariling pagsuway,4 inalisan niya ang kanyang sarili at lahat ng kanyang magiging angkan ng kakayahang kaloob ng Diyos.
T.10. Hahayaan ba ng Diyos ang pagsuway at pagsalansang ay hindi mapaparusahan?Sagot: Hinding-hindi;5 ngunit Siya ay lubhang galit6 sa ating orihinal pati na ang mga nagawang kasalanan; at kanyang lalapatan ng kaukulang parusa sa kasalukuyang buhay at sa kabilang buhay ang lahat ng mga ito ayon sa Kanyang makatarungang hatol at Kanyang inihayag sa Kasulatan, “Sumpain ang hindi tumutupad sa lahat ng nasusulat sa aklat ng Kautusan.”7
T.11. Hindi ba mahabagin din ang Diyos?Sagot: Totoong mahabagin ang Diyos,8 ngunit makatarungan din;9 kaya hinihingi ng Kanyang katarungan,10 na ang kasalanan na nagawa laban sa kataas-taasang Diyos, ay nararapat na mahatulan ng pinakamatinding parusa, kaparusahang walang hanggan11 para sa katawan at kaluluwa.
Sagot: Titiyakin ng Diyos na ang Kanyang katarungan ay magkaroon ng kaganapan;1 kaya nga kinakailangang mabigyan natin ng buong kaganapan ang Kanyang katarungan, tayo mismo o sa pamamagitan ng iba.2
T.13. Magagawa ba nating mabigyan ng buong kaganapan ang katarungan ng Diyos?Sagot: Hinding-hindi;3sa kabaligtaran ay araw-araw nadaragdagan ang ating pagkaka-utang sa Kanya.4
T.14. Mayroon kayang matatagpuang isang nilalang na makapagbibigay ng buong kaganapan para sa atin?Sagot: Wala; sapagkat, unang-una, hindi parurusahan ng Diyos ang ibang nilalang dahil sa kasalanang nagawa ng isang tao;5 at dagdag pa rito, walang sinumang nilalang ang kakayanin ang bigat ng walang hanggang poot ng Diyos laban sa kasalanan, para lamang mailigtas ang iba.6
T.15. Kung ganon, anong uring tagapamagitan at tagapagligtas ang nararapat na hanapin?Sagot: Siya na tunay na tao,7 at matuwid na matuwid; at pinakamakapangyarihan sa lahat ng nililalang; Siya na tunay na Diyos din.8
Sagot: Sapagkat hinihingi ng katarungan ng Diyos na katulad ng kalikasan ng taong nagkasala ang dapat na magbigay ng kaganapan sa kasalanan;1 at ang isang makasalanan ay hindi maaring makapagbayad ng kasalanan ng iba.2
T.17. Bakit kinakailangang dapat Siya rin ay tunay na Diyos?Sagot: Upang ng sa gayon sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang pagka-Diyos ay makayanan ng kanyang pagkatao ang bigat ng poot ng Diyos;3 at upang makamit at mapanumbalik para sa atin ang katuwiran at buhay.4
T.18. Samakatwid sino ang Tagapamagitan na ‘yan na sa isang persona’y tunay na Diyos at tunay na matuwid na tao?Sagot: Siya ay ang ating Panginoong Jesu-Cristo,5 na naging karunungan para sa atin mula sa Diyos, at katuwiran at kabanalan, at katubusan.6
T.19. Saan mo malalaman ang katotohanang ito?Sagot: Mula sa banal na Ebanghelyo, na unang ipinahayag ng Diyos mismo sa Paraiso;7 at pagkatapos ay ipinangaral ng mga patriarka at mga propeta,8 at inilarawan ng mga sakripisyong handog9 at ng mga seremonyas ng Kautusan; at sa takdang panahon ay nagkaroon ng katuparan sa pamamagitan ng bugtong na Anak ng Diyos.10
Sagot: Hindi,1sila lamang na nakaugnay sa Kanya, at tumanggap ng lahat ng Kanyang biyaya sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya.2
T.21. Ano ang tunay na pananampalataya?Sagot: Ang pananampalataya ay di lamang isang kaalaman,3 kung saan pinanghahawakan ko ang lahat ng katotohanan na inihayag ng Diyos sa atin na nasa Kanyang Salita, ngunit ito rin ay isang tiyak na pagtitiwala,4 na kung saan ang Banal na Espiritu,5 ay gumagawa sa pamamagitan ng Ebanghelyo sa aking puso;6 at hindi lamang para sa iba kundi para rin sa akin, ay kapatawaran ng kasalanan,7 walang hanggang katuwiran, at kaligtasan8 na ang mga ito ay walang bayad na ipinagkaloob ng Diyos, ayon lamang sa Kanyang biyaya na nakabatay lamang sa halaga ng ginawa ni Cristo.9
T.22. Kung gayon ano ang kinakailangang paniwalaan ng isang Cristiano?Sagot: Lahat ng mga bagay na ipinangako sa atin ng Ebanghelyo,10 na ang buod ay nasasaad sa mga kinikilalang artikulo ng Cristianong pananampalataya.
T.23. Anu-ano ba ang mga artikulong ito?Sagot:
Sagot: Sa tatlong bahagi: Ang una’y tungkol sa Diyos Ama at sa ating pagkalikha;1 ang ikalawa’y tungkol sa Diyos Anak at sa ating katubusan;2 ang ikatlo’y tungkol sa Diyos Espiritu Santo at sa Kanyang pagbabanal sa atin.3
T.25. Yamang mayroon lamang iisang diwa ng pagka-Diyos4, bakit binabanggit mo ang Ama, Anak, at Espiritu Santo?Sagot: Sapagkat ipinahayag ng Diyos ang Kanyang Sarili sa Kanyang Salita,5 na ang mga tatlong magkakaibang persona ay ang tanging nag-iisang tunay at walang hanggang Diyos.
Sagot: Na ang walang hanggang Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo (na Siya mula sa wala ay lumalang ng langit at ng lupa, at lahat ng mga bagay na naroroon;1 at gayun din Siya rin ang nangangalaga at namamahala sa mga ito sa pamamagitan ng Kanyang walang hanggang panukala at kapangyarihan2) sa pamamagitan ni Cristong Kanyang Anak, ay aking Diyos at aking Ama; na Siyang lubos kong pinagtitiwalaan, wala akong alinlangan na ipagkakaloob Niya ang lahat ng pangangailangan ng aking kaluluwa at katawan;3 at dagdag pa rito anumang kasamaan ang ipadala Niya sa akin dito sa mundo ng kahapisan, ay pawang sa kapakanan ko;4 sapagkat kaya Niyang gawin ito, yamang Siya ay Makapangyarihang Diyos,5 na kumikilos ng maluwag sa Kanyang kalooban, at yamang Siya ay tapat na Ama.6
Sagot: Ang makapangyarihan at nasasalahat ng dakong lakas ng Diyos,1 na kung saan, na para na ring kamay Niya, ang nangangalaga at namamahala sa kalangitan, sa lupa at sa lahat ng nilalang;2 upang ang mga halaman at damo, tag-ulan at tag-tigang,3 kasaganaan at kawalan,4 kalusugan at karamdaman,5 kayamanan at karukhaan,6 ang mga ito’y nangyayari hindi sa pagkakataon lamang kundi sa pamamagitan ng Kanyang mapagpalang kamay.7
T.28. Ano ang ating kapakinabangan kung malamam natin na ang Diyos ang lumikha, at nangangalaga ng lahat ng bagay?Sagot: Upang tayo ay maging matiisin sa kahirapan;8 mapagpasalamat sa kasaganaan;9 at sa lahat ng bagay na maaring mangyari sa atin ay lubos nating mapagtitiwalaan ang katapatan ng ating Diyos at Ama,10 walang anumang bagay ang makapaghihiwalay sa atin sa Kanyang pag-ibig;11 yamang lahat ng nilikha ay nasa Kanyang kamay, kung hindi Niya kalooban ay di sila makagagawa ng anuman.127
Sagot: Sapagkat inililigtas Niya tayo at hinahango mula sa ating kasalanan;1 at gayun din; upang hindi na tayo maghanap pa, na talaga namang hindi makahahanap ng kaligtasan sa iba.2
T.30. Masasabi bang sila’y naniniwala kay Jesus na Tagapagligtas kung nagtitiwala naman sa kanilang sarili o maging sa iba, para sa kanilang kaligtasan at kabutihan ng mga binanal?Sagot: Hindi talaga sila sumasampalataya, sapagkat kahit na ipinagmamalaki nila Siya sa salita, ngunit sa kanilang gawa’y ikinakaila naman nila si Jesus na tanging Manunubos at Tagapagligtas;3 sapagkat isa sa dalawang bagay ang totoo, alin sa dalawa, na si Jesus ay hindi ganap na Tagapagligtas, o sila na sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya sa Tagapagligtas na ito, ay nakatatagpo ng lahat ng kinakailangan sa kanilang kaligtasan.4
Sagot: Sapagkat Siya ang itinalaga ng Diyos Ama, ang pinuspos ng Banal na Espiritu,1 upang maging Pangunahing Propeta at Guro,2 na lubos na nagpapahayag sa atin ng lihim na panukala at kalooban ng Diyos tungkol sa ating katubusan; at upang maging ating Punong Saserdote,3 na sa isang pag-aalay ng Kanyang katawan ay tinubos Niya tayo, at patuloy na namamagitan sa Ama para sa atin;4 at saka upang maging ating walang hanggang Hari,5 na nangangalaga sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Salita at Espiritu, at nagtatanggol at nagpapanatili6 ng ating kaligtasang tinubos Niya para sa atin.
T.32. Subalit bakit ka naman tinatawag na Cristiano?Sagot: Sapagkat ako’y kasapi ni Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya,7 at magkagayon ako’y kasali sa Kanyang pagkapuspos ng Banal na Espiritu;8 upang aking maipahayag ang Kanyang pangalan,9 at italaga ko ang aking sarili ng may pasasalamat sa Kanya10 bilang buhay na handog; at saka sa pamamagitan ng malaya at malinis na konsiyensiya ay malabanan ko ang kasalanan at si Satanas sa buhay na ito,11 at pagkatapos ay magharing walang katapusan sa lahat ng nilalang na kasama Niya.12
Sagot: Sapagkat si Cristo lamang ang walang hanggan at natural na Anak ng Diyos;1 ngunit tayo ay mga kinupkop na mga anak ng Diyos batay sa Kanyang biyaya, at para sa Kanyang kapurihan.2
T.34. Sa anong dahilan at tinatawag natin Siyang Panginoon?Sagot: Sapagkat tinubos Niya tayo, katawan at kaluluwa, mula sa lahat ng ating mga kasalanan, hindi sa pamamagitan ng ginto o pilak, kundi sa pamamagitan ng Kanyang mahalagang dugo,3 at hinango Niya tayo mula sa kapangyarihan ng Diyablo, kaya inangkin Niya tayong sariling Kanya.
Sagot: Na ang walang hanggang Anak ng Diyos, na siyang tunay at patuloy na walang hanggang Diyos,1 ay nagkatawang-tao, mula sa laman at dugo ni Birhen Maria,2 sa pamamagitan ng Espiritu Santo;3 upang Siya rin ay maging tunay na binhi ni David,4 tulad ng Kanyang mga kapatid sa lahat ng bagay maliban sa kasalanan.5
T.36. Anong kabutihan naman ang iyong matatanggap sa banal na kapanganakan at pagkakatawang-tao ni Cristo?Sagot: Na Siya ang ating Tagapamagitan,6 at sa Kanyang kalinisan at ganap na kabanalan, ay tumubos sa aking mga kasalanan7 sa harap ng Diyos.
Sagot: Na Siya, sa lahat ng panahong nabuhay sa daigdig, lalong higit sa huling yugto ng Kanyang buhay sa lupa, ay binatâ ng Kanyang katawan at kaluluwa ang poot ng Diyos laban sa lahat ng kasalanan ng sangkatauhan;1 nang sa gayon sa Kanyang pagpapasakit, bilang tanging handog na nag-aalis ng poot ng Diyos,2 ay matubos niya ang ating katawan at kaluluwa sa walang hanggang kaparusahan, at matamo para sa atin ang basbas ng Diyos, katuwiran at buhay na walang hanggan.
T.38. Bakit Siya nagdusa sa hatol ni Poncio Pilato?Sagot: Na Siya, na walang kasalanan ngunit hinatulan ng makalupang hukom,3 upang tayo ay makalaya sa ilalim ng matinding kaparusahan ng Diyos.4
T.39. Mayroon bang kahalagahan ang kamatayan Niya sa krus kaysa sa mamatay Siya sa ibang kaparaanan?Sagot: Mayroon; sa ganong paraan ay ako’y may katiyakan na Kanyang inako ang sumpa na dapat ay sa akin; sapagkat ang kamatayan sa krus ay sumpa ng Diyos.5
Sagot: Sapagkat, ayon sa katarungan at katotohanan ng Diyos,1 ang kabayaran ng ating mga kasalanan ay hindi maaring maganap maliban sa kamatayan ng Anak ng Diyos.2
T.41. Bakit Siya rin ay “inilibing”?Sagot: Upang patunayan na Siya ay talagang namatay.3
T.42. Kung noon ay namatay si Cristo para sa atin, bakit namamatay pa rin tayo?Sagot: Ang ating kamatayan ay hindi kabayaran para sa ating mga kasalanan kundi isang pag-alis mula sa kasalanan at pagpasok sa buhay na walang hanggan.4
T.43. Ano pa ang kabutihang matatanggap natin mula sa sakripisyo at kamatayan ni Cristo sa krus?Sagot: Sa bisa ng Kanyang kamatayan ang ating lumang pagkatao ay napako sa krus, namatay, at nalibing na kasama Niya;5 nang sa ganon ang masamang pita ng laman ay hindi na maghari sa atin;6 sa halip ay maitalaga natin ang mga sarili sa Kanya bilang handog na pasasalamat.7
T.44. Bakit naman ito idinagdag, “bumaba sa dako ng mga patay”?Sagot: Na sa ilalim ng matinding tukso, ako ay may katiyakan at nakapagpapalubag ng aking kalooban, ang katotohanang, ang aking Panginoong Jesu-Cristo, sa pamamagitan ng Kanyang labis na pagtitiis, pasakit, sindak, mala-impiyernong paghihirap, at matinding pagdurusa, na Kanyang dinanas lalong lalo na noong mapako Siya sa krus, ay naghango sa akin mula sa paghihirap at sa nakapanghihilakbot na pagdurusa sa impiyerno.8
Sagot: Una, sa pamamagitan ng Kanyang pagkabuhay muli ay napagtagumpayan Niya ang kamatayan, nang sa gayon ay inilahok Niya tayo sa katuwiran na Kanyang binayaran para sa atin sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan;1 pangalawa, sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan ay tayo rin ay Kanyang binigyan ng bagong buhay;2 at pangatlo, ang pagkabuhay muli ni Cristo ay tiyak na garantiya ng ating maluwalhating pagkabuhay muli.
Sagot: Na si Cristo, sa paningin ng Kanyang mga alagad, mula sa lupa ay iniakyat sa langit;1 at Siya’y nananatili doon para sa ating kapakinabangan,2 hanggang sa bumalik muli Siya upang hatulan ang mga buhay at mga patay.
T.47. Kung gayon, si Cristo ba ay nasa sa atin hanggang sa katapusan ng daigdig katulad ng Kanyang ipinangako?Sagot: Si Cristo ay tunay na tao at tunay na Diyos; hinggil sa Kanyang pagka-tao, wala na Siya sa daigdig;3 ngunit hinggil sa Kanyang pagka-Diyos, kaluwalhatian, kagandahang-loob, at espiritu, hindi kailanman Siya nawalay sa atin.
T.48. Subalit kung ang Kanyang pagka-tao ay hindi kasama sa kung nasaan man ang Kanyang pagka-Diyos, nangangahulugan ba na ang dalawang kalikasang ito ni Cristo ay magkahiwalay sa isa’t-isa?Sagot: Hinding-hindi, sapagkat kung ang pagka-Diyos ay hindi nalilimitahan at nasa-sa-lahat,4 nangangahulugan na ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi nalimitahan ng kanyang pagkakatawang-tao,5 kaya’t Siya’y nasa katawang-tao at nanatiling kaisa ng Kanyang pagka-Diyos.
T.49. Ano naman ang kabutihan para sa atin ng pag-akyat ni Cristo sa langit?Sagot: Una, na Siya ang ating tagapamagitan sa harapan ng Diyos Ama sa langit;6 pangalawa, na dahil nasa langit na ang katawang laman mayroon tayong katiyakan na Siya , bilang puno, ay kukunin din Niya tayo upang makasama Niya;7 pangatlo, na isinugo Niya ang Kanyang Banal na Espiritu bilang garantiya ng katuparan ng Kanyang pangako,8 at sa kapanyarihan ng Banal na Espiritu ay pinagsusumakitan natin ang bagay na nasa langit kung saan nakaluklok si Cristo sa kanang kamay ng Diyos, at hindi ang mga bagay na panlupa.9
Sagot: Sapagkat si Cristo’y umakyat sa langit upang Siya ay maging puno ng Kanyang Iglesya,1 na sa pamamagitan Niya’y pinamamahalaan ng Diyos Ama ang lahat ng mga bagay.2
T.51. Ano naman ang kabutihan para sa atin nitong kaluwalhatian ni Cristo, na ating Puno?Sagot: Una, sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu ay ibinahagi Niya ang makalangit na mga biyaya sa Kanyang mga hinirang;3 bukod dito sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan, tayo’y ipinagtatanggol at pinangangalagaan Niya laban sa lahat ng kaaway.4
T.52. Anong kaaliwan ang dulot sa iyo ng “Si Cristo’y paparito muli upang hukuman ang mga buhay at mga patay”?Sagot: Na sa lahat ng aking kapighatian at kahirapan, taas noong naghihintay sa Kanya na siyang naghandog sa Kanyang sarili para sa aking kapakanan sa Hukuman ng Diyos at siyang nag-alis ng lahat ng sumpang ukol sa akin, na siyang babalik bilang Hukom mula sa langit;5 na siyang magtatapon sa Kanya’t aking mga kaaway sa walang hanggang kaparusahan, 6ngunit Siya rin ang magdadala sa akin at sa lahat ng Kanyang mga hinirang sa makalangit na kagalakan at kaluwalhatian.7
Sagot: Una, na Siya ay totoo at kapwa walang-hanggang Diyos ng Ama at ng Anak;1 pangalawa, na Siya ay ibinigay din sa akin,2 upang sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya ay gawin Niya akong kabahagi ni Cristo at ng lahat ng Kanyang pagpapala,3 upang nang sa ganon ako’y Kanyang maaliw4 at Siya’y manatili sa akin magpakailanman.5
Sagot: Na ang Anak ng Diyos, mula pa sa simula hanggang sa katapusan ng daigdig1 at sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu at Salita2 ay kinakalap,3 pinagtatanggol, at inilalaan para sa Kanya4 ang Iglesya na Kanyang hinirang mula sa sangkatauhan5 upang magtamo ng buhay na walang hanggan,6 at ayon sa tunay na pananampalataya, ako’y buhay na bahagi ng Iglesyang ito.7
T. 55. Ano ang pagkaka-unawa mo sa "sa kapulungan ng mga taong binanal ng Diyos"?Sagot: Una, na ang lahat at bawat isang sumasampalataya, bilang bahagi ni Cristo ay kalahok Niya pati na sa lahat ng Kanyang kayamanan at kaloob;8 pangalawa, na kailangang malaman ng bawat isa ang kanyang tungkulin, at may kagalakan na kaagad gamitin ang mga kaloob sa kanya, para sa kapakinabangan at kaligtasan ng iba pang kabahagi ni Cristo.9
T. 56. Ano ang pinaniniwalaan mo tungkol sa "kapatawaran ng mga kasalanan"?Sagot: Na ang Diyos, batay sa ginawa ni Cristo,10 ay hindi na aalalahanin pa ang aking mga kasalanan,11 pati na ang aking makasalanang kalikasan, na kinakailangang paglabanan ko habang ako’y nabubuhay; subalit bunsod ng Kanyang kagandahang loob ay ibinibilang Niya sa akin ang katuwiran ni Cristo, upang ako’y hindi na hatulan sa hukuman ng Diyos.12
Sagot: Na pagkatapos ng buhay dito sa lupa ay hindi lamang ang aking kaluluwa na kaagad-agad na makakasama ni Cristo na ating Puno;1 kundi pati na itong aking katawan na binuhay ng kapangyarihan ni Cristo ay makakasamang muli ang aking kaluluwa at gagawing tulad ng maluwalhating katawan ni Cristo.2
58. Anong kaaliwan ang makukuha mo sa artikulong "sa buhay na walang hanggan"?Sagot: Na yamang ngayon ay nararandaman ko sa aking puso ang pasimula ng walang hanggang kagalakan,3 pagkatapos ng buhay dito sa lupa ay mamanahin ko ang ganap na kaligtasan,4 na ‘hindi nakita ng mata, at hindi narinig ng tainga, at hindi pumasok sa puso ng tao’ upang kanyang maunawaan,5 at nang sa ganon ay mabigyan ko ng papuri ang Diyos magpakailanman.
Sagot: Na sa harapan ng Diyos, ako ay matuwid kay Cristo, at tagapagmana ng buhay na walang hanggan.1
T. 60. Paano ka nagiging matuwid sa harapan ng Diyos?Sagot: Sa pamamagitan lamang ng tunay na pananampalataya kay Jesu-Cristo;2 upang nang sa ganon, kahit na sinusurot ang aking budhi na talamak na nalabag ko ang mga kautusan ng Diyos, at wala akong nasunod kahit na isa,3 at ang aking katawan ay naka-ayon pa rin sa lahat ng kasamaan; sa kabila nito, minarapat ng Diyos ayon sa kanyang kagandahang loob5 at hindi kailanman sa aking mga gawa6 na ipagkaloob7 at ibilang sa akin8 ang perpektong pagsunod, katuwiran, at kabanalan ni Cristo;9 kaya nga ako’y parang walang kasalanan at parang hindi nakagawa ng anumang kasalanan: totoo, para na ring lubos kong natupad ang lahat ng pagsunod na ginanap ni Cristo para sa akin;10 yamang aking tinanggap ang mga kaloob na iyan ng may pusong nananampalataya.11
T. 61. Bakit mo nasabi na ikaw ay matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya lamang?Sagot: Hindi dahil sa ako’y katanggap-tanggap sa Diyos batay sa kahalagahan ng aking pananampalatya,12 kundi dahil lamang sa pagsunod, katuwiran, at kabanalan ni Cristo na siyang aking katuwiran sa harapan ng Diyos;13 at ang mga ito’y hindi maaring maging akin sa anumang paraan maliban sa pananampalataya lamang.14
Sagot: Sapagkat ang katuwiran na tatanggapin lamang sa hukuman ng Diyos ay ganap na perpekto, at sa lahat ng paraan ay umaayon sa kautusan ng Diyos;1 dagdag pa rito, ang lahat ng aking pinakamahuhusay na mga gawa sa buhay na ito ay di-perpekto at may bahid ng kasalanan.2
T. 63. Ano! Hindi ba dahil sa ating mabubuting gawa kaya makakamtan natin ang gantimpala na inilaan ng Diyos sa kasalukuyan at sa hinaharap?Sagot: Ang gantimpala ay hindi nakakamtan dahil sa gawa kundi dahil lamang sa biyaya.3
T. 64. Subalit hindi kaya ang katuruang ito ay magbunsod sa tao na maging pabaya at lapastangan?Sagot: Hindi kailanman; sapagkat imposible na lahat ng nakipag-isa kay Cristo sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya ay hindi magbunga ng pasasalamat sa Diyos.4
Sagot: Mula sa Banal na Espiritu, na Siyang gumagawa ng pananampalataya sa ating mga puso1 sa pamamagitan ng pangangaral ng Ebanghelyo, at pinagtitibay ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga sakramento.2
T. 66. Ano ang kahulugan ng sakramento?Sagot: Ang sakramento ay banal, nakikitang tanda at pagpapatunay, na itinalaga ng Diyos sa ganitong layunin: na sa pamamagitan ng paggamit nito ay mas ganap na maipapahayag Niya at mapapagtibay sa atin ang pangako ng Ebanghelyo, alalaong baga’y ito’y ang malaya Niyang pagkakaloob ng kapatawaran ng kasalanan at buhay na walang hanggan, bunsod lamang ng minsanang pagpapasakit ni Cristo sa Krus.
T. 67. Ang Salita at mga sakramento ba ay parehong itinalaga ng Diyos para sa layuning akayin ang ating pananampalataya sa pagpapasakit ni Jesu-Cristo sa krus na tanging batayan ng ating kaligtasan?Sagot: Tunay nga, sapagkat itinuturo sa atin ng Banal na Espiritu sa Ebanghelyo, at tinitiyak Niya sa atin sa pamamagitan ng mga sakramento, na ang kabuoan ng ating kaligtasan ay nakabatay lamang sa nag-iisang pagpapasakit ni Cristo sa krus na inihandog Niya para sa atin.4
T. 68. Ilang bang sakramento ang itinatag ni Cristo sa Bagong Tipan?Sagot: Dalawa, alalaong baga’y ito’y ang banal na bautismo at banal na hapunan.
Sagot: Sa ganito: Itinalaga ni Cristo itong panlabas na panglinis sa pamamagitan ng tubig,1 kalakip nito ay isang pangako,2 na ako’y tunay na nilinis ng Kanyang dugo at Espiritu sa lahat ng karumihan ng aking kaluluwa, sa lahat ng aking mga kasalanan,3 gaya ng ang aking katawan ay nilinis ng tubig sa lahat ng karumihan.
T. 70. Ano ba ang nililinis ng dugo at Espiritu ni Cristo?Sagot: Ito’y pagtanggap mula sa Diyos ng kapatawaran ng kasalanan, batay sa dugo ni Cristo na Kanyang itinigis para sa atin sa pamamagitan ng Kanyang pagpapasakit sa krus;4 at dagdag pa rito’y pagtanggap ng pagbabago sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, at pinagiging banal upang maging kabahagi ni Cristo, upang nang sa ganon ay patuloy tayong mamatay sa kasalanan at makapamuhay ng may kabanalan at walang kapintasan.5
T. 71. Sa papaanong paraan ipinangako ni Cristo sa atin na tiyak na lilinisin Niya tayo sa pamamagitan ng Kanyang dugo at Espiritu gaya ng paglilinis ng tubig ng bautismo?Sagot: Sa pagtatatag ng bautismo, na ipinahayag ng ganito: Kaya’t sa paghayo ninyo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.6 Ang sumampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; ngunit ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.7 Ang pangakong ito ay inuulit din kapag tinawag ng Kasulatan ang bautismo na paglilinis sa bagong kapanganakan8 at paglilinis ng mga kasalanan.9
Sagot: Hinding-hindi; sapagkat ang dugo lamang ni Jesu-Cristo, at ang Banal na Espiritu ang naglilinis sa atin sa lahat ng kasalanan.1
T. 73. Bakit naman tinawag ng Banal na Espritu ang bautismo na "paglilinis sa bagong kapanganakan," at "paglilinis ng mga kasalanan"?Sagot: Ang Diyos ay hindi mangungusap ng walang malaking dahilan, alalaong baga’y hindi lamang upang turuan tayo na, gaya ng ang karumihan ng ating katawan ay nilinis ng tubig ang atin namang mga kasalanan ay nilinis ng dugo at Espiritu ni Jesu-Cristo;2 kundi lalo na, na sa pamamagitan ng Kanyang garantiya at tanda ay tinitiyak Niya sa atin na ang ating espiritu’y nilinis na sa lahat ng kasalanan kung paano ang ating katawan ay nalinis ng tubig.3
T. 74. Ang mga bata ba ay kailangan din bautismuhan?Sagot: Oo, sapagkat sila, katulad ng mga may sapat na gulang, ay kasama sa tipan4 at Iglesya ng Diyos;5 at yamang ang katubusan sa kasalanan ay sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, at ang Banal na Espiritu, na pinagmumulan ng pananampalataya, ay ipinangako sa kanila6 hindi lamang sa mga may sapat na gulang; kaya nga dapat na sa pamamagitan ng bautismo na tanda ng tipan, sila’y makabahagi sa Cristiyanong iglesiS., at upang sila’y maibukod sa mga anak ng di-mananampalataya7 katulad ng ginawa sa lumang tipan sa pamamagitan ng pagtutuli,8 na pinalitan na ng bautismo sa bagong tipan.9
Sagot: Sa ganito: Ipinag-utos ni Cristo sa akin at sa lahat ng mananampalataya na kainin ang pinagpirapirasong tinapay at uminom sa saro bilang pag-alaala sa Kanya, kalakip ang mga pangakong ito: una, na ang Kanyang katawan ay inihandog at binugbog sa krus para sa akin, at ang Kanyang dugo ay nabubo para sa akin, , na pinapatunayan sa akin ng pinagpirapirasong tinapay at ng saro; at pangalawa, na Kanyang pinakakain at pinalulusog ang aking kaluluwa tungo sa buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ng Kanyang katawang ipinako sa krus at dugong nabubo, kasing tiyak ng pagtanggap ko mula sa kamay ng ministro, at malasahan ng aking bibig ang tinapay at saro ng Panginoon, na tiyak na mga tanda ng katawan at dugo ni Cristo.1
T. 76. Kung ganon, ano ang kahulugan ng kainin ang ipinakong katawan ni Cristo at pag-inom ng dugong ibinubo ni Cristo?Sagot: Hindi lamang tinatanggap ng pusong sumasampalataya ang lahat ng kapighatian at kamatayan ni Cristo, na nagdudulot ng kapatawaran sa kasalanan at ng buhay na walang hanggan;2 hindi lamang ito kundi lalong maging makaisa ng Kanyang banal na katawan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, na tumatahan kay Cristo at pati na sa atin;3 upang nang sa ganon, kahit na nasa langit si Cristo at tayo naman ay nasa sa lupa,4 tayo pa rin ay laman ng Kanyang laman at buto ng Kanyang buto;5 at tayo’y nabubuhay at palagiang pinapatnubayan ng isang Espiritu bilang mga bahagi ng isang katawan taglay ang isang kaluluwa.6
T. 77. Saan ipinangako ni Cristo na tiyak Niyang pakakainin at palulusugin ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng Kanyang katawan at dugo, habang sila’y kumakain ng pinagpirapirasong tinapay at uminon sa saro?Sagot: Sa pagtatatag ng banal na hapunan, na nahayag sa ganito:7 Ang Panginoong Jesu-Cristo nang gabing siya’y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay; at nang siya’y magpasalamat, ito’y kanyang pinagpirapiraso, at sinabi, “ito’y aking katawan na pinagpirapiraso para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin.” Sa gayun ding paraan ay kinuha niya ang saro, pagkatapos maghapunanan, na sinasabi, “ang sarong ito’y siyang bagong tipan sa aking dugo8. Gawin ninyo ito tuwing kayo’y iinom nito, sa pag-aalaala sa akin.” Sapagkat sa tuwing kainin ninyo ang tinapay na ito, inuman ang saro, ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa dumating siya.9
Ang pangakong ito ay inulit ni Apostol Pablo, na sinabi niya na: Ang saro ng pagpapala na ating pinagpala, hindi ba ito’y pakikisalo sa dugo ni Cristo? Ang tinapay na ating pinagpira-iraso, hindi ba ito’y pakikisalo sa katawan ni Cristo? Sapagkat may isang tinapay, tayong marami ay iisang katawan, sapagkat tayong lahat ay nakikibahagi sa isang tinapay.10
Sagot: Hindi kailanman; ngunit kung paanong ang tubig ng bautismo ay hindi nagiging dugo ni Cristo, at hindi rin nakapaglilinis ng kasalanan, yamang ito ay tanda at pagpapatunay lamang na itinalaga ng Diyos;1 gayun din naman ang ang tinapay sa Banal na Hapunan ay hindi nagiging mismong katawan ni Cristo,2 bagama’t ang tawag dito ay katawan ni Cristo na sumasang-ayon sa katangian ng sakramento.3
T. 79. Bakit naman tinawag ni Cristo ang tinapay na Kanyang katawan, at ang saro ay Kanyang dugo, o ang bagong tipan ay nasa Kanyang dugo; at maging si Pablo ay nagsabi ng “pakikisalo sa katawan at dugo ni Cristo?Sagot: Ganon ang pagkakasabi ni Cristo, at ito’y may malaking dahilan, alalaong baga’y hindi lamang upang turuan tayo na kung paanong ang tinapay at alak ay nagbibigay buhay sa katawang panlupa, gayun din naman ang Kanyang katawan na ipinako sa krus at dugong nabubo ay tunay na pagkain at inumin na nagbibigay buhay sa ating mga kaluluwa tungo sa buhay na walang hanggan;4 kundi upang lalong bigyan tayo ng katiyakan na sa pamamagitan ng mga nakikitang mga tanda at pagpapatunay, tayo’y tunay na kabahagi ng Kanyang totoong katawan at dugo (sa pamamagitan ng kilos ng Banal na Espiritu) habang tinatanggap ng ating mga labi ang mga banal na tanda bilang pag-alaala sa Kanya;5 at ang lahat ng Kanyang pagdurusa at pagsunod ay tiyak na para sa atin, na parang tayo mismo ang nagdusa at nagbayad ng ating mga kasalanan sa harapan ng Diyos.6
Sagot: Ang banal na Hapunan ng Panginoon ay nagpapatotoo sa atin na tayo’y may buong kapatawaran sa lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan lamang ng isang sakripisyo ng Panginoong Jesu-Cristo, na Siya mismo ang gumawa sa krus;1 at tayo rin sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay pinag-isa kay Cristo,2 na Siya ayon sa Kanyang pagkatao ay wala na ngayon sa lupa, kundi nasa langit na at nakaluklok sa kanang kamay ng Diyos na Kanyang Ama,3 na kung saan Siya dapat na ating sambahin4 — subalit ang misa ay nagtuturo na ang mga buhay at ang mga namatay ay walang kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng pagpapasakit ni Cristo, maliban na lamang na si Cristo ay araw-araw na ihandog para sa kanila ng mga pari; at dagdag pa rito’y ang katawan ni Cristo ay nasa anyon ng tinapay at alak, na dapat sambahin sa pamamagitan ng mga ito; kaya nga sa katunayan ang misa ay wala ng iba kundi isang pagtatakwil sa iisang sakripisyo at pagpapasakit ng Panginoong Jesu-Cristo, at ito ay isang kasumpa-sumpang pagsamba sa diyus-diyosan.5
T. 81. Para kanino itinatag ang Banal na Hapunan ng Panginoon?Sagot: Para sa mga talagang nagsisisi sa kanilang mga kasalanan,6 ngunit nagtitiwala naman na ang mga ito ay mapapatawad lamang sa pamamagitan ni Cristo, at ang mga natitirang kahinaan ay nasasaklaw ng Kanyang pasakit at kamatayan;7 at sila rin na naghahangad na ang kanilang pananamplataya ay patuloy na lumakas, at ang kanilang buhay ay mas lalong maging banal;8 subalit ang mga hipokrito, sila na hindi talaga lumalapit sa Diyos na may bukal na puso, ay kumakain at umiinom ng may paghatol sa kanilang sarili.9
T. 82. Sila ba na ang patotoo at buhay ay nagpapahayag na sila’y di-mananampalataya at di-makaDiyos ay maaring makasalo sa Banal na Hapunan?Sagot: Hindi; sapagkat ang tipan ng Diyos ay malalapastangan, at ang poot ng Diyos ay mag-aalab laban sa buong kongregasyon;10 kaya nga tungkulin ng Iglesyang Cristiyano, ayon sa atas ni Cristo at ng Kanyang mga apostol sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kaharian ng langit na huwag isama ang ganung mga tao,11 hanggat hindi sila nagpapakita ng pagbabago sa kanilang buhay.
Sagot: Ang pangangaral ng Banal na Ebanghelyo, at pagpapairal ng disiplinang Cristiano2 o pagtitiwalag sa Iglesyang Cristiano,3 sa pamamagitan ng dalawang ito ang kaharian ng langit ay nabubuksan sa mga mananampalataya, at nasasara naman laban sa mga di mananampalataya.
T. 84. Paano ang kaharian ng langit ay nabubuksan at nasasarahan sa pamamagitan ng pangangaral ng Banal na Ebanghelyo?Sagot: Sa ganito: Ayon sa atas ni Cristo4 na ito’y dapat ipangaral at hayagang ipatotoo sa lahat at sa bawat mananampalataya, na kapag sa pamamamagitan ng tunay na pananampalataya’y pinaniwalaan nila ang pangako ng Ebanghelyo, lahat ng kanilang mga kasalanan ay totoong pinatawad ng Diyos, batay sa Katuwiran ni Cristo;5 sa kabilang dako, kapag ipinahayag at ipinatotoo ang Ebanghelyo sa lahat ng di mananampalataya, at sila’y hindi tunay na nagsisi, sila’y nasa ilalim ng poot ng Diyos at walang hanggang sumpa, habang sila’y hindi sumasampalataya;6 ayon sa patunay ng Ebanghelyo sila’y hahatulan ng Diyos, sa kasalukuyan at sa darating na panahon.
T. 85. Paano ang kaharian ng langit ay nasasarahan at nabubuksan sa pamamagitan ng pagpapairal ng disiplinang Cristiano?Sagot: Sa ganito: Ayon sa atas ni Cristo,7 sila na bagama’t tinatawag na Cristiano ngunit naniniwala’t nagtuturo naman ng mga doktrina at mga praktises na salungat sa Cristianismo,8 at matapos silang paulit-ulit na maayos na paalalahanan at pabalaanan, ay hindi pa rin tumalikod sa kanilang kamalian at likong pamumuhay ay dapat silang idulog sa Iglesya9 o sa mga naatasan ng Iglesya;10 at kapag binalewala nila ang mga paalala at babala, ay dapat silang pagbawalan sa paggamit ng mga sakramento;11 sa ganon sila’y itiwalag sa Iglesyang Cristiano, at ang Diyos mismo ang magsasara ng kaharian ni Cristo sa kanila; at kapag sila’y nangako at nagpakita ng tunay na pagbabago’t pagsisisi ay saka pa lamang sila maaaring tanggapin muli bilang mga bahagi ni Cristo at ng Kanyang iglesya.12
Sagot: Sapagkat si Cristo na tumubos at nagligtas sa atin sa pamamagitan ng Kanyang dugo ay siya ring bumabago sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu ayon sa Kanyang sariling wangis; upang nang sa ganon ay maipatotoo ng buo nating katauhan ang ating pasasalamat sa Diyos sa pagbibigay Niya ng mga biyaya,1 at upang Siya ay mapapurihan natin;2 at saka upang ang bawat-isa ay makatiyak sa kanyang sarili ng kanyang pananampalataya dahil sa mga bunga nito;3 at upang sa pamamagitan ng ating maka-Diyos na buhay ay mahikayat ang iba kay Cristo.4
T. 87. Kung ganon may kaligtasan ba sila, na nagpapatuloy sa kanilang kasamaan at nabubuhay ng kawalan ng utang-na-loob, na nagpapakita na sila ay hindi nagbago sa harap ng Diyos?Sagot: Hindi maaari; sapagkat ipinahahayag ng Banal na Kasulatan na walang sinumang mahalay, sumasamba sa diyus-diyosan, mangangalunya, magnanakaw, mapag-imbot, lasenggero, mapanirang-puri o sinumang gumagawa ng masasamang tulad ng mga ito, ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.5
Sagot: Dalawang bahagi: ang kamatayan ng lumang pagkatao, at pagkabuhay ng bagong pagkatao.1
T. 89. Ano ang kahulugan ng kamatayan ng lumang pagkatao?Sagot: Ito ang tunay na pagsisisi ng puso sa salang ginalit natin ang Diyos dahil sa ating mga kasalanan at patuloy na kamuhian at talikuran ang mga kasalanan.2
T. 90. Ano ang kahulugan ng pagkabuhay ng bagong pagkatao?Sagot: Ito ang tunay kagalakan ng puso sa Diyos, sa pamamagitan ni Cristo,3 at may pag-ibig at kaluguran na mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos na nagbubunga ng mabubuting gawa.4
T. 91. Subalit ano ba ang mabubuting gawa?Sagot: 'Yun lamang bunga ng tunay na pananampalataya,5 ginawa ayon sa kautusan ng Diyos,6 at para sa Kanyang kaluwalhatian;7 at hindi yung mga bunga ng ating imahinasyon o kaisipan ng tao.8
Sagot: Sinalita ng Diyos ang mga sumusunod na pangungusap sa Exodo 20 at Deuteronomio 5. Kanyang sinabi:
Ako ang PANGINOON mong Diyos na naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkaalipin.
Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap ko.
Huwag kang gagawa para sa iyong sarili ng inukit na larawan o ng anumang kawangis ng anumang nasa langit sa itaas, o ng nasa lupa sa ibaba, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa. Huwag mo silang yuyukuran, o paglikuran man sila; sapagkat akong PANGINOON mong Diyos ay Diyos na mapanibughuin, na aking pinarurusahan ang mga anak dahil sa kasamaan ng mga magulang hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi ng mga napopoot saakin; ngunit pinagpapakitaan ko ng wagas na pag-ibig ang libu-libong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.
Huwag mong babanggitin ang pangalan ng PANGINOON mong Diyos sa walang kabuluhan, sapagkat hindi pawawalang-sala ng PANGINOON ang sinumang gumagamit ng kanyang pangalan sa walang kabuluhan.
Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang ingatan itong banal. Anim na araw kang gagawa at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain; ngunit ang ikapitong araw ay Sabbath sa PANGINOON mong Diyos. Sa araw na ito ay huwag kang gagawa ng anumang gawain, ikaw o ang iyong anak na lalaki, ang iyong anak na babae, ang iyong aliping lalaki, ang iyong aliping babae, ang iyong mga baka, ang dayuhang nasa loob ng iyong mga pintuan; sapagkat sa loob ng anim na araw ay ginawa ng PANGINOON ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng naroroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; kaya't binasbasan ng PANGINOON ang araw ng Sabbath, at ginawa itong banal.
Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, upang ang iyong mga araw ay humaba sa lupaing ibinibigay sa iyo ng PANGINOON mong Diyos.
Huwag kang papatay.
Huwag kang mangangalunya.
Huwag kang magnanakaw.
Huwag kang magiging sinungaling na saksi laban sa iyong kapwa.
Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapwa; huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapwa, o ang kanyang aliping lalaki o ang kanyang aliping babae, o ang kanyang baka, o ang kanyang asno, o ang anumang bagay ng iyong kapwa.
Sagot: Sa dalawang bahagi:1 ang una’y may apat na utos na nagtuturo sa atin kung paano tayo dapat na makitungo sa Diyos; ang ikalawa’y may anim na utos na hinggil sa tungkulin natin sa ating kapwa.2
T. 94. Ano ang hinihingi ng Diyos sa unang Kautusan?Sagot: Na ako, kung paanong buong katapatan na hinahangad ko ang kaligtasan ng aking kaluluwa, ay dapat na umiwas at lumayo sa lahat ng pagsamba sa diyus-diyosan,3 pangkukulam, panghuhula, mga pamahiin,4 pananalangin sa mga santo o sa ibang uri ng mga nilalalang;5 na tapat kong kilalanin ang nag-iisang tunay na Diyos;6 magtiwala sa Kanya lamang,7 magpasakop sa Kanya8 ng may pakumababa at pagtitiyaga;9 umasa sa Kanya lamang ng mga mabubuting bagay;10 ibigin,11 igalang,12 at luwalhatiin13 Siya ng buong puso; upang nang sa ganon ay tumalikod at lumayo sa lahat ng nilalang14 kaysa maibahagi sa kanila kahit na maliit na bagay na labag naman sa Kanyang kalooban.15
T. 95. Ano ang pagsamba sa diyus-diyosan?Sagot: Ang pagsamba sa diyus-diyosan ay ang pagkakaroon at paggawa ng anumang bagay na doon ilalagay ang pagtitiwala sa halip na sa Diyos, na Siyang naghayag ng Kanyang sarili sa Kanyang Salita.16
Sagot: Na tayo sa anumang paraan ay hindi dapat na ilarawan ang Diyos sa pamamagitan ng mga imahen o rebulto;1 ni sambahin Siya sa anumang paraang hindi Niya ipinag-utos kundi sa paraang inihayag Niya sa Kanyang Salita.2
T. 97. Bawal ba tayong gumawa ng anumang larawan o imahen?Sagot: Oo, ang Diyos ay hindi maisasalarawan o hindi dapat na isalarawan sa anumang paraan.3 Bagama’t maisasalarawan ang lahat ng mga nilalang, ipinagbabawal naman ng Diyos ang paggawa at ang pagkakaroon ng ganitong mga imahen sa layuning ito’y sasambahin o paglilingkuran ang Diyos sa pamamagitan ng mga ito.4
T. 98. Ngunit hindi ba maaaring magkaroon ng mga imahen sa mga bahay-sambahan bilang isang tulong sa mga pagkaraniwang-tao?Sagot: Hindi; sapagkat huwag nating isipin na mas marunong pa tayo kaysa sa Diyos, na naghahangad na turuan ang Kanyang mga hinirang, hindi sa pamamagitan ng mga walang kabuluhang imaheng hindi nakapagsasalita,5 kundi sa pamamagitan ng buhay na pangangaral ng Kanyang Salita.6
Sagot: Na hindi natin dapat lapastanganin o gamitin sa walang kabuluhan ang pangalan ng Diyos sa pamamagitan ng pagmumura,1 panunumpa na walang katotohanan,2 o mga sumpang hindi naman kailangan,3 o makibahagi man sa ganitong uri ng kakila-kilabot na mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtahimik lang.4 Sa madaling salita, hinihingi nito na gamitin natin ang banal na pangalan ng Diyos na may paggalang at pagpipitagan,5 upang sa tamang paraan ay maipahayag6 at masamba natin Siya,7 at maparangalan Siya sa lahat ng ating mga salita at mga gawa.8
T. 100. Ang paglapastangan ba sa pangalan ng Diyos sa pamamagitan ng panunumpa at pagmumura ay talagang isang napakalaking kasalanan, na ang Diyos ay lubos na napopoot din sa mga taong di gumagawa ng paraan sa abot ng kanilang makakaya na maiwasan at maipagbawal ito?Sagot: Oo tunay nga. Walang kasalanang hihigit pa rito, na lalong makapagpapagalit sa Diyos kundi ang paglapastangan sa Kanyang pangalan.9 Kaya't iniutos Niya na kamatayan ang kabayaran nito.10
Sagot: Oo, alin sa dalawa, kung ito’y hinihiling ng pamahalaan sa kanyang nasasakupan o kaya’y kung hinihingi ng pagkakataon upang mapagtibay ang katapatan at katotohanan para sa kaluwalhatian ng Panginoon at sa ikabubuti ng ating kapwa;1 ang ganitong panunumpa ay pinahihintulutan ng Salita ng Diyos,2 at ginamit sa tamang pamamaraan ng mga mananampalataya sa Matanda at Bagong Tipan.3
T. 102. Maaari ba tayong sumumpa sa pamamagitan ng mga santo o ng mga ibang nilalang?Sagot: Hindi; sapagkat ang isang katanggap-tanggap na panunumpa ay pagtawag din sa Diyos, na Siyang tanging nakakaalam ng puso, na Siya mismo ang magpapatotoo sa katotohanan, at magpaparusa naman kung ako’y nanumpang may kasinungalingan;4 walang ibang nilalang ang karapat-dapat sa ganitong karangalan.5
Sagot: Una, na ang pagpapahayag ng Ebanghelyo at pag-aaral nito ay mapanatili;1 at ako, bilang nararapat na Cristiano, ay palaging makadalo sa pagtitipon ng mga anak ng Diyos,2 lalo na sa SABBATH na araw ng pamamahinga,3 upang mapakinggan ang Kanyang Salita, makibahagi sa mga sakramento, makapanalangin sa Diyos,4 at makapagkaloob para sa kapakanan ng mahihirap.5 Pangalawa, na sa bawat araw ng aking buhay ako’y tumigil sa aking masasamang gawa, at pabayaan kumilos ang ang Panginoon sa pamamagitan Kanyang Banal na Espiritu, nang sa ganon ay mapasimulan na sa buhay na ito ang walang hanggang pamamahinga.6
Sagot: Na aking igalang, ibigin at bigyang katapatan ang aking ama at ina, at lahat ng may kapangyarihan sa akin; at magpasakop ng may nararapat na pagsunod sa kanilang mabuting pagtuturo at pagtutuwid;1 at gayun din ako ay maging mapagtiis sa kanilang mga pagkukulang at kahinaan,2 yamang sa pamamagitan nila ay pinili ng Diyos na mapangasiwaan tayo.3
Sagot: Na sa aking pag-iisip, o sa aking mga salita, o sa aking mga kilos at lalo na sa aking mga gawa ay huwag kong alipustahin, insultuhin, kamuhian, sugatan o patayin ang aking kapwa; at hindi rin dapat maging kasangkapan ng iba sa ganitong masamang hangarin;1 sa halip ay isasantabi ko ang lahat ng pagnanasang maghiganti.2 At hindi ko rin dapat na saktan ang aking sarili o ilagay man ito sa anumang panganib.3 Ito ang dahilan kung bakit ang pamahalaan ay nasasandatahan upang pigilan ang anumang uri ng pagpatay.4
T. 106. Ngunit di ba ang utos na ito’y parang tumutukoy lamang sa pagpatay?Sagot: Sa pagbabawal ng pagpatay, itinuturo ng Diyos na kinamumuhian Niya ang mga dahilan ng pagpatay sa tao, tulad ng pagka-inggit, pagkamuhi, pagkagalit at paghihiganti5 at itinuturing Niya ang lahat ng mga ito ay pagpatay.6
T. 107 Ngunit sapat na bang hindi natin patayin ang ating kapwa sa anumang paraang nabanggit?Sagot: Hindi; sapagkat nang ipagbawal Niya ang inggit, poot at galit, ay ipinagutos naman Niya sa atin na ibigin natin ang ating kapwa gaya ng pag-ibig natin sa sarili;7 maging mapagtiis, maibigin sa kapayapaan, mahinahon, mahabagin, at maging magiliw sa kapwa,8 at ipagtanggol siya mula sa anumang kapinsalaan sa abot ng ating makakaya,9 at gumawa ng mabuti kahit na sa ating mga kaaway.10
Sagot: Na ang lahat ng karumihan ay isinusumpa ng Diyos;1 at gayun din ay dapat nating kapootan ang mga ito,2 at mamuhay ng maayos at malinis,3 maging may-asawa man o wala.4
T. 109. Ang ipinagbabawal ba ng Diyos sa kautusang ito ay pangangalunya lamang o pati na ang mga katulad na mahahalay na kasalanan?Sagot: Yamang ang ating katawan at kaluluwa ay mga templo ng Banal na Espiritu, iniuutos Niya na panatiliin natin ang mga ito na malinis at banal; samakatwid ay Kanyang ipinagbabawal ang unamang malaswang gawa,5 kilos, salita, kaisipan, pagnanasa6 at anumang bagay na nakakapukaw ng karumihan sa tao.7
Sagot: Ipinagbabawal ng Diyos ang tahasang pagnanakaw1 at panloloob2 na pinaparusahan ng batas; kundi maging pandaraya, at panloloko sa ating kapwa sa hangaring makakuha ng kanyang gamit,3 sa pamamagitan ng mga masasamang plano na pinalalabas na matuwid, gaya ng, di-tamang pagsusukat ng timbang,4 sukat at dami;5 pandaraya sa pagtitinda, palsipikadong pera, malabis na pagtutubo,6 o anumang paraang ipinagbabawal ng Diyos. Dagdag pa rito ay ipinababawal din Niya ang lahat ng kasakiman,7 at walang pakundangang paglustay ng Kanyang mga kaloob.
T. 111. Ano naman ang hinihingi ng Diyos sa atin sa kautusang ito?Sagot: Na gawin ko ang anumang aking makakaya para sa ikabubuti ng aking kapwa, na pakitunguhan ko siya tulad ng nais kong pakikitungo ng iba sa akin,8 at ako’y magtrabaho ng matapat upang makatulong sa mga nangangailangan.9
Sagot: Na hindi dapat akong magbintang ng hindi tama kanino man,1 ni hindi rin dapat na baluktutin ang salita ng iba;2 huwag makipagtsismisan o manirang-puri;3 na hindi ako dapat humatol o sumali sa paghatol kaninuman nang hindi napapakinggan o walang sapat na dahilan;4 sa halip ay iiwasan ko ang lahat ng anyo ng pagsisinungaling at panlilinlang5 na siyang mga gawa ng diyablo, kundi ay magdudulot ito sa akin ng labis na poot ng Diyos;6 gayunman sa paghatol at sa pakikitungo sa iba ay dapat kong ibigin ang katotohanan lamang, sabihin ito ng tahasan, ipahayag ng buong tapang;7 at dapat ko ring ipagtanggol at itaguyod sa abot ng aking makakaya, ang karangalan at reputasyon ng aking kapwa.8
Sagot: Na kahit na kaliit-liitang pagnanasa o kaisipan na taliwas sa anumang kautusan ng Diyos ay hindi dapat na mamayani sa ating mga puso; kundi sa lahat ng pagkakataon ay kamuhian natin ng buong puso ang lahat ng kasalanan, at masiyahan sa lahat ng matuwid na bagay.
T. 114. Subalit ‘yun bang mga nagbalik-loob sa Diyos ay lubos na makasusunod ang mga kautusang ito?Sagot: Hindi; sa buhay na ito, maging ang pinakabanal na tao ay may bahagya lamang panimulang pagsunod sa mga ito;2 gayun pa man, ay may tapat na layunin na mamuhay hindi lamang ayon sa iilan kundi maging sa lahat ng mga kautusan ng Diyos.3
T. 115. Kung gayon, bakit kaya nais ng Diyos na ipangaral nang buong higpit ang sampung utos, yamang wala naman palang makasusunod sa mga ito?Sagot: Una, upang habang tayo ay nabubuhay pa’y lalo nating makilala ang ating makasalanang kalikasan,4 nang magkagayon ay lalo pa tayong manabik na umasa kay Cristo para sa kapatawaran ng kasalanan at katuwiran;5 gayun din upang patuloy tayong magsikap, at manalangin sa Diyos para sa biyaya ng Banal na Espiritu, upang lalo tayong maging tulad ng wangis ng Diyos, hanggang sa matamo natin ang kaganapan na inilaan para sa atin sa buhay na darating.6/p>
Sagot: Sapagkat ito ang pinakatampok na bahagi ng pasasalamat na hinihingi ng Diyos sa atin;1 at sapagkat ibinibigay ng Diyos ang Kanyang biyaya at Banal na Espiritu doon lamang sa mga taos-pusong nagpapatuloy na humihiling ng mga ito sa Kanya at pinasasalamatan Siya sa mga ito.2
T. 117. Anu-ano ba ang mga kinakailangan upang ang panalangin ay maging kataggap-tanggap sa Diyos na Kanya lamang pakikinggan?Sagot: Una, na dapat na tayo’y taos-pusong manalangin lamang sa nag-iisa at tunay na Diyos, na nagpahayag ng Kanyang sarili sa Kanyang Salita,3 hilingin sa Kanya ang mga bagay na Kanyang ipinag-utos na ating hilingin;4 pangalawa, na dapat na tama at lubos nating malaman ang ating pangangailangan at kahirapan nang sa ganon ay ganap tayong magpakumbaba sa harapan ng Kanyang kadakilaan;5 pangatlo, na dapat tayong lubos na naniniwala na bagaman tayo’y hindi karapat-dapat6 ngunit dahil kay Cristo na ating Panginoon ay tiyak na diringgin ng Diyos ang ating panalangin,7 gaya ng Kanyang ipinangako sa atin sa Kanyang Salita.8
T. 118. Ano ang iniutos ng Diyos na dapat nating hilingin sa Kanya?Sagot: Lahat ng mga bagay na kinakailangan ng ating kaluluwa at katawan,9 tulad ng mga bagay na binanggit ng Panginoon Jesus sa panalanging itinuro Niya sa atin.10
T. 119. Ano ba ang panalanging ito?Sagot: "Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang pangalan Mo. Dumating nawa ang kaharian Mo. Masunod nawa ang kalooban Mo, kung paano sa langit, gayundin naman sa lupS. Bigyan Mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw. At patawarin Mo kami sa aming mga utang, gaya rin namin na nagpapatawad sa mga may utang sa amin. At huwag Mo kaming dalhin sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masamS. Sapagkat sa Iyo ang kaharian, ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman. Amen."
Sagot: Na sa simulat-simula pa lamang ng ating panalangin ay nais na Niyang pukawin sa atin ang paggalang at pagtitiwala sa Diyos nang tulad ng isang bata, at ito ang saligan ng ating pananalangin, alalaong baga’y na ang Diyos ay naging Ama natin sa pamamagitan ni Cristo,1 at hindi Niya ipagkakait sa atin ang anumang hilingin natin sa Kanya ng may tunay na pananampalataya tulad ng ating mga magulang na hindi magkakait sa anumang pangangailangan natin sa buhay na ito.2
T. 121. Bakit idinagdag ang salitang "nasa langit"?Sagot: Upang hindi natin isipin na nasa anyong makalupa ang makalangit na kaluwalhatian ng Diyos,3 at upang hangarin natin mula sa Kanyang di-mapapantayang kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na kinakailangan ng ating kululuwa at katawan.4
Sagot: "Sambahin nawa ang pangalan mo"1 na ang ibig sabihin ay Ipagkaloob po Ninyo sa amin, una sa lahat, na makilala Ka nang tama,2 nang sa ganon ay masamba, maluwalhati at mapapurihan Ka sa lahat ng Iyong mga gawa na kung saan ang Iyong kapangyarihan, karunungan, kabutihan, katarungan, kahabagan at katotohanan ay maliwanag na nahahayag;3 at dagdag pa rito ay upang maitalaga namin ang aming mga buhay, aming kaisipan, mga salita, at mga gawa upang ang Iyong pangalan ay hindi malapastangan kundi mabigyan ng karangalan at kapurihan sa pamamagitan namin.4
Sagot: Dumating nawa ang kaharian mo1 na ang ibig sabihin ay Maghari Ka sa amin sa pamamagitan ng Iyong Salita at Espiritu upang kami ay patuloy na magpasakop sa Iyo.2 Pangalagaan at palaguin Mo po ang Iyong iglesya;3 Wasakin Mo ang gawain ng diyablo;4 pati na ang bawat naghihimagsik laban sa Iyo at ang bawa’t pagsasabwatan laban sa Iyong Salita; hanggang sa lubos na maganap ang Iyong kaharian5 kung saan Ikaw ay magiging lahat sa lahat.6
Sagot: "Masunod nawa ang kalooban Mo, kung paano sa langit, gayundin naman sa lupS."1 na ang ibig sabihin ay, ipagkaloob mo nawa sa amin at sa lahat ng tao na masupil ang aming sariling kalooban,2 at walang pagtutol na makasunod sa Iyong kalooban,3 na ito lamang ang tanging mabuti; upang ang bawat-isa ay masunod at magawa ang tungkulin at pagkatawag4 sa amin ng buong puso’t katapatan tulad ng mga anghel sa langit.5
Sagot: "Bigyan Mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw.."1 na ang ibig sabihin ay, marapatin Mo nawa na ipagkaloob sa amin ang lahat ng mga bagay na kinakailangan ng aming katawan,2 upang nang sa ganon ay makilala Ka namin na tanging pinagmumulan ng lahat ng mabuti,3 at na ang aming pangangalaga pati na ang aming kasipagan kahit na pati ang Iyong mga kaloob ay bale-wala kung wala ang Iyong pagpapala;4 kaya nga hindi dapat kaming magtiwala sa mga nilikha kundi sa Iyo lamang.5
Sagot: "At patawarin Mo kami sa aming mga utang, gaya rin namin na nagpapatawad sa mga may utang sa amin."1 na ang ibig sabihin ay, marapatin Mo nawa alang-alang sa dugo ni Cristo na huwag mong ibilang sa aming mga makasalanan ang aming mga nagawang paglabag sa Iyong kalooban, pati na aming kasamaan na laging nakakapit sa amin;2 yamang aming nararamdaman ang patunay ng Iyong biyaya sa amin ay matiim ang aming pasiya na buong puso naming patawarin ang aming kapwa.3
Sagot: "At huwag Mo kaming dalhin sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masamS.."1 na ang ibig sabihin ay, yamang kami’y mahihina ay hindi namin kayang mapanghawakan ang aming sarili kahit isang saglit,2 at yamang ang aming mga mortal na kaaway, ang diyablo,3 ang sanlibutan4 at pati na ang aming sariling laman5 ay hindi tumitigil sa paglaban sa amin, ay marapatin mong kami’y Iyong pangalagaan at patatagin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Iyong Banal na Espiritu, upang hindi kami magapi sa espirituwal na pakikibakang ito, kundi patuloy at walang humpay na kalabanin ang aming mga kaaway6 hanggang sa kahulihulihan ay magtamo kami ng lubos na tagumpay.7
T. 128. Paano mo tatapusin ang iyong panalangin?Sagot: "Sapagkat sa Iyo ang kaharian, ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman."8 na ang ibig sabihin ay, lahat ng mga ito ay aming pong hinihiling sa Iyo, sapagkat Ikaw, bilang aming Hari at Makapangyarihan, ay may kakayahan at maluwag sa iyong kalooban na ipagkaloob sa amin ang lahat ng mabuti;9 lahat ng ito ay aming ipinapanalangin upang hindi kami kundi ang Iyong banal na pangalan lamang ang maluwalhati magpakailan pa man.10
T. 129. Ano ang kahulugan ng salitang ‘Amen’?Sagot: Ang kahulugan ng Amen ay, tunay at tiyak na mangyayari; sapagkat ang aking panalangin ay tiyak na mas pinapakinggan ng Diyos kaysa sa aking paghahangad na mahiling ang mga bagay na ito sa Kanya.11
A newsletter/journal published in Filipino (Tagalog dialect) as a ministry of the denomination of Bastion of Truth Reformed Churches in the Philippines. It is primarily a means of instruction as well as a medium to proclaim and explain the convictions of the BTRC concerning the Gospel of God's sovereign particular grace in salvation.